11: Cursed Children
"Di ba, sabi ko, magbihis ka na nang maayos?"
"'Ba 'yan, Kuya! Mamaya nga kasi, di pa naman tayo aalis!"
Hindi na natahimik sina Arjo at Max magmula nang matapos maligo ni Arjo. Puro dress ang nasa damitan sa closet, at ayaw naman ni Arjo mag-dress agad. Sinabihan siya ni Max na huwag siyang magba-bathrobe kaya ang isinuot niya ay boyleg na gray at isa sa mga puting long sleeves na damit para kay Max—na lalo lang nitong ikinainis sa hindi niya malamang dahilan.
"Huwag kang bumukaka!" Sinipa ni Max ang kaliwang hita niya dahil pabalagbag siyang umupo—na lagi naman niyang ginagawa kaya nainis na rin siya sa pagpuna nito.
"Kuya, ang sama talaga ng ugali mo!" naiinis na bulyaw ni Arjo saka hinimas ang hita niyang sinipa ni Max. "Inaano ba kita?"
"Sasagot ka pa," naiinis na sinabi ni Max at umamba ng kutos.
"Tse! Ewan ko sa 'yo!" Umayos na lang ng upo si Arjo at hinalo-halo ang hinanda sa kanilang almusal.
Honey-almond cereal, sweet potato pancakes, hard boiled eggs, at granola bars—iyon ang nakahanda sa mesa niya. Hindi pa nakakatikim ng sweet potato pancakes si Arjo kaya iyon ang inuna niya.
"Mmm . . . ang sarap," nakapikit na sinabi ni Arjo habang nilalasap ang isinubong pancake. "Ay, palaka!"
Napdilat agad siya sa gulat nang ibinagsak ni Max ang mga kubyertos sa plato nito. Pagtingin ni Arjo sa lalaki, ang talim na ng tingin nito sa kanya.
"Puwedeng kumain ka nang tahimik, hmm?" inis na sinabi ni Max.
"Bakit ang init ng ulo mo, Kuya? Meron ka ba?" tanong pa ni Arjo dahil kanina pa siya pinag-iinitan ni Max.
"Nakakakain ka naman ng tahimik, di ba?" sarcastic na tanong nito.
"Sinabi ko lang na masarap!"
"Puwede namang hindi sabihin, di ba?"
Lalong napangiwi si Arjo dahil hindi talaga makuha kung bakit aburido si Max sa umagang iyon. "Hindi ka pa ba okay, Kuya?" nag-uusisa nang tanong niya.
Nagbuntonghininga si Max habang nakapikit. Para bang pinakakalma ang sarili.
"Uy, Kuya . . ." Hinawakan ni Arjo ang tuhod ni Max na bigla nitong tinabig kaya nagitla rin siya at tinitigan ang nagagalit na reaksyon nito.
Isang malalim at nahintong hininga mula kay Max bago iyon marahas na naibuga. Nag-iwas lang ito ng tingin at nanggigigil na isinubo ang granola bar.
Naniningkit lang ang mata ni Arjo nang titigan si Max. Matagal naman nang aburido sa mundo ang kuya niya, iyon nga lang, parang mas lumala ang pagkainis nito sa oras na iyon. Tahimik na lang siyang kumain habang inoobserbahan ito ng tingin. Ni hindi nito inilingon ang ulo sa direksyon niya matapos nitong tapikin ang kamay niya.
Nauna itong matapos kumain, pero nanatili lang nakaupo sa dinette at nakatingin sa may balcony. Nang siya naman ang natapos, dumiretso siya sa banyo para magsipilyo at lumabas na para magbihis ng damit na ikinaiinis ni Max kanina pa.
"Ano na naman 'yan?!" muling bulyaw nito sa kanya nang tuluyan niyang hinubad ang suot na blouse. "Jo, kanina ka pa! Naiinis na 'ko sa 'yo!" Napapakamot ito ng ulo sa inis.
"Ano ba kasing issue mo sa 'kin, Kuya?!" natatawa na lang niyang sigaw rito. Natatawa siya dahil unang beses niyang makitang iritang-irita sa kanya si Max na halos hindi na nito malaman ang gagawin. Nagmartsa na lang ito papuntang banyo at pabagsak na isinara ang pinto.
