10: Morning Angel
Ang bigat ng paghinga ni Max nang ibangon siya ni Arjo. Naninilaw ang tingin niya sa lahat ng bagay, at parang may gumagapang na maraming insekto sa katawan niya. Nawala ang tubig na bumabagsak sa itaas at tila ba may di makitang mainit na usok ang lumalabas sa katawan ni Max.
"Kuya, ano ba kasing nangyayari sa 'yo?" puno ng kabang tanong ni Arjo at pinigtal ang cable tie gamit ang dala nitong kutsilyo.
"I told you . . . to hide," naiinis at hinihingal na bulong ni Max ngunit binalewala iyon ni Arjo.
Naaamoy ni Arjo ang mainit na hininga ni Max at amoy matamis na alak iyon. "Kuya, uminom ka ba?"
May kung anong koryente ang dumaloy sa katawan ni Max nang hawakan ni Arjo ang pisngi niya. Ipinikit niya nang mariin ang mga mata dahil ayaw niyang may gawing masama rito.
Lalo lang lumala ang pakiramdam niya. Napasabunot siya sa sarili para lang mawala ang iniisip niyang gusto niyang may kagating kahit ano.
"Kuya!" Lalo lang ding lumala ang pag-aalala sa tinig ni Arjo habang pinanonood siya. "Ano ba kasing nangyayari?!"
"I'm drugged," mahina niyang sagot habang namamaluktot.
"Ha?" tanong ni Arjo dahil hindi siya nito naintindihan.
Hinawakan niya nang mahigpit ang magkabilang pulsuhan ni Arjo na umaalalay sa kanya at inipon na naman niya ang hangin sa dibdib niyang naninikip at tila ba dinadaganan sa mga sandaling iyon.
"I told you . . . to hide," muling pag-uulit ni Max at inilapit sa katawan niya si Arjo. Ikinulong niya ang katawan nito sa pagitan ng mga hita niya at halos masubsob na ito sa kanya dahil doon. Pakiramdam niya, mababaliw na siya kung wala siyang makakagat na hinahanap ng katawan niya kanina pa kaya hinatak niya ang kanang bahagi ng puting blouse ni Arjo saka kinagat nang mariin ang kanto ng balikat nito.
"Aahh-" Hindi na natapos ni Arjo ang sigaw niya nang kagatin ang sariling labi. Mariin ang pagkakabaon ng ngipin doon ni Max na sapat na para kumirot iyon nang matindi. Napaungol na lang siya habang tinitiis ang sakit.
Tinigilan din iyon ni Max at bumakat na sa nagdudugong balikat ni Arjo ang bakas ng ngipin niya. Segundo lang ang inabot at kinain na naman ang sugat ng sariling balat nito.
Nanginginig ang labi ni Max nang kahit paano'y makontento sa ginawa. Naipatong niya ang noo sa balikat ni Arjo habang patuloy pa rin ang mabibigat niyang paghinga. Lumuwag na rin ang pagkakahawak niya sa pulsuhan ni Arjo at naibagsak ang magkabilang kamay sa basang sahig.
"Kuya . . ." mahinang banggit ni Arjo at marahan niyang naramdaman ang paghaplos ng kamay nito sa likurang ulo niya.
Naroon pa rin ang malalakas na pintig, at dumampi ang dulo ng labi niya sa balikat ni Arjo nang bahagya siyang mag-angat ng ulo. Ang bango ng naaamoy niya kaya gumapang ang dulo ng ilong niya sa balat nito paakyat sa leeg.
"If I do something bad to you . . ." pabulong niyang sinabi sa mismong kaliwang tainga ni Arjo. "Take the knife and stab me . . ."
Naramdaman niya ang pagsinghap ni Arjo. Bahagya itong lumayo sa kanya habang puno ng pag-aalala ang tingin.
"Ano'ng ginawa niya sa 'yo?" mahinang tanong ni Arjo.
Namungay lang ang mata ni Max at napatitig sa mga labi ni Arjo. Bumalik na naman ang pakiramdam na gusto niyang may kagating bagay na kanina pa niya ikinaiinis.
"Kuya, ang init mo . . ."
Hinawakan ni Max ang magkabilang pisngi nito at saka niya marahang kinagat ang ibabang labi ni Arjo.
"Aah-" Hindi na nakatuloy pa si Arjo dahil sinakop na ni Max ang buong labi niya. Napahawak na lang siya sa basang damit nito sa bandang balikat at mahigpit iyong kinuyom.
Pakiramdam niya, may mga paruparong nagliliparan sa sikmura niya at napapikit na lang habang naghahabol ng hiningang kinakapos na dahil patuloy lang si Max sa paghalik sa kanya.
Napamulagat na lang siya habang hinihingal nang tigilan na nito ang labi niya at bumaba ang halik nito patungong leeg. Naipaling niya ang ulo sa kanan para ipaubaya ang kaliwang bahagi ng katawan niya rito.
Pabigat nang pabigat ang hininga niya at nagsisimula na ring manginig sa magkahalong lamig ng kinaluluhuran, ng basang si Max, at sa kakaibang pakiramdam na ayaw niyang pahintuin. Napasulyap na lang sa ibaba nang maramdamang unti-unting dumadausdos ang kamay nito sa katawan niya.
Napalunok na lang siya at napakagat ng labi. Tiningnan niya ang namumulang mukha ni Max at nakita ang lungkot sa mga mata nito na tila ba hindi nito nakokontrol ang sarili pero ginagawa na nito ang nangyayari na-gaya ng napagtalunan nila tungkol sa ginawa niya roon sa villa.
At ayaw niya ng nakikitang para bang nakakulong ito sa sariling katawan at iniisip na may ginagawa itong masama sa kanya kahit na ayaw nito.
