Kabanata II

Nakarating na kami sa school. Mabuti naman at tinigilan na ako ng ulupong na Jonas sa kaiintriga tungkol sa nangyari. Kinalilimutan ko na nga, wala pa siyang tigil sa kauusyoso.

Pumasok na kami sa classroom. At katulad ng nakasanayan, dumeretso na ako sa upuan ko sa likod at pinagmasdan ang mga kaklase ko. Kapwa sila may sari-sariling mundo at may suot na mga ngiting natural sa mga teenager. Gusto ko ring ngumiti ngunit may bumabaling na kalungkutan sa isipan ko.

Kung hindi ba kami mahirap, magiging malaya akong makangiti nang walang inaalala?

Naputol ang mga isipin ko nang tawagin ako ni Ma'am Bautista, ang guro namin sa Filipino.

"Jude De Claro?"

"Present po," sagot ko. Napansin ko naman ang pagsulyap sa akin ng mga kaklase ko maging ni Jonas na humahagikgik sa gilid.

"Alam ko." Nakataas ang kaniyang kilay nang sabihin niya 'yon. Nagtawanan naman ang mga kaklase ko. "Kanina pa kita tinatawag. Pumarito ka at may iuutos ako sa 'yo."

"O-opo."

Agad akong lumapit kay Ma'am Bautista. "Ano po 'yon, Ma'am?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya.

"Pumunta ka sa kabilang section, naiwanan ko 'yong eraser at chalk ko. Pakikuha."

Napanganga ako. Inuutusan niya akong pumunta sa kabilang section? Kung saan naroon si Stephanie?

"Ngayon din," nakangiti kong sabi. Walang isang saglit ay pumunta ako sa kabilang room at halos mapamura ako nang masulyapan ko ang nakasisilaw na kagandahan ng taong nagugustuhan ko. Nakadungaw si Stephanie sa may bintana na tila ba may malalim na iniisip. Nasisinagan ng araw ang kaniyang mukha. Grabe. Mukha talaga siyang diwata.

"Hoy, Jude, tulo na laway mo."

Nabalik ako sa reyalidad nang mapansin ko ang isang babaeng nakasalamin habang tinuturo yung bibig ko. Pinunasan ko naman sa paniniwalang tumulo nga ang laway ko pero wala naman pala.

"Wala naman," sambit ko, habang nakatingin nang masama sa kaniya. Sa pagkakatanda ko, siya si Nya Nya. Siya ang president ng section A kung nasaan si Stephanie. Section C kasi kaming mga ungas.

"Anong wala? Kita ko! Tulo mo lumalaway!" pang-aasar pa niya sa akin habang nakasandal sa may pinto. "Ano bang pakay mo rito?" dagdag pa niya.

"Pinakukuha lang ni Ma'am Bautista 'yong chalk at eraser niya. Naiwan niya raw dito," paliwanag ko.

"Okay!" Umalis siya at kinuha ang mga bagay na sinabi ko ngunit ikinagulat ko ang ginawa niya. "Salo!"

Mabuti na lang at nasalo ko ang eraser pero dahil sa paghagis niya, naulanan ako ng puting alikabok na mula sa pambura. Malakas siyang tumawa habang lumalapit sa akin para iabot ang chalk. Ginagalit niya ba ako?

"Sorry, sinubukan ko lang kung kaya mo bang sumalo ng mga nahuhulog," tugon niya habang pinapagpagan ang damit ko. Tinabig ko ang kamay niya tsaka ko kinuha ang chalk ba kapit niya kanina pa.

"Hindi magandang biro, Niana."

Umalis na ako roon tsaka ako bumalik sa classroom namin. Nagtaka pa nga si Ma'am Bautista kung bakit ang puti ng buhok ko pero mabuti naman at hindi na siya nagtanong pa.

