12: Death Threat

Hindi alam ni Max kung ano ang ibig sabihin ni Greta Macini sa lahat ng sinabi nito tungkol sa kanya at kay Arjo. Balisa siya nang makarating sila sa Vistamar. At di gaya sa ibang kapehan, counter lang ang lugar para um-order at ang mga mesa ay nasa labas at nilililiman lang ng malalaking payong. Hindi sila maaaring tumambay roon nang walang binibili kaya napilitang bumili ng espresso ni Max kahit nagsisimula nang umalinsangan sa paligid at malamig na strawberry frappuccino naman ang kay Arjo. Naghila pa ng upuan si Max para itabi sa kaliwa niya si Arjo dahil wala na siyang tiwala sa distansya kahit pa katapat lang iyon ng upuan niya kung nasaan sila.

Nakailang haplos siya sa pisngi ni Arjo kahit na salubong ang kilay niya para lang makita kung ayos lang ba ito gawa ng kalmot ni Greta.

"Kuya, okay na 'yan. Wala nang sugat," puna ni Arjo dahil damang-dama niya ang pag-aalala ni Max sa kanya.

"Wala ngang sugat, e paano kung may rabies 'yong babaeng 'yon?" sarkastikong tugon ni Max at hinawakan na naman ang pisngi ni Arjo. "Dapat kasi di ka na lumapit do'n e. Sarap mong kutusan kahit kailan."

"Siya ba yung may gawa no'ng nangyari sa 'yo kagabi?" inosenteng tanong ni Arjo at hinawakan na ang kamay ni Max para pigilan ito sa ginagawa sa kanya. Tinitigan niya ang mga mata nito para malaman ang sagot.

At gaya ng ugali nito, umirap lang si Max saka naghimas ng noo. "She didn't do anything. May nainom lang ako kagabi kaya malamang doon—"

"Nag-inuman kayo?"

"No, of course, not!" tanggi agad ni Max sa mataas na boses.

"O, ba't mo 'ko sinisigawan?" nakangusong sinabi ni Arjo.

"'Wag ka na lang tanong nang tanong," naiiritang sinabi ni Max at namataan na agad ang isang puting van huminto sa tapat ng Vistamar. Hindi muna siya kumilos dahil baka hindi kanila ang van na iyon pero nang lumabas doon ang isang Guardian, inakay na niya patayo si Arjo para tumungo na agad doon.

Naging tahimik ang biyahe at walang ibang inisip si Max kundi ang walang kamatayang linya nila kay Arjo na "She's made to die."

Naipaliwanag na sa kanya kung ano ang ibig sabihin niyon kahit pa iba't ibang bersyon na ang nakaabot sa kanya. Na ginawa—hindi ipinanganak—si Arjo para buhayin si RYJO. Na walang purong dugo ni Armida Zordick si Arjo kundi Wolfe at isang malusog na cell di gaya ng kay RYJO. Na dugo lang nito ang kailangan ng lahat—hindi lang ng mama niya. Na matatawag itong susi sa imortalidad—na ilang beses ding kinontra ng mga mismong gumawa rito dahil hindi iyon totoo. Ngunit dahil nga napakabilis ng paggaling ng katawan nito ay hindi pinaniwalaang lason ang sarili nitong dugo at walang ibang makakagamit ng dugong iyon kundi si RYJO lang.

Higit sa lahat, ang nabanggit ni Greta Macini tungkol sa mga mata ng mga sinungaling. Hindi niya naintindihan ang parteng iyon. Pero isa lang ang sigurado siya—alam ni Greta ang tungkol kay Arjo.

"Milord, hihintayin ko kayo rito sa labas ng building," sabi ng Guardian at inabutan siya ng puting envelope.

"Bakit?" takang tanong ni Max at binasa ang laman ng envelope. May Summons doon para sa isa pang candidate na may pangalang "Erish Grymm."

"Tara," aya ni Max at tinangay niya si Arjo palabas ng van. Ayaw niyang iwan itong mag-isa sa sasakyan dahil pakiramdam niya, lahat na lang ng nasa paligid nila, may balak na masama kay Arjo.

Sabay nilang binabasa ang papel tungkol kay Erish Grymm habang nilalakad ang papasok sa isang matayog na building na maganda ang structure.

Architect, appointed COO ng GrimArc Ltd., professional racer. Napaisip si Max kung ano ba ang basehan ng Citadel sa pagpili ng kandidato bilang Superior dahil mukhang matinong tao naman ang bibigyan nila ng Summons.

"Good afternoon, I'm Max," pagbati ni Max sa babaeng nasa front desk ng building. "May I know where is the office of Erish Grymm?"

