55 ; celes
C E L E S
Monday | 6:49 pm
"Happy birthday, Celes!" sabi sa 'kin lahat ng iba kong kaklase pagkabukas na pagkabukas ko palang ng pinto ng room.
"Thank you guys!" tuwang-tuwa kong sabi at tumingin sa buong room pero hindi ko manlang nakita si bebe q.
Pati nga rin si Maxy eh, sigurado namang late 'yun eh.
"May regalo ako sa'yo Celes!" sabi ni Luke sa 'kin tapos linapitan ako ng bakla tapos may inabot sa 'kin na nakabalot na maliit. Binuksan ko agad ito at napanganga sa laman kaya sinapak ko ang bakla.
"Gaga ka talaga! Condom talaga?!" gulat kong sabi.
Hays, 'di parin ako nasanay dito sa fetus na bakla na 'to dahil taon-taon n'ya nalang akong nireregaluhan ng kung ano-anong kagaguhan. Last year nga ang niregalo ba naman sa 'kin diaper?!
"Baka lang magamit ni George sa tamang panahon." natatawa n'yang sabi.
"'Di pala nanonood ng yadong ha?" rinig kong sabi no'ng transferee na si Alyssa na halatang pinaparating n'ya kay Luke.
May something dito sa dalawang 'to eh, 'di ko lang alam kung ano.
"Hay nako Luke, malulubog na talaga kita sa drum." sabi ko sa kanya.
"Edi bongga para maging sirena na ko! Dyosong sirena!" sabi n'ya with high note pa.
"Napakaharot eh." iiling-iling kong sabi tapos tinapon ang condom.
"Ito na nga." sabi n'ya tapos may inabot sa 'kin na nakabalot nanaman.
"Ano 'to? Baka kalokohan nanaman 'to ha?"
"Hindi ah! Pinagtulung-tulungan naming anim 'yang nasa loob 'no!" sabi ni Jasper.
"Wow, touch naman ako sa inyo!" sabi ko tapos binuksan na ang regalo at nagulat ako sa nakita ko.
PHOTO CARD NI BEBE Q?!!
OMAYGAT!
Nasa 50 pieces rin ata 'to jusme!
Tignan ko isa-isa ang photo cards at puro stolen ni bebe q. Kung titigan mo nga s'ya dito parang hindi s'ya beki mygat!
"Thank you mga bakla!"
"No problem Celestina chorva!" sabi ni Harvey.
"Ingatan mo 'yan, mahal din 'yan." sabi ni Clyde.
"I know!"
"May regalo pa kami, 'yun girl." sabi ni Jasper tapos tinuro ang desk ko at may nakalagay ngang mga regalo do'n.
"Thank you!" tuwang-tuwa kong sabi tapos lumapit sa desk ko.
"Happy birthday girl!" sabi pa nilang anim.
"Thank you talaga!" sabi ko pa saka naupo na.
"Bes!" bigla kong narinig si Maxy kaya napatingin agad ako sa pinto at ang gaga may bitbit pa na balloons tapos regalo.
Tinago ko muna 'yung photo cards ni bebe q sa bag at nginitian si Maxy.
"May pashneya!" sabi ni Clyde kaya si bes inirapan si Clyde. Lumapit naman s'ya sa 'kin tapos inabot ang regalo n'ya tapos 'yung balloons naman tinali n'ya muna sa sandalan ng upuan ko.
"Buksan mo bes." ngiting-ngiti n'yang sabi kaya binuksan ko agad.
"Wings album?! Omaygat bes? Is this real? Thank you bes!" mangiyak-ngiyak kong sabi tapos yinakap s'ya.
"'Yung YNWA kasi 'di ko naabutan 'yung pre-order kaya 'yan muna, sorry."
"Ano ka ba! Okay na 'to bes 'no, thank you!"
"Ikaw pa ba bes? Sino nga pala ang tinawag mong barat ulit?"
"Wala!" natatawa kong sabi.
"Sino nagbigay n'yan?" tanong ni Maxy tapos tinuro 'yung nasa desk ko.
