Kabanata 9 : Fear
Cheung Hotel
"Anong magagawa ko kung tuluyang nag back-out?" sabi ni Chhaya ng tawagan niya si Atlas.
"Bakit hindi mo kinausap? Di ba magaling ka magpaikot ng tao? Napaikot mo nga si Autumn." naibulalas sa inis na sabi ni Atlas kay Chhaya.
"Anong sabi mo?" inis na sabi ni Chhaya.
"Aissst, hindi ako puwede pumunta ngayon diyan dahil may trabaho ako." sabi ni Atlas.
Nasa Isla Traquilo si Atlas ngayon, at alam naman ni Chhaya na kasama iyon sa kontrata kaya nakuha ni Atlas ang buong pag-mamaaari ng Cheung Hotel.
"Anong gagawin ko?" inis na sabi ni Chhaya na mula ng makita niya si Autumn pakiramdam niya magkakasakit siya sa puso dahil pangalan pa lang ng dating nobyo nagririgodon na ang dibdib niya.
"Kaya mo iyan? Kapag hindi mo iyan nagawan ng paraan kahit anong pagbabantay ko sa apo ni Ralph wala din mangyayari kung babagsak ang hotel." sabi ni Atlas.
Napahawak sa batok si Chhaya dahil ang totoo, marami ng client ng Cheung Hotel ang nagsisialisan. Noong mga unang isang taon nila ni Atlas smooth ang lahat, pero kalaunan lalo na ng kusang umalis lahat ng Cheung sa Hotel at hindi na nakialam ang mga ito sa pamamalakad. Unti unting nawawalan ng gana ang mga kliyente sa kanila.
Tipong sila ang makikiusap para sa meeting na dati ay mga ito ang lumalapit sa hotel
"Asar, ang mga kliyente ng Cheung Hotel ay kinuha ng pinsan mong si SatA. Nakakainis! Kinakalaban ka ng pinsan mo at ginagamit niya ang pagkakataon para kunin ang mga kliyente ng Cheung Hotel." sabi ni Chhaya.
Hindi umimik sa kabilang linya si Atlas, tatlong taon lang na smooth ang takbo ng lahat pero ng dumating ang ikaapat na taon umalis ang unang kliyente nila. Sa una wala lang sa kanya iyon kasi ang naiisip ni Atlas, may loyalty iyon sa Pamilya Cheung kaya ganoon.
Pero habang dumadaan ang buwan, ang mga malilit na kliyente ang sumunod na umalis. Maliliit pero malaki ang epekto sa Hotel. Kung tutuusin may ibang establishment sa baba ng hotel ang nagsara na. Tulad ng matagal ng bar doon na pag-aari ng kaibigan ni Isaiah Cheung Valencia ang asawa ng pinsan ni Atlas na si SatA.
Ang The Bar na ngayon ay nakatayo sa Skye Hotel.
"Gumawa ka ng paraan." sabi ni Atlas.
"Gumagawa ako pero kailangan ka dito." sabi ni Chhaya kay Atlas.
"Alam mo ang trabaho mo at... ako, ginagawa ko ang trabaho ko." sabi ni Atlas.
"Dumating si Autumn dito, at.....
Aissstt, para siyang demonyo na hindi ko alam kung kailan sisila." inis na sabi ni Chhaya.
Napabuntung hininga si Atlas. Isa sa pagkakamali niya ay pakasalan si Chhaya dahil ng umusok ang balita na ang nobya ng panganay na apo ni Ralph ang napangasawa niya, may mga alingsngas na nagsilbing mitya para hindi siya pagkatiwalaan ng lahat sa pamamahala ng Cheung Hotel na matagal na taon din niyang pinag-aralan patakbuhin.
"Hindi ka gagalawin ni Autumn kung hindi ka magpapakita ng takot." sabi ni Atlas.
Alam ni Atlas ang nararamdaman ni Chhaya dahil noong ikinasal sila hindi ito lumalabas ng bahay niya halos nga nakajacket ito at talukbungan ang buong katawan kahit kainitan ng arawan kapag bumibili lang sa kalapit na tindahan.
"Baka bugbugin ako nun, sa laking tao ni Autumn para lang akong papel." inis na sabi ni Chhaya
"Hindi ka sasaktan nun kung kalmado ka." sabi ni Atlas ng may maalala.
"Aissstt! Hindi rin pala..." buntung hiningang sabi ni Atlas sa isip ng maalala si Winter at ilang segundo lang.....
"Damian!" sigaw ni Winter na ikinagulat ni Atlas at ikinatingin nito sa kotseng kararating lang sa bahay ni Damian.
Nasa labas kasi siya ng bahay ni Damian habang kausap si Chhaya sa cellphone.
"Sino iyon?" tanong ni Chhaya.
