Chapter 23
Chapter 23
[Third Person POV's]
Nakaupo lamang si Kurt sa labas ng emergency room, kung saan dinala si Jes. Nakakuyom ang palad na tila ba ay makakasapak ito.
Hindi ko mawari kung ano ang tumatakbo sa kanyang isip, pero iisa lamang ang sinisisi nyang may dahilan nito.
Si Chloe...
Oo, siya. Wala ng iba. Siya lamang daw kasi ang kasama ni Jes nung mga oras na maganap ang aksidente. Kaya't sino pa ang maaaring gumawa nito kay Jes? At nagkataon pang nainis si Chloe kay Kurt.
Napatayo si Kurt mula sa pagkakaupo ng may lumabas sa loob ng kwarto.
"How's my sister, Doc?" Bungad nya dito at bakas sa pagsasalita nya ang pag-aalala.
"Now, i can't say that she's okay. Masyadong malakas ang naging impact sa ulo nya, maraming dugo rin ang nawala. Sa ngayon, kelangan pa namin itong tignan ng mabuti. I have to go." Sabi ng Doctor kay Kurt. Lalong napakuyom ang kanyang kamao. Napasuntok sya sa pader doon. Paulit ulit nya itong sinusuntok, hanggang sa napatigil sya ng may pamilyar na boses ang tumawag sa kanya.
"Kurt...." isang pamilyar na boses na parang kailan lang nang huli n'ya itong marinig. Nilingon nya 'yon, pero sa halip na ikatuwa nya ang kanyang nakita, ay mas lalo pa itong nagalit.
"What are you doing here!?" Tanong nya rito. Halata sa boses nya ang pagpipigil na sumigaw pero bakas rin dito ang pagka-galit.
"K-kurt... W-what happe--" naputol ang pagsasalita nito ng bigla ulit nag-salita si Kurt.
"I SAID, WHAT. ARE. YOU. DOING. HERE!?" Sa pagkakataong ito, mas lalo nyang diniinan ang pagtatanong. Napapatingin na sa kanya ang mga taong do'n pero wala parin syang pakeilam.
"K-kurt... I'm r-really s-sorry. I-i really d-do..." sabi pa nito habang nakayuko.
"I don't need you here. Umalis ka na. Naiintindihan mo ba ako? I said--" hindi na nito pinatapos pa si Kurt, agad na lamang itong naglakad palayo.
Huminto sya ng panandalian,at muling lumingon kay Kurt. "I miss you hubby. I miss you so much..." bulong nya at umalis na.
[Adrian's POV]
"Oh bro, anong sabi ng doctor. Kamusta si Jessie? Is she okay now?" agad kong tanong sa kanya nang makabalik ako. Bumili kasi ako ng tubig sa labas at tinawagan ko rin sila James para sumunod dito.
"Bro, si Angel..." nagulat ako nang banggitin nya ang pangalang 'yon.
Anong meron sa babaeng 'yon? Bakit nya binanggit bigla? Eh, s'ya naman na ang nagsabi sa'min na hwag na hwag na iyon babanggitin.
"Andito s'ya kanina. She's here." mas lalo akong nagulat sa sinabi nyang iyon.
"What!? Fvck. Akala ko ba nasa Korea 'yon, at wala ng balak bumalik ha? Bakit andito s'ya kanina? Wag mong sabihing-- Aish!" Hindi ko na itinuloy pa ang sasabihin ko, bagkus ay napa-buntong hininga na lamang ako dahil rito.
"Actually, i know that she's already here. We met last week, i think. At the bar." Nagulat naman ako sa sinabi n'yang 'yon.
"WHAT!? S'ya 'yong tinutukoy ni Koreen na kasama mo daw?" Nag-nod naman s'ya dun. Hays. It's a mess— no, a big mess rather.
"You know what bro, malaking gulo 'to. Anong balak mo?" tanong ko sa kanya.
"I don't know. Fvck!" Pasigaw na tanong nya. Halatang 'di nya alam kung anong gagawin nya.
Mag-sasalita pa dapat ako ng biglang dumating sina James.
"Come on, Kurt. You don't know what you should do? Really!? Wow. It's just simple yet you don't what to do, tsk." sabi ni James kay Kurt, at napailing pa 'to. Gandang bungad naman? =__=
Napatingin naman sa kanya si Kurt. "Shut the fvck up! =__=" pagkasabi nito ay diretso s'yang naglakad.
Tinanong ko pa kung saan s'ya pupunta, pero dinaanan lang ako ng gagong yun. Aba, tanginang Kurt 'yan, ini-snob pa ang gwapong ako, tsk. Ano na naman kayang binabalak nyan sa buhay? Hays. Bahala nga s'ya. =__=
"How's Jessie?" tanong ni James sa'kin.
"I think she's fine now. Saan pala yung isa?" Lumingon pa ako sa likod n'ya para tignan kung ando'n si Jayvee.
"Dunno." sabi pa n'ya at nagkibit-balikat pa. Aish! Ano pa nga bang maaasahan ko sa kaya? Parang 'di pa ako nasanay. =__=b
[Sophie's POV] (Pers taym ata 'to ah? Naks! HAHAHAHAHA.)
