8: One Night Only
Nawala na ang bigat sa paligid na nagagawa ng aura ni Max, pero napalitan naman iyon ng pananahimik ni Arjo. Alas-siyete ang usapan nina Max at Greta. Malakas ang kutob ni Max na aayain siya ng dinner ng babae kaya isinakto sa ganoong oras.
Sigurado naman si Max na naiintindihan siya ni Arjo. Hindi naman ito mananahimik kung hindi nito naiintindihan ang sinabi niya. Kilala naman niya ito na mag-iingay nang mag-iingay kung hindi nito alam kung ano ba ang lumabas sa bibig niya.
Naka-indian seat lang si Arjo sa balcony at nakikipaglaro na naman sa asul nang unan sa bago nilang hotel room. Hindi muna niya ito kinausap para bigyan ito ng space na kailangan nito para maunawaan siya. Binalikan lang niya ito roon nang makitang papalubog na ang araw.
Pagsilip niya rito, nakasubsob na naman ang mukha nito sa unan na nakasilid sa yakap nito habang nakatupi ang mga tuhod.
Nang tanawin niya ang dagat, kulay kahel na ang langit at nangangasul naman ang banda sa itaas nila. Umupo siya sa tabi ni Arjo at idinantay ang ulo niya sa ulo nitong nakayuko.
"Galit ka ba sa 'kin?" maamo niyang tanong dito.
Walang sagot mula kay Arjo. Lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa unan.
"Gusto mong bilhan kita ng teddy bear para may nayayakap kang iba?"
Hindi na naman siya inimik ni Arjo.
"Di ba, sabi mo, maghanap ako ng ibang babae? Isipin mo na lang na parang ganito lang 'yon."
Napadiretso ng upo si Max nang bahagyang lumayo sa kanya si Arjo para makita ang mukha niya. "Gusto mo ba siya, Kuya?" dismayadong tanong ni Arjo.
"Natural hindi," mabilis na sagot ni Max.
"E bakit ko iisipin na parang gano'n 'to?" Mababakas sa mata ni Arjo ang lungkot.
"Kasi sabi mo, di ba, gusto mong maghanap ako ng iba."
Lalong nalungkot si Arjo at tumulis na naman ang nguso saka isinubsob ulit ang mukha sa unan.
"Nagtatampo ka ba?"
Umiling si Arjo.
"E bakit malungkot ka?"
Hindi na naman sumagot si Arjo.
Nagbuntonghininga lang si Max dahil kahit anong hindi ni Arjo, masyado nang obvious ang sagot sa kilos nito.
"We both know she's gonna do something bad tonight. And I can't let that happen," paliwanag ni Max. "If ever I have to do something worse, I don't want you to be there to witness it."
Nag-angat na naman ng tingin si Arjo para makita kung gaano kaseryoso si Max sa sinabi nito.
"I don't like her, that's for sure," pagpapatuloy ni Max. Hinawi niya ang dumikit na buhok sa mukha ni Arjo at sinuklay niya ang hibla ng maikling buhok nitong ginawa na lang pixie cut para bumagay sa hugis ng mukha. "Isipin mo na lang na gaya lang din 'to ng nangyayari kapag may pumupuntang friend mo sa bahay tapos gusto lang akong kausapin."
"Tinatakot mo naman sila e," sabi ni Arjo na nakakunot ang noo.
Matipid na ngumiti si Max. "Exactly."
Kinuha niya ang kaliwang kamay ni Arjo at inalis ang unan sa yakap nito. Inilapit pa niya ito sa kanya at siya na ang umakbay rito para bahagyang yakapin sa gilid. Idinantay niya ang gilid ng ulo ni Arjo sa balikat niya at sinuklay-suklay nang marahan ang ilang hibla ng buhok nito sa kanang gilid.
"Trust me on this one, alright?"
Tango lang ang isinagot ni Arjo sa kanya.
****
Dumilim na nang umalis sila ni Arjo sa hotel. At kung maingay na sa umaga, dumoble naman ang ingay sa gabi. Kaya imbis na isama si Arjo, lalong nahirapan si Max na yakagin ito. Wala na tuloy siyang nagawa kundi iwan ito ulit sa hotel room at sinabing tawagan siya sa numerong isinulat niya sa papel gamit ang phone ng hotel room nila.
