Chapter 22: Demon Angel
Chapter 22: Demon Angel
[Someone's POV]
"Bwahahahaha. My plan works." i say while walking, and then i laugh and laugh, like there's no tomorrow.
I'm really happy. Don't you ever think? My plan works. Best feeling ever.
"I'm sure na maghihiwalay na kayong dalawa. And, Kurt will going to be mine again! Bwahahahahahaha—" naputol ang pag-tawa ko, at napahinto ako sa paglalakad when someone calls me.
"ANGEL!?" What the!? Sa dami rami ba naman ng pwedeng makakita sakin. The fvck! Hays -_-
"Oh, Hi my dear sister. Long time no see huh. How are you?" Tanong ko sa kanya. But no response, nakatulala lang sya sakin.
"Don't you missed me, huh? Bcs, i missed you." I said and smile at her. I think this time, natauhan na sya. Because, she shook her head and try to smile at me.
"A-ah, of course. I r-really missed y-you. Hehe" Tch. Such a plastic sister. -__-
"Good to hear that, sis. Btw, i need to go. Bye!" I said. I wave my hand and started to walk.
I was about to enter my car, when she stop me. "What!?" Iritang tanong ko sa kanya.
"W-wait. I just wanna ask, why are you here?"
"Why? Bawal ba?" Sabi ko, then i roll my eyes. Tss, daming tanong.
"Ah, di naman. I want to know lang. Yah, right. I want to know. Hehe" Napataas naman ako ng kilay dun. Hahaha. My dear sister, after all this years, di ka pa rin nagbabago.
"Oh, okay. Pumunta lang ako dito, nakipag meet-up kay Justine. You know him, right?" She nods. "But, di sya pumunta. So i decided, na umuwi na ng condo. That's all. Meron pa ba akong dapat gawin dito huh sis?"
"H-huh? Wala naman. Haha. Natanong lang. Sige, una na ako. Bye!" Sabi nya sabay tumakbo palayo.
Hays, Koreen. Wala talagang nag-bago sayo. Lahat na lang ng kilos ko, sa tingin mo may gagawing mali. Nagmana ka talaga, kila mom and dad. Tsk tsk. [/napailing;
[Koreen's POV] (Pers taym yan. Hihihi^^)
Napahinto ako sa pagtakbo nang umandar na yung kotse nya. Tinignan ko iyon hanggang sa makaalis.
Nang makaalis iyon, agad kong dinial yung number ni Justine.
Calling Justine...
After a minute, sinagot nya na din.
"Yeah?" Bungad nya sakin sa telepono.
"Ah- Hmm, bakit andito sya kanina sa Resort?" Tanong ko. Mukhang alam naman nya kung sinong tinutukoy ko.
"Oh Shit! Pumunta sya dyan?" Tanong nya.
"Uh yeah" sagot ko.
"Holy shit. Tinuloy nya nga yung binabalak nya." Napakunot naman ako ng noo dun.
"Huh? Binabalak? Kanino?"
"Kay— I'll text you later. Nandito na sya e. Bye!" Sabi nya then he end up the call.
Napaisip naman ako? Kanino kaya? Hays. Naglakad na lang ako pabalik sa loob ng resort.
Habang naglalakad ako, nakita ko naman sa di kalayuan sila Kurt. Oh-kay?
Pero, Bat parang nagmamadali sila? And— Oh god! Umiiyak si Chloe? Huh? Di ko na talaga naiintindihan.
Teka— bakit ko ba sila pinoproblema? Malay mo nag away lang sila. LQ ganun. Tsk. Ewan.
[Justine's POV]
"Sinong kausap mo?" Tanong nya pagkapasok sa loob ng condo.
"Nah. Wala yun. Ang bilis mo naman ata? San ka galing?" Naupo sya sa couch kaya tumabi ako sa kanya.
Tumingin sya sakin. Tsaka sumagot, "Hmm, may binili lang. Yah, nag shopping ako"
"Oh i see. Saan pala yung binili mo?" Sabi ko sabay nginitian sya. Napangiti naman sya ng pilit.
"Ah— eh—" pinutol ko na yung sasabihin nya. "Pumunta ka dun, right? Tinuloy mo yung plano mo?"
"H-huh? Hindi aa. Nag shopping nga ako. Nasa kotse ko lang yung pinamili ko. Hehe" sabi nya tsaka tumayo.
