23 ~ IMAGINE
CHAPTER TWENTY THREE
DINAMDAM ni Yelena ang nangyari kay Meadow. Ilang araw din siyang nawalan ng gana at kahit ang pag visita sa opisina ni Zacariel ay hindi niya magawa.
Sa tuwing naiisip niya si Francha, ang mga ibinato nitong masasakit na salita sa kanya, at sa ginawang pag balibag sa pusa niya, bumabalik ang pait sa dibdib niya. Pakiramdam niya, hindi sapat ang sampal niya sa babae. Hindi niyon mapapawi ang sakit na naramdaman ng alaga niya.
Yelena's mother kept on reminding her about her internship soon. She's a graduated student and taking BS Tourism Management. Sa lahat ng kurso, iyon lang tangi ang alam niyang medyo magagamit niya ang hilig niya sa fashion. Her classmates used to admired her the way she dressed and the way she created a design even just for a little things.
"Santi will help me look for airlines for my OJT, mom. I'll let you know once we get one."
On the screen of her MacBook, is her mother who's having her manicure and pedicure at home. She have mask on her face too. She's really pampering herself. Medyo naiinggit siya. She needs that kind of treatment too. She has been stressed for last few days. Baka pumapangit na siya. Hindi 'yon pwede!
"Okay. Ayoko lang na makalimutan mo 'yon. Anyway, how are you there? You looked lonely. Mabuti nalang Meadow is there with you."
"I'm good. I'll see Zacariel for dinner like usual."
"Hindi ka ba bumibisita sa opisina niya?"
"He's very busy. I don't want to disturb him."
Kahit na nagsabi naman si Zacariel na pwede siyang bumisita, mas pinili niya huwag muna. Baka masalubong niya pa doon si Francha! Masisira lang ang araw niya.
Umismid ang mommy niya na para bang hindi naniniwala sa kanya. Palagi naman siya nitong pinagdududahan.
"Dapat lang, Yelena. He's working hard for your future. Wag mong istorbohin. Dapat nga ay umuwi ka nalang dito. Wala ka naman ginagawa diyan sa condo, anak."
Pumasok din 'yon sa isip niya. Gusto niyang i-uwi na muna si Meadow. Baka namimiss na rin nito ang ambiance sa Casa Alta. Bukod pa do'n, naroon din ang ibang pusa na pwede nitong makalaro.
"Sasabihin ko po kay Zacariel."
"Send my regards to him."
"Okay mommy."
The video call ended after a few moment.
Ilang oras din niyang pinag-isipan kung uuwi ba talaga siya? Paano kung umuwi siya tapos ay na-miss niya si Zacariel? Babalik na naman siya sa Maynila kung gano'n nga?
Bago siya mag desisyon, dapat na masigurado niya na hindi niya pagsisisihan kapag ginawa niya na.
"Gusto mo bang umuwi na sa Casa Alta, Meadow? Para may kalaro ka," kausap niya sa pusa niyang nasa tabi niya nakahiga.
Meadow meowed. Hindi niya sigurado kung oo o hindi ba ang sagot nito.
"Pwede kitang ihatid doon. Dahil sigurado ako na babalik din ako dito. Magdadagdag lang ako ng mga gamit at damit ko. I'll have my internship here. Kapag na-ayos ko na ang mga papel na kakailanganin ko, aalis na ako ng Casa Alta. Ayos lang ba sayo 'yon? Ilang buwan akong mawawala. Pero bibisitahin naman kita eh."
Dinala niya si Meadow sa kandungan niya at hinaplos ang malambot nitong balahibo.
"Paano pala kapag mag asawa na kami ni Zacariel? Hindi ka pwedeng tumira sa amin kasi allergic siya sa fur mo. Paano na 'yan?"
Dumaan ang lungkot sa kanya nang maisip ang tungkol sa bagay na 'yon. Hindi niya naman kaya na araw-araw babahing si Zacariel dahil kay Meadow.
Mukhang wala naman pakialam ang pusa niya. Nag-me-meow lang pagkatapos niyang magsalita na para bang iyon ang sagot sa kanya.
Yelena took a shower when Zacariel texted her that he's on his way home. Ganon palagi ang routine nila tuwing gabi. Doon siya sa penthouse kakain ng hapunan. Minsan, doon din siya natutulog. Babalik lang sa unit niya kapag papasok na sa trabaho ang kasintahan.
For that night, they decided to eat outside. Iniwan niya si Meadow na naglalaro sa sala at si Anita naman ay nanonood ng teleserye sa TV.
Wearing a dark brown satin cowl neck short dress and paired it with ankle strap sandals, she met Zacariel at the lobby. She also tied her wavy hair in a half-up high ponytail. And that emphasize her beautiful face.
