Kabanata 9 : Peace Offering

"Nandito daw sila Wine sabi ng napagtanungan ko sa school." sabi ni Chhaya.

Nasa kotse sila ni Autumn ng hapon na iyon, matapos pumunta sa University para alamin kung sino ang kumuha kay Elle. At nalaman ng dalawa na gamit ang kabayo pumunta ang apat na kabataan papasok ng school para sunduin si Elle.

"Si Wine." sabi ni Autumn.

Napatingin si Chhaya kay Autumn, kung hindi lang niya kapatid si Wine malamang naglabas na ng galit si Autumn sa kanya. Pero mukhang wala itong balak dahil kanina pa ito tahimik habang binabaybay nila ang daan papunta sa Mango Farm kung saan nakita ang apat na kabataang lalaki na nagtungo doon sakay ng mga kabayo nito.

......................

Mango Farm

"Pagod na ang tuhod ko." sabi ni Elle kay Wine ng tingnan ito.

Nakatingin lang si Wine kay Elle ng huminto ito sa sanga habang nakayakap doon. Halatang pagod na ang batang babae dahil sobra na ang pawis nito at hindi biro ang inakyat ni Elle.

"Diyan ka lang kukunin kita." sabi ni Wine kay Elle.

"Pagod na ako!!!!" sigaw ni Elle.

"Aiiisssst, bakit ka kasi umakyat!" sigaw ni Heaven kay Elle na kinakabahan kanina pa dahil siya ang pinakamatanda sa mga iyon at siguradong pagagalitan na naman siya ng ama niya.

"Bababa na ako!" sigaw ni Elle.

"Kukunin kita diyan. Huwag kang gagalaw." mahinahong sabi ni Wine dahil kinakabahan siyang baka mahulog si Elle.

"Pagod na ako." sigaw ni Elle.

"Wine, kunin mo si Elle." sigaw ni Ion habang nakatingala ang lahat.

Dahan-dahan umakyat si Wine at nagtungo kay Elle habang nakayakap ito sa puno.

"Antok na ako." sabi ni Elle.

"Aiisssst! Huwag kang matutulog diyan!" sigaw ni Aqua kay Elle na tila may kapatid siya at nararamdaman niya ang stress ng may kapatid.

"Cheesecake, kakain na tayo mamaya pagbaba natin. Nagluto si nanay. Kaya huwag kang gagalaw diyan, kukunin kita." sabi ni Wine.

"Wine bilisan mo!" sigaw ni Ion kay Wine.

Nang malapit na si Wine, agad nitong inalalayan si Elle. Pero nagulat ang lahat ng umupo si Elle sa sanga habang ang mga paa nito ay inuugoy sa hangin.

"Upo ka dito. Dali ang ganda nilang tingnan para akong reyna na tinitingnan nila." pilyang sabi ni Elle kay Wine habang nakatingin ito sa baba ng puno.

Napangisi si Wine sa kalokohan ng batang babae. Naupo siya katabi ni Elle sa puno at napangiti si Wine sa lahat, na ikinainis nila Heaven ng kumaway pa si Wine at ginaya ito ni Elle.

"Hi!" sigaw ni Elle at nakuha pa nito kumuha ng mangga at binato sa mga bata sa baba.

"Gusto niyo pa ng mangga?" nakangiting tanong ni Elle sa mga pinsan habang kumukuha si Wine ng mangga at binibigay kay Elle.

"Pahinge." sabi ni Ash sa kapatid.

"Ito saluin niyo." sabi ni Elle habang binabato ni Elle ang mga manggang binibigay ni Wine.

"Ako din. Pahinge." sigaw ni Adira.

Napatingin si Venus sa mga bata ng nagkukuhanan na ng mangga na binabato ni Elle.

"Ito pa" masayang sabi ni Elle habang bato ito ng bato ng mangga.

Tiningnan ni Venus si Wine at senenyasan ito na pababain na si Elle na ikinatango ni Wine.

Umupo si Wine malapit kay Elle at kinausap ito.

"Baba na tayo. May mangga na ako nakuha para sayo." sabi ni Wine kay Elle at pinakita nito ang isang bungkos ng mangga na nasa mga tangkay pa.

"Okay. Baba na tayo. Gutom na ako." sabi ni Elle.

Nakatingin lang si Venus ng yakapin ni Elle si Wine habang kausap nito ang anak.

Bata pa si Elle at alam ni Venus na ganoon talaga kasweet makipag-usap ang mga anak ni Ellie. O mula sa mga anak nila Rod at Ella.

"Yakapin mo ako ng mahigpit. Bababa na tayo." sabi ni Wine habang dahan-dahan itong bumababa sa mataas ding puno ng mangga.

