Chapter 19: Phone Wallpaper (PART 2)

Chapter 19: Phone Wallpaper (PART 2)

[Kurt's POV]

Nagising ako nung may naramdaman akong mabigat na nakapatong sa dalawang balikat ko.

Napatingin naman ako sa kanang gawi. Nakasandal pala yung ulo ni Adrian sakin. Tsk. Napatingin naman ako sa kaliwa ko. Yung ulo naman ni Chloe yung nakasandal dun.

Inalis ko yung pagkakasandal ng ulo ni Adrian sa balikat ko at inayos ko naman yung pagkakasandal ng ulo ni Chloe. Napatingin ako sa kanya. She's sleeping like an Angel. Kukunin ko sana yung cellphone ko para picturan sya, pero di ko naman mahanap kung asan yun.

Chineck ko yung bag at bulsa ko, wala dun. Sa pagkakatanda ko, hawak hawak ko yun nung natulog ako. Di kaya nalaglag? Inalis ko muna yung ulo ni Chloe sa balikat ko at tinignan ko yung cellphone ko sa ilalim ng upuan pero wala din dun. Nasaan naman kaya yun? Siguro kinuha na naman nila Adrian at Jayvee. Tch. Inaayos ko lang yung upo ko at sinandal ulit yung ulo ni Chloe sa balikat ko. Aish! Ano ba 'tong pinaggagawa ko. tsk.

Hays, ang boring! Itutulog ko na nga lang muna 'to. Pumikit lang ako. Patulog na sana ako ng biglang magsabi yung teacher namin dito na gumising na daw kami dahil andito na kami sa resort. Istorbo. Tch -.-

Ginising ko lang si Adrian at si Jayvee. Si Chloe ginising ko na din pero di magising. Tch.

"Bro bakit?" tanong sakin ni Adrian habang nakapikit at nagiinat. Binatukan ko nga. Bigla naman sya napatigil sa pag iinat at napadilat.

"Ano ba bro!?" pasigaw na tanong nya sa akin. Sinamaan ko lang sya ng tingin.

"Sorry. Bakit bro?" tanong nya ulit at tumayo. Tinuro ko lamang sa kanya ang gawi ni Sophie, yung kaibigan ni Chloe.

Napatingin naman sya dun at nagkunot noo. "Anong gagawin ko sa kanya bro?" tanong nya at lumapit dun kay Sophie.

"Buhatin mo. Iakyat mo papuntang kwarto nila" sabi ko at inayos ang gamit ko at binuhat na si Chloe.

"WTF!?" sigaw nya pero di ko na lang sya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad, buhat buhat si Chloe.

[Jayvee's POV] {So dahil may nag request sakin na lagyan sya ng POV. Here's your request :)}

"Jayvee! Jayvee! Tulungan mo ko! Help me please!"

"J-jayvee... P-please... H-help m-me "

—BLACK OUT—

Nagising ako ng may naramdaman kong may kumakalabit sa akin. Dinilat ko naman ang mata ko at tinignan kung sino yun.

Si Adrian pala. "Oh?" hindi nya pinansin yun bagkus ay pinunasan nya ang mata ko. Nagtaka naman ako kung bakit.

"You're crying bro. Why?" seryosong tanong nya. Agad ko namang pinunasahan yung mata ko. Oo nga. Umiiyak ako.

"Wala 'to bro. Bakit pala?" tanong ko at sinimulan ng ayusin ang gamit ko.

"Napanaginipan mo na naman ba sya?" tanong nya na nagpatigil sa akin sa pag aayos ng gamit. Tinignan ko sya. Nakatingin sya sa akin ng seryoso. Aish!

"Oo bro. Hindi ko alam kung bakit ko sya laging napapanaginipan." sabi ko at pinagpatuloy na ulit ang pag aayos ng gamit.

"Hindi ka pa nakaka move on sa kanya bro" agad naman akong napaisip sa sinabi nya. Hindi pa nga ba? Eh sa almost 2 years na ang nakalipas noong nangyari yun. Hays. Hindi ko na lamang sya sinagot at binitbit na ang gamit ko.

