Chapter 2: Bakit ako!?
Chapter 2: Bakit ako!?
[Chloe's POV] (Picture on the side -------->)
Math na... Subject After our Recess.Nagugutom na nga ako eh kasi hindi ako nakapasok sa canteen dahil sobrang daming tao. Tapos pag tinanong mo kung anong meron ang isasagot nila is:
"Nandyan kasi yung gwapong guy na transferee eh..ang hot niya...kyaaahh!"
Kaya 'di na ako tumuloy kilala ko naman na yun eh. Anyway. Math na,Ang subject na kinaiinisan ko sa lahat. Why??? Kasi nga dito ako nakakuha ng failed grade. Ang boring kaya nito,puro solve nakakadugo ng utak.
Puro mga letters -_- Kung pwede lang matulog eh ginawa ko na. Ang kaso di pwede kasi bagsak nga ako dito kelangan kong mag focus para tumaas naman na yung grade ko. Nakakahiya naman kasi. Lahat ng subject mataas grades ko pag tingin sa math ang baba. Kaya eto ako busy palagi.
Buti pa yung mga kaklase ko tulog. Lalo naman etong katabi ko. Parang hari, tulog na nga nakataas pa ang paa at nakapatong sa upuan. Oh diba!? San ka pa? Wala talagang manners eh. Pasalamat sila iba yung teacher namin ngayon sa math. Kaya hindi sila pinapagalitan.
"That's all for today Class. Goobye" sabi ng teacher namin at lumabas na.
Umubob muna ako sa armchair. Wala naman na akong gagawin. Aantayin ko na lang yung teacher namin sa MAPEH. Baka pag lumabas ako pagbalik ko andito na si maam. Baka madetention pa ako.
Ang boring naman. Etong katabi ko tulog naman. Gusto ko sana kausapin kaso baka ituloy nya yung pag expel sakin. Kaya wag na lang.
Si lalabs ko naman nagccellphone. Parang may katext. Saklap naman. Baka GF nya yun.
Matext na nga lang si Bes. Kaso lang baka may class pa sila.
Pero bored talaga ako. Baka wala na silang class. Matext na nga.
To: Bes <3
Bes! May class pa kayo? Kung wala punta ka dito sa room. Ang boring eh.
Sending...
Sending failed…✘
Hays. Wala na pala akong load. Paasa naman 'to. Nagsending pa. Magssending failed din naman. Tsk.
Ano ng gagawin ko? Ang boring. Matutulog na nga lang muna ako. Baka mamaya pa si maam pumasok dito.
Umubob na ulit ako tsaka pumikit. Patulog na sana ako ng biglang—
Biglang may humampas sa teacher's table. Napaangat naman ako ng ulo at napatingin dun sa teacher's table.
Hanla! Andyan na pala si maam. Umaayos naman kami lahat ng pagkakaupo. Etong katabi ko ginising ko na din.
"Huy! Andyan na si maam. Gising na!" pabulong na pasigaw na sabi ko sa kanya. Pero ayaw pa din.
Binatukan ko na lang ulit sya. Buti naman nagising na, pero nagulat ako nung sumigaw sya.
"THE FVCK! BAT MO BA AKO BINATUKAN HA!?" Hanla! Hindi nya ba alam na may teacher na? Nagpeace sign na lang ako sa kanya at tinuro si maam na nakatingin na sa gawi namin.
Napatingin naman sya dun at napaayos ng upo. Pero bakas pa din sa mukha nya ang pagkainis.
Natahimik lang ako at nakinig lang sa lesson ni maam.
"Our lesson for today is about courting. Lahat ng tao ay may iba't ibang paraan ng pangliligaw. Blah! Blah! Blah!" nakinig lang ako sa lesson nya. Lahat kami tahimik lang na nakikinig sa kanya.
Kaya tuloy tuloy lang sya sa paglelesson. Lahat kasi ng estudyante dito takot sa kanya. Kasi nga terror teacher sya. May mali ka lang na gawin diretso detention ka agad.
"Dahil diyan were having a activity about that. Its by group activity. Madali lng naman ang gagawin eh. Mag rorole play lng kayo. By row na ang grouping okay. I aacting nio lng ang paraan ng pangliligaw ng bawat lugar. Okay so now go to your perspective groups. Pag usapan niyo na kung ano ang role na gagampanan niyo. This will be perform next Monday. So may 1 week kayong nakalaan para pag handaan yan okay?" nagnod lang kami at kanya kanya pumunta sa group namin.