Tawa pa rin siya nang tawa kahit nang makabihis na ng pink strappy skater dress na hanggang tuhod ang haba. Makitid ang baywang niyon at hayag nang kaunti ang ibabaw ng dibdib. Ganoon ang madalas niyang suotin kapag may lakad sila ng mga kaibigan niya at ganoong damit din ang madalas niyang ipabili kay Max kapag may kailangan ito sa kanya at nanghihingi siya ng suhol. Napapangiti na lang siya habang iniisip na alam ng mga naghanda sa kanila ng damit kung ano ang mga gusto niyang suotin. Pinaresan niya iyon ng puting ballet flats kaya mukha siyang ballerina sa kabuuang ayos. Maikli na ang buhok niya at naging bangs na lang ang ikli sa bandang noo. Naiipit naman niya ang ibang bahagi ng buhok sa likod ng tainga kaya lalo siyang nagmumukhang bata.
Matapos ngitian ang salamin sa dresser, umikot pa siya para paglaruan ang damit na umaangat kada ikot niya ngunit natigilan siya at nagulat nang nakakrus na ang mga braso ni Max at naniningkit ang tingin sa kanya.
"Kuya, ano ba kasing problema mo?" irita na niyang tanong dito dahil talagang ayaw siya nitong tantanan sa kasesermon at pagsusungit, kay aga-aga.
Inirapan lang siya nito at saka nag-ayos ng damit. Navy blue fit shirt na naka-tuck in sa cream-colored pants ang suot nito. Casual na kung tutuusin dahil hindi na nito pinatungan pa ng suit na gaya ng lagi nitong ayos. Matapos magsuot ng relo, itinupi lang nito ang manggas hanggang sa siko at sinulyapan na naman si Arjo na siya namang nakakrus ang mga braso at sinusukat siya ng tingin.
"Tinitingin-tingin mo?" sabi pa ni Max at sinuklay nang maayos ang buhok niya.
"Pakasungit," pairap na sinabi ni Arjo saka bumalik sa pagkakaupo sa dinette.
Si Max naman, kinuha ang phone niyang hindi niya maipahiram kay Arjo dahil limitado lang ang application doon na puwede nitong magamit.
Biglang kunot ng noo niya nang makita kung gaano na karaming missed call doon ang CCS—53 missed call ang nasa call log. At nang tingnan niya ang oras ay kagabi pa nagsimula ang hindi nasagot na mga tawag kaya dali-dali ang dial niya sa number para malaman kung bakit siya natambakan ng missed calls.
"Hello, this is Max."
"Good day, milord," pagbati sa kabilang linya. "This is Ara from Citadel Control System."
"Nakatanggap ako ng maraming missed calls. Bakit?"
"Ita-transfer ko na lang po kayo sa linya ni Xerez para sa paliwanag."
"Please, thank you."
Wala pang ilang sandali ay nasagot na agad siya.
"Good day, Lord Maximillian, this is Xerez."
"Bakit ka tumawag kagabi?"
"Nakatanggap ang CCS ng multiple calls mula kay Greta Macini. Hinahanap kayo."
Napahugot ng hininga si Max at pasimpleng sinulyapan mula sa salamin ng dresser si Arjo na pinaglalaruan ang display na pulang rosas sa mesa.
"Bakit ako hinahanap?"
"Hindi niya sinabi kung bakit, milord. Pero nagsabi siya na gusto niya kayong kausapin kapag maaari na kayong makausap—at mas gusto niya sa personal."
Isa na namang buntonghininga at napahimas si Max ng noo. "Pakisabi kung tumawag ulit, magkita na lang kami sa Citadel kung gusto niya talaga akong makausap nang personal."
"Masusunod, milord."
"Anyway, hindi ko alam kung saan na kami pupunta ngayon."
"Isa sa dahilan ng pagtawag namin ay ang susunod na lokasyon. Susunduin kayo ng van ng alas-diyes y medya ng umaga sa tapat ng Vistamar."
Sinilip ni Max ang relo at may isang oras pa sila para hintayin ang service nila.
"Vistamar yung cafe malapit sa seaside?" paninigurado pa ni Max sa tinutukoy ni Xerez.
"Yes, milord."
"Okay, doon na lang kami sa cafe maghihintay ni Arjo." Pinatay na ni Max ang tawag at binalingan si Arjo. "Tara na. Doon tayo sa seaside maghintay."
"Okaaaay," mahabang sinabi ni Arjo at tatamad-tamad pang tumayo habang naglalaro sa paghakbang patungong pinto.
Kinuha ni Max ang nakatagong wayfarer shades sa drawer sa night stand at tinungo na rin ang pintuan.
Nagulat na lang si Arjo at napatingin sa ibaba sunod sa mukha ni Max nang kunin nito ang kamay niya bago nito binuksan ang pinto para sa kanilang dalawa.
