4: Extra

Sufiah's point of view

Sumeria. Ang tanging alam kong Sumeria ay ang mundong likha ni Seior sa halos lahat ng kanyang mga akda. Ang mga kwentong isinulat niya ay nasa iisang mundo na tinatawag na Sumeria. Iba-iba man ang mga bida at kaharian pero lahat sila nasa iisang mundo lang. Kung ganoon, napasok ako sa mundong likha ni Seior?

Ngunit may sampung kwento si Seior, then, saan ako napasok? Wag naman sanang may koneksyon ito sa lahat ng mga kwento? Pero malakas ang kutob ko na nasa the last saintess talaga ako. Nasa mysterious empire ang setting ng the last saintess. Ngunit paano naman kung nag-eexist lahat ng mga bida sa lahat ng kwento ni Seior sa lugar na ito?

Paano kung nandito rin si Faira? Nandito din ba sina Sayuri at Siori? Ang pinsan ni Siori na walang pangalan na siyang tinatangi ni Skywill, nandito rin kaya? Saka paano ako? Anong gagawin ko sa mundong ito? Isang ligaw na kaluluwa lang ako sa lugar na ito. Ano ang magiging buhay ko dito?

"Hugasan mo ang dugo sa iyong mga kamay gamit ang mga tubig na naipon sa aming mga talulot." Sabi ni Lilac sa akin.

Saka ko naalala ang sugat sa aking palad kanina. Napatingin ako sa aking palad, wala na ang sugat nito ngunit naririto pa rin naman ang dugo.

Tanging ang mga katulad lamang nina Sayuri ang may ganitong kakayahan. Walang self-healing ang sinuman kina Safira o Queenie. May posibilidad kaya na hindi ako extra o kontrabida?

Mapapangiti na sana ako sa natuklasan, ngunit napawi rin agad nang maalalang may self-healing ability din pala si Siori na kalaban din sa kwento. At mamamatay din sa kwento. Di kaya ako si Siori?

Tiningnan ko ang aking buhok, hindi naman kulay silver, malayong malayo sa description ni Siori or Sayuri. Hindi rin kulay ginto na siyang kulay ng buhok ni Faira. Kundi itim na katulad sa description ng buhok ni Queenie.

Napahawak ako sa pisngi maalalang palaging napapahiya si Queenie ngunit makapal pa rin ang mukha na kahit ilang ulit ng napahiya ng mga bida, hindi pa rin tinatantanan si Raiden. Gusto niya na kung anong meron si Queency dapat meron din siya. Kaya sinisikap niyang makuha ang anumang meron si Queency sa kahit anumang paraan. (Typical na ugali ni Sophia.) At dahil doon, lalo siyang kamuhian ng lahat kahit ng mga readers pa.

Naalala ko namang bigla ang lalaking nagligtas sa akin. Posibleng siya ang gumamot sa sugat ko. Ang narinig ko kanina siya raw si Sky, ibig sabihin siya si Skywill. Kung siya si Skywill, isa siya sa mga extra ng the last protector at you're my miracle. Mamamatay din siya katulad ng iba.

Mamamatay siya sa pagliligtas kay Sayuri.

Napasinghap ako. "Di kaya si Sayuri ang bida dito?"

Makikita ko kaya ang lahat ng mga bida sa lahat ng mga kwento ni Seior?

Natigilan ako makarinig ng mga yabag na papalapit. Muli kong inangat ang tingin at hinawi ang mga halamang nakaharang sa aking paningin. Nakita ko ang babaeng patakbo sa gawi ko.

"Munting Binibini." Hinihingal ngunit Nakangiting tawag sa akin ng babaeng hinala ko'y heroine.

Kumabog ang puso ko sa kaba makita ang napakaganda niyang mukha. Parang ayaw kong kumurap. Sigurado na ako, siya ang heroine, ang ganda-ganda kasi niya.

May suot siyang flower crown sa ulo na bagay na bagay sa maganda niyang mukha.

Pero teka lang, bakit ba parang ang tangkad naman yata niya sa akin? Mukha naman siyang 18 years old, pero bakit ang tangkad naman yata niya para manakit ang leeg ko kakatingala sa kanya?

"Ang cute-cute mo." Sabay pisil sa pisngi ko.

Wait lang. Bakit siya naku-cute-tan sa akin? Wala ito sa script a.

"Flower goddess ka ba?"

Anudaw? Di ba dapat siya ang tanungin ko kung flower goddess ba siya? Nagkapalit ba kami ng script dahil may pagkapipi ang katawan na napasukan ko?

