20: Secret of the Herring's Eyes

Gaya ng sinabi ni Olive, binalikan nga niya si Max makalipas ang isang linggo para magbigay ng update. Siya na ang sumadya rito sa opisina ng Fuhrer at naabutan itong nasa kalagitnaan ng trabaho.

"I told Xerez to put me on your last lister but he's persistent," bungad ni Olive na hindi man lang bumati di gaya ng ibang nagtatrabaho roon. "Anyway, how's your day so far?" Naupo na siya sa kaharap na upuan sa office table ni Max at inusisa ang mga papel na nasa mesa nito. "Maaga kang tatanda niyan. Si Ricardo, tinatapon lang ’yan sa tabi-tabi. Ang dami pala."

"How's the test?" tanong na lang ni Max at inawat muna ang sarili sa trabaho. Komportable siyang sumandal sa swivel chair at tiningnan ang maaliwalas na mukha ni Olive. "Is it severe?"

"Aaaactually . . ." Tumiim ang pagkakatikom ng bibig ni Olive at alanganing tumango-tango. ". . . nagulat din ako sa result hahaha!"

Nagpataas ng magkabilang kilay ni Max dahil sa pagtawa ni Olive na parang may nangyaring kalokohan at hindi rin nito inasahan.

"Nawala ang kaba ko sa tawa mo," sarkastikong sinabi ni Max.

"Well, based kasi sa test results, walang problema sa katawan mo. Medyo dehydrated ka lang kaya suggested na uminom ka ng maraming tubig or fresh juices. Other than that, you're normal."

"Hindi ba 'ko mamamatay ngayon?"

"Kung babarilin kita sa ulo, malamang mamamatay ka nga. Pero kung related sa Project ARJO at sa pag-intake mo sa dugo niya, dying is far from possible. Which!"—Nagtaas ng kanang hintuturo si Olive—"really a surprise since all of us are expecting your body to react accordingly based on previous tests recorded in Labyrinth's facility."

"Meaning?"

Nagkibit-balikat si Olive. "May theory ang mga medtech and researcher na masyadong malakas ang antibodies mo para labanan ang lason ng Project ARJO." Napatingin ito sa itaas habang pinapaling-paling sa magkabilang gilid ang ulo. "Which is reasonable naman kung titingnan dahil artificial lang ang dugo ni Arjo compare sa dugo mong natural. After all, ikaw naman talaga ang dapat makikinabang ng dugo niya aside kay Armida."

"What . . . do you mean by that?" Lalong nalito si Max.

"Originally, dapat may regenerator na si Armida habang pinagbubuntis ka. Kasi sa process of conception, kukunin ng offspring ang sustansya sa ina. Yet Armida's body is full of artificial toxins. Kapag naisalin niya 'yon sa bata, wala nang matitira sa kanya, that's why kailangan ng pamalit doon. That's the purpose of Project ARJO. Replenishment ng mawawala sa mama mo."

"Ibig bang sabihin n'on . . . may lason din ang dugo ko?" takang tanong ni Max.

Iyon ang nagpalawak ng ngiti ni Olive. "Sabihin na nating . . . posibleng ikaw yung hinahanap na susi ng mga taong naghahabol sa Project ARJO." Lalo pa siyang lumapit sa mesa para bumulong kay Max. "Hindi ka project. Ikaw yung natural result ng dalawang pinaghalong project. And if that facility asked for your presence on their laboratory, don't go."

Tinitigang maigi ni Max ang mga mata ni Olive na puno na ng pagbababala. "Why? Pag-eeksperimentuhan din ba nila 'ko?"

