Kabanata III

"Hoy, Jude! Anong nangyari?" tanong sa akin ni Jonas nang makalapit siya sa akin. Hinila niya ako palayo roon sa pila. "Bakit ka sinampal ng crush mo?" dagdag pa niya.

"Nabastusan yata siya sa 'kin, tol," saad ko habang nakahawak pa rin sa pisngi kung saan nakatanggap ako ng sampal. Ngunit unti-unting gumuhit ang ngiti sa mga labi ko nang maalala ang pakiramdam ng malamot na kamay ni Stephanie.

"Gago, ba't nakangiti ka d'yan na parang timang?"

"Gagsti, ang lambot pala ng kamay niya," sambit ko. Nabatukan naman ako ni Jonas pero kahit siya lumaki ang tawa sa akin.

"Potek! At nagawa mo pang magpantasya sa gitna ng kahihiyan? Umalis na nga tayo rito at pinagtitinginan tayo ng tao."

Wala na kaming pagpipilian kung hindi ang bumalik sa classroom at pagdiskitahan na lamang ang binaon sa akin ni inay na nilagang kamote. Kahit dito ay hindi natigil ang pagtatawanan at pang-aasar sa akin ng mga kaklase ko. Mukhang nasaksihan nila ang nangyari kanina.

Napasapo na lang ako sa noo ko habang paulit-ulit sa utak ko ang ginawa ko. Bakit ba kasi sa lahat ng oras na tataas ang sundalo ko ay kung kailan nasa harap ko si Stephanie? Malamang ay pag-iisipan niya ako nang masama. Idagdag pa na akala niya ay sinilipan ko talaga siya.

Napatingin ako sa pagitan ng pantalon ko. Punyemas. Nakatayo pa rin. Anong gagawin ko rito?

"Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Jonas nang makita niya akong tumayo.

"Sa c.r."

"Sama ako."

"Gago."

Iniwanan ko na siya roon pagkatapos ko siyang sabihang siya na ang magligpit ng pinagkainan namin. Tumakbo na ako papunta sa c.r. pero bago pa ako tuluyang makarating ay may nakabangga ako. Si Nya Nya. Nang makita niya palang ako ay lumawak na ang ngiti sa mga labi niya. Mukhang alam niya na rin ang nangyari, ah, at mukhang aasarin ako.

"Jude, balita ko—"

Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita. "Hindi 'yon totoo."

Napatingin naman siya sa baba ko kaya tinakpan ko iyon. "Hindi raw? Eh, bakit ka papunta sa c.r.? Magpaparaos ka, 'no?"

Kahit kailan talaga, ang lakas mang-asar nito. Siningkitan ko siya ng mata bago ako naglakad palayo sa kaniya. Nawala na tuloy ako sa mood. Umihi na lamang ako at lumabas.

"Oh, ang bilis mo naman yata?"

Nagulat ako nang makita ko siyang nakasandal sa pader malapit sa pinto. Nakangisi siya sa akin at muli na namang tiningnan ang ibaba ko.

"Pwede ba? Tigilan mo na ako?" puno ng yamot kong wika sa kaniya.

Umiling siya. "Bakit? Naiinis ka na ba? Ano bang kaya mong gawin laban sa akin?"

Hinarap ko siya. Nakakunot ang noo ko at kapwa magkasalubong ang kilay. "Hindi ko alam bakit palagi mo akong pinagti-trip-an. Baka hindi na ako makapagpigil. Nakakalalaki ka na."

"Lalaki ka? Akala ko, bakla ka."

Napakagat ako sa labi ko at sinubukang magtimpi. Hindi ako magagaliting tao pero inuubos niya ang pasensya ko.

Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya. "Ako? Bakla?" Nagngitngit ang mga ngipin ko.

"Bakit? Hindi ba?" mapang-asar niyang sambit sa akin. "Ipakita mo nga sa akin na lalaki ka."

Napahinga ako nang malalim bago ko hawakan ang magkabilang balikat niya. "Huwag mo akong subukan, Niana." Ibinaling ko ang tingin ko sa kaniyang labi na hanggang ngayon ay nakangisi. Sinusubukan niya talaga ako lalo na nang inilapit niya ang mukha niya sa akin at inilagay niya ang kaniyang braso sa balikat ko. Ano ba talaga ang gusto ng babaeng ito?

"Pwede niyo 'yang gawin sa ibang lugar."

Agad na bumaling ang atensyon ko sa nagsalita. Si Stephanie! Automatic akong napalayo mula kay Nya Nya at natuliro. Ano na lang ang iisipin niya?

Tiningnan lang niya ako nang masama bago siya naglakad papunta sa loob ng c.r. Bakas ang panlulumo sa mukha ko. Kanina lang sinampal niya ako dahil nabastusan siya sa akin, ngayon naman nakita niya akong may kasamang babae. Delikado na ako. Sirang-sira na ang imahe ko sa kaniya.

Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ako naglakad palayo sa lugar na iyon pero bago pa ako tuluyang makaalis narinig ko ang sigaw ni Nya Nya. "Saan ka pupunta? May papatunayan ka pa sa akin, hindi ba?"

Napailing na lang ako bago ko siya iniwan.

***

"Oh bakit namumula 'yang pisngi mo?" tanong ng aking inay nang salubungin niya ako sa pintuan ng bahay namin. Napahawak ako sa mukha ko. Hindi na naman mahapdi pero totoong malakas ang pagkakasampal sa akin ni Stephanie kaya hanggang ngayon ay hindi nawawala ang pamumula at parang namamaga pa nga. Pero hindi iyon ang gumugulo sa utak ko, ang inaalala ko ngayon ay si Stephanie. "Wala ito, nay."