"'Yung anim na bakla."
"Taray ha?" sabi n'ya tapos tumingin kay Nathan.
"Si Nathan kaya reregaluhan ako sa birthday ko?" bulong n'ya pa sa kin.
"Why not diba?" natatawa kong sabi.
"Si bebe mo pala nasan na?" tanong n'ya sa 'kin.
"Ewan ko nga eh."
"6:58 na wala pa din s'ya."
"Oo nga eh." huminga ako ng malalim.
"Binati ka n'ya sa facebook?"
"Ewan ko."
"Tignan mo dali." sinunod ko naman ang sinabi n'ya at agad na kinuha ang phone ko para tignan ang facebook ko pero wala akong napala.
"Wala bes." malungkot na sabi ko at tinago nalang ang phone ko.
-
Dismissal na at naglalakad na kami ni Maxy palabas ng school.
Oo masaya ako kasi nakatanggap ako ng materyal na bagay pero iba parin 'yung may bumabati sa'yo kasi alam mo na part ka na rin ng buhay nila.
Pero hindi ko parin magawang maging masaya kasi hindi n'ya manlang ako binati kahit sa fb lang tapos absent pa s'ya ngayon.
"Ano na kayang nangyari do'n kay bebe mo? Ba't ngayon pa s'ya um-absent?" tanong ni Maxy pero nagkibit-balikat lang ako.
"Uy, smile naman d'yan! Birthday na birthday malungkot eh?"
"Sorry bes, wala talaga ako sa mood na magsaya."
"Sorry bes kasi pinush ko pa na babatiin ka nga ni George."
"Okay lang bes."
"Smile ka na kasi, dami mong gift oh." sabi n'ya tapos nginuso ang paper bag na dala ko. Nasa loob nito 'yung mga regalo nila. Buti nga may paper bag si Maxy sa locker n'ya kundi hindi ko na nabitbit 'yung iba dito.
"Kaloka nga eh, puro chocolates 'yung iba dito. Gusto ata nila na sumakit ngipin ko eh." natatawa kong sabi.
"Ayan, tumawa ka na rin."
"Ano kayang regalo no'ng anim na bakla sa 'kin? 'Di ko pa nabubuksan eh at baka mamaya bomba na pala 'to."
"Sira." natatawa n'yang sabi tapos inagaw sa 'kin 'yung balloons na binigay n'ya sa 'kin at pinalipad ito.
"Uy! Ba't mo pinalipad?!"
"SANA MAGKATULUYAN SI GEORGE AT CELES!" tuwang-tuwa n'yang sabi habang nakatingin sa mga lobo.
Nagsitinginan naman sa kanya ang ibang estudyante.
"Uy, gaga ka talaga!" natatawa kong sabi.
"Ako pa."
"Pero thanks sa support."
"You're welcome!"
"Celes!" pagkalabas na pagkalabas namin sa school may biglang tumawag sa 'kin kaya napalingon kaming pareho ni Maxy.
"Bakit?"
"Bibigay ko lang 'yung regalo ko, 'di ko kasi nabigay kanina dahil may practice kami. Happy birthday Celes." nakangiti n'yang sabi tapos inabot sa 'kin 'yung hawak n'ya.
"Salamat pero kingina mo parin."
"Alam ko naman 'yun."
"Edi mabuti." sabi ko tapos kinuha na ang hawak n'ya.
"Basta 'pag sinaktan ka ng bebe mong bakla, nandito lang ako." seryoso n'yang sabi tapos tumakbo na ulit papasok ng school.
"Mukhang seryoso talaga 'yang si Darwin." sabi ni Maxy. Umiling lang ako at nagkibit-balikat.
Buti pa si Darwin binati ako, si bebe ko kahit sa chat or text lang hindi bumati.
-
Sejun as Darwin
-
Please read:
Magnanakaw ng Gluta | m.yoongi
Childhood frenemy | j.jungkook
•chat my heart series #4 will be posted if ever na matapos ko na 'to.•
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top