Chapter 7: First day of Contract (Part 1)

Chapter 7: First day of Contract (Part 1)

Kurt Ivan Maxwell on the side ----------->

[Chloe's POV]

"CHLOE ANAK! GISING NA!" nagising ako sa sigaw at mga katok ni mama.

"Sige ma..." sabi ko tsaka pumikit pa din. Inaantok pa talaga ako eh.

"Bumangon ka na dyan. Andito yung boyfriend mo sa baba. Inaantay ka" agad naman akong napatayo mula sa pagkakahiga.

BOYFRIEND!? Sinong boyfriend? Eh single pa naman ako. Wala ngang nanliligaw sakin.

"Ma sino yun boyfriend na sinasabi mo?" sabi ko at tumakbo sa pinto ng kwarto ko para buksan.

"Si Kurt. Sino pa ba? Maligo ka na nga at magpaganda. Inaantay ka na nya kanina pa. Baba muna ako" sabi nya at bumaba. Sinara ko naman ang pinto at dali daling kumuha ng uniform ko at dumiretso papuntang CR para maligo.

After a minute natapos na din ako. Nagbihis lang ako at nagsuklay at dali daling bumaba.

Time Check: 6:00 AM.

Ang aga pa pala. Seven am pa ang start ng class namin kaya hindi kami late.

Pagkababa ko dumiretso ako sa salas. Pero wala sila dun. Asan kaya sila? Baka umalis na.

Pumunta ako sa kusina para magbreak fast. Nagulat ako nung makita ko sila dito. Si Kurt at si mama. Nagaalmusal na sila. Hindi manlang ako inantay. hays.

"Oh anak. Umupo ka na't kumain" sabi ni mama. Napatingin naman sakin si Kurt. Nagtaas kilay lang ako.

"Sit! Papakainin kita." sabi ni Kurt sakin.

"Hindi ako aso. Tsaka marunong akong kumain. Kaya pwede ba manahimik ka dyan." sabi ko tsaka naupo at kumuha ng kakainin ko.

Susubo na sana ako ng biglang kunin ni Kurt yung kutsara at tinapat sa bibig ko.

"Say Ah!" sabi ni Kurt. Ginawa pa akong bata =_=

Ngumanga na lang ako at kinain yun. Kutsara nya pala yung ginamit nya. Yuck! Indirect Kiss na yun. Waaahh!

"Ang sweet nyo namang dalawa." sabi ni mama habang nakatingin samin.

Oo na lang ma. =_= Tsk. Sweet daw. Daming alam ni mama.

Susubuan na sana ako ni Kurt ng pigilan ko sya.

"ANO BA! SABI NG MARUNONG AKONG KUMAIN MAGISA EH!" sigaw ko. Natahimik naman sya at nagpatuloy lang sa pagkain.

Nakakairita ha. Umagang umaga pinapainit nya ulo ko.

"Anak calm down. Inaalagaan ka lang nya" sabi ni mama.

"Inaalagaan? Ano ako ma baby? Hindi na'ko baby ma. Kaya ko na sarili ko. Kaya pwede ba—" pinutol ko ang sasabihin ko at napabuntong hininga na lang.

"Sorry." pagpapaumanhin ko atsaka pumuntang salas.

Nakita ko naman na sumunod sila mama dito.

Tahimik lang ako at naupo sa sofa dito. Naupo naman sila sa couch. Katahimikan ang bumabalot samin ngayon. Binasag naman ni mama yung katahimikan.

"Nga pala 'nak. Pupunta akong states bukas. About business matter lang." sabi ni mama. Nagnod lang ako.

May company kasi kami sa states. Actually sa dad ko yun dati pero ngayon hindi na. Wala na kasi yung dad ko. Nangabilang bahay. Nagkaanak sila nung kabet nya kaya pinalayas sya ni mama. Five years old ata ako nung nangyari yun.

Katahimikan ulit ang bumalot samin. Nabasag lang 'to nung mag-aya si Kurt na umalis na. Pumayag naman ako, nagpaalam lang kami kay mama at sumakay sa kotse nya.

"Daan muna tayo sa bahay. May kukunin lang ako." nagnod lang ako bilang sagot.

-Maxwell's Mansion-

After about 20 minutes nandito na din kami. Bumaba lang sya ng kotse nya at pumasok sa loob.

Bumaba na din ako. Akala ko pa naman pagbubuksan nya ako ng pinto. tsk. Di sya gentleman.

Sinundan ko lang sya sa paglalakad. Binati naman sya ng mga maids and butlers.

"Good morning sir"

"Good morning young master"

Ilan lang yan sa mga bati sa kanya. Hindi naman nya pinapansin. Ako na lang ang bumati sa kanila.

"Good morning din sa inyo" sabi ko tsaka nginitian sila. Ngumiti lang din sila.

Sinundan ko ulit si Kurt.

"Dyan ka muna. Kunin ko lang sa room ko" sabi nya, umupo muna ako sa sofa dito.

Nilibot ko naman yung tingin ko. Wow! As in wow! Ang ganda. Ang linis tignan. Kulay white yung motif nya tapos halos puro paintings ang makikita mo. Simple lang sya pero sobrang ganda. Mas maganda pa sa bahay namin. Two storey lang yung bahay namin. Mas mataas yung sa kanila. Ang ganda talaga.

