56 ; celes

C E L E S

Monday | 11:14 pm

Nakatingin ako sa screen ng phone ko at nagbabakasali na magte-text o magcha-chat manlang sa 'kin si George para batiin ako pero hanggang ngayon ay wala parin akong napapala dahil kanina pa 'ko naghihintay pero wala parin.

Hindi nga s'ya nag-online ngayon eh.

Huminga ako ng malalim at nahiga sa kama ko.

"Kaiyak naman 'to." sabi ko sa sarili ko saka tumingin sa kisame.

Biglang kong narinig ang phone ko na tumunog kaya napatayo agad ako at tinignan agad ang phone ko.

Ay, umasa nanaman ako. Si Maxy lang pala ang nag-chat.

-

11: 17 pm

Maxy: bes! anuena? binati ka na ba kahit sa timeline mo lang?

Celes: wala pa nga eh 😭

Maxy: sabi ko nga.

Celes: kaiyaq bes diba?

Maxy: ano ba naman kasi yang bebe mo, kung kelan naman birthday mo saka sya um-absent.

Celes: ano pa nga ba? saka sino nga naman ako para batiin n'ya, diba?

Maxy: may pinagsamahan narin naman kayo kaya dapat lang nabatiin ka n'ya 'no!

Celes: hays, bahala na bes.

Maxy: matulog ka na bes, wag mo na asahan yung bebe mo.

Maxy: sorry talaga kasi ako pa ang nagpu-push sayo na babatiin ka nga ni George.

Celes: ok lanf bes, kahit naman na hindi mo 'yun sinabi aasa parin naman ako.

Celes: lang*

Maxy: hays, sige na goodnight na.

Celes: goodnight :>

✔ Seen 11:23 pm

-

Kinuha ko ang photo card na binigay sa 'kin ng anim na bakla saka tinignan ang isa sa picture ni bebe ko.

"Hoy bebe ko! Ano na? Babatiin mo ba ko, ha? Kasi patuloy akong nag-aabang na batiin mo ako, patuloy akong umaasa sa'yo bebe ko ano ba?" sabi ko sa picture n'ya kahit 'di naman ako sasagutin nito at parang tanga lang na nagsasalita mag-isa.

Sabagay, dito naman kasi ako magaling. Magaling ako magpakatanga. Talent ko na ata ang maging tanga.

Ano pa bang bago diba?

Naglaro nalang ako sa phone ko ng kung ano para malibang ko naman ang sarili ko.

Ano ba Celes? Birthday na birthday mo nagpapaka-miserable ka d'yan ha?

Lalaki lang 'yan ano ba? I mean, beki pala.

Mga ilang minuto na rin ata akong naglalaro ng biglang nag-pop ang messenger ko.

Agad akong napatayo dahil ang dp ni bebe ko ang nag-pop at isa lang ang meaning no'n, si bebe ko ang nag-message.

-

11:54 pm

George: lumabas ka ng bahay n'yo.

Celes: ha? bakit?

George: Basta lumabas ka nalang now na! Dami pang tanong eh?!

Celes: ok! ito namang si bebe q galit agad eh.

✔ Seen 11:55 pm

-

Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto ko para bumaba at ng makababa na 'ko ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng bahay namin kasi baka magising sila mama at baka pagalitan ako.

Nang makalabas na ako ng tuluyan sa bahay namin ay tinignan ko ang buong paligid.

Taena, ako ba pinaglololoko lang ni bebe q?

Kung jino-joke time n'ya 'ko, hindi nakakatuwa promise.

"Ay puta!" nagulat ako ng may biglang nangalabit sa 'kin kaya napaharap ako kung sino man 'to.

Pagkaharap ko ay mukha ng pusa ang nakatapat sa 'kin.

"11:59 na, Happy birthday Celes." rinig kong bati ni George tapos inalis na sa mukha ko ang pusa.

"Bebe ko!" mangiyak-ngiyak kong sabi at hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin s'ya.

"Hoy chaka, naiipit 'yung pusa ano ba."

"Ay, sorry." sabi ko at kumalas na sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan ang luha ko.

"Para kang tanga d'yan, 'wag ka nga umiyak mas lalo ka tuloy pumangit chaka." sabi n'ya habang tumatawa.

"I hate you bebe ko!"

"Pero I love you parin!" dugtong ko pa.

"Ewan ko sa'yo, oh." sabi n'ya tapos inabot ang pusa sa 'kin.

"Persian cat 'to diba?" tanong ko at kinuha ang pusa n'ya.