Di ko kagroup si lalabs. Sayang nga eh. Pero kagroup daw namin 'tong si Kurt. Hays. Dapat si Lalabs na lang kagroup namin eh. Wala naman 'tong maitutulong for sure.
Pagdating ko sa group ko nagsimula na kaming magusap usap.
"So anong paraan ang gagawin natin?" tanong ng isa 'kong kaklase dito.
"Panghaharana na lang sa gabi. Para mas sweet. Waahh!" sabi naman nung isa. Lahat naman kami umagree sa kanya. Kaya nagplano plano na kami kung sinong gagawa ng props.
"Be! kayo na lang sa props ha!"sabi nung classmate ko sa isa ko pang classmate.
"Sge. Bukas na bukas mamimili na din kami." nagnod na kaming lahat then napatingin kami nung nagsalita yung leader namin.
"Sino pala yung manghaharana? at haharanahin?" tanong nya. Kahit ako napaisip dun. Sino nga ba?
"I suggest si Kurt na lang ang mangharana!"suggest ni Guijan.
One of the bitch here in our school. Nagnod lang kami. Pati si Kurt. Hindi na kami tumanggi kasi halos lahat ng nasa school na 'to takot sa kanya. Pero ako hindi ako takot sa kanya. Umiiwas lang ako sa kanya para di ako madamay sa gulo.
Malas naman nung haharanahin ni Kurt. Sino kayang haharanahin nun? Kawawa naman yun baka malasin.
"Kurt pili ka kung sinong haharanahin mo. Kahit sino." sabi nung leader namin kay Kurt.
Lahat naman kami napatingin kay Kurt. Inaantay kung sinong pipiliin nya. Hanla! Kasama pala ako sa pagpipilian. Pero sigurado naman akong hindi nya ako pipiliin.
Tinignan nya lang kami isa isa. Parang sinusuri nya kung sino karapat dapat. Tsk.
Nung napatingin sya sakin agad ko syang inirapan. Gaya ng iba ganun din ang ginawa nya. Sinuri rin. Tsk. Kahit anong pagsusuri pa ang gawin nya di ako karapat dapat na haranahin nya.
Pagtapos nyang gawin tumikhim muna sya bago nagsalita.
"I choose you. What's your name again?" pagtatanong nya. Napatingin ako sa tinuturo nya. Hanla! Ako pala yung tinuturo nya. Luh! Bakit ako pa?
"Ako?" tanong ko sabay turo sa sarili ko.
"Ay hindi. Yang nasa likod mo" Hays. Buti naman akala ko ako eh.
Napatingin naman ako sa nasa likod ko. Ang malas naman nya. Paglingon ko sa likod ko nakita ko yung isa naming kagrupo na bakla. The ef! Seriously!?
"Kurt seryoso? Sya?" pagtatanong ko. Buti naman sya. Akala ko ako. Hays.
"Tch. Slow. Sarcastic yung tone ng pagsasalita ko nun. Di mo napansin? tsk. Syempre ikaw! Asa naman na sya haharanahin ko." Duh! Ako pa slow. Tsaka the hell naman. Bakit ako pa? Shit.
"What the Ef! Bakit ako? Sya na lang. Si Guijan. O kaya yung iba. Mas desercving silang maharana mo." sabi ko. Tsaka ayokong malasin.
"Tch. Arte mo. Tsaka swerte mo nga na ikaw napili ko eh. Maraming gusto dyan na maharana 'ko pero ikaw ang napili ko. So be happy. tch." Sabi nya ulit. Shitness naman oh. Ayokong malasin. T_T
Magsasalita pa sana ako para tumanggi sa kanya ng biglang magsalita si maam.
"Time na! Go back to your proper seats now. In a count of 3!" sabi nya at nagsimula ng magbilang.
"It's final na. Bukas na ulit tayo mag usap usap." sabi ng leader namin. Hays. No choice. Nagsibalikan na kami sa proper seats namin bago pa matapos ni maam yung pagbibilang. Takot na lang namin na madetention kami.
Pagkabalik namin lumabas na agad si maam sa room. Hindi na sya nagpaalam.
"Uy Kurt wag na lang ako please!" pagpupumilit ko sa kanya pero di nya lang ako pinansin at dumiretso sa labas.
Tanging pagbuntong hininga na lang ang nagawa ko. Hays.
*******************
A/N: This CHAPTER is now EDITED! :)
-Dyosang Author ♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top