Napatingin naman ako sa bumaba. Si Kurt pala. May bitbit syang papel. Para saan naman yan?

Nagulat ako nung inabot nya sakin yun. Napakunot naman ako ng noo. Binasa ko ang nakasulat dun.

"Kurt and Chloe Relationship Contract?" WTF! Bat may ganyan pa.

"Yeah. Pirmahan mo na lang sa baba para makapasok na tayo."

"Ayoko. Hindi pa nga ako pumapayag. tsk" Nilapag ko yung papel sa table. Bahala sya dyan.

"Pipirmahan mo o ipapaexpel na talaga kita?" tanong nya. Hanla! Agad agad kong kinuha ang papel.

"Ballpen?" pagtatanong ko. Inabot naman nya yung isang ballpen. Agad ko yung pinirmahan ng hindi pa nababasa.

Ayokong maexpel. Pag naexpel ako paano na si lalabs ko? Hindi pa nga kami.

"Good." narinig kong sabi nya at pinat ang ulo ko. Ginawa pa akong aso. tsk =_=

Tinabi nya lang yung papel tsaka nagayang pumasok. Naglakad naman sya palabas. Sumunod na din ako.

Paglabas namin sumakay sya sa kotse nya. Sumakay lang din ako sa passenger seat. Pinaandar nya na ito.

Habang nagdadrive sya tahimik lang kami. Hays. Nakakaboring. Binasag ko na ang katahimikan.

"Kurt sinong kasama mo sa bahay nyo? I mean mansion?" tanong ko sa kanya. Napatingin naman sya sa akin pero nagbalik din sya ng tingin sa daan.

"Yung kapatid ko lang then yung maids"

"Asan ba yung parents mo?" tanong ko. Bigla naman nagbago yung itsura nya. Parang biglang nalungkot.

"Kahit wag mo ng sagutin, okay lang. Hehe" sabi ko at humarap sa bintana nung kotse.

"Yung dad ko busy sa business nya sa Japan. Si mom naman..." napahinto sya. Napaharap naman ako sa kanya.

Tumikhim muna sya bago nagsalita.

"Hindi ko alam. Umalis sya nung nalaman nya na may ibang family si dad at kami ang second family nya. Sabi nya babalik sya pero hindi. I'm just six years old nung umalis sya" sabi nya. Agad naman akong humingi ng paumanhin sa kanya.

"No need to say sorry." sabi nya habang patuloy pa din sa pagdadrive.

"Anyways, galingan mong mag act mamaya ha."

"As if may choice pa ako. psh." sabi ko tsaka umirap. Nagpatuloy lang sya sa pagdadrive. After a minute andito na din kami.

-Wellington University-

Bumaba na sya sa kotse nya. Bubuksan ko na sana yung pinto para bumaba nang may nag bukas nun. Si Kurt pala. Tsk.

Huminga lang ako ng malalim bago bumaba. This is it, Pancit!

Pagkababa ko. Agad namang hinawakan ni Kurt yung kamay ko. Naglakad lang kami habang magkahawak kamay.

Ano 'to? HHWW? Holding Hands While Walking. tsk. Di bagay.

Napapatingin naman samin yung mga students pag dumadaan kami. Mga bulong bulungan naman narinig ko.

"Sila na? Kelan pa? I thought single sya hindi pala"

"Eww! Hindi sila bagay"

Hindi talaga kami bagay. Tao kami. tsk =_=

"Ohmy! Wala na. Naunahan na ako. Magcoconfess na nga ako mamaya eh."

Ilan lang yan sa mga BULONG BULUNGAN nila. Tsk. Bulong pa ba yun kung rinig naman. tss.

"Don't mind them" sabi nya tsaka nagpatuloy lang sa paglalakad papuntang room.

Don't mind them ka dyan. Kasalanan mo 'to eh.

-At Classroom-

Pagpasok namin sa classroom. Lahat naman ng atensyon nila nasa amin.

As usual, bulong bulungan na naman.

"Waaahh! He's taken na. Paano na ang love life ko nito?"

"Emegesh! Bagay sila. Support ko kayo!"

Woah! May supporter kami agad.

"Argh! I hate her. Inagaw nya ang prince ko."

Ilan lang din yan sa mga bulong bulungan nila. Hindi ko na lang sila pinansin at bumitaw sa pagkakahawak ni Kurt sa kamay ko't dumiretso sa upuan ko.

Si Kurt naman naiwan sa harap. Pumunta sya sa gitna. Nagulat ako nung magsalita sya.

"She's now my girlfriend so don't you dare to hurt her or else i'll hurt you too, even if your a girl. UNDERSTOOD!?" sabi nya tsaka hinampas yung teachers table. Nagulat naman kaming lahat dun sa ginawa nya. Agad ding nagnod ang lahat sa sinabi nya.

Sana nga matakot sila sayo at hindi nila ako saktan. Hays.

**********************
A/N: This CHAPTER is now EDITED! :)

-Dyosang Author ♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top