7: Saintess and a Healer
Napaungol si Sufiah at nakataas ang kilay na napatingin kay Vills. Nahagip rin ng kanyang paningin ang mga nakahandusay na duguang mga assassin na ikinahiyaw niya. Agad tinakpan ang mga mata.
"As I thought, a kid is still a kid." Sambit ni Skywill.
"Ang tapang-tapang mo kanina tapos ngayon patakot-takot ka pa? Sinong pinagloloko mo?" Sabi ni Meadows.
"Ano ka ba? Bata lang iyan." Sabi naman ni Skywill.
"Bata? Nakita niyo ng iniligtas niya ang isang Mondrago kanina tapos sasabihin niyong bata lang iyan? Paano kung isa nga siyang espiya ng mga Mondrago?" Tinuro pa ni Meadows si Sufiah.
Ting.
Inalis naman ni Sufiah ang mga kamay na nakatakip sa kanyang mukha dahil nakarinig na naman ng tunog sa kanyang isip palatandaan na may natanggap siyang notification mula sa system.
Isang white envelope ang nakita niya sa screen. Pinindot niya ito. Naglaho ang white envelope at napalitan ng mensahe.
First mission arrived. Save the the assassins.
"Ano? Faith, papatayin mo ba ako?" Tanong niya.
"Master, hindi po ako ang gumagawa sa misyon na iyan. Nandito ako para tulungan kang matapos ang misyong ito." Sagot ni Faith.
Mission: Saving the Unique Assassins.
Award: 1 luck point for 1 life.
Punishment: -1 luck point for failing to help anyone of the mission target.
"Mission target?"
"Ang mission target ay ang mga nilalang na dapat mong tulungan or baguhin, matao man o mabagay. Ang mga assassin ang target. Sila ang pokus ng iyong misyon ngayon." Paliwanag ni Faith.
May natanggap siyang first mission gift package. Pinindot niya ang box na lumitaw sa screen.
"Congratulations for receiving the first mission gift package. You have received the favorability window. Finish every mission to unlock more windows." Ito ang nakasulat sa screen.
"Favorability window? Ano to?" Tanong niya sa sarili.
"Tingnan mo ang mga Sumerian sa paligid mo." Rinig niyang sabi ni Faith.
Napatingin si Sufiah sa mga protector. Kumunot ang kanyang noo makita ang mga numero sa tuktok ng kanilang mga ulo.
Kay Meadows may negative 234. Kay Vills may 100. Sa tuktok ng ulo ni Skywill my 120 at sa iba may 0. Sa ulo naman ni Queency may 500.
"Ano iyang mga nasa ulo nila?" Isa-isang tiningnan ang mga protektor na nakatuon ang atensyon sa kanya.
"Favorability level mo sa kanila. Negative kapag hindi ka nila gusto. Zero kapag stranger ka sa kanila or wala silang pakialaman sayo. Positive kapag gusto ka nila. Red naman kung hate ka nila." Sagot ni Faith.
"Nakikita ba nila ang nakikita kong screen sa tapat ko?" Tanong muli ni Sufiah.
"Tanging ikaw lang ang nakakakita at nakakabasa sa mga iyan. Dahil ikaw lamang ang nakakonekta sa akin." Sagot ni Faith. Nakahinga naman ng maluwag si Sufiah sa narinig.
Kumunot ang noo ni Sufiah makitang nakatuon pa rin ang tingin ng lahat sa kanya. Tumigil ang tingin kay Meadows na masamang nakatingin sa kanya ngayon. Naalala niya ang sinabi nito kanina at kung paano siya nito pakitunguhan.
"Kung tutulungan ko ang mga assassin e di mas lalo nilang iisipin na kalaban nga ako di ba?" Sabi niya sa isip.
"Wag kang matakot sa kanila. Hindi nila misyon ang patayin ka kaya hindi ka nila papatayin sakali man." Sagot ni Faith.
"Ang mga assassin na ito, hindi nila ginusto ang pumatay o kalabanin ba ang mga hero sa mundong ito. Hindi rin naman nila ginustong isilang sila para maging assassin kaya lang may mga history sila na dahilan kung bakit nagiging ganyan ang propesyon nila. Nakatadhana silang mamatay sa araw na ito. Ang misyon mo ay gamutin sila at baguhin ang kanilang tadhana. Ikaw ang daan nila, para makapagbagong buhay."
"Anong ako? Anong magagawa ng isang katulad ko? Yung sugat pa nga lang nila alam kong babangungutin na ako niyan pagtulog ko." Naiiyak niyang sambit nang makita na naman ang putol na bahagi ng katawan. Nagpapasalamat na lang siya at hindi siya naduduwal sa mga nakikita.
Ibinaling niyang muli ang tingin kay Vills at Skywill na siyang mas malapit sa kinaroroonan niya.
Napahinga siya ng maluwag makita ang mga mukha nila.
"Mabuti nalang talaga at may mga mukhang pantanggal ng takot at stress ko." Tinapik-tapik pa ang kanyang dibdib at ilang ulit na bumuga ng hangin.
Napahawak si Vills sa kanyang mukha. Nakarinig siya ng ilang tikhim. Ang ipinagtaka niya ay ang kaninang zero sa tuktok ng ulo nina Seryun at Nievill ay may lumitaw na +20 tapos napalitan ng 20 ang kaninang zero.
May lumitaw na plus 5 naman sa tuktok ng ulo ni Skywill at nagiging 125 na ang favorability level nito. Nagiging 110 naman kay Vills. Walang magbago sa favorability level nina Meadows at sa wala paring malay na si Queency.
Poker face pa rin naman ang mga protector. Hindi halatang natutuwa sila kay Sufiah. Kundi dahil sa favorability status window na nasa tuktok ng ulo ng bawat isa, hindi niya alam na natutuwa sila sa sinabi niya.
"May holy power ang katawan na napasukan mo. Kaya mong pagdugtungin ang mga katawan ng kahit sino at kaya mong ibalik ang buhay ng iba. Ganoon kalakas ang healing ability ng holy power na meron ka."
"Ako? May healing power? Or holy power? Hindi ba't mga saintess lang ang meron niyan?" Napatingin siya sa kanyang mga kamay at sa mga nakahandusay sa lupa. May iba na nagko-convulse pa ang mga katawan, mayroon namang wala na talagang hininga.
"You have the saintess power. Lalo na't mula ka sa angkan ng mga saint at saintesses sa mundong ito. Kaya lang, being a saintess born in Burdeni isn't a blessing but like a curse. For the body's owner, isang sumpa para sa kanya ang mamana ang kapangyarihan katulad niyan."
"Ang astig kaya nito. Bakit hindi niya naa-appreciate?" Saka niya naalala ang you're my miracle at ang lahat ng mga kwentong pawang mula sa mundo ng Sumeria.
Ang sinumang may holy power ay maaaring blessing or a curse nakadepende sa kung saang kaharian o Emperyo sila naisisilang or sa kung saang angkan sila nabibilang.
"Speaking of this body's owner, ano at sino nga ba siya? Kagaya ba sa kwentong likha ni Casmin o ng kwentong gawa ni Seior?" Tanong niya pa.
***
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top