***

Mabilis na natapos ang klase. Nagpaalam na ang aming guro at kasabay no'n ay ang pagtunog ng bell hudyat na recess na. Napangiti ako nang maalalang binaunan ako ng kamote ni inay. Sandali. May isa pa akong naalala. Ngayon na ba ang simula ng araw na bibigyan ko si Stephanie ng kamoteng balat na?

Nilabas ko na 'yong baunan ko at akmang babalatan na ang kamote nang yayain ako ni Jonas.

"Uy tol, tara sa canteen!"

"Bakit?" tanong ko.

"Bibili malamang."

"May pagkain ako."

"Kamote na naman? Tara na, libre kita!"

Hinila niya na ako. Alam ko naman kung anong dahilan bakit gusto niya ng kasama. Katulad ko ay alam kong gusto niya ring makasilay sa crush niyang naroon sa canteen. Totoong 'di talaga mabubuo ang araw namin kapag 'di nakikita ang aming kani-kaniyang inspirasyon sa buhay.

"Boy, banana cue gusto mo?" pag-aalok niya.

"Sige lang," pagsang-ayon ko.

"Sige, ikaw na magsabi."

Tinulak niya ako papunta roon sa tindera na siyang crush niya. Paano kaya sila magkaka-moment kung natotorpe siya? Wow, nagsalita ang hindi.

Wala na akong nagawa kung hindi ang pumila habang siya'y naghihintay lang doon sa may gilid at pinagmamasdan ang crush niya. Ilang saglit lang ay ako na ang sumunod.

"Miss, pabili ngang saging," sabi ko.

"Anong klaseng saging ang gusto mo?" tanong niya sa akin. Sinilip ko si Jonas at todo ngiti ang loko.

Ibinaling ko ang mga mata ko sa nakahilerang pagkain. Napansin kong may turon din pala tsaka maruya.

"Pabili po ako."

Agad akong napunta sa outerspace nang marinig ko ang mahiwagang boses na nagpapalakas sa akin. At hindi nga ako nagkamali nang makita ko ang babae sa tabi ko. Sa kaniyang boses 'yon!

Shet. Pwede na 'kong mamatay.

Magkatabi kami. Magkadikit ang mga braso namin. Bumibili siya at kausap ang katabing babae ng crush ni Jonas.

"Hello? Anong bibilhin mo?"

Hindi mawala ang paningin ko sa katabi ko kahit na kanina pa ako kinakausap ng crush ni Jonas. Para talagang diwata si Stephanie. Kahit naka-sideview. Nakaka-in love.

"Hoy, ano raw ang bibilhin mo?"

Halos mautal ako nang makita kong bumuka ang bibig ng crush ko habang nakatingin sa akin.

Kinakausap niya ba ako?!

Halos mahimatay ako sa kilig. Pakshet. 'Di naman ako babae pero taeng 'yan. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Totoo palang 'di ka makakapagsalita kapag nasa harap mo 'yong taong gusto mo.

"S-saging," sambit ko habang hindi pa rin inaalis ang mga mata ko sa kaniya.

Tae, ano ngang tawag do'n sa bibilhin namin? Nawala sa isip ko.

"Anong saging?"

"Iyong may matulis."

"H-ha?!" Tumaas ang kilay niya.

"Iyong may dalawang-"

Napansin kong may tumayo sa pagitan ng hita ko. Oh shet. Masama ito.

Agad ko itong tinakpan para 'di niya makita ngunit huli na nang mapansin niya 'yon.

"Bastos!"

Nakaramdam ako nang malakas na sampal mula sa kaniya-kay Stephanie.

Oh no...

I mean, shet, dumampi 'yong kamay niya sa pisngi ko. Hindi ko maiwasang mapangiti.

"Manyak!"

Sinanggi niya ako tsaka siya umalis.

"S-sandali!" pahabol kong sigaw pero tuluyan na niya akong tinalikuran. Napansin kong nakatingin ang mga estudyante sa akin at kapwa ako hinuhusgahan.

Walangya. Nagmukha pa yata akong manyakis.

*****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top