Lalabas na sana ako pero bigla nya akong tinawag. "Oh?" tanong ko sa kanya.

"Tulungan mo kong buhatin sya, bro!" sabi nya sabay turo sa isang babaeng nakaupo sa dulo.

"Sino ba yan?"

"Kaibigan ni Chloe. Si Sophie" Oh i see. Sophie pala name nya.

"Kaya mo na yan bro. Una na 'ko." sabi ko at naglakad na. Hindi ko na pinansin ang huling sinabi nya.

[Chloe's POV]

Nagising ako ng may narinig ako mga pagtatalo sa paligid ko. Napadilat naman ako at tinignan kung sino sino ang mga yun.
Sila Kurt pala at Adrian. Tsk.

"Yan kasi bro ang ingay mo, nagising tuloy sya" sabi ni Adrian at naupo sa sofa dun. Hindi lang sya pinansin ni Kurt. Lumabas lamang ito at padabog na sinara ang pinto.

Nagkunot noo naman ako. "Badtrip yun" sabi ni Adrian. Napatango na lang ako at tumayo.

"Bakit nga pala sya badtrip?" Tanong ko.

"Dito daw sya magrroom."

"What the!? Ayoko nga!" Sabi ko at padabog na pumunta sa kusina. Sumunod naman si Adrian.

"Ayoko nga din. Dapat tayo ang magkaroom eh. Ayokong ka room si --------" pinutol ko ang sasabihin nya ng may maalala ako.

"Nasaan pala si bes?" Tanong ko sa kanya.

"Yun nga eh! Karoom mate ko sya. Dapat ikaw na lang." Sabi nya at naupo sa upuan ng hapag.

"Ayaw mo karoom mate si bes? Bakit naman?" Tanong ko. Nagkibit balikat lang sya.

"Dapat ikaw na lang eh!" Sabi nya with matching pahampas hampas pa sa lamesa. Parang bata lang. Tss.

"Arte ka pa! Akala mo naman gusto ka ring karoom mate ni bes. Tss" sabi ko at kumuha ng baso ng tubig sa loob ng ref at isinalin sa isang baso.

Ininom ko lang ito, patuloy pa rin kami sa paguusap ni Adrian, nang may kumatok.

Tinignan ko naman kung sino yun. Binuksan ko yung pinto ng room, isang malakas na sigaw ang bumungad sakin.

"UNNIEEEEE!" Pambungad na sigaw ni Jes. Sakit sa tenga.

"Hoy Jessie Maxwell, ang ingay mo. Lumayas ka nga dito" sabi ni Adrian kay Jessie. Di sya pinansin nito at napatingin lamang sa gawi ko.

"Unnie! Hello!" Bati nya sa akin ng nakangiti.

"Hi Jes" bati ko din sabay ngumiti ng pilit. Pero syempre hindi ko pinahalata iyun. Ang ingay ng batang 'to. -.-

"Hi din ate" sabi naman ni Jenny, na hindi ko alam kung saan galing at hingal na hingal. Nginitian ko na lang sya.

"Bakit kayo nandito? At sino yang mga kasama nyong lalaki?" Tanong ni Adrian sa kanila. Napatingin naman ako sa likuran nila. Oo nga may kasama silang mga lalaki. Ka-year ata nila at kaklase.

"Like Err! What's your pake ba kuya Adrian ha?" Sabi ni Jes at inirapan ito. Natawa na lang ako. Laging nagaaway 'tong dalawang 'to. Hahahaha.

"May pake ako kasi... Hmm, basta may pake ako. Sino ba kasi yang mga unggoy na yan?" Napailing na lang ako. Makaunggoy to si Adrian akala mo naman ang gwapo gwapo nya. Tsk.

"He's Driccobabes—este Dricco" sabi ni Jes habang ngumingiti. Ay kinikilig sya! Halata, namumula pa. Hahahaha.

"He's Dwight naman. Dwight Nixon Ferrer. Bestfriend ni Dricco." Sabi naman ni Jes sabay turo sa katabi ni Dricco.