"Do you have an appointment, sir?" tanong ng babaeng may magandang ngiti at nag-type sa keyboard niya habang nakatutok sa monitor sa kaliwa.

"I'm afraid I don't have any. But can you tell him I'm from . . ." Lumunok muna si Max bago sabihin kung saan siya galing. "I'm the newly appointed Fuhrer of the Citadel."

Napahinto sa pag-type ang babae at tiningnan si Max, kasunod si Arjo na nasa tabi nito. Tiningnan din niya ang likuran nito at parang may hinanap pang iba. "Maximillian Joseph Zach, sir?" pagbuo nito sa pangalan niya.

"Yes," sagot naman ni Max dahil mukhang kilala pala siya roon.

Tumalikod ang babae, may binulungang isa pang attendant, at ito na ang pumalit sa posisyon nito. Umikot sa bakod ng front desk ang babaeng nakausap ni Max at humarap sa kanila. Malaking babae iyon, lalo na kapag naka-heels at halos pumantay sa taas ni Max. Yumukod ito habang nakahawak ang magkabilang kamay sa tiyan.

"I'm Tiana, good day, milord." Inilahad nito ang palad sa kaliwa. "Please, follow me."

Sa ilang pagkakataong nasanay sina Arjo at Max na puro hindi inaasahang lugar ang napupuntahan para lang magbigay ng simpleng imbitasyon, nawirduhan tuloy sila sa pakiramdam na iyon na ang pinakamatinong appointment na napuntahan nila.

Matapos sumakay sa elevator, pinatungo sa nagsisilbing lobby ng 24th floor ng building ang dalawa. Pinaupo si Arjo sa waiting area na may magandang upholstered chair at binigyan ng tsaa. Si Max naman ay pinatuloy sa opisina ng COO na kasalukuyang nag-che-check ng napakaraming proposal sa mesa nito.

"Good afternoon, I'm Max," pakilala ni Max nang humarap sa mesa ng lalaking nakasuot ng salamin.

"I'm Erish," matipid na tugon nito na hindi man lang nagawang sulyapan si Max.

Maiinsulto sana si Max sa asta nito na ni hindi man lang nag-alok ng pakikipagkamay sa kanya kung hindi lang niya nakilala si Olivarez de Montallana at mas lalong si Greta Macini.

"It was unexpected to see someone from Citadel in my office," dugtong nito. "As much as I wanted to ask you to sit down, I know you're as full as I am today and not looking forward for a long talk."

Napatango si Max dahil marunong makiramdam ang pakay niya.

"I'm here to give you this card," sabi ni Max at inilapag na ang Summons sa mesa ni Erish. "It's an invitation for a Superior seat in the Order's long table."

Kinuha lang iyon ni Erish at inilagay sa hilera ng mga business card gaya ng iba.

Noon lang niya tiningnan si Max. "I'll call once I'm interested."

Napataas ng mukha si Max nang mapansing mukhang matanda lang ito ng dalawa o tatlong taon sa kanya. "That's a lot . . . normal . . . than I imagined."

Natawa nang mahina si Erish. "Really, this is awkward. Armida Zordick asked me for this one before you, and you're normal than her. Citadel's a haven for criminally insane people, and you're less than my worst-case expectations."

Nagtaka agad si Max. "You said no to Armida Zordick?"

"She was kidding that time, no invitation given. I really thought she was fooling around until you came today." Inilahad nito ang palad na may nakaipit na sign pen sa daliri paturo sa direksyon ng pinto. "We're not gonna waste each other's time for this one. We're both busy."

Napaisang tango na lang si Max. "Thank you for the less complicated minutes of talking."

Ganoon lang at lumabas na si Max sa opisina ni Erish Grymm, kinuha ang kamay ni Arjo, bumaba sa lobby ng building, at bumalik sa van.

"'Yon na 'yon, Kuya?" takang-takang tanong ni Arjo na nahihiwagaan talaga sa bilis ng appointment nila. "Di ka pinahirapan?"

"Ang weird, 'no?" sagot ni Max.

Ang tagal ng naging biyahe nila. At nagulat sila dahil idiniretso na sila sa airport. Pagkasakay ng private plane, parehas silang tulala at nagtataka.

"Kuya, ang dali lang naman pala ng trabaho nina Papa," sabi ni Arjo. "Dapat pala di natin ginawa agad para nakapagbakasyon tayo saglit."

Napaisip din doon si Max. "Hayaan mo na. Bakasyon na lang tayo before New Year."



***



Gabi nang makabalik sila sa Citadel, at damang-dama ng dalawa ang pagod. Pagtapak na pagtapak ni Arjo sa kuwarto ng Fuhrer, dumapa agad siya sa kama at minuto lang ang inabot, nakatulog na agad siya.