Biglang lapad tuloy ng ngiti ni Arjo. "Kuya, bati na tayo?" nakangisi niyang tanong dito habang tinitingala ito.
"Inaway ba kita, ha?"
"Psh," nanlaki lang ang butas ng ilong ni Arjo dahil sa dami ng tanong nito, iyon pa talaga ang sinabi nito samantalang kanina pa siya nito sinisigawan.
Matagal nang tanggap ni Arjo na sa buong kabahayan nila, maliban sa mama nila, kuya niya talaga ang may pinakamalakas na topak sa lahat. Madalas ngang nakikita nitong inaaway ang mama nila pero sa bandang dulo, hindi man ito nakikipagbati, may mga ginagawa lang talaga ito na paraan nito para sabihing hindi naman siya galit . . . tinotopak lang.
Hindi nga rin niya alam kung ano'ng klaseng sapak sa ulo ang meron sina Armida at Max kapag nagbabatuhan sa bahay nila. Lalo na kapag sumasagot ang kuya niya tapos babatuhin ito ng sapatos ng mama nila. Iilag lang ito o kaya sasaluhin ang sapatos saka luluhod sa harapan ni Armida para ibalik sa pagkakasuot ang sapatos na ibinato kahit na uungot-ungot sa inis. Pero kapag papa naman niya ang nababato, tatawa lang ito saka lalo pang mang-aasar hanggang mama na niya ang sumuko sa pagkairita sa papa niya.
Kapag naaalala niya iyon, nalulungkot siya dahil hindi na sila kompletong pamilya, pero naiisip din niyang wala palang matino sa pamilya nila kung tutuusin.
Gaya ng nakasanayan, inuugoy-ugoy niya ang kamay nila ni Max kahit nang makasakay sa elevator hanggang makababa sa lobby ng hotel. Iyon nga lang, pareho silang napahinto nang makita si Greta Macini na napahinto rin pagkakita sa kanilang dalawa.
Tumindig lang ito na puno ng pagmamalaki at hinawi ang kulot na buhok papuntang likurang balikat.
Hinagod lang ni Arjo ng tingin ang babaeng nakasuot ng peach bodycon dress na long-sleeved at hanggang ibabaw ng tuhod ang haba. Ipinares iyon sa white lacquer platform pumps. Nude lipstick at eyeliner lang ang makeup nito sa buong mukha.
"I'm trying to call your office last night," sabi nito kay Max saka tinaasan ng kilay si Arjo, sunod na bumaba ang tingin niya sa kamay ng dalawang magkahawak. "Anyway," mataray niyang pagpapatuloy bago ibinalik ang tingin kay Max. "I want to talk to you."
"We're done talking," simpleng sagot ni Max at akmang maglalakad na tangay si Arjo nang harangin siya ni Greta. Hahawakan na sana nito ang dibdib niya pero mabilis niyang tinapik ang kamay nitong papalapit. "Don't you dare lay even the tip of your fingers on me."
"Easy lang, Kuya," pag-awat ni Arjo at literal na pumagitna sa dalawa. Isiningit niya ang sarili sa pagitan nina Max at Greta at inurong si Max palayo nang kaunti.
"I won't leave you alone until I clear everything between us," pagpipilit ni Greta sa kanya.
"There is nothing between us," sagot din ni Max at bakas sa pandidilat niya na ayaw niya sa babaeng sumalubong sa kanya.
"Kuya, kausapin mo muna para tapos na," pamimilit naman ni Arjo sa mahinang boses.
"Ayoko," sagot ni Max.
"Kausapin mo lang. Baka may kailangan pa sa 'yo."
"No," pilit ni Max. "And she has nothing to do with me, but for the guild."
Dali-daling naglakad si Max hatak-hatak si Arjo papalabas ng hotel. Ang dami nilang nakakasalubong na mga bakasyunista at magsi-stay roon. Seryoso lang ang tingin ni Max sa daan habang takang-taka naman si Arjo sa nangyayari.
"We're not yet done!"
Pare-parehas silang napahinto nang hatak na ni Max ang kaliwang kamay ni Arjo habang nakuha naman ni Greta ang kanang kamay nito nang mahabol sila.
Ang bigat ng buga ng hininga ni Max nang huminto sila sa tapat ng pool area na iilan pa lang ang mga taong tumatambay.
"Let go of her hand!" mahigpit na utos ni Max at akmang kukunin ang kamay ni Arjo pero lalo lang iyong hinatak ni Greta.
"I really don't get how you ended up with this kid," ngitngit ni Greta habang hinihigpitan ang hawak sa pulsuhan ni Arjo. "Did your parents know about her, huh?"