"Bes, tama na. 'Di mo kasalanan, wala kang kasalanan. I'm sure naman na 'di mo sinasadya 'yon e. Tsaka kung sino man 'yong may gawa no'n, nako, masasapak ko talaga ng bongga yun." Pagpapatahan ko kay Chloe.
Nako, kanina pa kaya iyak ng iyak yang babaeng yan. Naiintindihan ko naman s'ya, kaso sobra na, umabot na sa puntong sinisi n'ya yung sarili nya. -,-
"Oo nga po ate, i'm pretty sure pong 'di mo sinasadya 'yon. Tsaka, ayaw po ni Jes na iniiyakan s'ya, or may umiiyak ng dahil sa kanya. Kaya po please, tigil na po kayo sa pag-iyak." sabi naman ni Jen, yung bestfriend ni Jessie.
Tinap ko pa yung likod ni bes at niyakap s'ya. Hays. Ayaw nya talagang tumigil. Tigas ng ulo ng babaitang 'to. =__=
Bigla namang dumating si Jayvee, kasama si Dricco at Dwight.
"Okay na daw s'ya. No need to worry Chloe, makaka-recover din yun si Jes. Malakas kaya yun, parang yung Kuya n'ya." sabi n'ya at tinap pa si Chloe. Nakahinga naman ako do'n ng maluwag. Hays. Buti naman.
"Oh bes, narinig mo ah? She's fine na daw. Tahan ka na, hwag ka ng umiyak dyan. Talagang masasapak kita dyan kapag 'di ka tumigil." napa-angat naman s'ya ng ulo do'n.
"Talaga!? *sniff* G-gusto ko s'yang *sniff* m-makita." nagulat ako ng sabihin n'ya 'yon. 'Di n'ya ba natatandaan 'yong sinabi ni Kurt sa kanya? Hays.
"Sige, sabay na lang kayo sa'kin. Papunta na rin naman ako do'n e." pinanlakihan ko naman ng mata si Jayvee.
Maglalakad na sana sila papunta sa kotse ni Jayvee nang pinigilan ko sila.
"P-pero--"
"Ako na bahala do'n. Tara na." Napatango na lamang ako sa sinabi ni Jayvee.
Sana naman 'di na naman s'ya sigawan ni Kurt mamaya. Nako, subukan n'ya lang, ako makakaharap n'ya.
-Hospital-
'Pag dating namin do'n, bumungad sa'kin 'yong pagmumukha nung bwiset na antipatikong lalaki na 'yon. Tsk =__=b
Nilagpasan 'ko lang s'ya atsaka tumungo papunta kay James. Hihihi. ^//^
Kahit kailan talaga napaka-gwapo n'ya. Malayong malayo 'yong ugali n'ya do'n sa bwiset na antipatikong lalaking 'yon. Aish!
Nagulat naman ako ng lumapit sa'kin si Bessy.
"Bes, tara na. Samahan mo 'kong puntahan si Jes. Tara." pag-aaya n'ya sa'kin at hinila ako upang tumayo.
Hindi naman ako nagpatinag sa paghila n'ya at tinanong muna s'ya. "Nasa'n si Kurt? Wala ba s'ya dito?" napatango naman s'ya do'n at nagpatuloy pa 'din sa paghila sa'kin.
'Pagdating namin sa kwarto ni Jes, agad na naman s'yang napaiyak.
"J-jes..." napayuko s'ya habang umiiyak.
"I-im very v-very s-s-sorry..." hinimas ko ang likod n'ya na tila ba pinapatahan 'ko s'ya sa pag-iyak.
"It's my f-fault. Don't worry, kapag n-naging o-okay ka na b-babawi a-ako. P-promise!" napapahikbi na s'ya ngunit wala pa 'rin siyang balak tumigil.
This time, niyakap ko s'ya. "Shh, tama na bes. Tahan na okay? Sooner or later magiging okay din s'ya." Pagchi-cheer up 'ko sa kanya. Napatango na lang s'ya do'n.
Nasa kalagitnaan kami ng pagyayakapan ni bes, nang may nagbukas ng pinto. Ikinagulat 'ko naman 'kung sino 'yon, lalo na si Bes.
"What are you doing here!?" sigaw nito at tila ba nanlilisik na ang kanyang mga mata.
"K-kurt..."
***
A/N: Hello poooooo! Sorry sa super duper lastic bagal sa pag-ud. I really really sorry. Hwag n'yo 'ko awayin, please? Kaawaan n'yo 'ko. HAHAHAHAHAHAHA. Sadyang dumating lang ako sa punto na muntik ko na ng sukuan itong kwentong 'to, pero gora pa rin ako ngayon para sa inyo. Hahahaha. So ayun, i hope nag-enjoy kayo sa UD na 'to. I know it's kinda lame or sabaw pero, please do bear with me, lutang na lutang ako ngayon, araw araw. Huhu. :< Pasensya na talaga. Again, sorry and also thank you na rin sa pagaantay ng ud ko. I love you from the bottom of mah hart. Pak! Hahahahaha. :">
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top