Samantala, si Max, iniisa-isa pa niya ang mga naganap sa sandaling trabaho na naging bakasyon na rin niya sa opisina. Naalala niya ang sinabi ni Arjo na madali lang ang pagbibigay ng imbitasyon dahil iyon lang naman talaga iyon—magbibigay ng card. Kung tutuusin, kaya naman iyong gawin nang napakabilis gaya ng nangyari kay Erish Grymm, pero hindi talaga niya alam kung paanong nangyaring nagkaproblema sa mga nauna.

Kahit ayaw niyang maligo dahil pagod pa ay pinilit niyang maligo dahil sa alinsangang nararamdaman. Iyon nga lang, habang nagpapatuyo ng buhok at nagsisipilyo, pagharap niya sa salamin . . .

"What the—" Mabilis niyang pinahid ang ilong na may tumutulong dugo. Pinakiramdaman niya ang sarili kung may masama ba sa pakiramdam niya pero wala naman. Pagkapunas niya ulit sa ilong ay may tumulo na namang dugo. Patuloy lang iyon sa pagtulo at patuloy lang siya sa pagpunas gamit ang tubig mula sa faucet. Isang minuto mahigit din siyang ganoon at sa wakas ay huminto rin.

Muli niyang tiningnan ang sarili sa salamin. Walang masama sa pakiramdam niya. Hindi siya nahihilo, kalmado lang siya, hindi mabilis ang tibok ng puso. Lalayo na sana siya ngunit kumunot agad ang noo nang mapansing may nanlalabong parte sa bahagi ng kanang mata niya kompara sa kaliwa. Lumapit pa siya sa salamin para makita iyong maigi. Hindi niya natatandaang may lumapat na kung ano sa mata niya para bahagya iyong manlabo. Kaya matapos magbihis ay tinungo agad niya ang bukas na medical facility ni No. 99.

"Good evening, milord," pagbati ng mga Guardian na naroon.

"Good evening, Lord Maximillian," pagbati ni Ivan, ang may-edad na Guardian Decurion ni Armida Zordick.

"Puwede ba akong magpa-physical check-up dito?" tanong ni Max na tila ba nagtatanong ng magandang klinika sa Citadel.

"Maaari naman, milord. Masama ba ang pakiramdam ninyo?"

Pinatuloy ni Ivan si Max sa loob ng opisina ng isang babaeng doktor na kasalukuyang abala sa pagbabasa ng mga papel na nasa isang asul na clipboard. Malaki ang opisinang iyon, halos katumbas na rin ng opisina ng Fuhrer. Puro libro lang sa kaliwang panig at puro naman trophy sa kabila. Pakiramdam ni Max, walang lugar sa Citadel na walang maipagmamalaki. Bawat opisina, may mga award. Bawat opisina, may mga nakasabit na certificate. Bawat opisina, may karapatan para sabihing karapat-dapat sila sa posisyon.

"Hello, good evening, Fuhrer," pagbati ng babaeng doktor na higit sampung taon ang tanda kay Max. Nakasuot ito ng puting coat at may pang-ilalim na floral dress. Nag-alok ito ng kamay bilang pagbati.

Napatingin si Max sa kamay kasunod ay sa mukha ng doktora. "Hindi ka Guardian?" tanong ni Max at nakipagkamay na rin. Nasanay kasi siyang yumuyukod ang lahat para bumati sa kanya.

"I'm Olive. Personal doctor ako ni Ricardo dito sa Citadel."

"Si Papa?"

Matamis na ngiti lang ang isinukli ni Olive kay Max. "Hindi lahat ng tao sa Citadel ay ipinakilala sa Fuhrer, so I'm glad that you've visited my office." Itinuro nito ang kaharap na upuan. "Please be seated."

"Thank you." Naupo na si Max at tiningnan si Olive. Kung susumahin ang itsura nito, kasing-edad lang nito si Labyrinth kung nabubuhay pa. Maputi ito pero hindi gaya ng puting sobrang mestisa. Klase ng puti na parang may balot na salamin ang balat kapag natatamaan ng ilaw.

"Pumupunta lang ang papa mo rito kapag masama ang pakiramdam niya. Gano'n ka rin ba, Max?"

"Uhm . . ." Bahagyang naipaling ni Max ang ulo sa kaliwa. "Nag-nosebleed ako kanina. Half an hour ago, I guess. After I take a bath. Hindi naman masama ang pakiramdam ko, but I'm worried."

Kumuha ng note si Olive at pumilas roon saka sinulatan. "Okay, half an hour ago. Mainit ang tubig?"