He looked darkly handsome with his grey long sleeves polo that folded on his arms, khaki pants and leather shoes. His eyes were directly looking at her and it made her heart race just like that.
She waved her fingers cutely at him when she got out from the elevator.
His hand automatically went on her waist the moment she got near him. Then he crouched a bit to kiss her cheek.
"You looked stunning," he whispered.
"Thank you. You looked handsome though."
That made him chuckled.
Sigurado siya na sanay naman ito sa papuri ng ibang tao. At talaga rin naman na magandang lalaki ang Guerrera na ito.
They are inside his expensive black car when Santi texted her.
From: Santi
The airlines that I was talking about is no longer open for a new trainee. I'm sorry, Yelena. Paano kaya ito?
She sighed. Napansin agad 'yon ni Zacariel kaya sinulyapan siya bago inilapag ang palad sa ibabaw ng hita niya.
The hem of her dress didn't covered her thighs making her feel his warm callous palm on her skin.
"Is there something wrong?"
Yelena put back her iPhone inside her evening purse. Mamaya niya nalang kakausapin si Santi.
"Uh, Santi just informed me that the airlines that I was supposed to do my internship is no longer accepting a new trainee. Kailangan kong maghanap kung saan pwede ako."
"We can ask for help. You know, Villamor Air?"
"Yeah. I know that. Hindi ba mahirap makakuha ng slot sa kanila? I heard, strict ang management."
Villamor Air is an airline company that was first known to provide an exclusive and private flights. Their planes and choppers were mostly used by wealthy people who wanted a very convenient travel by air. Then they started to do commercial flights too. Kaya mas nakilala pa sa publiko at tuluyang lumago.
"We know the current CEO. I can talk to him to give you a slot."
Namamangha siya sa paraan kung gaano kalawak ang koneksyon ng mga Guerrera pag dating sa mundo ng pagnenegosyo. Gano'n yata talaga ang mga negosyante. They need connection, resources and power to keep going.
"Really? S-sure! Sana mayroon pa."
"No worries. I'll let you know once I talked to the CEO."
They entered inside Altaraza Hotel after a long while. Zacariel reserved them a table at the restaurant. The jazz music and the dimmed and candle lights made the ambiance romantic.
Yelena is aware that Zacariel noticed her lost of interest on visiting him on his work place. Hindi na nito kailangan magtanong kung bakit dahil alam na ang sagot.
They ordered their foods and the drinks were served first. They both having a glass of wine.
"Naisip kong ibalik si Meadow sa amin," panimula niya.
Zacariel sipped on his wine without breaking their eye contact. Kagaya ng palagi niyang nararamdaman dito sa tuwing magkasama sila, ang makatitigan ito sa malapitan ay hindi lang nagpapamangha sa kanya ng husto, pati ang sana'y normal na pintig ng puso niya ay apektado rin.
"Aasikasuhin ko rin ang mga papers na kailangan para sa internship ko. I'll be back here once I got the documents."
Marahan itong tumango.
"You can still stay in condo while you're doing your internship. You might want to bring more of your stuffs there."
Yelena nodded her head slowly. She's thankful that he provides her things that she needs whenever she's away from home. Kaya hindi niya rin masyado inaalala ang tutulugan niya, ang pagkain, at kung anomang personal na kakailanganin dahil kusang loob nitong inaalay sa kanya ang mga 'yon.
Sa katunayan nga niyan, ibinigay sa kanya ni Zacariel ang isang card nito para may magamit siya kung sakaling gusto niyang kumain sa labas, o kung may gusto man siyang bilhin.
The good thing about her is, she doesn't really taking advantage on what he gave her. Nahihiya rin kasi siya na bumili ng hindi niya naman talaga kailangan. Isa pa, binigyan din naman siyang ng allowance ng mommy niya at ng kuya Russo niya. She needs to save and she wants to also learn how to budget her allowance.
Paano kung mag asawa na sila ni Zacariel? Dapat kahit papano ay alam niya naman humawak ng pera. Pero naisip niya rin na... ayaw niyang siya ang mag manage ng pera nito. Parang malaking responsibilidad 'yon. Para sa kanya, mas makabubuti na si Zacariel nalang ang bahala na mamahala niyon. Hindi naman 'yon sa kanya. Hindi niya pinaghirapan. Hindi niya pinagpaguran na kitain.
Ang layo na nang narating ng pag-iisip niya. Ang kaharap niya naman ay nakatitig lang sa kanya. Na para bang kahit yata magdamag nitong gawin 'yon sa kanya, hindi man lang magsasawa.
It's a beefsteak dinner date. They eat and talk casually.
"Kailan ang plano mo na bumalik sa inyo?" He asked before he took another sip of wine.
