18: Black Knight
"Kuya, bakit nakapapapansin mo?"
Iritang-irita si Arjo matapos ang hapunan nila at hindi na natahimik ang daan nila pabalik sa kuwarto hanggang pagtapak doon.
"Kuya kasi, di ka naman kailangan do'n e!"
Pero kahit na ano pang reklamo ni Arjo, hindi talaga siya sinasagot ni Max.
"Kuyaaaaa!"
Wala pa ring sagot at tumuloy na lang si Max sa banyo para mag-asikaso sa pagtulog.
Hindi talaga maintindihan ni Arjo kung ano ang problema ni Max. Mabuti sana kung unang beses iyong nangyari, kaso hindi. Masyadong matalino ang kuya niya. Sapat na para makuha nito ang bachelor's degree dalawang taon na ang nakararaan, samantalang siya, noong nakaraang dalawang taon, kaga-graduate lang din niya sa junior high school. Tatlong taon lang naman ang pagitan ng edad nilang dalawa.
Nagtatrabaho na si Max noong nakapag-enroll siya sa kurso niyang related sa business. Ayaw niya sa math pero doon nagsipag-enroll ang mga barkada niya kaya nakisama na lang din siya. Hindi lang niya inaasahan na bigla siyang lilipat ng university pagdating ng sumunod na semestre. At noong paglipat niya, nag-enroll din si Max.
Maluwag na puting T-shirt at cotton pants na ang suot ni Max paglabas niya ng banyo. Basa rin ang buhok niyang pinatutuyo niya ng tuwalya, halatang bagong ligo.
"Kuya, 'wag ka na kasing sumama bukas!" reklamo ni Arjo habang pinapadyak ang paa sa carpeted na sahig.
At gaya kanina, wala pa ring sagot si Max, nagbibingi-bingihan. Dumiretso lang ito sa maliit na office table nito na malapit sa pinto ng banyo at binuklat doon ang journal na nakuha nito sa opisina ni No. 99.
"Kuya, nang-iinis ka ba?" Padabog na nagmartsa si Arjo palapit kay Max. "Ano na namang gagawin mo ro'n? Bakit sa lahat na lang, nakikialam ka?"
"Ano ba'ng pinoproblema mo, sasamahan lang naman kita?" Sa wakas, sumagot na rin si Max.
"Ba't mo 'ko sasamahan?"
"Pakialam mo?"
"E pakialam mo rin sa klase ko?" sagot ni Arjo at humalukipkip pa. "Di ba, marami kang trabaho, Kuya? Bakit sasama ka pa?"
"Uhm!" Walang pagdadalawang-isip na itinuktok ni Max ang journal sa ulo ni Arjo. "Hindi ka talaga nag-aaral, 'no? Kaya ayaw mo 'kong pasamahin."
"Aray, Kuya!" Wala ring pagdadalawang-isip na sinipa ni Arjo ang hita ni Max habang hawak ang bumbunan. "Pakasama talaga ng ugali mo! Nakakainis ka!" Nagmartsa palabas ng kuwarto si Arjo.
"Hoy, saan ka pupunta?"
"Doon sa di ko makikita mukha mo!"
***
Sa dalas mag-away nina Max at Arjo, hindi na rin nagulat ang mga nagbabantay sa kanila kung talagang umabot sila sa ganoong puntong ayaw nilang makita ang isa't isa. At kung ang mga ito ang masusunod, hindi talaga nila paglalapitin ang dalawa para lang hindi magkairingan.
At dahil pasado alas-nuwebe na, at hanggang alas-otso lang ang paglilingkod ni Jean dahil kailangan nitong magbigay ng update para sa mga Zordick, Guardian na ang pinasama ni Xerez kay Arjo doon sa Matricaria.
Nangangalumbaba lang si Arjo habang inis pa rin kay Max. Nasa harapan niya nakaupo si Sav na sapilitan pa niyang pinaupo dahil sinabi nitong kailangan nitong tumayo para magbantay.
"Milady, kailangan na ninyong bumalik sa silid ng Fuhrer para matulog," paalala ni Sav na halatang ilang na ilang sa inuupuan niya. Bawal ang Guardian doon dahil pag-aari ang puwesto ni Cassandra Zordick, pero mapilit si Arjo.
"Ayokong makita si Kuya," nakangusong sinabi ni Arjo at pinaglaruan ang bibig ng tasa ng tsaang hinanda ni Xerez para sa kanya para pakalmahin. "Papansin palagi."