May bahagi sa the last princess na may nagtanong kung flower goddess ba si Faira. Pero isa sa mga extrang lalaki roon ang nagtanong at hindi babae.

Seryoso ba siya o pinagtitripan lang niya ako? O ba kaya nagkapalit-palit ang mga script nila dahil sa pagdating ko?

"Binibini Queency,  bumalik na kayo." Sabi ng lalaking masungit na sa hinala ko ay si Meadows. Kaya naman napalingon ako. Ngunit ang babaeng katabi ko pala ang kinakausap niya dahil sa kanya siya nakatingin at hindi sa akin.

Queency raw. Siya nga si Queency. Kung ganoon siya ang bida at nasa the last saintess nga ako.

"Ikaw din, sumama ka na." Kita mo na. Ang lambot ng boses niya kay Queency tapos sa akin ang cold. Sinamaan ko ng tingin si Meadows.

Kung ang babaeng ito ay si Queency, sino naman ako? Ako na tunay na Queency. Sino ako sa mundong ito?

Sumunod na si Queency kay Meadows. Ako naman ito, nakatunganga. Kung villainess nga ako, ibig sabihin walang mangyayaring mabuti kapag malapit ako sa heroine at sa mga love interest niya. Kaya mas nakakabuting dumistansya. Pero kapag humiwalay ako sa kanila saan naman ako pupunta? Wala akong kakilala sa mundong ito.

"Ano pang hinihintay mo?" Nakakunot ang noong tanong ni Meadows sa akin.

Kusang humakbang paatras ang aking mga paa makitang tumalim ang kanyang tingin. Hindi ako ang takot kundi ang katawan na ito mismo.

"Wag mo ngang tinatakot ang bata." Sabi ni Vills. "Wag mo na siyang pansinin, wag kang matakot, mababait kami." Nakangiting sabi ni Vills sabay lahad ng kamay sa akin.

Ganyan din siya ngumiti kapag may tinatagang kalaban. Pero kaysa kay Meadows at iba pa, mas magandang sa kanya ako lumapit.

Naglakad ako palapit sa kanya. Kahit isa man siya sa magpapahirap kay Queenie sa future, pero bago siya nahulog kay Queency, minsan pa siyang nahulog kay Queenie. Kung hindi lang naging masama si Queenie e di sana siya kamuhian ng mga protektor.

Pagdating namin sa kinaroroonan ng iba, inabutan ako ni Skywill ng sapatos.

"Masyadong malaki ito sa paa mo pero pagtiisan mo na kaysa wala."

I felt warm inside at nag-init naman bigla ang mga mata ko. Naalala ko tuloy bigla noong bata pa kami ni Casmin. Kapag nakikita niyang hindi ako nagtsitsinelas dinadalhan niya ako at pinapasuot niya sa akin ang tsinelas nina kuya o papa.

"Masyadong malaki to, pero pagtiisan mo na muna ate ha, di ko kasi nakita ang tsinelas mo. Bakit kasi di ka nagtsi-tsinelas?" Naalala kong sabi sa akin ng pitong taong Casmin noon.

Palibhasa ikaw ang gumawa ng kwentong ito kaya ang mga script ng mga tauhan dito, may pagkakapareho sa sinabi mo sa akin noon. Pero hindi ako ang binigyan ng sapatos, dapat ay si Queency. At hindi si Skywill ang magbibigay kundi si Raiden. Ang mga katagang binitiwan ni Skywill ay dapat kay Raiden. Bakit nagkapalit yata sila ng script? Dahil ba, napunta ako sa mundong ito?

Ano na kayang ginagawa ni Casmin ngayon? Nakita na ba nila si Papa? Alam na kaya nila ang nangyari sa amin? Nagbabasa na naman ba iyon o nagsusulat?

"Uy, wag kang umiyak." Sabay siko ni Skywill kay Vills. "Tulungan mo ako dito." Pabulong niyang sambit ngunit hindi ko na pansin. Kahit ang palitan nila ng tingin hindi ko na pinansin.

"Pinaiyak mo e." Rinig kong bulong ni Vills.

Saka ko napansin na tumulo na pala ang luha ko. Gusto kong pigilan pero mas lalo namang dumami. Halo-halong mga alaala ang pumasok sa isip ko. Alaala ko at ng katawang ito. Kaya hindi ko alam kung ang lungkot ba na nararamdaman ko ay dahil sa tunay kong alaala o dahil sa masasakit na alaala ng katawang ito?

***
***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top