"This weekend?"
"Sumabay ka na sa 'kin. Uuwi ako sa hacienda."
"Hanggang kailan ka do'n?"
"Babalik din ako dito Lunes ng maaga."
"You gonna ride to a chopper?"
"Uh-huh."
Just recently, she discovered that Guerreras purchased their own private chopper. Their huge land even have an airstrip and also a helipad. Gano'n kalawak ang lupain ng mga ito. Not to mention their 800 hectare coconut plantation!
Siya ngang lumaki sa malawak na lupain at kilala ang pamilya Guerrera na gano'n nga ang estado ng mga lupain, ay nalulula pa rin. Paano pa kaya ang ibang tao?
"Do you always use a chopper to go back and forth to Manila?"
"Not always. If I have time, I travel by land."
"How 'bout your siblings? They use chopper too if they want to go here?"
Zacariel shook his head. "Zakia and Zalanna likes to travel by land. Silang dalawa lang naman ang madalas dito sa Manila."
Sabagay, Zarick is busy on their dairy farm in hacienda. And at the same time he's the one in charge to run the coconut plantation there.
While at this moment, Zacarias is in Manila. Hindi lang sila nagtatagpo pa at hindi niya rin alam kung bakit. Siguro ay abala.
And compared to his two brothers, Zacariel is the one who didn't really stay in Hacienda Guerrera. Kaya siguro, imbes na si Zarick ang dapat na mamahala sa opisina sa Maynila, ito na lang? Gano'n kaya talaga ang nangyari? Now, she's curious like a cat.
The dessert was served after a long while. She have her banana flambe with vanilla ice cream. Zacariel just have another glass of wine.
Yelena tasted it and smiled. Then she scoop enough amount and put the spoon on his mouth. Wala itong nagawa kundi ibuka ang bibig at tanggapin ang inihandog niya.
"Noong umalis sa GCP si kuya Zacarias, inaasahan mo ba na ikaw ang papalit sa kanya?"
He nodded his head. He's that confident that he's the one who gonna run their business though. At sino bang hindi magiging kampante? Kung sa una palang ay alam na nito na isa ito sa hahawak ng negosyo ng pamilya nila?
"Kuya Zarick hates Manila. He'd rather stay in hacienda than be here. Kaya alam kong, ako talaga ang mapupunta rito kahit noon pa man."
"Mahilig pala siya sa mga baka..." nasabi niya, tapos ay muling dinala sa labi ang spoon na may ice cream. "...kaya siguro mas pinili niyang pamahalaan ang dairy farm ninyo."
Sinundan ng mga mata nito ang ginawa niya. Then his brow shot up when she licked her lower lip.
"Hindi naman ang mga baka ang dahilan ni kuya kaya pinili niyang manatili sa hacienda," he chuckled.
Dahil sa sinabi nito, nagkaroon tuloy siya ng ideya.
Living near their dairy farm is Ataliana. The two has a relationship now. That made sense.
"I know right. Kaya ayaw na talaga dito ni kuya Zarick dahil nasa dairy farm si Ataliana."
Natawa lang ulit ang kasintahan niya na para bang kukutsain ang kapatid kung naroon lang at kasama nila.
"Paano kung ako naman ang manatili sa hacienda, pipiliin mo bang mag stay din do'n? O dito ka talaga magtatrabaho?"
"Masuwerte ako dahil hindi gano'n ang sitwasyon natin, Yelena. But if that's our case, I'd surely stay wherever you are so that I could be with you all the time."
That put a smile on her lips. She could almost feel the butterflies on her stomach.
Napainom siya ng malamig na tubig para lang itago pansamantala ang ngisi na gustong kumawala sa kanyang labi.
After they ate, she went to the restroom to retouch. While Zacariel is paying their bills.
Pagkalabas niya, hindi niya inaasahan ang lalaking nakasandal sa pader ng hallway.
Khalid Fonseca on his tux, is looking directly at her.
Inalis nito ang mga kamay sa may bulsa at umayos sa pagkakatayo nang makita siya.
Yelena don't really know what to feel. Matagal na panahon na silang hindi nagkita. Pero maayos ang ala-ala na naiwan nila sa isa't-isa.
"Khalid," she muttered and hurriedly went to him.
"Yelena," the smile on his tone was heard.
Mabilis niya itong niyakap. Naramdaman niya bigla ang pagkamiss sa dating kaibigan.
Khalid's patted her back after he hugged her back.
"How are you? I haven't heard from you for a long time. I am surprised to see you here, Khalid."
They kept their little distance. He really changed a lot. From his face to his physique. He matured too. His beard is trimmed properly. But there's a different feeling on his eyes... she couldn't explain.
"I just got back from States. I really liked to see you. To talk to you, Yelena."
