70 ; celes

C E L E S

Friday | 3:10 pm

"Sumasakit na ang ulo ko sa mga subjects natin! I hate finals talaga." sabi ni Maxy pero hindi ako sumagot.

"Hoy! Earth to Celes! Nage-exist ako dito 'di mo manlang ako pinapansin? Five days ka ng ganyan jusme! Kung ayaw ka ng pansinin ni George edi 'wag mo na rin s'yang pansinin para fair lang diba?"

"Ang hirap naman no'n Maxy lalo pa't nasanay na 'ko na lagi kaming nag-uusap."

"Hirap talaga magmahal."

"Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko alam 'yung reason kung bakit 'di n'ya ko pinapansin."

"So, tatanungi- Hoy Celes!" hindi ko na pinatapos si Maxy sa sinasabi n'ya dahil tumakbo ako para hanapin si George.

Hindi talaga ako matatahimik 'pag hindi ko malalaman ang reason ni George kung bakit ba gano'n nalang agad-agad ang turing n'ya sa 'kin.

Parang noong sabado lang ang saya-saya pa namin sa mall tapos biglang ganito?

Tumakbo ako ng tumakbo kung saan-saang part ng school hanggang sa makita ko sila ng mga kaibigan n'ya na naka-upo sa field.

Tumigil ako sa pagtakbo at huminga muna ng malalim saka lumapit sa kanila.

Hindi nila ako nakikita na lumalapit sa kanila kasi nakatalikod sila sa 'kin.

"Be- I mean, George." tawag ko kay George tapos naglingunan silang pito.

Ang daming George ha?

Tinignan lang ako ni George tapos tumingin na ulit sa naglalaro ng badminton.

"Hoy gaga, tawag ka ni Celes! Gagang 'to!" sabi ni Jasper at hinampas pa sa braso si George.

Narinig ko ang malalim na paghinga ni George tapos tumayo s'ya at hinarap ako.

"Ano bang kailangan mo?!" inis n'yang tanong.

"Bakit mo ba ko nilalayuan? May problema ba George? Mababaliw na ko kakaisip kung bakit mo ba ko hindi pinapansin kaya sana naman sabihin mo sa 'kin 'yung dahilan kung bakit mo ba 'ko nilalayuan."

"Gusto mo ba talagang malaman ha?" sarkastiko n'yang tanong habang natawa rin ng sarkastiko. Nagtaka naman ako kasi tumayo si Vincent at hinawakan ang kaliwang braso ni George.

"Bakit?" malungkot kong tanong.

"Nabibwisit na 'ko sa pagiging maharot mo!" naiinis n'yang sabi.

"Napakakulit mo, ginugulo mo ang buhay ko."

"Akala mo ba natutuwa ako sa pinaggagagawa mo ha? Akala mo ba totoo 'yung pakikisama ko sa'yo?"

"Sinakyan ko lang ang trip mo because I'm just bored!" sabi n'ya pa na nagpabasag sa puso ko.

"KAYA PUTANGINANG MALANDI, KA LAYUAN MO NA 'KO!" nagulat ako dahil sinigawan n'ya ko kaya ang ibang tao dito sa field ay napatigil sa mga ginagawa nila at napatingin sa 'min.

"George, ano ba?!" galit na sabi ni Vincent kay George at pinalo pa ang braso ni George tapos tumayo na rin ang lima.

"Grabe ka na George." Jasper habang umiiling.

"Kung gusto mo palang lumayo ako sa'yo sana dati mo pa sinabi para hindi ako nagmukhang tanga na naniwala sa kasinungalingan mo."

"Pero salamat na rin kasi kahit papaano pinasaya mo ko sa kasinungalingan mo. Salamat din sa pagpapaasa sa 'kin." nakangiti kong sabi sa kanya at kasabay ng pagtalikod ko sa kanya ay do'n na pumatak ang mga luha ko. Humawak ako sa dibdib ko kahit na wala akong dibdib. Ang sakit sobra.

Salamat George, salamat dahil pinaasa mo ko.

-

Baby you're a liar 🎶 Pero habang tina-type ko talaga 'to Boy meets evil ang tugtog ko HAHAHAHA! 😂 Bes, kapit lang mga bes ✌

PS: edi inamin n'ya na ring wala talaga s'yang dibdib, mabuhay!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top