Ibinaba ko na sa aking kwarto ang bag ko at saka nagpalit ng damit. Tinulungan ko si inay sa paghahanda ng hapunan namin.

"Anak, wala na pala tayong tubig. Mag-igib ka muna," utos niya sa akin.

"Sige, nay, pero paano po itong sinaing?" tanong ko.

"Ako na ang magbabantay. Punuin mo na lang 'yong drum para makapaligo ang itay mo pagkarating niya."

"Sige po."

Kinuha ko mula sa banyo ang dalawang timba at lumabas upang mag-igib sa poso. Malapit lang naman ang poso mula sa bahay namin kung saan halos lahat ng pamilya sa lugar namin ay doon kumukuha ng tubig. Ang alam ko nga, ipinatayo iyon ng pamilya ni Stephanie para sa amin. Hindi ko namalayang napangiti ako habang nagbobomba ng poso. Napakabuti talaga ng pamilya nila Mang Berting kahit na mayaman sila ay dumadapo pa rin sa kanilang isipan ang tungkol sa mahihirap na katulad namin.

"Dalian mo hijo, may susunod pa sa iyo," suway ng ina ni Stephanie nang makita ako.

"O-opo, pasensya na po."

Napansin kong malapit nang mapuno ang dalawang timba kung kaya't hininaan ko na ang pagbomba.

Kung makikita ko lang sana si Stephanie, matatanggal ang pagod ko pero mukhang ayaw niya nga akong dapuan ng tingin dahil sa mga nasaksihan niya sa akin. Hindi ko na alam kung paano ko pa ipaliliwanag ang sarili ko.

Binuhat ko na ang dalawang timba at tumingin sa harapan na dadaanan ko. Nabitiwan ko ang timba nang makita ko si Stephanie. Ang ganda pa rin niya kahit nakapambahay na damit.

"Ano ba 'yan? Sinasayang mo ang tubig, Jude!" sigaw ni Aling Kristina sa akin na ina ni Stephanie. Sinilip lang din ako ng crush ko na para bang hindi niya natatandaan kung sino ako bago niya kinausap ang kaniyang ina at umalis. Taragis. Lahat na ng kamalasan, nakita ng crush ko.

Galit kaya siya?

Nagbomba na lang muli ako ng tubig tsaka ko isinaling sa malaking drum sa banyo.

"Oh, bakit basang-basa ka?" tanong ni inay nang makita niya akong papalabas ng banyo. Kakatapos ko lang din kasing mag-igib.

"Wala nay, nabitiwan ko kasi kanina 'yong timba," tugon ko.

Masyado naman kasing maganda si Stephanie at kahit tingnan niya lang ako, natutuliro ako at humihinto talaga ang mundo ko.

"Magpalit ka na ng damit at kumain na tayo."

Napansin kong dumating na rin pala si itay kung kaya't mabilis na rin akong pumunta sa hapagkainan. Isa pa nagugutom na ako. Nakakagutom pa naman ang amoy ng niluto ng aking inay. Ginisang talbos na may sardinas na pinatakan ng kalamansi. Napakasarap talaga!

"Heto ang pambayad natin sa kuryente," rinig kong sabi ni itay sabay abot ng pera kay inay.

"Naniningil na nga pala si Aling Kristina sa hiniram natin noong nakaraang buwan," pahayag ni inay.

"Gano'n ba? Kauusapin ko na lang si Mang Berting at sa susunod na linggo pagkatanggap ko ng sahod ay sila naman ang babayaran natin."

Umupo na ako sa harap nila at nagpasalamat sa pagkain. Tahimik lang akong kumakain habang pinakikinggan ko ang pag-uusap nilang dalawa.

Tuwing gabi, ganito na ang nakasanayan kong marinig mula sa kanila. Bumukas na sa isipan kong ang mabuhay sa mundo ay libre lang ngunit ang manatiling buhay ay may kaakibat na pangangailangan ng salapi. Ang katulad naming mahirap ay walang araw na hindi namroblema tungkol sa pera. Kaya walang araw na dapat magpahinga.

"Kumusta ang pag-aaral mo, Jude?" tanong ni itay sa akin.

"Okay naman po," simpleng sagot ko.

"Pagkatapos mo sa Grade 9, sumama ka na muna sa akin sa trabaho."

Napatingin ako sa aking inay nang marinig iyon mula kay itay.

"Patapusin muna natin siya ng senior high school," sabat ng aking ina.

"Kulang na kulang tayo sa pera. Hindi sapat na ako lang ang nagtatrabaho. Lalo tayong maghihikahos."

"Pero bata pa ang anak mo para magtrabaho. Kinse anyos palang iyan at kailangan niyang makapagtapos. Ito lamang ang maipamamana natin sa kaniya."

"Mahirap na ang buhay ngayon. Kahit nakapagtapos sa pag-aaral ay nahihirapan nang humanap ng trabaho. Mabuti pa't habang maaga ay makapagsimula na siya. Malay mo makaahon tayo at kahit papaano'y makapag-ipon, baka mapag-aral niya na ang kaniyang sarili."

Tumingin nang deretso sa akin ang aking ama. "Hindi ba?"

"Opo. S-sige po, sasama po ako sa inyo, itay."

*****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top