"Milady, gusto lang makita ng Fuhrer na nag-aaral kang mabuti."
"E nag-aaral naman akong mabuti," irita niyang sagot.
"At gusto lang niya 'yong makita. Iyon ang gusto niyang ipaintindi sa inyo, milady. Kapag nakita niyang nag-aaral ka nga nang mabuti, malamang na hindi na niya ipipilit na samahan ka."
"Ano'ng gusto niyang makita? Nakasalamin ako habang nagpapakahirap magbasa sa accounting books? Saka bakit sa accounting lang e ang dami ko kayang subjects? Bakit di niya naman ako kinukulit doon sa iba?" Nanlaki na naman ang ilong niya saka umirap. "'Ka mo, papansin siya. Lahat na lang pinakikialaman niya."
"Nag-aalala lang siya sa iyo, milady."
"Bakit siya mag-aalala e di naman ako nakikipagsapakan kay Railey?" Si Sav na ang inirapan niya. "Saka, ang bait-bait kaya n'on. Siya, ang sungit-sungit niya. Dapat nga, siya yung binabantayan e, napakasama ng ugali niya."
Gusto pa sanang sumagot ni Sav pero mas pinili na lang na tumahimik at matipid na ngumiti. Ilang minuto rin niyang hinayaang tahimik si Arjo habang nakapangalumbaba.
Muling sumilip ang Guardian sa relo at nakitang palipas na naman ang isang oras. Tumayo na siya sa upuan at inalok ang kamay kay Arjo.
"Milady, alas-diyes na. Kailangan na ninyong bumalik sa silid ng Fuhrer."
"Di ba 'ko puwedeng bumalik sa dati kong kuwarto?" malungkot na tanong ni Arjo.
"Pasensya na, milady, pero sinabihan na kami ni Lord Maximillian na doon ka kailangang matulog sa silid niya."
"Psh, ba 'yan?" Kahit naiinis, kinuha na lang ni Arjo ang kamay ng Guardian at inalalayan siya nitong bumaba sa mababang hagdan ng gazeebo kung saan madalas manatili si Cas.
Kahit paano ay kumalma na si Arjo sa paglalakad-lakad nila bago makabalik sa kuwarto ng Fuhrer. Sampung minuto rin iyon dahil hindi rin namna biro ang layo ng hardin kung saan sila galing pabalik sa tutulugan niya.
Nagbuntonghininga lang siya nang maabutang lampshade na lang ang bukas sa kuwarto at tulog na si Max. Nakapaling ito sa kaliwa at natatakpan ang buong katawan ng kumot.
Inisip niyang mabuti na lang at tulog na ito, hindi na niya ito makakaaway pa. Sumampa na siya sa malambot na kama at dahan-dahang isinilid ang sarili sa ilalim ng kumot.
Masasabi ni Arjo na mukhang hindi naging maganda ang nakaraang gabi nila ni Max dahil paggising niya at pagdiretso sa dining hall, walang Max na nagpakita sa kanya. Wala rin si Seamus at Xerez. Si Sav lang ang naiwan doon para bantayan siya. Kaya napakatamlay niya pagdating niya sa study room sa fourth floor kung saan siya nagkaklase. Maaliwalas ang bagsak ng araw sa malaking silid na nagmumukhang library na dahil sa dami ng bookshelves sa dingding at mahahabang mesa.
"Good morning, milady. What's with the long face?" pambungad na pambungad sa kanya ni Railey, Guardian sa opisina ni Cas na nakatoka sa accounting lessons niya. Isa rin ito sa empleyadong under ng finance department ng Citadel.
"My brother's not around this morning," tamad na tugon ni Arjo.
"You mean the Fuhrer." Pagkaupo ni Arjo sa harapang mesa, inurong na agad ni Railey ang white board para itapat dito. May mga nakasulat na roong pag-aaralan nila sa araw na iyon.
"Yeah," matamlay na sagot ni Arjo at isinubsob ang ulo sa mesa. "He said he'll sit in today."
"Well . . ." Nagkibit-balikat si Railey doon. "That's not something I'm aware of. And if he will, the other Guardians should advise me beforehand."
"I'm not sure if he'll come today," sagot ni Arjo at pinaglaruan ang nakahanda nang fountain pen doon na gamit niyang panulat. Pinadaan niya iyon sa blangkong papel na nakalapag sa tabi niya at pinanood na dumaloy ang ink sa point niyon patungong papel.