Kinapit ni Elle ang mga binti at kamay sa katawan ni Wine na kahit hirap ang batang lalaking kargahin si Elle nagawa pa rin nitong kumuha ng mga mangga para ibigay sa batang babae.

...................

Hours later

"Nasaan sila?" seryosong tanong ni Autumn ng mamataan sila Heaven at ang tatlong pang pinsan sa labas ng farm house na pag-aari ng magulang ni Wine.

"Nasa loob kumakain." sabi ni Heaven sa pinsan na si Autumn ng makitang seryoso ang mukha nito.

Pumasok si Autumn kasama si Chhaya at kasunod ang apat na lalaki sa farm house.

"Kuya!" nakangiting sigaw ni Elle ng bumungad si Autumn.

Napakunot lalo ang noo ni Autumn ng makita ang itsura ni Elle, nakasando na ito at shorts at madumi iyon. At ang uniform ng bunsong kapatid ay nakasampay sa upuan nito na tila basahan sa dumi.

"Kain." nakangiting sabi ni Venus kay Autumn.

Napatango lang si Autumn na ikinatingin ni Venus kay Chhaya. Seryoso ang mukha ni Autumn habang nakatingin sa bunsong kapatid na kumakain mag-isa, na halatang gutom na gutom ito. Kasama nito ang ibang bata at ang kapatid din niyang si Ash na kumakain din. Pero di tulad ni Elle mukhang busog na ito. Dahil hindi naman sanay si Ash makikain sa ibang bahay.

"Kuya kain." sabi ni Elle sabay subo sa kamay nito na ikinatitig ng mata ni Autumn kay Elle.

Napahinto sa pagkain si Elle ng titigan siya ni Autumn, bumakas ang takot sa mukha nito at ang napipintong pagluha nito.

"Bilisan mo diyan uuwi na tayo." seryosong sabi ni Autumn kay Elle.

"Ayoko ko pang umuwi. Maglalaro pa ako." sabi ni Elle sabay subo sa kamay nito.

"Naghugas ka ba ng kamay?" biglang sabi ni Autumn na ikinatingin ng lahat sa pagalit na pagsasalita nito kay Elle.

"Opo." sabi ni Elle sabay paglahad ng mga palad nito.

"Ang dumi ng kuko mo. At bakit ang dungis mo?" tanong ni Autumn na ikinatikhim ni Venus.

"Naglaro kami." sabi ni Wine kay Autumn.

"Tinakas mo iyong kapatid ko ng walang paalam. Pasalamat ka anak ka ni Tito Malic at isa kang Lopez." seryosong sabi ni Autumn kay Wine.

"Naglaro lang naman kami." sabi ni Wine pero nahinto ang pag-uusap ng dalawa ng sumingit si Venus.

"Pasensya ka na Autumn at pakisabi na rin sa parents mo. Baka natuwa lang si Wine, matagal na kasi niyang hindi nakita si Elle." nahihiyang sabi ni Venus kay Autumn.

Hindi umimik si Autumn at pinuntahan nito si Elle sa upuan nito saka tinitigan. Kaya napasubo ng sunod-sunod si Elle na halatang kinakabahan ito.

"Sino may sabi sayo sumama ka, sa taong hindi namin sinasabing samahan mo?" seryosong sabi ni Autumn kay Elle na ikinatingin ng lahat kay Autumn at ikinatitig ni Chhaya sa nobyo.

"Wala po." sabi ni Elle habang puno ang bibig nito ng pagkain.

"Bakit ka sumama sa iba?" seryosong sabi ni Autumn kay Elle.

"Wine naman iyon eh." naluluhang sabi ni Elle kay Autumn.

"Hindi ka sasama sa hindi namin sinasabi. Nauunawaan mo?" seryosong sabi ni Autumn kay Elle.

"Mangga gusto mo?" lumuluhang sabi ni Elle sabay subo ng mangga kay Autumn na ikinangiti ni Venus ng nagbago ang awra ni Autumn.

"Inakyat ko sa puno iyan.. Sayo na lang." naiiyak na sabi ni Elle kay Autumn habang sinusubo nito ang mangga kay Autumn.

Nakatingin lang si Autumn kay Elle kaya lalong naluha ang bata at muling nagsalita.

"Hindi ka na naaawa kay Elle? Nakatingin sila sa akin, kasi galit ka sa akin." lumuluhang sabi ni Elle kay Autumn.

Napatingin si Autumn sa mga batang nakatingin sa kanila na umiwas ng mga tingin kaya nahimasmasan ito ng makitang napapahiya si Elle.

"Uuwi na tayo after mo kumain." sabi ni Autumn kay Elle.

Tumingin si Autumn kay Wine na nakatingin lang kay Elle.

"Yakap." sabi ni Elle kay Autumn.

Niyakap ni Autumn si Elle ng biglang bumulong ang batang babae.

