Chapter 8: First day of Contract (Part 2)
Chapter 8: First day of Contract (Part 2)
Black Monarch on the side (arrangement: Kurt - Jayvee - James - Adrian) ----------->
[Chloe's POV]
Science na.. Subject after our recess. Grabe andaming nangyari kanina.
-Flashback-
(At Canteen)
Andito kami ngayon ni Kurt naglalakad papuntang canteen. Syempre si Kurt nakaakbay sa akin habang naglalakad kami. As usual may mga bulong bulungan na naman pero hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy lang sa pag lalakad.
Pagdating namin sa Canteen. Syempre nakatingin na naman sila sa amin at nag bubulong bulungan. Hays, hindi ba sila nag sasawa dyan? tsk.
Dumiretso kami dun sa may bandang dulo na pwesto. May mga nakaupo dun na mga gwapong lalaki. Siguro mga tatlo sila. Sino kaya sila?
Pagdating namin dun sa bandang dulo na pwesto,pinaupo na ako ni Kurt at nag paalam muna siya na bibili lang daw muna siya ng pagkain.
"Hello. Im Adrian Sebastian. Nice Meeting you"-sabi nung gwapong guy at inilahad pa ang kamay sa akin. Syempre tinanggap ko..
"Im Jayvee Garcia. Nice meeting you"-sabi naman nung isa pang gwapong guy na naka ear phone. Nginitian ko na lang siya.
"James Wellington.Owner of this school"-sabi naman ng isang guy na nag p-psp. Feel ko mayabang 'to. Halata na eh, pagpapakilala pa lang.
"Ako nga pala si Chloe Reinne Montana. Nice meeting you all"-nakangiting sabi ko sa kanila.
Maya maya dumating na si Kurt, dala dala yung mga pagkain.
"Wow! Andami naman niyan Kurt, kanino yan?"-takang tanong ko.
"Sayo"-sagot ni Kurt. Eh? Papatabain ata ako nito eh.
"Eh? Andami naman niyan. Hindi ko naman mauubos yan eh."-sabi ko. Anong tingin niya sa akin patay gutom? Hays.
"Kung hindi mo kayang ubusin, pwede akin na lng? Hehe"-tanong ni Adrian sa akin. Ngumiti na lang ako at nag nod bilang sagot. Buti naman at may tutulong sa akin.
"No,its for Chloe only"-pigil ni Kurt.
"Eh hindi ko yan kayang ubusin.Hindi naman ako matakaw tulad mo eh *glare* hehe peace tayo. Sige na. Please *puppy eyes*"-pagmamakaawa ko. Haha sana pumayag..
"Aish! Fine"-pagkasabi ni Kurt nun,nag simula na akong kumain. Yum!
After a minute tapos na kami—i mean ako kumain. Hindi naman sila kumain eh. Takot ata kay Kurt.
Maya maya nag bell na kaya bumalik na kami sa room namin.
-End of Flashback-
Narealize ko mabait pala si Kurt minsan.
Err. Erase erase ano ba 'tong iniisip ko puro na lang si Kurt.
"Ms.Montana? MS. MONTANA!?"-nabalik ako sa realidad ng sumigaw ang aking guro.
"B-bakit p-po?"-utal na tanong ko.
"NOTHING!!! Who can answer my question!?"-sigaw ni maam sa akin. Kita mo 'to si maam, tatawag tawagin ako tapos pag tinanong kung bakit 'Nothing' lang yung isasagot. Hays.
After ni maam na sigawan ako, tinuloy niya lang ang pag di-discuss.
"Thats all for today class. Goodbye!"-paalam ni maam sa amin atsaka lumabas ng room namin.
"Thinking of me?"-tanong ni Kurt. Hanla! Paano niya kaya nalaman. Siguro mind reader siya. Matanong nga.
"Hanla! Paano mo nalaman? Siguro mind reader ka noh?"-napatakip na lang ako ng bibig ng marealize ko yung sinabi ko.
"Hindi kaya kita iniisip"-sabi ko ulit. Sana maniwala siya. Hays kasi naman eh..
"Tss -_- "-maikling sagot ni Kurt. Kita mo nga to? Ang haba haba ng sinabi ko tapos siya 'tss' lang yung sinabi. tsk.
-Fastforward-
After a hour of discussing, listening, writing, answering and studying. Nag bell na rin sa wakas so it means uwian na. Pero syempre di muna ako uuwi itetext ko muna si bes. Sasabihin ko sa kanya na mag movie marathon kami sa bahay.
To: Bessy ❤
Bes movie marathon tayo sa bahay ngayon, namimiss na kita ee.
Message sent ✔
Sana naman pumayag siya, antagal na namin di nakaka pag usap ng maayos eh. Busy daw kasi siya palagi eh.
Maya maya nag reply na si bes.
From: Bessy ❤
Sorry bes ah, busy kasi ako eh. Next time na lang. Miss you too :*
Aww. Sayang naman! Miss ko na si bes ko antagal na namin hindi nakakapag bonding.
"Let's go home"-inip na sabi ni Kurt. Nag nod na lang ako. Sayang naman yung pag hihintay namin kay bes, kanina pa pala sya umuwi.
Sumakay na ko sa kotse niya at nag simula na siyang mag drive.
--
After a minute narating na rin namin yung bahay.
"Salamat sa pag hatid"-pagpapasalamat ko. Hatid-sundo naraw nya ako eh. Okay na yun atleast tipid sa pamasahe.
"Okay. Goodnight"-sabi ni Kurt at saka agad umalis. Nahiya pa sya. Akala ko pa nama makapal mukha niya yun pala may tinatago palang hiya 'to.
Pag ka alis niya pumasok agad ako sa loob.
Naabutan ko naman si mama sa loob na nagaayos na ng maleta nya. Bukas nga pala yung flight nya.
"Hi nak" bati sakin ni mama.
"Hello ma. Akyat na 'ko sa kwarto mama ha. Napapagod na ako eh" nagnod naman sya.
Umakyat naman na ako sa kwarto ko.
Nagpalit lang ako ng damit. Pagtapos kong mag palit ng damit ay nahiga na agad ako para matulog.
Nakapikit na ako at patulog na nang biglang tumunog yung cellphone ko.
Kinuha ko yung cellphone ko sa ibabaw ng lamesa. May nag text. Tinignan ko yung nag text, si Kurt pala.
From: Kurt <3
Hindi ako may kagagawan niyang name nya ah si Kurt yun. Pinakaeilaman nya kanina 'tong cp ko eh. tsk.
Good night. Sweet dreams. Sleep tight Chloe. Ily :*
Nanlaki naman yung mata ko sa nabasa ko. Namamalikmata lang ba ako?
Ilang ulit kong binasa yung text baka sakaling mag bago. Pero Hindi eh, ganun parin.
Nawrong sent ata si Kurt eh. Pero bakit may Chloe at idagdag mo pa yung emoticon sa dulo pati na rin yung Ily. Isa lang naman ibig sabihin ng 'Ily' ee. I love you.
Luh! Bakit may ganun dun? Baka naman na wrong type lang. Pero imposible eh. Hays.
Bakit ba kasi may kiss mark at ily dun sa dulo?
**************************
A/N: This CHAPTER is now EDITED! :)
-Dyosang Author ♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top