END

Akala ko may pag-asa pa. Akala ko madadaan siya sa pangungulit kagaya ng iba.

Pero nagkamali ako. Hanggang ngayon naaalala ko pa din ang lahat kahit ilang taon na ang nakalilipas.

Umamin ako sa kaniya. Magkahalong kaba at tuwa ang nararamdaman ko nang panahong ‘yon. Dahil sa isang dare ay umamin ako. Ito na yata ang pinakanakakahiyang ginawa ko sa tanang buhay ko. Nagmukha akong desperada.

Mahigit apat na taon ko na siyang gusto ngayon. At hindi ko alam na ‘yon ang araw kung saan nagsimula kong kamuhian siya ng hindi sinasabi sa kahit na sino.

Tandang tanda ko pa ang mga katagang sinabi niya noon. “Sorry pero hindi kita gusto. Makakahanap ka rin ng para sayo in the right time.”

Hindi ko rin alam na sa simpleng pangungusap na ‘yon magtatapos ang unang pag-ibig ko. Kahit pala gaano ko gustuhin ang isang bagay, kahit na paghirapan ko, hindi ko pa rin makukuha kung hindi ako gusto ng bagay na iyon. Kahit pala anong pilit ang gawin ko, kung hindi niya ako gusto, hindi talaga.

Ngayon ay dalawampu’t walong taong gulang na ako. Dahan dahan akong umakyat sa hagdan at saka pumasok sa nakabukas na pinto ng simbahan. Nag sign of the cross muna ako bago umupo sa pinakalikod.

“Let us all welcome, the groom!”

Malakas na palakpakan na ang naririnig ko sa apat na sulok ng simbahan. Napatitig ako sa tinawag ng pari na groom. Sobrang gwapo nito sa itim na tuxedo na suot niya na pinatungan ng kulay puting necktie na may maliliit na guhit na kulay dark blue.

Napatingin ito sa pwesto ko kaya mabilis akong tumalikod sa kaniya.

Nang lumagpas siya ay tumingin ako ulit dito.

Hindi man ganon karami ang memories naming dalawa at hindi man ganon kaganda ang huling pag-uusap namin, hindi ko pa rin siya kayang kamuhian. Kagaya ng sinabi ko kanina. Mananatili siyang isang memorya ng pagkadalaga ko. Isang memorya na kahit hindi ganoon kaganda ay gugustuhin ko pa rin balik balikan sa paglipas ng ilang siglo pa man.

“Masaya akong makita kang masaya...Kyu.”

Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ko saka naglakad palabas sa ibang pinto ng simbahan.

Hindi man tayo tinadhanang magsama habang buhay, masaya akong maging parte ng buhay mo sa maiksing panahon. Masaya akong pinagtagpo tayo sa hindi inaasahang pagkakataon.

Ipagdadasal ko na sana, sa susunod nating pagkabuhay sa mundong ‘to, muli tayong pagtagpuin ng tadhana. Susubukan kong kunin ang puso mo at ang akin ay iyo.

—————————————————————————

Note : Thank you for reading this very very short story of mine. Actually, chapter 1 to 3 are all based on true story—my own story to be exact. So yeah, thank you again and see you on my next story!

— Soph



© All rights reserved.
















Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top