Chapter 12: First Date?
Chapter 12: First Date?
James Wellington on the side ----------->
[Chloe's POV]
Nagising ako ng kumatok si mama. Napatingin naman ako agad sa wrist watch ko.
Time Check: 4:00 am
Ang aga pala. Tumayo naman ako para buksan yung pinto. Pagbukas ko nakita ko si mama na nakatayo dun sa pinto.
"Bakit ma?" tanong ko habang papikit pikit pa. Hays. Inaantok pa talaga ako.
"Magpapaalam lang sana ako 'nak. Ngayon na yung flight ko." napamulat naman ako ng mata dun.
"FLIGHT!? FLIGHT SAAN MA!?" pasigaw na tanong ko. Hindi ko talaga maalala kung tungkol saan yang flight ni mama eh.
"Kasasabi ko lang sayo kahapon eh. Diba nga pupunta akong states, about business matters lang naman." Ayt. Oo nga pala. Haha. Nakalimutan ko.
"Ah. Oo nga pala ma. Sareeh! Nakalimutan ko. Ihahatid ko ba kayo sa airport ma?" tanong ko at dumiretso sa walk in closet ko para maghanap ng isusuot.
"No 'nak. Hindi na. Delikado i mean wag na. Baka malate ka pa sa school. Diba may pasok ka pa?" nagnod lang ako sa kanya.
"Sige nak. Alis na ako. Ingat ka dito ha. Take Care. I love you 'nak"
"Ingat ka din ma. Tawag po kayo sakin ha. Take care po. I love you ma" sabi ko at kiniss si mama sa cheeks.
Bumaba naman na si mama. Sumunod lang ako. Lumabas na sya bitbit yung maleta nya, nagwave lang ako sa kanya.
Aakyat na sana ulit ako sa kwarto ko para ituloy ang pagtulog ng maalala kong may assignment pa pala ako na hindi nagagawa.
Kinuha ko lang yung bag ko atsaka ginawa na yung assignment ko. Madali lang naman 'to.
Pagtapos kong gawin umakyat muna ako sa lwarto ko para maligo.
After a minute tapos na din ako. Nagbihis lang ako at nag ayos pagtapos bumaba na din ako.
Pagbaba ko chineck ko muna kung may luto ng pagkain. Nung nakita kong meron na kumain lang ako ng kumain.
Maaga pa naman kaya hindi pa ako malelate nito. Patuloy pa din ako sa pagkain ng biglang may mag door bell.
*ding dong*
Napatayo naman ako. Sino kaya yun? Di kaya si mama. Siguro may naiwan.
Paglabas ko binuksan ko lang yung gate.
"Oh ma, bakit ka b— KURT!?" nanlaki bigla ang mata ko ng makita ko sya.
"ANONG GINAGAWA MO DITO!?" pasigaw na tanong ko.
"Pwede papasukin mo muna ako? Tch." sabi nya. Ang aga aga, nagsungit agad. tss.
"Oh pasok!" pagkapasok nya agad ko naman sya tinanong kung anong ginagawa nya dito.
"Malamang sinusundo ka. tch." sabi nya.
"No need. Umalis na si mama kaya hindi mo na ko kelangan sunduin. Besides, kaya ko naman" sabi ko tsaka umupo sa sofa.
"Umalis nga si Tita. Tumawag naman sya sakin kagabi at sinabihang alagaan daw kita. tss." Yun naman pala. Pero kung hindi si mama tumawag, 'di naman nya gagawin 'to.
Inirapan ko lang sya at kinuha yung bag ko at inayos.
"Tara na!" sabi nya. Napatingin naman ako sa wrist watch ko.
Time Check: 5:30 AM
"Ang aga aga pa eh. Sarado pa yung school nito" sabi ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pumunta sa kusina para uminom ng tubig.
Sumunod naman sya.
"Hindi naman tayo papasok. May pupuntahan tayo." sabi nya.
"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko at uminom ulit ng tubig.
"Mag ddate." nabuga ko naman yung ininom kong tubig. WTF!
"DATE!?"
"Tch. Bingi ka ba?" pagtatanong nya. Inirapan ko lang sya at pumunta sa salas. Sumunod ulit sya.
"Buntot ba kita?" pagtatanong ko. Hindi sya sumunod bagkus nagkunot ng noo naman sya.
"Sunod ka kasi ng sunod sakin. tsk" sabi ko.
"Let's go. Tch. Dami pang sinasabi" sabi nya tsaka lumabas ng bahay.
Kinuha ko lang yung bag ko at sumunod sa kanya.
--
Enchanted Kingdom
Andito na kami. One hour yung byahe papunta dito.
Wow! Ang ganda. Namimiss ko na dito. Antagal ko ng hindi nakapunta dito eh.
Four years old lang ako nung huling beses na nakapunta ako dito. Kasama pa namin ni mama si dad nun.
"Dyan ka na lang?" tanong nya sakin. Umirap lang ako tsaka naglakad at pumila para bumili ng tickets. Sumunod lang ulit sya. Yan na naman sya sa pagiging buntot nya. tsk.
"Sakay tayo dun oh!" turo ko sa isa sa mga rides dun.
"Where?" tanong nya tsaka tumingin sa gawi nung tinuro ko.
"Dun sa ferris wheel. Maganda dyan." sabi ko. Bigla namang nagiba yung timpla nung mukha nya.
"Any problem?" tanong ko.
"Nevermind. Sige lang." sabi nya. Nagnod lang ako. Yey! Namimiss ko na talagang sumakay dun eh.
Nakapila pa rin kami ngayon. Kami na sunod. Aabot ko na sana yung pera ko para ipangbayad ng pigilan ako ni Kurt.
"Bakit? Ikaw magbabayad?" tanong ko.
"No. Wag mong bayaran. May 20% kaming shares dito." I see! Nagnod lang ako. Pero bago kami umalis dun, binati lang sya ng mga staffs dun.
As usual hindi nya pinansin. Naglakad lang sya papunta dun sa rides. Sumunod lang ako. Ngayon ako naman yung buntot nya. tsk.
Sumakay na kami sa Ferris Wheel. Tahimik lang kaming dalawa. Parang walang gustong bumasag ng katahimikan.
Nagulat ako nung patigilin ni Kurt yung ride.
"Problem?" tanong ko pero hindi sya sumagot. Bumaba lang sya. Sinundan ko lang sya. Hanggang sa makasakay na sya sa kotse nya.
Hanla! Uuwi na agad kami. Yun pa nga lang nasasakyan namin eh.
"Get in." sabi nya. Pero nanatili lang akong nakatayo sa labas ng kotse nya.
"Papasok ka o Iiwan kita dito?" tanong nya. Agad naman akong pumasok sa loob. Syempre ayokong maiwan dito. Sayang pamasahe paguwi.
-Fastforward-
Andito na ako sa bahay ngayon. Actually, kanina pa ako dito. Gabi na. Iniisip ko yung kanina.
Bakit kaya sya nag aya ng date? Pero ang tanong dun, bakit sya nag aya ng date pero agad din nag aya para umuwi?
Ang gulo nya ha. Tsaka Date pa ba yun, kung hindi naman tumagal kahit 30 mins. lang. tsk.
Hays. Andaming tumatakbong tanong sa isip ko.
*Kruu~ Kruu~*
Nagugutom na'ko. Pero tinatamad akong bumaba para kumain.
Bukas na lang ako kakain. Matutulog na lang ako. Ipapahinga ko na lang 'tong utak ko. Andam—
Zzzzzzzzzzz Zzzzzzzzzz
******************
A/N: This CHAPTER is now EDITED! :)
-Dyosang Author ♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top