"Uwi na tayo, huwag mo ng pagalitan si Wine. Masaya si Elle ngayon kasi naglaro ako sa maraming bata. Ngayon lang ako nakalaro ng ganito." bulong ni Elle kay Autumn, na ikinatango ni Autumn.

"...karga na." sabi ni Elle at ikinawit nito ang kamay sa leeg ni Autumn.

Kinarga ni Autumn si Elle at tumayo ito.

Niyakap ni Elle si Autumn at inihilig nito ang mukha sa balikat ng kuya nito.

"Aalis na po kami." sabi ni Autumn kay Venus.

"Pasensya ka na uli. Hayaan mo pagsasabihan ko si Wine." nahihiyang sabi ni Venus kay Autumn.

"Okay po." sabi ni Autumn at bumaling ito kay Ash na nakikipag-usap pa kay Ciao na parang nakikipagtalo pa ito.

"Ash halika na." sabi ni Autumn.

"Kuya kabayo tayo." sabi ni Elle kay Autumn.

"Hindi na." sabi ni Autumn sa nakahilig na kapatid sa balikat niya.

"Pasensya na uli pakisabi sa parents mo." sabi ni Venus na ikinatango ni Autumn.

Hinawakan ni Autumn si Ash sa kamay habang karga niya si Elle na nakapikit na ang mga mata sa pagod. Madumi ang kamay nito sa paggamit ng kamay nito kanina.

Binalingan ni Autumn si Chhaya at muli ito nagsalita.

"Paiwan ka na, tatawagan na lang kita mamaya." sabi ni Autumn kay Chhaya.

Napatingin si Chhaya kay Autumn at sa mga kapatid na hawak at karga nito. Napatango siya, dahil alam ni Chhaya na pagdating sa mga kapatid mas inuuna ni Autumn ang mga ito.

"Autumn, mamaya." sabi ni Heaven kay Autumn na tinanguan lang ni Autumn pero napatingin si Chhaya kay Autumn na hindi naman na siya tiningnan.

.......................

Valiente Empire
Orion's House
Hours later

"Saan ka na naman galing?" tanong ni Orion ng ibaba ni Autumn si Elle sa sala.

"Naglaro po." sabi ni Elle habang hawak nito ang mangga na nakabungkos pa sa sanga nito.

Nagtinginan sila Ellie at Orion, madumi ang damit ni Elle ang mga paa nito ay puro putik. May bahid pa ng dumi ang mukha nito.

Kaya napailing si Ellie dahil wala sa mga Cheung na ganoon ang itsura na uuwi. Kahit nga si Ash kapag naglalaro sa labas, malinis pa rin itong umuuwi.

"Bakit ka tumakas?" tanong ni Orion kay Elle.

"Hindi po ako tumakas." todo iling na sabi ni Elle at inabot nito ang mangga kay Orion na ikinangiti ni Ellie.

"....iyo na lang pasalubong ko po." sabi ni Elle kay Orion na ikinatingin ni Orion sa bunsong anak.

"Aanhin ko iyan?" seryosong tanong ni Orion na talagang naiinis siya at hindi niya maiwasan ilabas.

Niyakap ni Elle ang mangga na nasa sanga pa at pinunasan nito ang mukha sabay tingin kay Orion.

"Kainin natin tapos iyong buto itanim natin para may puno tayo ng mangga sa loob ng emperyo." inosenteng sabi ni Elle na ikinatawa ni Ash.

"Hindi iyan tutubo ng ganoon kadali." natatawang sabi ni Ash sabay napabaling ang tingin nito kay Orion kaya natahimik ito.

"Peace offering." sabi ni Elle kay Orion sabay abot uli ng mangga na may kabigatan sa edad nito.

"Tanggapin mo na." sabi ni Ellie kay Orion ng nakahang sa ere ang kamay ni Elle na may hawak na mangga at ang cute nitong tingnan.

"Para kang nagbebenta ng mangga sa palengke. Alam mo ba iyon?" inis na sabi ni Orion kay Elle.

Tiningnan ni Elle ang mga paa niya at nakuha pa nito yumuko at kiskisin ang putik na dumikit doon sabay tingin kay Orion.

"Maghihilod na lang po ako mamaya." sabi ni Elle kay Orion.

"Hindi ka muna sasama kay Wine, o kahit na kanino bukod sa amin ng mama at kuya mo. Bawal ka sumama sa mga pinsan mo at pumunta kung saan-saan." sabi ni Orion kay Elle.

"Abot mo po muna ang mangga." sabi ni Elle kay Orion.

Lumapit si Elle at inabot muli ang mangga kay Orion. Tiningnan ni Orion ang kamay ng anak, ng biglang magsalita si Autumn ng makita ang katanungan sa mga mata ni Orion.

