Chapter 1: Transferee

Chapter 1: Transferee

[Chloe's POV]

"Bessyyyyy~ Dalian mo nga maglakad. Ang bagal mo!" sigaw sakin ni Bes.

Naglalakad kasi kami ngayon papuntang school. Kasi may pasok kami. Mayaman naman sila Bes, kami din naman pero di namin trip sumakay sa kotse.

"Ba't ka ba kasi nagmamadali bes? Anong meron? Wala namang Flag Ceremony ngayon." tanong ko.  Ano bang meron ngayon? Hays. 

Hindi pa pala ako nagpapakilala. I'm Chloe Reinne Montana. 17 years old. Studying at Wellington University.

And si Bessy ko naman. She's Sophie Villanueva. 17 years old din and same school namin.

"Duh! Bes di ka ata nakikinig sa usapan nila kahapon eh. May new transferee daw ngayon. And guess what He's a boy. Ohmy bes! Baka gwapo yun. Waaaahhh!" tili nya. Peste! Ansakit sa tenga. Lumayo agad ako sa kanya bago pa mabasag tong ear drums ko. tsk.

"Hoy Bes! Pwede wag kang tumili dyan. Ansakit kaya sa tenga. Tsaka ano naman kung may new transferee. Wala akong pake sa kanya."

"Tsk. Ewan ko sayo bes. Basta ako may pake ako sa kanya. Sana sa section namin sya mapunta. Waaahh!" tili ulit nya.

Lumayo na lang ulit ako sa kanya. Hindi na ko nagsalita. Pinagpatuloy lang namin ang paglalakad. After a minute andito na din kami.

-Wellington University-

Pagpasok namin sa school. Nagpaalam na sa'kin si bes tapos dumiretso na sya sa room nya.

Sad to say hindi kami magkaklase pero masaya naman ako kasi kaklase ko si lalabs ko.

"Hi Chloe" speaking of! Andito sya. Shemz! Kinikilig ako. ^///^

He's Joshua Vince Charleston. Sya si lalabs ko. Matagal ko na syang crush. Since first year high school pa lang ako.

"Hi din JV. Papasok ka na?" tanong ko. Close kami pero hindi ko pa sinasabi sa kanya na crush ko sya kasi baka iwasan nya ako at magbago yung pakikitungo nya sa'kin.

"Yeah. Sabay ka na." nag nod lang ako sa kanya at nginitian.

"Chloe akin na pala yang books mo. Ako na magbibitbit." OMG! Ang gentleman nya talaga kahit kelan. Kaya madaming girls ang nagkakagusto sa kanya eh.

"Wag na. Kaya ko na 'to." pagtatanggi ko. Syempre hindi ko naman lulubos lubusin yung pagiging mabait nya. Tsaka kaya ko naman talaga.

"Sure ka ha?" nagnod lang ako. Then naglakad na kami papuntang classroom.

-At Classroom-

Pagpasok namin sa room dumiretso lang ako upuan ko. Si lalabs ko naman dumiretso na din sa upuan nya.

Pagupo ko tinext ko muna si Bes. Since wala pa naman si ma'am eh.

To: Bes <3

Bes, relax ka lang ha. Baka mamaya pag napunta dyan yung new transferee magwala ka. Hahahaha.

Sent

Maya maya nag reply din sya.

From: Bes <3

Baliw ka bes. Hindi daw sa section namin mapupunta eh. Sadlife bes. :(

Tawang tawa na'ko dito. Kawawa naman si Bes umaasa na sa kanilang section mapupunta yun. Di ko na lang sya nireplayan dumating na kasi si ma'am eh.

"Good morning Class"

"Good morning ma'am"

"Alam nyo naman yung about dun sa new transferee diba?" nag nod lang kami. Saan kayang section yun mapupunta. Tsaka boy daw eh. Sigurado akong pagkakaguluhan na naman yan ng mga girls dito.

"Your section is lucky, Dahil dito sya napunta sa section nyo" tumili naman agad yung mga ibang girls dito.

"Ohmy! Maam where is he na? Waaahh!"

"Gosh. Sana he's pogi. OMG!"

"May prince na ulit akoooo~"

Ilan lang yan sa mga tili nila. Nanatili lang akong tahimik at inaantay yung sasabihin ni maam.