Hindi rin nagsisi si Max na hindi niya isinama si Arjo dahil kung maingay sa lugar ni Greta Macini noong tanghali, wala na iyong sintahimik pagdating niya roon.
"This way, sir," bungad na bungad sa kanya ng isang lalaking nakasuot ng smart-casual white and black attire. Kung puti at lively ang naabutan nila kaninang tanghali, naging dim, and red and orange theme na iyon pagdating ng gabi. Parang may hidden desire atmosphere sa paligid, lalo na sa aroma ng lugar na parang sa mga romantic bath house and jacuzzi niya naaamoy.
Iniwan siya sa pinto ng second floor ng bahay, sa loob ng isang malaking kuwartong scented candles lang ang tanging ilaw. Makalat sa sahig ang mga red rose petal at sa gitna ay isang dinner table na nakahanda at nakaupo roon si Greta Macini na ang tanging suot lang ay isang red satin bath robe na ang nakailalim ay isang black lingerie.
Tama nga ang hinala ni Max.
"Buono sera, Max Zach," bati nito sa kanya sa mabigat nitong boses na mas bumigat sa katahimikan ng buong bahay.
Lumapit naman si Max sa mesa at kinuha agad sa itim na suit ang Summons saka inilapag sa harapan ni Greta. "Huwag na tayong magpaliguy-ligoy pa rito. Ayokong masayang ang oras ko."
Natawa si Greta at pabalagbag na umupo sa upuan niyang may patungan ng mga braso saka tiningnan si Max nang may namumungay na mga mata. "Alam mo bang si Richard Zach ang unang kumausap sa 'kin tungkol dito."
"I guess he failed on giving you the invitation," sagot ni Max.
"He was," sagot ni Greta. "I asked him to visit me for the night but he didn't. Probably that's your mother's fault."
"If I were my mother, I'd do the same of not letting my father to be here."
"But you're here tonight." Nagpakita ang nakalolokong ngisi sa labi ni Greta at lalong umangat ang ganda ng ngipin niya sa dim light. "So I guess, you marry the wrong girl."
"I didn't marry the wrong lady. She married the right man." Itinuro niya ng tingin ang Summons. "You better talk to the Order itself. I'm just giving you the invitation."
"You're the Order. Kung makikipag-usap ako, sa 'yo 'yon." Itinuro niya ng tingin ang kaharap na upuan. "Please be seated. Let's talk about the real business here."
Humugot muna ng hininga si Max at talagang nanunuot sa ilong ang mabangong amoy sa paligid.
Binuksan niya ang butones ng suit at umupo na rin sa itinurong upuan ni Greta. Ang sama ng tingin niya sa babaeng naghawi ng buhok at ipinasilip nang bahagya ang mga ayaw niyang makita rito. Nangalumbaba ito at tiningnan siya na tila ba siya na ang pinakamagandang lalaki sa mundo na nakita nito.
"Talk. Now," utos niya rito.
Natawa si Greta. "You sounded like your mother. Hindi pala magandang kombinasyon ang ugali ng isang Zordick at Zach."
"Enough with the personal opinions."
"Where's your wife?"
"Why? Did you miss her?"
"Hahaha!" Napahalakhak si Greta.
Hindi naman malaman ni Max kung saang banda ang nakakatawa sa sinabi niya.
"She already saw me. Hindi ba siya nag-alala na pupunta ka rito mag-isa sa ganitong oras?"
"Curious ka ba sa mararamdaman niya? Ipinaliwanag ko naman na posibleng may mangyari ngayong gabi."
"Ooohh . . . so, there's anticipation of what's gonna happen." Tumayo na si Greta at dahan-dahang lumakad palapit kay Max.
Ang talim lang ng titig ni Max kay Greta habang inoobserbahan ang kilos nito.
