5: Akillian

Hindi tuloy alam ni Skywill ang gagawin dahil sa patuloy na pag-iyak ng batang kaharap. Hikbi lang ang naririnig nila dahil pinipigilan ni Sufiah ang pag-iyak ngunit basang-basa naman ang lupang pinatakan ng mga luha nito.

Nakayuko lang ito habang kinakagat ng mariin ang mga labi sa pagpipigil ng iyak.

Napatingin si Raiden sa yumuyugyog na balikat ni Sufiah. No one knows except him na nakakakita siya ng mga spirits, hindi nga lang nakakausap. Hindi man niya naririnig pero alam niyang pinapatahan ng mga spirit na ito ang umiiyak na bata.

Sufi's body is just a fourteen years old girl. Pero dahil sa liit niya, mukha siyang twelve years old.

Naaawa sila sa bata maisip na naulila ito dahil sa pag-atake ng mga halimaw ng Mondrago.

Inabutan ni Queency ng panyo ang bata. Kumuha rin siya ng tubig para ipainom dito.

"Uminom ka muna ng tubig." Sabi ni Queency sa kanya.

Napatingala si Sufiah at ngayong hindi na nakangiti si Queency sa kanya, napansin niya ang pagkakahawig nilang dalawa. Ang Queency na kaharap niya ngayon ay parang filtered version ng orihinal na siya. It's just that this girl is ten times better than her.

Ang ugali din ni Queency dito ay hango sa tunay na ugali ni Sufiah. Para siyang nakipagharap sa better version niya.

"Sabi ko na nga ba, mas maganda ako kapag mas makapal ang pilikmata ko at mahaba ang buhok ko. Tapos mas makinis ang balat ko." Sambit ni Sufiah habang sumisinghot.

"Maganda ka na. At napakaganda mo." Sagot ni Queency sa kanya.

Napayukong muli si Sufiah maisip na ang pinupuri ni Queency ay ang Sufi na may-ari ng katawang ito. Saka kung nagagandahan si Queency sa kanya ibig sabihin nito ay maganda nga siya. Ang isang Queency ay hindi kailanman namumuri kapag hindi naman totoo.

Napahinga naman ng malalim si Sufiah maisip na mabuti nalang at di panget ang napasukan niyang katawan. Dahil nabu-bully ang mga mahihina, walang kapangyarihan at higit sa lahat ay ang mga panget sa mundong likha ni Seior.

Inalalayan siya ni Queency na maupo sa gilid. Pinunasan ang kanyang mukha na basang-basa ng luha. Sinuklayan din nito ang kanyang buhok at tinirintas para hindi nito matakpan ang kanyang mukha.

Si Sufiah naman ay mas lalong naguluhan. Dapat nakatulala ngayon si Queency at nasa sulok lang. Hindi rin ito nagsasalita at di kinakausap ang sinuman dahil hindi pa matanggap-tanggap ang pagkawasak ng kaharian nila.

"Tulad mo, nawalan din ako ng pamilya at mga mahal sa buhay. Hindi ka nag-iisa. Kung malungkot ka at kailangan ng makakausap nandito lang ako." Sabi ni Queency sa kanya.

Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya ngayong kinakausap siya ng karakter na hango sa ugaling meron siya.

"Salamat." Mahinang sambit ni Sufiah.

Humikab siya at isinandal ang likuran sa bato. Bumibigat na ang talukap sa kanyang mga mata at nakaramdam ns rin siya ng pagkahapo. Ilang sandali pay unti-unting napapapikit ang kanyang mga mata.

Napapailing siya para labanan ang antok. Ayaw niyang matulog sa mundong hindi niya alam kung ano ang posibleng mangyayari sa kanya.

Idinilat niya ang mga mata gamit ang mga daliri para hindi ito mapapapikit.

Napaubo si Vills makita ang ginagawa ni Sufiah. Tinakpan ang bibig gamit ang kamao habang tinatago ang bahagyang pagngiti.