"Nope. Cold water, but I guess, hindi 'yon gano'n kalamig to cause a bloody nose. Hindi rin naman gawa ng pagod kasi parati akong nagbababad sa yelo pagkatapos ng workout."

"Kailan unang nangyari 'tong epistaxis mo?"

"Actually, kanina lang talaga. Unexpected. Isang minuto lang halos ang itinagal."

Saglit na huminto si Olive at kinuha ang digital blood pressure monitor sa isang drawer sa likuran niya. Pagbalik ay kinuhanan niya ng blood pressure si Max at nag-check na rin ng pulse rate nito. Kasunod ay iginiya niya si Max sa weighing scale na may height meter na rin saka kinuha ang timbang at taas nito.

"Normal naman ang BP saka pulse rate mo. Nananakit ang batok mo?"

"Hindi rin. Wala akong ibang nararamdamang masakit o kung ano. Pero . . ." Nag-alangan pang magkuwento si Max. "Last night . . ."

"Okay . . . ?" simpleng tugon ni Olive para sabihing nakikinig siya habang pabalik sa upuan.

"Galing kami sa La Caletta. And . . ." Naipaling-paling ni Max ang ulo sa magkabilang gilid. "And I think I intake something."

"Drugs?"

"I don't know exactly. Uminom ako ng wine galing sa untrusted person."

Patuloy lang sa pagsusulat si Olive sa notes niya. "Nahilo ka? Nagsuka?"

"I'm . . ." Lalong nailang si Max sa kuwento niya. "I felt too much heat. Tapos gusto kong kumagat ng karne. Hindi kakainin e. Para akong nanggigigil, ginigiyang ako."

"And what happened?"

"Uhm . . ." Napatungo si Max at nakagat ang labi niya nang mariin.

"I need answers, Max."

"Okay, something happened between Arjo and me." Saglit na nandilat ang mata niya sa baba at naiilang na tiningnan si Olive. Umaasa siyang huhusgahan siya nito dahil sa nangyari sa kanila ni Arjo—kung talagang kilala siya nito bilang anak ni Josef.

"And what about it? Is that all?" tanong nito na patuloy lang sa pagsusulat.

"I kinda bit her, and of course, as usual, my bite marks were . . ." Hindi natapos ni Max ang sinasabi nang mapansing napahinto si Olive at gulat na tiningnan siya. "What?"

"Noong kinagat mo si Arjo, nagsugat? Dumugo?"

"Uhm . . ." Tumango nang dahan-dahan si Max. "Yes."

"Naka-intake ka ba at least a veeeery small amount of that blood?"

"As far as I remember, I sipped the blood?" Hindi siguradong sagot ni Max. "Yeah, i know, that's weird, sorry." Parang bata si Max na naghimas ng mga kamay dahil sa hiya.

Napasandal sa office chair niya si Olive at tiningnan si Max na parang naging interesanteng bagay ito sa paningin. "You remembered everything kahit na drugged ka."

"Yes."

"After you bit Arjo, still everything is clear."

"Yes. Everything, unfortunately."

"Wala kang ibang kakaibang naramdaman?"

"Counted as naramdaman ba na naiilang na ako sa"—Gumawa siya ng finger quote sa hangin—"kapatid ko?"

"I don't think that counts," sagot ni Olive na ikinahinga nang maluwag ni Max.

"Other than awkwardness, wala naman. Ito lang nosebleed ang issue ko ngayon kasi wala ring pain or something na ikapipilipit ko."

Ang lalim ng hugot ng hininga ni Olive at nagsulat na naman. "Dadalhin kita ngayon sa laboratory. Papakuhanan kita ng blood sample."

"Okay," tumango naman si Max. "Is that serious? Gagawa na ba 'ko ng last will and testament?"

Biro iyon pero hindi tinawanan ni Olive kahit mukha namang natatawa ito sa mabababaw na biro. "Not to scare you but the blood of Project ARJO is full of toxin. You should be dead by now, so you better make one of those will."

Napaatras si Max sa sinabi nito at nagulat. Pero kahit na kagulat-gulat ang sinabi nito, hindi niya pa rin nagawang kabahan. "Are you sure about that?"

Tumango si Olive at tiningnan na si Max. "I want to see your lab result. Ikaw pa lang ang unang na-encounter ko na nabuhay after taking her blood. Xiao Ran and Catherine would be surprise if they were still alive."

"Hey," lumapit si Max sa mesa ni Olive. "Really, is it serious?" paninigurado niya habang kunot na kunot ang noo.

"Life-threatening, as a matter of fact," sabi ni Olive at tumayo na. "Come with me. We need to check you ASAP."



----

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top