"Probably, yeah. Ikaw pa naman ang pinakainteresanteng bagay na gusto nilang makuha noon pa." Bumalik na sa maayos na pagkakaupo si Olive. "Ang narinig ko kay Gilmore, yung manifested symptoms na nararanasan mo towards Project ARJO—yung parang hinahanap-hanap mo yung dugo niya at yung sinasabi mong para kang nagiging bampira or such, even the changes sa eye color mo or the epistaxis—that's what happens kapag nagre-react ang antibodies mo sa lason niya. Kini-cleanse ng sistema mo yung toxin kaya side effects lang ang nararanasan mo." Nilingon niya ang direksyon ng pinto na tila ba may inaabangan doon bago muling lumapit sa mesa para bumulong kay Max. "Itong theory nila, panahon pa 'to ni Labyrinth. Ang narinig ko sa opisina ni No. 99, meron silang box na pinaglayan ng exact formula na kayang pahabain ang buhay ni Arjo. Ire-reproduce lang 'yon para sa dialysis, pero hindi pumayag si Ricardo."

Biglang kumunot ang noo ni Max sa huling sinabi ni Olive. "Si Papa? Bakit?"

"Kasi oras na ginamit 'yon kay Arjo, rejected na siya as artificial regenerator ni Armida. Magbabago ang chemical composition ng dugo niya at magiging lason na 'yon sa katawan ng Project RYJO. At oras na gamitin ang dugo niyang nagamitan ng formula, iyon mismo ang papatay kay Armida. Either way, one of them will really die. At kung ako ang papa mo, gagawin ko rin ang ginawa niya." Umayos ulit ng pagkakaupo si Olive. "But since Armida's not gonna use Arjo's blood anymore, now is the right time to search for that box."

"May idea ka sa box?" tanong ni Max.

Nagkibit-balikat si Olive. "Si Ricardo ang lahat ng nagtago ng pinakamadidilim na sikreto ng Citadel. Pero alam ng opisina ni No. 99 so malay mo, alam ng mga Guardian ang tungkol doon." Tumayo na si Olive at nginitian si Max. "Or better yet ask Xerez. Ikaw lang naman ang puwedeng magtanong na makakakuha agad ng sagot mula sa kanya."

****

Magpapasalamat na sana si Max dahil buong akala niya talaga ay mamamatay na siya dahil sa dugo ni Arjo na tinutukoy ni Olive pero hindi naman pala iyon mangyayari, ang kaso, nadagdagan pa ang isipin niya dahil sa tinukoy nitong kahon. Kaya naman, agad ang patawag niya kay Xerez matapos ang sinabi ng doktora sa kanya. Hindi pa nga tapos ang pag-iisip niya sa sinabi ni Greta Macini, bigla pang gagatong ang sinabi ni Olive.

"May alam ka ba roon sa box na may laman ng gamot na puwedeng gamitin kay Arjo?" pangunguwestiyon ni Max na mas malapit na sa paghihinala imbis na simpleng pagtatanong lang.

Bahagyang tumungo si Xerez. "Ano'ng kahon, milord?" sagot nito sa natural nitong tono, iyong may bahid ng pamimili kung alin ang alin para malaman kung ano ang isasagot para sa tamang tanong.

"'Yong kahon na tinatago ni Papa. May gamot daw doon para kay Arjo."

Napansin ni Max ang malalim na paghinga ni Xerez at pag-ilag nito ng tingin.

"Alam mo. May alam ka," nanghuhusgang sabi ni Max.

"Hindi nagbigay ng kautusan si Lord Ricardo ukol doon, milord."

"Pero meron. At alam mo."

Tumiim ang pagkakatikom ng bibig ni Xerez at tumungo na naman. "Mayroon nga, milord."

"Nasaan?"

"Nasa pangangalaga iyon ni Lord Ricardo, milord."

"May ideya ka kung saan itinago ni Papa?"

"Paumanhin, milord, ngunit ang lahat ng alam ni Lord Ricardo ay kanya lang."

"Ano yung laman ng kahon?"

"Naroon nakatago ang Herring's Eyes."

Nagbuka man ng bibig si Max, wala pa ring salitang lumabas sa bibig niya. Napaurong siya sa narinig.

Nag-angat ng tingin si Xerez at tiningnan siya. "Milord, may dahilan kung bakit itinago iyon ni Lord Ricardo. At kung talagang makabubuti iyon para kay Lady Josephine, dapat ay matagal na niya iyong ginamit."

Naniningkit ang mga mata ni Max sa Centurion. "You have an idea about that eye, haven't you?"