"Ehem. Ehem, bakit di ka nalang muna matulog munting Binibini?" Sambit ni Vills.

Napaigtad si Sufiah nang kausapin siya ni Vills. Kinurap-kurap ang inaantok na mga mata.

Kumunot ang noo at nagtataka ang mga matang napatingin sa apat na kalalakihang nagsiiwas ng mga tingin at nagpepekeng ubo pa. Tumaas ang kanyang kilay makitang kahit si Meadows ay tila natatawa.

"Magpahinga ka na muna Binibini. Wag kang mag-alala, babantayan kita." Malumanay na sabi ni Queency na parang nakikipag-usap sa isang bata. Nananayo tuloy ang balahibo ni Sufiah maisip na bini-baby siya ng mga tao sa lugar na ito.

"Hangkyutkyutmotalaga!" Sambit pa ni Queency sabay pisil sa magkabilang pisngi ni Sufiah.

Tinuro naman ni Sufiah ang sarili. "Ako? Cute?"

Tumango naman si Queency.

Pinatungan ni Skywill ng coat si Sufiah.

"Gamitin mo ito para hindi ka ginawin." Sabi nito at bumalik na sa may bonfire.

"Matulog ka na. Para may lakas ka mamaya. Gigisingin nalang kita kapag kainan na. Ha ba?" Mahinahong sambit ni Queency.

Umiling naman si Sufiah.

"Bakit naman?"

"Ang panget ko kapag natutulog. Baka makita pa nila. Tutulo pa naman laway ko. Kakahiya kaya. Baka ipagtabuyan niyo pa ako." Bulong ni Sufiah sa sarili, at napanguso maalala ang panget niyang mukha.

Nakarinig naman siya mahihinang tawa at mga pag-ubo.

"Kanina ko pa talaga napapansin, bakit ba kayo natatawa ha? Mamaya mapapautot pa kayo niyan sa kakapigil niyo ng tawa."

"Hindi kami natatawa no. Tsk." Sambit ni Meadows at sinamaan pa ng tingin si Sufiah.

Naghanap si Sufiah ng masasandalan at nakita ang batong sinasandalan ni Skywill. Lumapit siya rito at umupo sa likurang bahagi ng bato sabay pikit.
Ilang sandali pa'y maririnig na ang kanyang banayad na paghinga.

Iiling-iling namang napasulyap si Skywill sa kanya. Kapansin-pansin ang bahagyang pagtaas ng magkabilang sulok ng kanyang labi.

Nang magising si Sufiah, dumidilim na ang langit. May itim na mabalahibong jacket ang nakatakip sa katawan niya at may bonfire na sa kanyang tapat.

"Mabuti at gising ka na. May iniwan kaming pagkain sayo. Kumain ka muna pagkatapos ay magpahinga sa loob ng tolda." Sabi ni Vills na siyang naatasang magbantay sa paligid sa gabing ito.

Napatingin si Sufiah sa mga bagay na nakalagay sa maliit na tray. Hindi niya alam kung alin sa mga ito ang pagkain. Kinuha niya ang prutas na mukhang maliit na stick at ginawang panghalo sa sabaw na nasa maliit na mangkok.

Isinuot naman sa mga daliri ang mga malasingsing na mga dried biscuits.

"Pagkain iyan hindi laruan." Hindi napigilang sambit ni Vills makitang naguguluhan si Sufiah.

Kinuha ni Sufiah ang mga square na bagay na inaakala niyang dice at tiningnan kung may mga dots ba ito o wala.

"Para saan ito?"

Napabuntong-hininga naman si Vills. Kinuha ang platito na nilagyan ng mga mala-dice na bagay at binuhos sa bowl na may sabaw. Binuhos rin ang iba pang mga spices at karne. Saka hinalo.

Nanunuot sa ilong ni Sufiah ang bango ng pagkain, ikinatakam niyang bigla.