Napatango na lamang si Adrian. Kasabay nun ay ang pag irap ni Jessie sa kanya. "Boyfriend nyo?" Tanong ni Adrian. Namula naman si Jessie. Hahahaha.

"Nope. We're just magkakaklase lang." Sabi ni Jessie. Napatango na lang ulit si Adrian.

"May itatanong ka pa ba Kuya Adrian? Kanina pa tayo pinapababa eh" tanong ni Jenny kay Adrian. Umiling lang 'to.

"Wala na pala eh. Tara na sa baba" pagaayaya ko. Nagnod lang sila then bumaba na kami.

Pagdating namin sa baba andami ng students. Pinapila lang kami by year and sections. Nagpaalam lang ako sa kanila then hinanap ko yung pila namin.

Habang hinahanap ko, nagulat ako nung may bumangga sakin, dahilan para matumba ako at mawalan ng balanse.

"O-ouch" sabi ko. Napaupo kasi ako sa sahig dun.

"Sorry" tanging nasabi nung lalaki. Nakaitim sya at may mask sa bibig na kulay itim rin. Pagkasabi nya nun nagmamadali syang umalis.

Pinipilit ko tumayo kasi ansakit ng paa ko. Siguro nagka fracture pero wag naman sana. Nakatungkod yung kamay ko sa may sahig at pinilit pa ring tumayo. Marami ng nakakakita sakin pero wala ni isa man sa kanila ang tinulungan ako. Nagulat na lamang ako ng may kamay akong nakita. Napaangat ako ng ulo. Si Kurt pala. Inalalayan nya lamang ako tumayo. Buti naman at may tumulong sakin at si Kurt pa.

"Nakakalakad ka pa ng maayos?" Tanong nya sakin. Sinubukan ko namang ihakbang yung paa ko.

"O-ouch!" Bulong ko. Ansakit. Bwiset naman kasi yung lalaking yun.

"Kaya ko pa." Sabi ko na lang. Nagnod lang sya. Naglakad na kami. Paika ika akong maglakad dahil nga ansakit ng paa ko.

After a minute nahanap din namin yung pila namin. Naupo lang kami sa mga upuan dun. Maya maya may dalawang babae na umakyat sa stage.

"Ehem! Hello! I'm Mary Kaie. Isa sa nagmamay ari sa resort na 'to." Sabi nung isa at ngumiti.

"Annyeong! I'm Janine. Owner din ng Resort na ito. Kaming dalawa ang may ari nito. Welcome pala dito sa Resort namin" sabi nung isa then nag bow. Tahimik lang kaming nakikinig sa kanila.

"Hmm, Salamat pala dahil napili nyo 'tong resort namin. Maraming magagandang resorts dyan pero eto pa din ang pinili nyo. Thank you. So, sasabihin lang muna ni Janine kung ano ang meron dito sa loob ng resort na ito" sabi ni Ate Mary then inabot nya yung mic kay Ate Janine.

"Meron kami ditong mini bar. Dun yun sa may bandang dulo nito. Then sa tabi nun may cafe rin at resto. Hmm, Ano pa ba?" Nagiisip pa sya ng nasasabihin ng biglang kunin ni Ate Mary yung mike sa kanya.

"Yung rooms na gamit nyo. Yung building na yun. Pagmamay ari yun ni Shieryl." Sabi niya then tinuro yung building na yun at tinuro rin yung may ari daw nun. Kumaway lang ito at ngumiti sa amin.

"About sa pools naman. Meron tayong 10 pools dito. Lahat pwedeng gamitin. 5 yung warm yung tubig then 5 yung cold na tubig." Sabi ni Ate Mary. Napatango naman ako. Mukhang maganda mag selfie dito aa. Hahaha.

"Sa may likod naman ng shower room may garden dun. Maraming tanim na flowers, trees then may bench din dun at table." Sabi naman ni Ate Janine. Lahat naman napatango dahil dun.

"Hmm, ano pa ba? Wala na. Yun lang. Enjoy kayo dito." Sabi ni Ate Janine at inabot ang mic kay Ate Mary.