Ano ba ang pag-uusapan nila? Tungkol kaya sa naudlot na sana ay pagpapakasal nila?
"But maybe some other time. I saw you with Zacariel."
Nilingon niya ang restaurant kung nasaan niya iniwan ang boyfriend niya. Hindi naman din niya matanaw talaga dahil malayo ng kaunti sa hallway kung nasaan sila.
"Uh, yes. Pauwi na rin kami."
"How 'bout I get your number?"
Walang pag-a-alinlangan na ibinigay niya ang numero kay Khalid. Pakiramdam niya ay kailangan din nilang pag-usapan ang tungkol nga na sana ay pagpapakasal nila. Gusto niyang bigyan ito ng kalinawan kung bakit imbes na rito, ay kay Zacariel na siya napunta.
"Text me, okay?" She told him.
Khalid nods his head. Then sighed. "I will."
"I'd like to talk to you too. Let's catch up soon."
A small smile formed his lips. "You are so beautiful, Yelena."
Pabiro siyang umirap sa papuri nito. "Thank you, Khalid. I really need to go."
Kumaway siya rito habang naglalakad palayo. Naabutan niya si Zacariel sa lamesa nila na handa nang umalis. Hinihintay lang din siya.
"What took you so long?" His eyes went to where she came from.
Medyo kinabahan siya at hindi niya mawari kung bakit.
Sasabihin niya ba rito na nakita niya si Khalid? O ililihim niya nalang muna? At bakit siya maglilihim? Hindi ba at gusto niya ay tapat sila sa isa't isa?
"Uh, just bumped into an old friend."
"An old friend?"
Iniwas niya ang tingin dito. "Yes. Shall we go?"
For a moment, Zacariel stared at her. That she needed to fake a damn smile so that he won't doubt her that she's hiding something from him.
Kalaunan, umalis sila sa restaurant. Habang nasa loob ng sasakyan, narinig niya ang pag beep ng iPhone niya. Sa ideyang baka ang mommy niya 'yon o si Santi, kinuha niya 'yon para kumpirmahin.
From: Unregistered Number
Khalid.
When she felt Zacariel's quick glance on her iPhone, she turned the screen off. Then put it back on her purse.
He placed his palm on her thigh.
"Do you wanna stay with me tonight?"
"Sure." She smiled, thinking that they would end up moaning on his bed again.
"Did you take your pills regularly?"
Umiling siya. She missed some days... and she thinks it's fine. Dahil hindi rin naman palagi na may nangyayari sa kanila ni Zacariel. At nararamdaman niya rin naman na hindi nito sa kanya inilalalabas ang likido ng kaluguran pagkatapos nilang magtalik.
"Hindi naman araw-araw o gabi-gabi na may nangyayari sa 'tin, Zacariel. Ayos lang siguro na hindi ko palagi naiinom ang pills ko?"
Halos marinig niya ang pagbuntonghininga nito. He squeezed her leg gently.
"Well, thank you for letting me know that you don't take your pills everyday. I need to be very careful then."
"Hindi naman siguro ako mabubuntis agad?"
He clenched his jaw while his eyes is on the busy road in front of them. His one hand on the steering wheel is just so good in the eyes. Para bang kahit nakapatong lang 'yon doon, ay nagbibigay na ng init sa pagitan ng kanyang mga hita. Kakaiba. Nakakaloka ang nararamdaman niyang 'yon.
"Right? Hindi mo naman sasadyain na buntisin ako? Because you know I still need to do my internship, finish college, then study fashion design."
"Yeah," his voice was raspy.
"Also, it's better to have a baby after we get married. What do you think?"
Hinaplos nito ang hita niya. Para siyang napapaso... halos maramdaman niya ang init sa haplos na 'yon.
"I think that's a good idea."
"My parents won't force us to have a baby. And I think your parents is the same. Besides, baka mauna nang magka-baby ang mga kapatid mo. Kaya... paunahin nalang natin sila."
Natawa ito ng bahagya. Tapos ay sinulyapan siya. Naaaliw sa kanya.
Hindi niya sigurado kung ano ang nakakatawa sa sinabi niya. Seryoso naman siya. But hearing him laugh because of her made her smile. At least, he can make him happy.
"I honestly don't think about having a baby for now. All I want is to marry you, Yelena."
Her heart pounded and swear, if there's no mellow music inside his car, they might hear every damn beat of it.
"I imagine you wearing your wedding gown, down the aisle... smiling at me... while walking towards me..." he muttered gently.
At habang sinasabi nito ang mga larawan niya sa isip nito, ay gano'n na gano'n din ang gumuguhit sa isip niya. Para bang pangarap 'yon na matutupad anomang sandali.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top