"Pwede mo ng kainin." Sabi ni Vills.

Kinuha ni Sufiah ang prutas na mukhang kutsara at gagawin sanang kutsara nang pigilan siya ni Vills.

"Bakit parang hindi mo alam ang mga prutas ha?" He sighed again.

"Higupin mo lang iyan. Para bumalik ang lakas mo. Saka mo kainin ang mga prutas at biscuit na iyan."

Napatingin tuloy si Sufiah sa hawak. Akala pa naman niya mga laruan ang nasa tray. Lalo pa't hindi nakalagay sa plato.

Pagkatapos kumain umupo si Sufiah sa isang bato at pinagmasdan ang langit.

"Hindi ka pa ba matutulog? Maaga pa tayong bibiyahe bukas." Sabi ni Vills sa kanya.

"Hindi pa ako inaantok. Kakagising ko lang e." Napangiti siya mapansing unti-unti na ring nasanay ang kanyang dila sa pagsasalita. Kung hindi dahil sa pakikipagdaldalan ng mga spirit of flowers sa kanya kanina, baka nahihirapan pa rin ang kanyang dila sa pagsasalita ngayon.

Ilang minuto ring nanaig ang katahimikan.

Makalipas ang ilang sandali napabuga ng hangin si Sufiah.

Napapaisip siya kung ano ang mga posibleng mangyayari bukas. Kapag sa templo siya mapupunta, ibig sabihin nasa the last saintess nga ang mundong ito ngunit kung mapupunta siya sa Mysterious empire ibig sabihin nasa the last princess drama ang mundong ito.

Napatingin si Vills sa batang nakatingala sa kalangitan. Pinagmasdan niya ang side profile nito. Hindi maipagkakailang may magandang side profile ang munting Binibini.

"Ang ganda ng langit. Napakaaliwalas at ang dami ng mga bituin. Napakalaki rin ng buwan. Nasa panaginip nga ba talaga ako o napunta lang sa mundong nilikha ng mga manunulat?" Napabuntong-hininga muli si Sufiah at napapailing.

Ilang sandali pa'y natanaw niya si Raiden na nakaupo sa itaas ng sanga ng puno at nakapikit ito. Nakapatong ang isang braso sa isang tuhod habang nakabitin naman ang isang paa. Nasisinagan ang kalahati ng mukha sa buwan.

"Ganda talaga ng view. May nakikita pa akong napakagwapong mukha o." Sabay nguso.

Iiling-iling namang umupo sa tabi niya si Vills.

"Sino bang tinitingnan mo? Ang view o si Raiden?"

"Both."

Tumawa naman si Vills. "Alam mo nakakatuwa ka. Alam mo bang ikaw lang ang naglakas ng loob na purihin si Raiden sa harapan niya mismo?"

"Anong sa harapan? Sa tagiliran no. Hindi siya nakaharap sa akin." Napalingon siya sa kanyang gilid at nakitang natutulog pala si Skywill sa inuupuan nito kanina.

Sa itaas ng sanga naman, gumalaw ang pilikmata ni Raiden at napasulyap kina Sufiah bago muling ipinikit ang mga mata.

Tumayo naman si Sufiah at naglakad palapit sa natutulog na si Skywill. Inalis ang coat na nasa likuran niya at ipinatong sa katawan ni Skywill.

"Maraming lamok, baka lamokin siya. Nasa akin pa naman ang jacket niya." Sambit niya at bumalik sa pwesto kanina.

Napatitig naman sa kanya si Vills sabay ngiti. Tumingala sa langit at napabuntong-hininga.

Nang makaramdam ng antok pumasok si Sufiah sa tent na ginawa nina Vills para sa kanya. Ang dalawang tent na ginawa nila ay hindi pala para sa mga protector kundi para lamang kina Sufiah at Queency.

Kinuha ang makapal na jacket na galing kay Skywill saka pumikit. Umaasang makikita niya ang pamilya pagising niya kinabukasan.