"Wag ka na magsinungaling Angel. I know you. Kapag may plano ka, itutuloy at itutuloy mo yan. Kahit na alam mong makakasakit ka ng iba. So sagutin mo yung tanong ko, pumunta ka ba dun? Ha?" Napatango sya. Sinasabi ko na nga ba.
"Anong ginawa mo dun? Ginawa mo ba yung plano mo? Itinuloy mo?"
"Bakit ba ha, Justine!? Bakit ba ang hilig mo kong pakeilaman sa gagawin ko? HA!?" Sigaw nya. Napahinto naman ako dun.
I like her. I really like that much and ayokong mapahamak sya. Alam kong iba ang kinakalaban nya, and also it hurts me a lot tuwing sinabi nyang mahal nya ang lalaking yun, si Kurt. Pero ayokong sabihin sa kanya, kasi hindi nya ako mahal, iba ang gusto nya at hanggang bestfriends lang kami.
"Because, as your bestfriend, i want to protect you. Ayokong mapahamak ka. Kilala ko yang kinakalaban mo, hindi mo sila kaya. And, sinasaktan mo lang yang sarili mo." Sabi ko tsaka niyakap sya. Pero inaalis nya ang kamay ko sa pagkakayakap. Kaya lalo ko yung hinigpitan.
"Please Angel, please. Tumigil ka na. Di ka ba napapagod? Huh?" Napatigil sya dun.
"Napapagod? No. I'm not. Tama lang tong ginagawa ko. Si tita na lang din nagsabi sa akin, if you love someone, fight for him. Wag mong hahayaang makuha sya ng iba." Napabitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. Parang biglang may sumaksak sa puso ko. Tuwing sinasabi nyang mahal nya si Kurt, nasasaktan ako. I hate this feeling.
"I'm done with this. Nakakapagod ka na Angel." Sabi ko saka huminga ng malalim.
"I'm so sorry, Justine. But please, intindihin mo naman ako. Please" sabi nya.
"Okay." Sabi ko. Umakyat na ako papuntang kwarto. Ayoko na, nakakapagod ng umintindi. Nakakabading mang pakinggan, pero nakakapagod na talaga.
Kinuha ko yung cellphone ko then tinext ko si Koreen.
To: Koreen
She continue her plan towards Kurt. May napansin ka bang di maganda dyan?
Sent √
Inantay kong mag-reply sya. But siguro ilang minutes na ang nakakalipas at wala pa ring reply. So, i decided to call her.
Calling Koreen....
Unattended. Hays. Mamaya na nga lang.
Bumaba ako, nakita ko syang nanonood ng television. Napatingin sya sakin, pero di ko na sya pinansin at dumiretso na palabas.
Sumakay akong kotse. I start the engine and drove away.
Saan ako pupunta? I don't know. I need to stop Angel. But how? Hindi ko naman pwedeng tawagan sila tita at tito, dahil hindi nila alam na nasa Pinas na kami. They know na nasa Korea kami ngayon.
Do you want to know why we're here? At first, wala kaming balak bumalik dito, especially me. Wala akong balak na bumalik dito, kasi gusto ko nang kalimutan nya si Kurt. But, nagpumilit syang bumalik. Gusto daw nyang tuparin yung promise nya kay Kurt.
At first, di ako pumayag, dahil alam kong may girlfriend ng bago si Kurt dito at alam ko din ang kayang gawin ni Angel kapag nalaman nya yun.
Nang nasa Korea kami, andaming pinagbago ni Angel. Binago nya ang sarili nya, pati ang ugali nya. And now, i will say, she really change a lot. Ibang iba sya sa dating Angel na kilala ko.
Andami nyang nakaaway dun, unlike before, wala syang kaaway. Hindi uso sa kanya ang salitang away. Ayaw nya ng gulo, ayaw nya ng may kaaway and especially, ayaw nya ng may nasasaktan.
But now, fvck. Ayoko ng isa isahin lahat ng pagbabagong ginawa nya.
Napahinto ako sa pagdadrive ng biglang may tumawag.
"Yeah?" Bungad ko.
"Bro! Sa bar tayo nila Cylde. Sunod ka ha." Sabi sakin ni Kristoff.
"Ge. Wait for me there" sabi ko tsaka inend yung tawag. Then, nag drive na ako papunta dun sa bar.
**************************
A/N: UD for yah. Hahaha. Sorry for super duper tagal na UD. Eniweys, wanna know kung anong role nila Angel and Justine sa kwento? Wag nyo ng alamin. Char. HAHAHAHA. Sa mga next chapters malalaman nyo yan. Huehue. Bye!
-Author♡
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top