Chapter 5: What!?

Chapter 5: What!?

Koreen Sy on the side ----------->

[Chloe's POV]

"What!?" gulat na tanong ng isa naming member dito.

"Are you sure Chloe?" tanong ng leader namin.

"Yah. I'm sure." sabi ko tsaka nag nod. Napatingin naman kami nung magsalita si Guijan.

"Buti naman sinabi mo agad. Atleast makakapaghanda na ako." sabi nya at tsaka ngumiti. tss.

"Okay. Si Guijan na yung haharanahin ni Kurt" sabi nung leader namin na lalong nagpalaki sa ngiti ni Guijan.

Napatingin naman ako sa gawi ni Kurt. Seryoso lang yung mukha nya. Parang may malalim na iniisip.

Napatingin ako sa mata nya. Ang ganda. Ang haba ng pilikmata nya, tinalo pa yung sakin. Napababa naman ako ng tingin sa ilong nya. Ang tangos, talo na naman yung ilong ko. Lumipat yung tingin ko sa labi nya. May pagka pinkish yung kulay nito. Agad naman ako napakagat ng labi. Ang perfect nya. Talo pa kaming mga babae.

Ilang minuto din ako napatingin dun. Bumalik lamang ako sa katinuan ko ng biglang magsalita yung leader namin. Aish! Ano ba tong nangyayari sa 'kin? Masyado akong naimpress sa mukha nya yan tuloy naging lutang ako.


"Okay na ha?" nagnod lang kaming lahat bilang sagot.

Buti naman pumayag na sila. Hays. Ayoko talagang maharana ni Kurt eh. Kung si lalabs ko yun papayag pa ako, kaso hindi sya eh.

Nagusap lang ulit kami about sa props. Chineck kung kumpleto na ba yung lists ng mga bibilhin. After nun pinabalik na din kami sa upuan namin. Nagpaalam na din si maam at lumabas na sa room.

Umubob muna ako. Ang boring. Hays. Nagulat ako nung nag vibrate yung cellphone ko.

Kinuha ko sa bag ko yung cellphone ko. May tumatawag pala. Chineck ko kung sino yun.

Bessy Calling…

Si bessy pala. Sinagot ko naman yung tawag.

"Oh bes? Napatawag ka?" pagtatanong ko. Masanay na rin kayo sa amin. Hindi uso Hi - Hello sa amin. Haha.

[Bes! Punta ka sa Garden ngayon usap tayo. May problema lang ako. Wait kita ha.]

"Okay bes. Bye" sabi ko tsaka binaba yung tawag.

Hanla! Ano kayang problema ni Bes. Kinuha ko agad yung bag ko tsaka tumakbo papunta sa garden nitong school.

Pagdating ko dun, nakita ko si Bes na nakaupo sa isa sa mga bench dun. Pinuntahan ko sya tsaka umupo sa tabi nya.

"Bes! Waaahh!" sabi nya tsaka ako niyakap.

"Bes problema mo?" tanong ko. Hanla! Mukhang malaki yang problema nya kasi di naman ganyan yan eh.

"Waahh! Bes, sabi ni dad ako daw muna maghahandle ng company namin sa Korea. Waahh! Next week lilipad na'ko papunta dun. Bes what to do?" naluluhang sabi nya atsaka bumitaw sa pagkakayakap. Hanla! Ang laki nga ng problema nya.

"Bes ilang weeks ka dun?" tanong ko.

"Not sure pa, kasi may sakit si dad ngayon. Siguro pag magaling na sya babalik na ko." sabi nya tsaka niyakap ulit ako.

"Bes kaya mo yan. Fighting lang! Enjoy muna natin yung days na natitira bago ka lumipad papunta dun" sabi ko tsaka nginitian sya.

"Your right bes. Kaya ko 'to. Tutulungan mo naman ako diba?" sabi nya tsaka ngumiti.

"Oo naman bes. Diba nga tulungan tayo palagi? Haha." nagnod naman sya.