"Nagkamay siya sa bahay nila Wine habang kumakain at hindi ko pa siya nahuhugasan ng kamay." sabi ni Autumn kay Orion sabay amoy ni Autumn sa damit nito na nahawakan ni Elle kanina.

"Nagkamay po ako." sabi ni Elle sabay lahad ng kamay na puro dumi ang kuko nito.

"Nagkamay ka ng ganyan kadumi ang kamay mo?" sabi ni Orion.

"Kumain po ako ng binagoongang baboy tapos sinasawsaw ko iyong mangga. Kumain po ako ng itlog na maalat saka instant noodles." sabi ni Elle na napangiti na tila nasarapan ito sa kinain.

"Ayoko ng pagkain nila Papa. Nahihiya lang ako kay Tita Venus kaya kumain ako ng kaunti." biglang sabi ni Ash na ikinatingin nila Orion, Ellie at Autumn kay Ash pero si Elle nakangiti ito na parang nakatikim ng pinakamasarap na pagkain.

"May allergy ka sa bagoong, anak." sabi ni Ellie kay Elle.

"Masarap naman ang bagoong.

Papa kunin mo na po ito." sabi ni Elle na nakahang pa rin ang kamay hawak ang mangga.

"Aiisssst, akin na nga. Hindi ka na puwede makipagkita muna kay Wine." sabi ni Orion.

"Bakit po?" tanong ni Elle.

"Kasi tinakas ka niya at kinuha ka niya ng walang paalam. Isa pa, bawal kang sumama sa iba at alam niya iyon o kahit na sino." sabi ni Orion.

"Opo." sabi ni Elle na tila wala naman dito ang sinabi ni Orion.

"Ikaw din." sabi ni Orion sabay turo kay Ash.

"Bakit ako?" gulat na sabi ni Ash.

"Muntik ka ng makaaksidente ng bata sa bayan dahil sa kabayo ni Ciao." sabi ni Orion.

"Ang batang iyon ay ex ko at hinampas niya si Starlight kaya nagwala." sabi ni Ash.

"Hahahaha." napatawang sabi ni Ellie ng marinig ang salitang ex sa anak, pero napahinto ito ng tingnan ni Orion.

"Ilang taon ka pa lang. Umakto ka nga sa edad mo." sabi ni Orion kay Ash na ang paggalaw nito ay nakuha sa apat na lalaking lagi nitong kasama.

"Asar naman." sabi ni Ash.

"Papa karga." sabi ni Elle kay Orion.

Napatingin si Orion sa anak na madungis at napangisi ito.

"Mangako ka muna, na hindi ka muna lalapit kay Wine." sabi ni Orion.

"Opo." napahikab na sabi ni Elle na halatang naaantok na ito sa pagod sa paglalaro.

"Okay. Maliligo ka muna bago ka matulog." sabi ni Orion.

Nang kargahin ni Orion si Elle napabahing pa si Orion sa pinaghalo-halong amoy ni Elle. Amoy araw, pawis, at ang kinain nito sa Farm House.

"Baho ni Papa." sabi ni Elle na ikinatawa ni Ellie at ikinatingin ni Orion kay Elle na nakatakip ang ilong.

........................

Island Mall

"Kaya pa?" tanong ni Winter kay Atlas habang buhat nito ang mga pinamili niya.

"Winter, kawawa naman siya. Kami na lang ang hahawak." sabi ni Elsa kay Winter.

"Okay lang iyan sa kanya." sabi ni Winter sabay tingin kay Atlas na nakatingin rin sa kanya.

"Saan pa tayo pupunta?" sabi ni Atlas habang nakasunod kay Winter.

"Sa sinehan. Manonood kami pero ikaw sa labas ka lang." sabi ni Winter kay Atlas.

"Okay." sabi ni Atlas.

"Win, sama na natin si Atlas. Kawawa naman." sabi ni Cleofe kay Winter.

Napatingin si Winter kay Atlas nakatitig lang ito sa kanya kanina pa, kaya naaasar siya sa tingin nito dahil hindi niya mabasa ang nasa isip ng binata.

"Ayoko." sabi ni Winter.

"Okay lang ako sa labas." sabi ni Atlas kay Cleofe.

Napatingin si Winter sa paligid, may nakatingin na kay Atlas na mga kasamahan nito at alam niyang puwede ito matanggal sa trabaho na tila ito ang gusto mangyari ng binata.... ang makonsensya siya habang buhay kapag nawala ito sa pagiging sundalo nito.

"Okay sige. Sasama ka na." sabi ni Winter na ikinangiti ni Atlas habang nakatitig kay Winter.

"Salamat. Date natin.... First date." nakangiting sabi ni Atlas na ikinangisi ni Winter na tila nautakan siya ng binata.

April 28, 2021 4pm

FifthStreet1883

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top