Chapter 17: Role Play
Chapter 17: Role Play
Chloe and Adrian on the side (cr. sa nagedit) --------------->
[Chloe's POV]
Nagising ako ng maaga ngayon dahil nga ngayon na gaganapin yung Role Play namin sa MAPEH. Pupunta pa kasi ako sa bahay ni Sophia, yung classmate namin, Para tulungan sya sa pagdala ng props sa school. Andami kasi nun eh. Mahirap pang bitbitin yung iba.
Actually, lahat kami pupunta dun sa kanila except daw kila Kurt and Guijan. Tsk. Dapat walang grade yang dalawang yan eh. Di naman sila tumulong. -_-
Otw, na ako sa bahay nila ngayon. Hindi ako sinundo ni Kurt kasi nga ayaw ko. Buti nga pumayag eh. Sinabihan kong mag ready na lang sya para mamaya. Sya yung manghaharana eh.
Malapit lang naman bahay nila Sophia sa school kaya kahit lakarin na lang namin papunta ay kaya naman. Syempre masipag ata kami, Lalo na ako. Oopppss! Walang kokontra. Hahaha.
Andito na pala ako. Pumara lang ako then tumungo na ako sa bahay nila.
*ding dong*
Sosyal. May doorbell din sila. Hahaha. Maya maya lumabas na din siya para buksan yung gate. Pumasok na din ako. Andun na pala yung iba. Inaayos at chinicheck lang nila yung mga props. Maganda naman yung pagkakagawa sa props namin. Ang mahal kaya ng ginastos namin dito pero dahil nga mga Rich Kid sila wala lang sa kanila yung presyo.
Pagtapos nilang icheck, binitbit na din namin isa isa yung props. Kanya kanyang bitbit. Hahaha. Then nilakad na namin papuntang school. Sabi ko nga kanina malapit lang yun. Siguro mga 300 steps. Pft.
-Wellington University-
Pagpasok namin nakatingin lahat sila samin. Anong meron? Mga tingin nila may meaning eh. Teka? Sa amin nga ba o sa akin lang? tsk.
Dumiretso lang kami sa Theater Room. Dito ginaganap yung mga play eh.
Inaayos lang namin yung mga props namin dun. Sabi kasi ni Ms. Sandiego, our teacher in MAPEH. Iready na daw namin agad yung props dito para mamaya diretso perform na lang. First class kasi namin yung MAPEH.
Andito na rin pala sila lalabs. Inaayos na rin nila yung props nila. Hihihihi ^///^ Ang aga aga kinikilig ako kay lalabs ko. Ang pogi. Hihi.
Pinagpatuloy ko lang yung pagaayos ng props namin. Ilang minuto na lang matatapos na din to. Dumating na din si Ms. Sandiego.
"Good Morning Class"
"Good morning Ms. Sandiego"
"Okay na ba yang mga props nyo? And ready na ba kayo?" Nag nod lang kami sa kanya. Himala. GV ata ngayon si maam. Hahaha. Anong kayang nakain nya? XD
"Maya maya sisimulan na din natin yung play. So be ready"
Pinagpatuloy lang namin ang pag aayos ng props. Malapit na din itong matapos.
Makalipas ang ilang minuto natapos na din namin, ganun na din sa ibang grupo.
Agad naman akong napatingin sa gawi ni JV, si lalabs, nakangiti sya sa akin ngayon. Ilang linggo na rin simula ng hindi kami nakakapag usap. Siguro dahil na rin yun kay Kurt.
Akmang pupuntahan na nya ako ng biglang dumating si Kurt. Aish! Panira!
Napalingon ako sa kanya ng bigla nya ako tawagin. Napanganga na lamang ako. Geez! Why so pogi? Natauhan ako ng bigla nya ulit ako tawagin.
"B-bakit?" tanong ko. Bakit ako nauutal? tsk.
"Nothing. Tatanong ko lang kung ready ka na mamaya?" mamaya? Anong meron mamaya? Ilang minuto din akong nagisip. Nang maalala ko kung anong meron.
Shit! Ako nga pala ang haharanahin nya. Nakalimutan ko. Dapat talaga si Guijan yung haharanahin eh. Pero dahil na nga sa kami na 'daw' ni Kurt. Na ang totoo ay 'CONTRACT' lang naman. Yun! Ako ang pinalit kay Guijan. Pinilit nila ako lalo na si Kurt. tsk. Sasagot na sana ako sa tinanong sa akin ni Kurt na kung handa na daw ba ako ng biglang nagsabi si maam na magsimula na daw.