"Shhh. Hindi ko alam kung asan na sya. Baka nalate. Basta dito sya mapupunta sa section natin." tumahimik naman sila.

Buti naman. Ansakit nila sa tenga parang si bes. tss.

"Mag didiscuss na'ko. Baka kasi hindi pumasok yung trans—" naputol yung sasabihin ni maam ng may biglang sumipa sa pinto. Lahat kami napatingin dun.

Shit. What a gorgeous body? Why so pogi?

Pagpasok nya tilian naman agad ulit narinig ko.

"Ampogi nya. Shitness. Akin ka na lang. Waahh!"

"Like OMG! He's so hot like fire. Ghad! I want to die naaaa~"

Sana nga mamatay ka na. Ang ingay mo eh. =_=

Ilan lang yan sa mga tilian nila. Tumahimik lang ako at napatingin dun sa transferee. Infairness! Gwapo nga and hot. Pero loyal ako kay lalabs ko. Mas gwapo at hot pa si lalabs ko kesa sa kanya.

"Stop! Umayos nga kayo." pagpapatigil ni maam sa mga tumitili at nagwawala. Tumigil naman sila. Buti naman.

"Please introduce yourself mister" sabi ni maam dun sa transferee.

Lahat kami napatingin dun sa gawi nung transferee. Inaantay na magsalita sya.

"Kurt Ivan Maxwell" ang tipid ng sagot aa. Nice answer. -_-

Nagtilian ulit sila. Isa na lang talaga sisigawan ko na sila. Kainis na eh. Ansakit sa tenga.

"I hate girls. Specially fvcking girls that are always shouting. So shut the fvck up."

Tss. Sungit nito. Pero buti naman natahimik sila. Bulong bulungan na lang naririnig ko.

"Ohmygash! He's bad boy. I love him na talaga bebe."

"Me too. I love him. He's bad boy pala. From now on he's my prince na"

Seriously!? Bulong pa ba yan. Rinig na rinig ko nga eh. Tsaka ano bang nagustuhan nila dyan? Ang sungit sungit nga eh. Tss.

Naglakad lang sya papunta sa gawi ko? Bat dito sya pupunta? Luh.

Nagulat ako nung paalisin nya yung katabi ko dito.

"Bat mo sya pinaalis?"

"Dito ako uupo." tipid na sagot nya. Tsaka umupo dito sa tabi ko. Binatukan ko naman sya.

"Tang*na. Bat mo ko binatukan? Baka gusto mong ipaexpel kita dito sa school na 'to"

"Paano mo naman ako mapapaexpel dito eh hindi naman ikaw may ari nito." ang yabang. akala mo naman sya may ari nito.

"Close friend ko ang anak ng may ari ng school na 'to"

"Oh ano naman? Pake ko kung close friend mo sya. tss" Ang yabang talaga eh.

"Aba't! Ipapaexpel talaga kita sa kanya." kinuha na nya yung cellphone nya para siguro tawagan yung may ari ng school.

Natahimik naman ako. So totoo nga? Hala! Ayokong maexpel. T_T Malalagot ako nito kay mama eh. Akala ko naman nagjojoke lang sya eh.

"Waaahh! Wag!" pigil ko sa kanya. Napatingin naman sya sakin.

"Why?" tanong ko.

"Problema mo?"pagtatanong nya. Seryoso pa sya nyan aa. Hindi nya alam problema ko.

"Wag mo kong ipaexpel. Please!" napatingin naman sya sakin.

"Tch." Antipid talaga magsalita eh. tsk. Buti hindi kami pinapagalitan ni maam. Nagdidiscuss na kasi sya eh.

Hindi tuloy ako nakinig sa discussion nya. Bwiset kasi yang Kurt na yan eh.

Hindi na ko nagsalita. Nakinig na lang ako sa discussion. Pero kahit anong gawin ko hindi ko maintindihan yung lesson. Langya naman kasi eh. Dapat kanina pa ako nakinig sa discussion at hindi ko na sya kinausap. tsk.

Nakita ko naman si Kurt sa Peripheral vision ko na nagsmirk sya. Tss.

***********************
A/N: This CHAPTER is now EDITED! :)

-Dyosang Author ♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top