"Your father never dare to offend me," ani Greta sa mas magaspang nang tinig, tila ba nang-aakit. Sa ganda ng boses nito, aminado si Max na kahit sinong lalaki, mahuhumaling dito. "However . . ." Agad na sumampa si Greta sa kandungan ni Max at hinawakan agad ang balikat ng lalaki. "He never let me touch even the point of his fingertips." Lalong pumungay ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang kulay itim na mata ni Max na maaaninagan ng sumasayaw na apoy sa kandila sa mesa. "I laughed at the famous Richard Zach when he said he wanted to do his job professionally, but his wife works as professional as hell." Tumango-tango pa si Greta. "At alam mo kung ano'ng mas nakakatawa ro'n? Hindi siya natatakot na baka patayin siya ng asawa niya. Natatakot siyang baka iwan siya ng asawa niya." Napasimangot bigla ang babae. "Richard Zach. The thief who could stole any ladies' heart was scared of abandonment of his own wife."
"Are you gonna tell me all your bizarre fairy tales of how the prince rejected the witch because he chose the dragon instead?" sarkastikong sagot ni Max.
Natawa na naman si Greta at puno na ng pagkabilib ang tingin kay Max. "Hindi ko inaasahang ganito kahina ang ipinalit nila sa dating Fuhrer. You even let me sit on your lap."
"I'm still considering you as a lady that needs respect even if she can't give it on her own."
Nagtaas agad ng kaliwang kilay si Greta. "And you think I'm not respectable enough because I was doing this?"
"I just want to give you the invitation. Hindi na natin kailangang umabot sa ganito kung kaninang hapon pa lang, nakisama ka na."
Tumango na lang si Greta. "Spend a night with me and I'll accept it."
"I'll give you a minute to reconsider the offer without any condition."
"Huwag kang makipagtawaran sa 'kin sa loob ng pamamahay ko."
"E di doon tayo sa labas."
"Huh!" Natawa si Greta ngunit may halo nang pagkainsulto at hindi pagkapaniwala ang tawa niya. "Excuse me?"
"My wife is not an assassin," sabi ni Max na diretso ang tingin sa mata ng babaeng kausap. "And I don't want her to get involved in any possible killings like what my mother did. But don't take her as an inferior. She doesn't deserve your humiliation."
"Does she know what you are and how dangerous your position is? Do you understand what you're into?"
Sinilip ni Max ang relo. "Your minute is done. Take the card," utos ni Greta.
"Convince me to take it," hamon nito.
Napairap na lang si Max sa kanan at talagang nainis na dahil hindi niya madadaan sa matinong pakiusap si Greta.
Hinawakan niya agad ito sa baywang at buong lakas na binuhat papaupo sa mesa.
Nagkalansingan ang mga kubyertos na naroon at pinanlakihan lang ng mata ni Greta si Max. "Oh. Getting serious?" nakangisi niyang sinabi.
Kinuha ni Max ang nakalapag doong wine glass na may kalahating laman na red wine at inubos sa isang tunggaan ang laman niyon. Pagkatapos niyon ay hinawakan niya sa likurang bahagi ng ulo ang babae at inilapit sa kanya saka ito mariing hinalikan.
Lalong nanlaki ang mga mata ni Greta at nakuyom ang puting table cloth habang may kung anong mainit siyang nararamdaman sa buong sistema niya. Nangibabaw sa katahimikan ang mahina niyang ungol at akma nang hahawakan si Max pero sinalo nito ang pulsuhan niya at marahas siyang pinigilan.
Dahan-dahang inilayo ni Max ang labi niya at pakiramdam ni Greta at may kung anong mainit na usok na nanggaling sa bibig nito na pilit niyang hinabol ngunit hindi niya naabutan.
Malamig ang tingin ni Max nang salubungin ang tingin ni Greta na hindi maipinta ang reaksyon. "If you want to see me again," kinuha ni Max ang Summons at table napkin na naroon, "take this invitation." Saka inipit ang card sa strap ng lingerie ni Greta. Mabilis siyang tumalikod dito habang mariing pinupunasan ang labi saka tumungo sa malapit na labasan.
"Wait!" pagpigil nito sa kanya pero umiwas lang siya sa hawak nito at mabilis na bumaba sa second floor.
----
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top