"Tulong tulong, lahat magagawa. Yey!" sabay naming kanta. Ginaya namin yung kanta sa Handy Manny na cartoons dati. Hahaha.

"Bes thank you ha." sabi nya habang nakangiti.

"Always welcome bes. Ikaw pa ba. Haha."

"Ay! Bes una na'ko. May class pa ako eh. Tumakas lang ako. Hahaha." sabi nya tsaka tumayo mula sa pagkakaupo.

"Baliw ka talaga bes. Haha. Sige bes, Bye! Balik na din ako sa room namin" sabi ko din tsaka tumayo. Dumiretso naman sya sa room nya. Dun sya nakaroom sa kabilang building. Magkaiba kami ng building. Yung building namin malapit sa main office, yung sa kanila malapit sa Detention Room.

-At Classroom-

Pagdating ko sa classroom sakto namang pagdating ng aming guro kaya hindi ako late.

A.P ang subject namin ngayon. One of my favorite subject,in fact im the top one here. Maniwala kayo sa hindi ako talaga. Hehe, matalino naman kasi ako eh. Hahahaha.

Tinignan ko naman yung buong classroom lahat naman sila nakikinig, kaya tuloy tuloy sa pag di-discuss yung teacher namin. Hindi naman boring yung class namin eh.

*rrrriiiinnnngggg*(bell sound)

"Okay thats all for today class. You may go now." sabi nung teacher namin at lumabas.

Uwian na namin. Lumabas lang din ako ng room namin at pumunta sa kabilang building.

Papunta ako sa detention ngayon. Remember? Nagkadetention kami.

Si Kurt hindi ko alam kung nasan. Siguro hindi pupunta ng detention yun at umuwi na.

--

-At Detention Room-

Pumasok lang ako sa loob ng detention tsaka umupo sa isa sa mga upuan dun. Ang boring naman. Ako lang magisa. Hays.

Makatulog nga muna. Mamaya pa naman akong papalabasin dito. One hour ako dito magisa. Hays.

Umubob lang ako sa armchair tsaka pumikit. Patulog na sana ako ng biglang may sumipa ng pinto.

Napaangat ako ng ulo dahil dun. Napatingin ako sa pinto. Nakita ko yung hinahanap ko kanina, Si Kurt. Si Kurt yung sumipa ng pinto. tsk. Akala ko pa naman umuwi na 'to.

Dirediretso lang syang pumasok dito at pumunta sa sofa dito. Nagulat ako nung humiga sya dun. Aba! Ang kapal ng mukha aa. -_-

Bumalik lang ako mula sa pagkakaubob. Tsk. Mas lalong naging boring dito. Hays. Itutulog ko na lang talaga 'to.

"Hey Chloe!" napaangat ulit ako ng ulo. Seriously!? Hindi ako makatulog ng maayos. tsk -_-

"Oh?" pagtatanong ko.

"Can we talk?" tanong nya sa akin.

"Naguusap na tayo. -_-" sabi ko sa kanya.

"Tch" Totoo naman diba? Naguusap na kami. Psh.

"Oh ano nga yun?" tanong ko ulit sa kanya.

"About dun sa nangyari yesterday."

"Oh ano meron?" tanong ko. Naiinis ako pagnaalala yun. Di ko alam kung bakit.

"I need to get my heritage so..." pinutol nya yung sasabihin nya at umupo.

"Oh ano namang pake ko dyan sa mana mo? Bibigyan mo ba 'ko? Diba hindi. tsk" sabi ko. Tsk. Pagmamayabang pa yang mana nya eh. =_=

"So as your pay you need to be my girlfriend. CONTRACT GIRLFRIEND" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya.

"WHAT THE EF! SERIOUSLY? AYOKO. NEVAH!" sigaw ko sa kanya. Asa syang papayag ako. tsk.

*********************
A/N: This CHAPTER is now EDITED! :)

-Dyosang Author ♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top