"Wala, tatawagan kita mamaya. Ayusin mo ang problema mo, at huwag kang magtanong sa hindi mo saklaw." sabi ni Atlas sabay pindot ng end call button.
Tiningnan ni Atlas si Damian hawak nito sa braso si Winter na tila may nararamdaman sakit ang babaee.
"Hindi ka lalabas hanggat hindi ko sinasabi." sabi ni Damian habang naglalakad ang mag-asawa papasok ng bahay.
"Oo." mahina at pilit na pinapanatag na sabi ni Winter na hanggat maaari walang makakaalam ng nangyayari sa kanya kahit ang mga katulong.
Nang mapadaan si Winter kay Atlas napatingin ito sa binata, at kusang lumabas ang natural na ngiti niya na ikinatiim ng bagang ni Damian ng makita iyon.
"Shit." sigaw ni Damian at akmang iwawasiwas nito si Winter sa pagkakahawak ng biglang hawakan ito sa braso ni Atlas.
"Tama na. Wala naman siyang ginagawang masama." sabi ni Atlas kay Damian na napatingin sa kanya.
"Nginitian ka niya." sabi ni Damian.
"Ngiti lang iyon, bawal ba siya ngumiti?
At kung bawal siya, sana sa una pa lang hindi mo na siya tinanggap. Kasi ang kasama mo ngayon ay hindi ang Winter na pinakasalan mo." tiim bagang na sabi ni Atlas ng makita ang pasa sa paglihis ng damit ni Winter sa bandang dibdib nito.
"Wala kang pakialam." sabi ni Damian.
"May pakialam ako dahil pinsan ko siya, at bodyguard niya ako and the same time sundalo ako na puwede kitang isumbong o di naman kaya ipakulong kahit walang alam ang pamilya ng asawa mo." sabi ni Atlas.
"Ako pa rin ang asawa niya." sabi ni Damian.
"Hindi ko naman siya inaagaw sayo at wala akong balak. Ikaw ang pinili niya pero ngayon mukhang tinatapon mo siya at nirerecycle lang. Huwag kang mag-alala hindi ako nag rerecycle na tulad mo." seryosong sabi ni Atlas.
Napayuko si Winter na tila siya nasaktan sa sinabi ni Atlas saka lumandas ang luha sa mga mata nito habang pipi niyang isinasaad sa loob niya ang lahat ng nararamdaman.
Napatingin sila Atlas at Damian kay Winter lumuluha ito pero para lang itong bato, walang hikbi o kahit na anong ingay na inilalabas ito.
"Aakyat na tayo." sabi ni Damian habang hinawakan nito sa kamay si Winter at hindi sa braso na alam niyang namamasa iyon sa pagkakahawak niya.
Tiningnan ni Damian ang kamay ni Atlas na hawak pa rinang braso niya na mahigpit.
"Itigil mo at baka mapatay mo siya, lalo ka magsisisi kapag nawala siya ng tuluyan sayo." nagtitimpisa galit na sabi ni Atlas saka nito binitawan si Damian.
Hindi pinansin ni Damian ang sinabi ni Atlas, kasama si Winter nagtungo ang mag-asawa sa ikalawang palapag kung nasaan ang kuwarto ng mga ito.
...............
Cheung Hotel
"Aiissssst, asar." sabi ni Chhaya sabay upo sa sofa na nasa loob ng opisina niya na dating opisina ni Autumn.
"Nakakaasar." sabi pa uli ni Chhaya.
Tuluyang nag back -out ang kliyente nakabangga niya sa parking lot kaya ang resulta problemado siya.
Natatalo na ng Skye Hotel sa unang pagkakataon ang Cheung Hotel. Idagdag pa na ang La Traquilo Hotel na pag-aari ni Rain Cheung at hawak ng anak nitong si Aqua Cheung ay ngayon namamayagpag sa Isla Traquilo.
Naungusan na rin ng Blaze Hotel, na pag-aari naman ni Ice Cheung na ngayon ay pinamamahalaan ni Blaze Cheung ang Hotel na kilalang mentor ng mga naturang hotel.
"Cha, ano ng gagawin mo?" sabi ni Chhaya napahiga ito sa sofa at pumikit.
"Bakit kasi nandoon pa si Atlas? Ano pang nais ni Ralph at naisipan nito pagtrabahuin si Atlas sa mag-asawang iyon?" nagtatakang tanong ni Chhaya sa isip.
"Paano ako kikilos kung nasa paligid lang ang leon?" problemadong sabi ni Chhaya sa isip.
...................
El Casa.
"Sir?" gulat na sabi ng secretary ni Autumn.
"Ang gitnang bahagi ng Valiente Empire ay gagawin kong Hotel." sabi ni Autumn sa secretary na kaharap at sa abogado niya.