"Milord . . . mas mabuti nang hayaan na nating nakatago ang mata kung nasaan man iyon ngayon."

"Hindi mo rin alam kung nasaan."

"Milord, lahat ng kayamanan ni Shadow ay kanya lang. Walang may alam kung saan niya tinatago ang lahat ng pag-aari niya."

Napailing si Max dahil sa pagkadismaya. "Then tell the association agents, magbabayad ako para sa serbisyo, mahanap lang nila ang matang 'yon."

Tumayo na siya sa mesa at naglakad palabas ng opisina. Gusto niyang kausapin ang facility ni No. 99 para malaman niya kung ano ba ang dapat at tamang gawin sa kaso ni Arjo.

"Milord, hahanapin nila ang kayamanan ni Shadow. Masyado iyong imposible."

"At least, I made a move."

Ni hindi na napagbuksan ni Xerez si Max. Ang Fuhrer na ang nagbukas ng pinto para lang makalabas.

"Milord, hindi lang basta alahas ang Herring's Eyes."

Napahinto si Max at hinarap si Xerez na nakasunod sa kanya. "Hindi mo lang alam ang tungkol sa mata. Alam mo rin kung nasaan 'yon." Nagtaas ng magkabilang kamay si Max at sarkastikong ngumiti. "Great! Now, what? Since you have no order from my father to show that eyes in public, then you've got no plan on revealing where's that treasure now?"

Hindi agad nakasagot si Xerez. Naroon na naman ang buntonghininga nito na nangyayari lang kapag may nababanggit si Max na sikretong hindi dapat nito alam pero nalaman nito.

"Lord Maximillian, ginawa ang laman ng mata para patayin si Lady Evari."

Nagkrus ng mga braso si Max. "How? Kapag ba ginamit 'yon kay Arjo, magiging lason na 'yon para kay Mama? Pero wala na nga si Mama!"

Akma na sanang tatalikod si Max pero binalikan na naman si Xerez, at halata sa mukha niya ang tamlay. "O baka naman may binabalak ang Citadel kaya hindi mo magamit kay Arjo ang laman n'on."

Bumakas sa mukha ni Xerez na tapos na siyang magsalita. At kung ano man ang sabihin ni Max, hindi na siya sasagot pa.

“Gusto kitang pagkatiwalaan, Xerez. Pero hindi ko alam kung hanggang saan ko ibibigay ang tiwala ko sa ’yo,” nadidismayang sinabi ni Max. “Everybody is telling me Arjo is made to die. Gusto kong malaman kung hanggang kailan ko kailangang marinig ’yon.” Gumuhit sa mukha ni Max ang pagsuko. “Ayokong nagbibilang ako ng araw kung hanggang kailan na lang siya mabubuhay.”

Matunog ang naging buntonghininga ng Centurion. “Milord . . .” Halata ang pagdadalawang-isip sa reaksyon ni Xerez bago ituloy ang sinasabi. “Ilang taon ding iniwas nina Lord Ricardo at Lady Evari na pag-usapan dito Citadel ang tungkol doon. Alam ko kung nasaan nakatago ang mata, at alam ko rin na hindi iyon ang gamot na kailangan ni Lady Josephine.”

Napairap si Max at napahimas ng noo. Hindi niya talaga mapasuko si Xerez. “Paano ngang hindi! Sinabi ni Greta Macini na nasa mata ang gamot para kay Arjo! Sinabi ng mga tao sa facility na nandoon sa box—na kung anong box na ’yon—ang gamot kay Arjo! Iisa lang kayo ng tinutukoy! Paanong hindi?!”

“Milord, dugo ng Project ARJO at dugo ninyo ang nakalagay sa mata. Isang naglalaman ng lason at isang naglalaman ng gamot sa lasong iyon.” Umiling si Xerez. “Alam kong hindi bago sa pandinig ninyo ang sasabihin ko ngunit kayo bilang anak ni RYJO ang dahilan kaya nabuo ang Project ARJO. At kayo rin ang posibleng dahilan kung bakit sila mamamatay.”

----

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top