Unang grupong nag perform ay yung grupo nila lalabs. Sunod kami sa kanila. Dalawang group lang ang meron kami. Konti lang naman kami sa isang room. 40 students lang.
Si Lalabs ang nangharana. Naiimagine ako ako yung hinaharana nya. Hihi.
"Tch" nagulat ako ng biglang mag react tong si Kurt. Problema nya? tsk.
Tumingin na lang ulit ako sa gawi ni Lalabs na ngayon nag haharana pa din. Ang pogi talaga ni lalabs ko. Ilang sandali lang natapos na din sila. At kami na ang susunod. Pumwesto na kami dun. Mga tilian naman narinig ko.
"Kyaaahh! Ang pogi mo talaga Kurt myloves."
"Ako na lang haranahin mo. Kyaaahh"
"OMG! Kinikilig ako~"
Ilan lamang yan sa mga tili nila. Agad naman akong napatingin sa gawi nila Guijan. Kasama nya ang mga kaibigan nya. Masasama at matatalim agad na tingin ang pinukol nila sa akin. Nag iwas lang ako ng tingin at tumingin ako kay Lalabs. Nginitian nya lang ulit ako. Ngumiti lang din ako.
Napatingin ako sa gawi nila Sophia na nag sign na okay na daw. Nag start na si Kurt patugtugin yung gitara.
[Playing: Tadhana by Julie Anne San Jose]
Sa hindi inaaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong,
Damang dama na ang ugong nito
'Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas sayo
Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw ng pag-sinta
Isa lang masasabi ko. Ang ganda ng boses nya. Bakit kaya hindi sya sumasali sa mga Singing Contest? Sigurado akong mananalo sya dun.
Ba't di pa patulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasang
Hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip saýo
Napapaisip na lang ako. Kelan kaya ako mahaharana? Alam mo yun. Yung feeling na hinaharana ka ng taong mahal na mahal mo. Nakakalungkot nga lang isipin, wala namang nagmamahal sa akin.
Saan nga ba patungo,
Nakayapak at nahihiwagaan
Ang bagyo ng tadhana ay
Dinadala ako sa init ng bisig mo
Ba't 'di pa sabihin
Ang hindi mo maamin
Ipa-uubaya na lang ba 'to sa hangin
huwag mong ikatakot
Ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako at nakikinig saýo
Hooohh... hoooohh...
Hooohh... hoooohh...
Hooohh... hoooohh...
Lalalala...Tadhana
Natapos na din nya yung kanta. Mga palakpakan naman naririnig ko at the same time mga tili na din ng fan girls nya.
Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin. Parang nag slow mo ang paligid. Kung kanina palakpakan at tilian ang naririnig ko, ngayon tibok lamang ng puso ko ang naririnig ko. Bakit? Bakit ganto ang nararamdaman ko.
'Relax Chloe. Relax. It's just an act. Parte lang 'to ng play namin.' Yan ang pinipilit kong ipasok sa isip ko. Isa lang 'tong kasinungalingan. Malaking kasinungalingan.
Maya maya'y bumitaw na din sya sa akin. Ang kaninang slow mo at pagiging tahimik, bumalik sa dati. Sa kaninang maingay, na puro tilian at palakpakan.
Napatingin ako sa kanya. Nagulat ako ng ngitian nya ako. Wow! As in wow! First time nya akong ngitian. Mas lalo syang gumwapo. Aish! Ano ba tong iniisip ko. tsk.
Bumalik lang kami sa pwesto namin kanina. Yung mga kagrupo ko naman inayos na nila yung mga props. Nagpaalam na muna ako kay Kurt na magccr lang muna ako saglit.
[Guijan's POV]
Nakakainis talaga tong Chloe na 'to. Argh! Bakit pa kasi sya andito. Dapat ako ngayon ang girlfriend ni Kurt hindi sya.
Kasama ko mga friends ko ngayon. Actually, i don't treat them like a real friends. Alam ko namang hindi sila totoo. All of them, They are all fake.
Naalala ko pa yung bestfriend ko nun. I treat her more than friends. I treat her like a sister but then she betray me. Kaya simula nun wala na akong friends.
Nakita ko si Chloe na nagpaalam kay Kurt. Sinundan lang namin sya. Tumungo sya sa CR. Tinignan na muna namin kung may tao. Nang nacheck na naming wala agad ko syang pinuntahan.
"You bitch. Better back-off, Kurt is mine! Understood?"
Hindi sya sumagot. Tinignan nya lang kami. Nagtaas kilay naman ako. Anong tinitingin tingin nya?
"Wala ka bang bibig? O takot ka lang?" tanong naman ng isa sa kasama ko dito.