"Sa rooms nyo pala. 2 persons lang per room. Pwedeng babae at lalaki or kung sino pa mang gusto mo karoom mate. Basta sa mga lalaki't babae na mag karoom mate dyan, wag muna kayong gumawa ng milagro. Hahahaha" lahat naman kami natawa sa sinabi ni Ate Mary. Hahaha.

"Yun lang. Pwede na kayong maglibot dito. Hahaha. Again, welcome here, enjoy, Have Fun!" Sabi niya then nag bow silang dalawa, pumalakpak lang kami then bumaba na sila sa stage.

Nagsitayuan na kami sa pagkakaupo. Magiikot ikot muna ako. Nagsimula lang akong maglakad. Paika ika pa rin. Tsk.

"Where are you going?" Tanong ni Kurt sakin.

"Sa garden." Maikling sagot ko at nagsimula ng maglakad. Kada lakad ko kumikirot yung paa ko. Napapapikit na lang ako sa sakit.

"Samahan na kita" sabi ni Kurt. Tumango na lang ako at inalalayan na nya ako.

Bawat dadaanan namin at may mga nakaharang ay kusa silang tatabi. Tapos yung mga tingin pa sa akin ng mga babae parang may lazer beam. Tsk.

Patuloy lang kami sa paglalakad. After a minute nasa garden na din kami. Naupo lang ako sa isa sa mga bench dun at tumingin sa paligid. Ang ganda naman dito. Parang paradise. Ang gaganda pa ng mga tanim ng bulaklak, gusto kong picturan. Naiwan ko naman yung cellphone ko.

Naalala ko pala yung cellphone ni Kurt nasa akin pa. Nakalagay sa bag. Sabihin ko na nga, baka hinahanap na nya yun. "Kurt, yung cellphone mo pala nasa loob ng bag ko" sabi ko.

"Ah. Okay. Kunin ko na lang mamaya" sabi niya. Teka nga lang? Pansin ko lang, bakit parang bumabait 'to si Kurt? Di kaya may taning na buhay nya? 0_0 Wag naman sana.

"Ay! Oo nga pala. Kurt pwede magtanong?"

"Nagtatanong ka na. Tch" binabawi ko na sinabi ko kanina. Akala ko pa naman bumait na. Nagsungit na naman.

"Tss. I just wanted to ask lang naman kung sino yung nasa wallpaper mo? GF mo?" Tanong ko. Curiosity kills eh. Hahaha.

"Si bro Adrian" 0_0
(A/N: Picture sa side ------->)

"ANO!?" napatayo naman ako dun.

"O-ouch!" Biglang sumakit yung paa ko.

"Are you alright?" Tanong nya. Nagnod lang ako. Naupo na ulit ako.

"It's just a dare." Sabi niya. Dare lang pala. Akala ko naman bakla yun si Adrian dati tapos naging lalaki lang. Mukha kasi talagang babae e. Hahahaha.

"Ah. Okay. Yun lang naman itatanong ko" sabi ko. Nag nod lang sya.

Maya maya napatitig sya sa likuran ko. Yung titig na parang may halong galit at pagkainis. Alam nyo yun? Yung kapag tinitigan ka nya ng ganun alam mong galit sya sa'yo. Ganun yung titig nya. Napatingin naman ako sa likuran ko. Pagtingin ko wala namang tao. Nababaliw na ata 'to si Kurt eh.

[Kurt's POV]

"Problem?" Tanong sakin ni Chloe. Umiling lang ako. Nag nod lang sya.

Bakit sya andito? Don't tell me! FVCK!

***********************
A/N: Special Mention: shaded_star. :*

Sorry for the turtle ud. Busy sa school eh. Cliff hanger talaga ako. Hahaha. To be continue sa next chapter yan. Lol.

Say hi to the new found character. Chos. Hahaha. Say Hi kay Dwight. Soon may fb account na sya. Si 'Park Hyung Seok' ang port nya. Wait nyo na lang. Haha.

Yown lang! Sorry sa typos at grammatical errors, kung meron man, kindly inform me. Thanks! Lablab! :*

-Dyosang Author♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top