"Ha?!" Napaatras lang din si Arjo sa pinag-uusapan ng dalawa. Nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Max at kay Greta.
"Why the hell are you concern about us?" inis pang tanong ni Max at pilit binabawi si Arjo.
"You came from powerful families and you married an unknown kid?! Are you fucking out of your mind?!"
"And who are you to meddle with my decisions?" Pilit na binawi ni Max si Arjo pero mas malakas ang hatak ni Greta at buong puwersa na nitong nakuha si Arjo.
Hinawakan ni Greta sa magkabilang balikat si Arjo at halos pandilatan niya ito ng mata. "A Zach is a Zach, and they're not allowed to marry someone without a name. So how dare you to say yes to the cursed child?"
Pinandilatan lang din ni Arjo si Greta pero mas bakas sa mukha niya ang pagkalito sa sinasabi nito. "I don't understand you."
"Ha!" Sarkastikong natawa si Greta na tila ba isang malaking biro ang sinabi ni Arjo sa kanya. Binalikan niya ito nang may maangas na tingin. "Tonta."
Nakita na lang ni Arjo ang sarili na hatak-hatak na naman ni Max hanggang sa mapatigil siya nang tumama ang likod niya sa katawan nito.
"His father was a very powerful man and his mother was a highly-classified assassin." Lalo pa niyang pinakadiinan ang huling sinabi. "And what are you? What made you think that you deserve to be the wife of the throne's heir?"
Kahit si Max ay nagtataka na kung bakit nagkakaganoon si Greta at biglang pinag-initan si Arjo imbis na siya. "What the hell are you talking about?"
"Huh!" Ang sama ng tingin ni Greta kay Max. "I felt insulted." Itinuro niya si Arjo gamit ang nakapilantik niyang hintuturo bago nagsalita sa lengguwahe nilang naintindihan din naman ni Arjo. "Si Armida Zordick, maiintindihan ko pa kung bakit pinili ni Richard Zach. She could kill your father once he disagreed. But her?"
"Ano ba'ng problema nito sa 'kin?" naiinis nang tanong ni Arjo kay Max.
"Mukha bang alam ko?" sarkastikong sagot ni Max.
Binalingan ni Arjo si Greta at lumapit pa rito.
"Hey!" Hahatakin sana ni Max si Arjo pero tinabig lang nito ang kamay niya.
"Excuse me," mataray na sabi ni Arjo saka nagpamaywang din. "My brother talked to you last night, right? Ano pa'ng issue mo?"
"Brother?" takang tanong pa ni Greta at nakataas ang kilay na tiningnan si Max. "Tell me a better lie." Ibinalik niya ang tingin kay Arjo na naghahamon na. "You called the last pure blood of Zordick-Zach brother?"
"And so?" mataray ding tugon ni Arjo na nakipagtaasan din ng kilay.
Biglang naningkit ang mga mata ni Greta nang sukatin ng tingin si Arjo. Ibinaba niya ang tingin sa daliri nito sa kamay na may gintong singsing. Sunod sa kamay ni Max na may kaparehong singsing din. Ilang saglit pa, bigla niya itong kinalmot sa mukha gamit ang mahahabang kuko.
"Arjo!" Hinatak na naman ni Max si Arjo at nagsalubong agad ang kilay niya nang makita ang bakas ng kalmot sa pisngi nito na unti-unting kinakain ng balat. "Tsk!" Tinapunan niya ng nanlilisik na tingin si Greta. "How dare you!"
Paglingon ni Arjo kay Greta, nag-angat lang ito ng tingin pagkakita sa pisngi niyang wala nang sugat at makinis na ulit.
Doon na tumigil si Greta sa kahibangan niya at umayos na ng tindig. "Now I know why she has no clear records in agencies. You didn't marry a kid. You made a bond with a living poison." Tumango-tango pa si Greta at matalim na ang tingin nang ibaling iyon kay Max. "Your family is deranged." Mapait siyang napangiti at napailing. "Are you enjoying your prize from that tournament? Do you know what you're into, young Zach?"
Niyakap na lang ni Max si Arjo at tinakpan ang tainga nito para hindi nito marinig ang sinasabi ni Greta. "Come on," utos niya kay Arjo.
"They'll come after the regenerator, Fuhrer! She's made to die!" malakas na sinabi ni Greta nang bahagya na silang makalayo. "You better look for the eyes of the liars if you want her to live!"
Iyon ang mga salita ni Greta na tumatak kay Max nang makalabas na sila nang tuluyan sa hotel.
----
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top