"Ayoko ng gulo. Please lang" Pagmamakaawa nya. How poor? Sorry pero hindi nya ata kilala ang kinakalaban nya.
"Girls what are you waiting for? Attack!" i said then they started to attack her. So poor!
Pinagsasabunutan nila ito, pinagsasampal at kung ano ano pa. Alam kong galit din sila kay Chloe dahil isa rin sila sa mga Fan Girls ni Kurt.
Si Chloe hindi naman lumalaban. Nagbabait baitan pa sya. tch. Tutulong na sana ako sa kanila ng bigla may sumigaw.
"STOP!" lahat kami napalingon sa direksyon ng sumigaw. Si JV pala. tsk.
Nilapitan nya si Chloe.
"Are you okay?" nagnod lang si Chloe. Ang landi talaga. Napatingin naman sya sa gawi namin.
"Ano pang ginagawa nyo dito? LEAVE!"
"Serves you bitch. We're not yet done" i said then we left them.
[JV's POV]
"Bakit ka napunta dito? I mean. Diba CR 'to ng girls. Don't tell me—" tanong ni Chloe.
"Mali ka ng iniisip. Ganto kasi yun"
-Flashback-
Pagtapos namin magperform sila Chloe na yung sumunod. Pumunta muna ako sa Office kasi tawag daw ako ng teacher namin sa Math.
Then paglabas ko ng office, pabalik na ako sa Theater Room ng biglang may narinig ako sigawan. Pinakinggan ko kung saan nanggagaling yun. Pinuntahan ko na din kung saan yun nanggaling. Napunta ako dito sa CR ng girls.
Nung una wala akong balak tumulong baka kasi hindi ko din kilala yung mga yun but then nung sumilip ako nakita ko si Chloe na inaaway nila Guijan.
Naawa naman ako kay Chloe kasi sya lang mag isa at may mga bruises na din sya kaya inawat ko na sila.
-End of Flashback-
"Ah. Thank you sa pag tulong ha. Siguro kung di ka tumulong mas madaming bruises pa nakuha ko sa kanila. Thank you talaga" pagpapasalamat nya.
"Walang Anuman. Punta muna tayong clinic para gamutin yang bruises mo." nag nod lang sya then pumunta na kami sa Clinic.
Pagdating namin sa Clinic, ginamot lang ng nurse yung sugat nya. Di rin naman ako magtatagal dito kasi may pinapagawa pa yung teacher namin sa akin kaya nagpaalam na din ako sa kanya.
[Kurt's POV]
Nagpaalam si Chloe sakin, magccr lang daw muna sya pero ilang minuto na yung lumilipas wala pa din sya.
Saan naman kaya nagpunta yun? Malelate na sya sa second class namin. 20 minutes na syang wala pa din. Mapuntahan na nga sya dun.
Malapit na ako sa CR ng may mapansin akong dalawang tao. Si Chloe pala with JV. tsk. Akala ko naman kung saan nagpunta tong babaeng 'to kasama nya lang pala yang JV na yan. tss.
Makapunta nga muna sa tambayan. Tinamad na akong umattend ng class namin. tsk -_-
-Black Monarch's Room-
Pagpasok ko andito yung tatlo.
"Anong ginagawa nyo dito?"
"Ano ding ginagawa mo dito bro?" pagbabalik tanong sa akin ni Adrian.
Hindi ko lang sya pinansin. Wala ako sa mood makipag usap sa kanila. tss.
"Problema mo Bro?" tanong ni Jayvee. Di ko lang ulit sya inimikan. Bahala sila sa buhay nila. Magtanong sila ng magtanong di ko sila sasagutin.
"Alam nyo manahimik na lang kayo di rin nyan sasagutin tanong nyo. tss." sabi naman ni James. Buti naman alam nya. Akala ko magtatanong din 'to eh.
"Nagtatanong lang malay mo makatulong pa ako diba?" sabi naman ni Adrian. Kahit kelan ang kulit nito eh.
"Oo nga bro malay mo makatulong kami. About saan ba yan? or about kanino?" pagtatanong ni Jayvee. Hays. Wala talagang balak tumigil. Buti pa tong si James eh.
Di naman nila ako titigilan hanggat hindi ko sinasabi kaya sinabi ko na din.
"Ah. Kaya naman pala eh. So nagseselos ka bro?" tanong ni Jayvee. Anong klaseng tanong yan. tsk.
"Si Bro nagjejelly jelly. Hahahaha" sabi naman ni Adrian. tsk.
"Talk to her" maikling sabi ni James then lumabas na sya ng room.
Sa kanilang tatlo si James lang ang may matinong nasabi. Tsk. Makalabas na nga dito. Ang ingay nung dalawa. Aattend na lang ako ng class.