Nang makapasok na si Sufiah sa tent nito, ibinuka naman ni Skywill ang mga mata. Napatingin siya sa kanyang coat. Ramdam pa rin niya ang init mula rito at naamoy pa rin ang amoy ni Sufiah.

Inikot naman ni Meadows ang mga mata bago muling pumikit.

Bago pa man lumiwanag ang buong paligid, ginising na si Sufiah ni Meadows.

"Gising." Pukaw nito kay Sufiah.

"Five minutes." Sambit niya.

Kumunot ang noo ni Meadows. Ang wikang ganito ay ginagamit lamang ng ilan sa mga mahaharlika at bihira lamang ang may kakayahang gamitin ang Ancient language ng Sumeria.

Idinilat ni Sufiah ang mga mata. Napaupo siyang bigla makitang hindi ang papa niya o si Casmin ang gumising sa kanya. Saka naalala na napadpad nga pala siya sa Sumeria. Bumagsak ang kanyang balikat matuklasang nandito pa rin siya sa malapantasyang mundo.

Papikit-pikit pa siyang tumayo, binalot ang jacket sa kanyang katawan at sumabay sa kanila sa paglalakad.

Hindi pa man sila nakakalayo, may mga nakamaskarang mga assassin ang dumating.

Agad na inihanda ng apat na protectors ang mga sarili at pinaligiran ang dalawang babaeng kasama.

Sa kabila ng tense atmosphere bigla namang tumawa si Sufiah na ikinalingon ng lahat sa kanya.

"Excuse me. Wag niyo na akong pansinin. Ipagpatuloy niyo lang iyan." Sabi niya na iniiwasang mapatingin sa costume ng labing-limang assassin.

"Akala ko panget lang ang pagsasalaysay ko, pero nang makita mismo ng mga mata ko, panget nga talaga." Sambit niya pa.

May dinagdagan siyang eksena sa the last saintess. Iyon ay noong inatake ng mga assassin sina Raiden, pinrotektahan nilang mabuti si Queency, samantalang napapabayaan naman nila ang kasama nitong si Queenie. Magsisimula na ring makaramdam ng inggit si Queenie makita kung paano mag-alala ang mga protector kay Queency.

Isinalarawan niya ang mga assassin na nakasuot ng pantalon sa loob at nakalabas ang mga panloob na kasuotan. Tapos may mala-bat man na mga maskara at mala wonder woman na bra. Tawang-tawa pa siya habang ini-imagine ang mga mukha ng mga taong kakilala niya na siyang mga assassin sa kwentong ini-edit niya.

Tinawag rin niya ang grupo ng mga assassin na Unique assassin group. Gusto lang niyang pagtripan ang kanyang kapatid dahil ginamit nito ang pangalan niya sa pagawa ng fanfiction story. Hindi inaasahan na makikita niya sa personal ang kanyang obra.

"Ang cool niyo na sana e, pero bakit nakalabas ang mga brief niyo?" Natatawa niyang sambit.

Naibaba tuloy ng mga assassin ang mga tingin sa kanilang suot. Ganito ang kanilang ayos dahil gusto ng lider nila na kakaiba sila sa lahat ng mga assassin. Kahit sa kasuotan dapat kakaiba. Noong una, hindi sila nahihiya lalo na kapag nanginginig ang sinumang mga Sumerian na makakakita sa kanila. Sa ayos palang, manginginig agad ang mga kalaban nila sa takot at kaba. Kinatatakutan sila ng mga Sumerian at makikilala agad kung saang assassin guild sila galing dahil sa kanilang kasuotan tapos pagtatawanan lang sila ng batang ito?

"Hindi ka ba natatakot?" Tanong ni Queency sa kanya.

Nagkibit-balikat siya. Sa pagkakangayon, naghahalo ang kaba at excitement na nararamdaman ni Sufiah. Natatakot siyang masaktan pero nai-excite siyang makita ang mga karakter ng kwentong sinulat ni Casmin para sana sa kanya.