"You better cheer yourself up, milady." Nagpakita na naman ang matamis na ngiti ni Railey sa kanya. "I'm sure, the Fuhrer would be happy to see you excel in your lessons."
Nagbuntonghininga si Arjo at padabog na sumandal sa upuan niya. Isinandig din niya ang batok sa sandalan niyon at tiningala ang mataas na kisameng may mural ng mga taong nagpapalitan ng kalakal. Naisip niyang halos lahat ng kisame sa bawat kuwarto ng Citadel, hindi nawawalan ng paintings.
"You know what, he's always like this. He's always lurking around me everytime. He even enrolled in my previous school with the same course and the same subjects and the same time. He's annoying."
"Or maybe, he's just worried about you." Nilapagan ni Railey ng makapal na libro sa harapan niya si Arjo, at sa gilid niyon ay isang folder na may nakalagay na Summary.
"Worried because of what? We're not fighting here. You're not as strict as my previous professor. You don't throw erasers on me even when I can't understand what allowance for doubtful accounts is for."
"Because people have their own learning pattern, and the answers are not on the eraser for me to throw it on you, milady."
Imbis na gumaan ang loob, lalo lang sumimangot si Arjo at pinagulong-gulong sa mesa ang hawak na fountain pen.
"Shall we start?" tanong ni Railey.
"I'm not in the mood to study right now," sagot ni Arjo. "Do you think I can absorb our lesson if I force myself to think about this?" tanong niya at kinuha ang papel na may nakalagay na Summary sa mesa at binasa iyon nang kaunti. "Kuya Max is not an accounting student, but he knew how to read these kind of papers on his table."
"It's because he studied it so he understands the context. And you should do that as well, milady." Kumuha si Railey ng upuan at umupo sa tapat ni Arjo saka matipid na ngumiti.
"What if I can't understand everything you're teaching me? Do you see me as a failure?"
"I'm the one who fails if that happens, milady."
"I think he's mad at me. He's always mad at me."
Makahulugang tingin lang ang isinagot ni Railey sa kanya sa sinabi niya. Nagsasabi ang titig nito na sigurado ba siya sa sinasabi niya.
"He used to call me stupid and slow. I already know he's smart and he can understand more than I could. And I'm far from him. His intellectual capacity is almost beyond our parents. He doesn't care about my feelings." Nagbuntonghininga na naman siya at malungkot na sinulyapan si Railey na matamang nakikinig sa mga hinanaing niya. "He'll hate me more."
"Milady, we have our own ways of showing that we care about the person we love. And I'm hoping you will understand what the Fuhrer is doing for you to have a better life."
"This is far from better, Railey." Isinubsob na naman ni Arjo ang ulo niya sa mesa at ipinaling ang mukha sa kanan saka bumalik sa pag-aaksaya ng tinta ng fountain pen. "Our whole family died in front of us. We haven't got a chance to mourn for them. It's hard for us to go back to how we were before we ended up here. He's not even my real brother. And now, I'm married to him. This is not the better life I'm looking forward to."
"And you think it's unfair for you, milady?"
Sinulyapan ni Arjo si Railey kahit nakasubsob pa rin ang ulo niya sa mesa. Isa na namang buntonghininga at nagbalik siya sa pag-aaksaya ng tinta.
"I'm in no position to side, but Lord Maximillian is doing his best to protect you. You may not see nor feel it for now, but we all know his efforts in keeping you safe from harm. It's not an easy task for him because he has a lot of priorities."
"Then he should focus on those priorities, not on me."
Nagbuntonghininga lang si Arjo at pag-angat niya ng mata, nasakto ang tingin niya sa pintuan ng study room. Nakita niya roon sa glass window si Max na napapailing na lang habang nakatingin sa kanya. Lumingon pa ito sa likuran at may lalaking tumango roon, na malamang ay si Xerez din kahit di niya naaninag nang maayos. Pagkatapos niyon ay umalis na rin ito sa pintuan.
Patuloy lang sa pagpapaliwanag si Railey at mukhang hindi nito napansin na dumaan pala roon ang Fuhrer.
"Milady, people always choose what's more important to them, so don't feel bad if among all those priorities, he still has his time checking up on you." Umalis na ito sa inuupuan at bumalik na sa tabi ng white board. "I'm sure he's not coming today here, so much better if we start our lessons. You really need to catch up."
Nagbuntonghininga na lang si Arjo at umayos na ng upo. "Yeah. He's not coming today. Let's start."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top