[Chloe's POV]
Pagtapos gamutin ng nurse yung mga bruises ko dumiretso na ako sa class ko.
Ilang hours din pala ako dito. Hindi ako nakapasok sa ilang subjects. Paktay ako nito bukas. Alam pa naman nilang di ako pala absent at mahilig mag ditch ng class.
Nagmamadali ako pumunta sa room namin. Baka malate na naman ako at baka pagdating ko andito na yung teacher ko.
After a second andito na din ako pumasok na ako sa loob. Pagpasok ko dumating na din yung teacher namin.
Andito din si Kurt. Himala hindi sya nag ditch. Napatingin naman ako sa kanya, napatingin din sya sa akin pero agad din syang nag iwas ng tingin.
Napatingin na lang ako sa guro namin. English pala yung subject namin ngayon. Nose bleed na naman. Bawal pa naman mag tagalog. Pure english lang dapat.
"Good Morning Class"
"Good morning maam"
"So let's start discussing. So our topic for today is about ----------" pagdidiscuss ni maam. Hays. Walang pumapasok sa isip ko. Lutang na lutang ako ngayon. Nasa cloud nine ata ako. Hahaha.
Pinipilit kong makinig sa discussion pero tinatamad ako. Kung ano anong pumapasok sa isip ko. Tulad ng ginawa sa akin nila Guijan. Kung kamusta na si Sophie. Kung okay lang ba si mommy sa States. hays.
"Class dismiss" ang bilis naman. Pero okay na din yun.
Kaya naman pala nag dismiss, may meeting pala sila eh. Buti naman.
Nagulat ako ng biglang may magsalita.
"Students! May i have your attention please? Sa darating na sunday ay magkakaroon tayo ng field trip but not just an ordinary field trip. It's special dahil swimming ang trip. 5 days sa Resort. So kung sino interested magbayad lang kayo sa office. Thank you!" parang familiar yung voice. Parang kavoice nung girl na ex ni Kurt. So dito din pala sya nagaaral.
Nasa stage lang yung nagannounce. Hindi na namin kelangan lumabas ng room pag may mga announcement. Lahat kasi ng room sa school na 'to may speaker kaya rinig namin.
Nakakaexcite naman yun. Gusto kong sumama. Sasama rin kaya tong si Kurt? Matanong nga.
"Kurt sasama ka?" napatingin lang sya sa akin pero di naman nya sinagot. Problema nito? Kanina pa to tahimik aa.
*bell sound* *riinnggg*
Uwian na pala. Lumabas na yung mga classmates ko. Inayos ko na din yung gamit ko. Lalabas na sana ako ng bigla akong hawakan ni Kurt.
"Bakit Kurt?" tanong ko.
"Bakit may mga bruises ka saan galing yan?" tanong nya. Hala! sasabihin ko kaya? Baka magalit sya kay Guijan.
"Ah wala 'to. Sige una na ako" sabi ko. Lalabas na sana ako ng bigla ult syang magsalita.
"Bakit kasama mo si JV kanina? Ansaya saya mo pa nung kasama mo sya. tsk." Luh? Paano nya nalaman yun? Sabihin ko na lang kaya. Baka sa akin naman sya magalit. Sabihin ko na nga.
"Kasi ganto yun------" inexplain ko sa kanya lahat lahat. Lalabas na sana sya ng room ng pigilan ko sya.
"Pabayaan mo na lang si Guijan. Please." sabi ko. Alam ko namang pupuntahan nya si Guijan eh.
"Fine. basta pag inulit nya magsabi ka lang ha" nagnod lang ako.
"Sasama ka pala sa swimming?" tanong ko.
"Kung sasama ka. Sasama na din ako. Tara na hatid na kita sa inyo" sabi nya then tumungo na kami sa Parking lot ng school.
-fast forward-
Andito ako sa bedroom ko ngayon. Nakahiga lang. Gabi na din. Kanina pa ako hinatid ni Kurt dito.
Naalala ko kanina nung hinarana ako ni Kurt at niyakap. Kahit na play lang yun parang feel ko hindi play. Feeling ko lahat ng pinerform namin dun totoo. Walang halong kasinungalinan. Aish! Ano ba tong iniisip ko. Itutulog ko na nga lang 'to.
Pumikit na ako at nakatulog na din.
************************
A/N: Super duper long UD for all of you. First time kong maglagay ng POV ng 4 character sa isang chapter aa. First time ko ding umabot ng 2590 words. Pambawi na din yan sa pagong na ud ko. Haha. Labsyou. Haha.
-Dyosang Author ♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top