"Hindi naman sila mukhang nakakatakot, nakakatawa nga sila e." Sambit ni Sufiah na natatawa pa rin.

Umasim naman ang mukha ng mga assassin at mas lalo lang uminit ang mga ulo sa narinig.

"Kapag nakakabalik ako, sasabihin ko sa pinuno na palitan ang kasuotan namin. Dapat iyong cool at nakakapanlambot ng tuhod talaga." Ito naman ang nasa isip ng isang assassin.

Itinaas ng isang assassin ang kamay. Bigla namang nagsiliparan ang mga palaso patungo kina Sufiah.

"Wow! Ang daming palaso." Sambit niya makita ang palasong umulan patungo sa kinaroroonan nila.

Bigla namang may humila sa kanya.

"Hindi ka ba talaga tinatablan ng takot ha? Bakit hindi ka umiwas?" Sigaw sa kanya ni Skywill habang sinasangga ng espada nito ang mga palasong papunta sa kanila.

"Woah! Ang cool. Para kang hero." Nagniningning na sambit ni Sufiah.

Gusto tuloy sapukin ni Skywill ang babaeng hawak.

Nasa panganib na nga ang buhay nila, nagniningning pa ang mga mata sa tuwa?

Binitiwan niya si Sufiah at kinalaban ang tatlong assassin na umatake sa kanya.

Ibinaba ni Sufiah ang jacket sa lupa at umupo.

"Woah, ang cool."

"Ang galing niyo."

"Go fighting."

"Fighting." Tinataas ang kamao habang chini-cheer ang mga naglalaban.

"Are out of your mind?" Di mapigilang sambit ni Raiden. Sabay sipa niya sa assassin na umatake sa kanya. Tumilapon ito palayo. Inatake naman siya ng tatlo pang assassin kaya naging abala siyang muli sa pakikipaglaban.

Isang espada ang humarang sa mga mata ni Sufiah.

"Ano ba? Nanonood ako e. Wag mo ngang hinaharang iyang espada mo. Hindi ako makakakita." Sabay hawi ng espada.

"Aren't you afraid that I'm going to kill you?" Tanong ng magandang boses.

"Pwede mamaya na? Manonood muna ako."

"???" Napaawang tuloy ang bibig ni Akillian. Nandito siya para kidnapin ang saintess ng Burdenia. At gagamitin sana niyang hostage ang batang ito para isuko nina Raiden ang saintess.

"Wag mo masyadong diinan. Takot ako sa sakit." Kalmadong sambit ni Sufiah.

"Tingnan mo. Kita mo yon? Kita mo? Ang bilis niyang kumilos. Woah. Kaya mo ba yon?" Masiglang sambit ni Sufiah habang pinapanood ang laban ng apat na hero.

Hinila ang kamay ng nakangangang si Akillian at pinaupo sa gilid niya.

"Di ka ba nangangalay sa kakatayo diyan? Upo ka dito o."

Akillian: "???" Napaupo ng wala sa oras. Napatingin sa espada habang nakakunot ang noo.

"Dahil ba hindi bago ang espada ko kaya hindi siya natatakot dito? O dahil hindi ganoon ka tulis?" Tanong niya sa isip sabay tingin sa natutuwang babae sa gilid.

Napapaubo siya dahil hinampas-hampas nito ang kanyang likuran habang nagsisigaw.

"Ang galing. Sige pa. Laban!" Pumapalakpak pa si Sufiah.

"Pati ang Unique Assassin group ang liliksi rin. Ang galing nila ha. Di ba ang galing nila?"

"O-o?" Sambit na lamang ni Akillian. Nagdadalawang-isip kung gagawin na bang hostage si Sufiah o manonood na muna sila ng laban. Wala pa namang nasugatan at wala pa ring dugong dumanak sa lupa pero halatang walang laban ang mga assassin sa apat na mga protector na ito.

***
***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top