Kinuha na niya ang laylayan ng suot na blouse na at siya na ang naghubad niyon. Mabilis niyang idinampi ang labi sa labi ni Max saka bumulong. "It's okay. Help yourself . . ."
-----
Bagong umaga, at pagmulat na pagmulat ng mata ni Max, mukha ni Arjo ang unang bumungad sa kanya. Isa lang ang mga araw na iyon na inabutan siya ng magandang sikat ng araw paggising dahil madalas ay madaling-araw pa lang, abala na siya sa paghahanda.
Napatitig siya sa maamong mukha ni Arjo. Napatigil lang siya sa paghinga saglit nang maalala ang nangyari noong nakaraang gabi. Bumaba ang tingin niya sa katawan nito. Nakatakip naman ng kumot ang bahaging mula sa ibabaw ng dibdib pero nakalabas ang kaliwang braso nito.
Wala lang siyang kontrol sa nangyari noong nakaraang gabi at hindi naman siya nagka-amnesia. Napakalinaw ng lahat sa memorya niya. Hinawakan niya ang kanto ng balikat nitong nakalitaw, at kahit isang bakat ng ngipin, wala roon. Ibinalik niya ang titig sa maputlang mukha ni Arjo na mahimbing pa ring natutulog. Hinawi niya ang buhok nitong bahagyang humaharang sa mukha.
Sinabihan niya itong huwag papasok sa banyo at magtago dahil alam na niyang may hindi magandang nangyayari sa katawan niya kagabi. Pero hindi niya alam kung maiinis ba sa katangahan nito dahil nakuha pa nitong pumasok doon at pakawalan siya sa cable tie.
Sinabihan din niya itong saksakin siya dahil alam niyang may magagawa siya ritong hindi maganda, pero talagang napapairap na lang siya sa isipan kapag sumasagi roon na hindi nito ginawa ang inutos niya, sa halip ay ipinaubaya pa nito ang sarili sa kanya nang walang alinlangan.
Hindi niya alam kung saan ilulugar ang konsiyensiya. Alam niya ang mali niya. Pero kung titingnang maigi, walang mali sa ginawa nila dahil kasal sila. Hindi lang kayang tanggapin ng isip niya na magagawa niya iyon kay Arjo, at kung gawin man nila, hindi rin naman niya gugustuhing nasa ganoong estado siya na hindi niya nakokontrol ang sarili.
Bumangon na siya at agad na dumiretso sa banyo para mag-ayos. Nakailang kutos siya sa sariling ulo dahil lalo lang ipinaalala ng banyo ang mga nangyari kagabi. Mabilis siyang naligo at nagtapis ng tuwalya paglabas. Gusto na niyang lumipat sa susunod nilang tutuluyan dahil ayaw na niyang makita ang banyo ng hotel room na iyon. Pinaaalala lang niyon amg mga pangyayaring ikinahihiya niya.
Paglabas niya, nakita niyang nakabangon na si Arjo at nagkukusot ng mata. Ibinalot nito sa katawan ang kumot habang hihikab-hikab pa.
"Good morning," bati niya rito.
"Okay ka na?" bungad na tanong nito imbis na bumati rin. Halatang inaantok pa dahil nakapikit pa rin.
Nagbuntonghininga muna si Max bago tumugon. "Fortunately yes."
Tumungo siya sa closet na malapit sa pinto at kumuha roon ng bihisan niya at damit din para kay Arjo.
"Ano ba'ng nangyari sa 'yo kagabi, Kuya?" tanong nito at bumalik na naman sa pagkakahiga. "Para kang sinaniban ng kung ano."
Isa na namang buntonghininga at napairap agad si Max saka inilapag sa dulo ng kama ang mga damit bago umupo sa tabi ni Arjo. "How are you?" tanong niya rito. "May masakit ba sa katawan mo?"
"Uhm-hmm," sagot nito at marahang tumango.
Ibinangon na naman ni Max si Arjo na tamad na tamad sa pagkilos. "Did I hurt you?"
"Hmm . . . medyo?" alanganing sagot ni Arjo at ngumiti na lang pagkatapos. "Okay lang ako, Kuya."
"Ayoko ng ganyang sagot," istriktong sabi ni Max. "I told you to hide last night, hindi ka talaga nakikinig. Look what happened."
Napanguso na lang si Arjo at nagtatampong namaluktot sa pagkakaupo. "Sorry na, Kuya . . ."
Buntonghininga na naman mula kay Max at nag-aalalang sinuklay ang buhok ni Arjo gamit ang mga daliri. "Ayoko nang maulit 'to."
Gulat na nag-angat ng tingin si Arjo. "Bakit?"
"No, I mean-tsk!" Napasapo agad ng mukha si Max. Bigla siyang nalito sa sasabihin. "Ayokong-" Biglang buga siya ng hangin at hinanap ang paliwanag na naglaho sa utak niya.
Gusto niyang sabihing ayaw na niyang maulit yung nangyari sa kanila. Pero habang iniisip niya, pakiramdam talaga niya may mali sa pangungusap na iyon na insulto para sa kanilang dalawa.
"Mag-asikaso ka na lang. Tatawag ako sa room service para sa breakfast natin."
"O-okay . . ." nalilitong sagot ni Arjo at umalis na sa kama. Pero pagtapak niya sa carpeted na sahig, sinilip pa niya ang mukha ni Max. "Sure kang ayos ka na, ha?"
"Jo, 'wag ka ngang-" Mabilis na iniwas ni Max ang sarili sa mukha ni Arjo.
"Bakit?" gulat na tanong nito.
"Doon ka sa malayo," pagtataboy ni Max sa kanya habang minumuwestra ang kamay. "Baka kung ano pang magawa ko sa 'yo, umagang-umaga."
---------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top