"Ang kyeopta kyeopta naman talaga nitong meow meow mo, hi meow meow!"

"Tanga, meow meow ko raw! Sa'yo 'yan gaga!" nagulat ako sa sinabi n'ya at tinignan s'ya.

"Seryoso ka ba?"

"Oo, gagang 'to!"

"Thank you bebe ko!" ngiting-ngiti kong sabi. Tinignan ko naman kung babae ba o lalaki ang pusa at nakita ko namang lalaki 'to.

"Boy si meow meow ko? Ano kayang pwedeng name mo meow meow ko?" pagka-usap ko sa pusa.

"Ah, alam ko na! Ang name mo na ngayon ay Flynn."

"Second name ko pa talaga ang pinangalan mo ha?" mataray na tanong ni bebe ko.

"Cute cute nga eh. Para tuwing nakikita ko si Flynn, ikaw ang maalala ko. Diba Flynnie ko?" sabi ko sa kanya tapos tinignan ang pusa.

"Okay, sabi mo eh. May magagawa pa ba 'ko?" sabi n'ya at umirap pa.

"Ba't 'di ka pala pumasok kanina?"

"Wala ka ng pake do'n!" sabi n'ya at nag-cross arms pa.

"Sungit mo nanaman. Pero akala ko talaga 'di mo na 'ko babatiin walangya ka!" pinalo ko 'yung braso n'ya.

"Aray ko chaka ha?! Makapalo eh!" hinimas n'ya 'yung braso n'yang pinalo ko.

"Pero plano ko na talaga na 11:59 ka batiin." sabi n'ya ng seryoso.

"Ha? Ba't naman?" takang tanong ko.

"Para ako 'yung huli mong maaalala sa huling minuto ng birthday mo." seryoso n'yang sabi.

Nagulat naman ako sa sinabi n'ya at bahagyang napanganga.

Nanibago ako sa kanya kasi ang seryoso n'ya ngayon, parang hindi s'ya beki gano'n?

Binalot kami ng katahimikan at nagtitigan lang kami.

Sandali pa ay binasag n'ya na ang katahimikan.

"Masyado na kasing common na maghihintay ka ng 12:00 ng umaga para ikaw ang bumati, 'di ba chaka?" sabi n'ya na bumalik na ulit ang beki vibes n'ya.

Mas gusto ko 'yung seryoso bebe ko ano ba!

"Oo nga naman." sabi ko at tumawa ng peke.

"Ehem." nagulat kaming pareho ng may biglang umubo ng peke, si Mama pala.

"M-ma! Hello!" peke akong ngumiti para matago ko 'yung takot ko.

"Hello po." sabi ni George tapos nag-bow pa s'ya kay Mama.

"Iho, 12:14 na ng hating gabi, baka mapagtripan ka n'yan sa daan 'pag umuwi ka."

"Don't worry po, may sundo naman po ako." sabi n'ya tapos tinuro 'yung puting kotse sa 'di kalayuan.

"Sige na iho, umuwi ka na. Kung may pinag-uusapan kayong dalawa, ipagpabukas n'yo nalang." mahinahon na sabi ni Mama.

"Sige po, bye po, bye Celes." sabi n'ya tapos tumalikod na at naglakad papunta sa kotse nila.

"Bye, ingat ka." sabi ko.

Nang makaalis na ang kotse nila, pumasok na kami ni Mama sa bahay.

"'Yun ba 'yung kinukwento mo sa 'kin na crush mong bakla?" tanong ni Mama.

"Opo, s'ya nga."

"Ang gwapo ha, sayang s'ya."

"Oo nga po eh."

"Pero mukhang may pag-asa ka naman."

"Ano ma?"

"Wala, sabi ko matulog ka na at baka magising Daddy mo tapos ang cute n'yang pusa mo." sabi n'ya tapos umakyat na.

Narinig ko naman 'yung sinabi n'ya pero hindi ko alam kung maniniwala ba 'ko.

Hays, hirap umasa.

"Flynn ko, let's sleep na ha?" nakangiting sabi ko sa pusa ko at umakyat na kami.

Ang saya ko ngayon, binati n'ya 'ko.

-

Na-type ko na rin s'ya sa wakas 😂 Madadalian na kong tapusin 'to mygat huhu 😭 Ayoko pang tapusin 'to pero wala akong choice hahaha 😂 Pero magka-comeback talaga ang Oh my girl eh kaso lang 'di raw makakasama ang JinE q? kaiyaq 😭 Nagpapagaling pa ang baby ko huhu.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top