"Sir, magbabago tayo ng business permit?" sabi ng secretary ni Autumn na si Jessie.
"Oo, madali lang iyon. Alkalde si Mama kaya mabilis ang proseso.' sabi ni Autumn.
"Autumn, wala pang pagsang-ayon galing sa Papa mo." sabi ng abogado ng kompanya.
"Ako na ang may hawak kaya ako na ang magdedesisyon." seryosong sabi ni Autumn.
"Ang gitnang gusali ay bentahan ng sasakyan." sabi ni secretary kay Autumn.
"Alam ko. At ibababa lang natin iyon, at ang ikalawa at mga susunod na palapag ay magiging Hotel Inn. Hindi siya magarbong Hotel. Ito ay isang high class MOTEL." seryosong sabi ni Autumn.
"Autumn, alam ko ang nasa isip mo. Masasara ang Emperyo at maiipit ang Mama mo sa binabalak mo." sabi ng abogado ni Autumn.
"Ako si Autumn at lahat ng ito ay nasa..." udlot na sabi ni Autumn saka ito tumuro sa sintido nito.
"....utak ko simula ng magkaisip ako. Kaya alam ko ang plano ko, na gagawin ko ngayon. Walang maisasara at kung tutuusin makikinabang tayo ng malaki lalo kayong dalawa." sabi ni Autumn.
Napatitig lang ang abogado kay Autumn, alam niyang kay Autumn talaga na negosyong Emperyo at ginamit lang ito ni Orion para ipakita sa lahat na kaya nitong makilala ng walang Cheung na kadikit. At nagawa iyon ng ama ni Autumn sa maiksing panahon lang.
Ngayon kusang loob na ibinigay ni Orion sa anak ang negosyong para talaga kay Autumn. At alam ng abogado na magsisimula na ang totoong kulay ng Emperyo.
"Gawin niyo na." seryosong sabi ni Autumn.
"Sigurado ka hindi ka maiipit o mapapahamak sa ginagawa mo?" tanong ng abogado kay Autumn.
"Hindi....
.... marunong ako magplano at lahat ng ito ay pinag-aralan ko, simula noong bata pa lang ako. Ito ang aking imahinasyon na isasabuhay ko sa lahat." sabi ni Autumn.
"Okay." sabi ng abogado na napabuntung hininga pa.
"Oras na para makita ang totoong kulay at kapangyarihan ng kaharian ko." seryosong sabi ni Autumn na ikinatingin ng abogado at secretary nito sa isa't isa.
..........................
Isla Traquilo
Days later
"Dito ka lang hindi ka aalis." sabi ni Damian kay Winter habang nakaupo ito sa garden.
Nakatingin lang mula sa malayo si Atlas at mula doon tanaw niya si Winter na nasa initan nakaupo. Alam ni Atlas na kahit nakasuot ng shades si Winter nakatitig ito kay Damian at mataman na nakikinig.
Ilang araw din na hindi lumabas ng kuwarto si Winter ni Damian mula ng pagsabihan ni Atlas ang lalaki.
"Oo." sabi ni Winter na kahit tirik na ang araw pinaupo siya ni Damian sa gitna ng arawan.
Nakabandana naman si Winter nakasuot ng longsleeve, nakajeans at nakasuot ng sunglasses kaya protektado siya, ng bigla siyang napatawa sa isip.
"Protektado ako kahit unti." natawang sabi ni Winter sa isip habang nakatitig kay Damian.
"Nakikinig ka ba?" tanong ni Damian ng maaninagan sa sunglasses ni Winter na nakatitig lang ito sa kanya.
"Oo. Sumagot naman ako sayo sabi ko. Oo hindi ako aalis dito." kalmadong sabi ni Winter.
"May kakausapin lang ako sa opisina ko. Huwag kang aalis, makikita kita kahit magsinungaling ka." sabi ni Damian.
"Oo." sabi ni Winter.
"Okay." sabi ni Damian sabay titig sa mukha ni Winter.
"I love you." nakangiting sabi ni Winter kay Damian na ikinangisi ni Damian.
"Aalis na ako." sabi ni Damian ng biglang nagsalita muli si Winter ng tumalikod si Damian.
"...sana dumating ang araw mayakap mo ako ng may pagmamahal." sabi ni Winter habang nakangiti ito at kalmado.
Napatingin si Damian kay Winter at seryoso itong nagsalita.
"Mahal kita, alam mo iyon." sabi ni Damian.
"Oo." napaluhang sabi ni Winter habang nakaupo lang ito ng deretso sa upuan sa ilalim ng kainitan ng araw.
Umalis si Damian at iniwan nito si Winter sa gitna ng initan habang nakaupo sa garden.
"Lolo, ayoko makaramdam ng mal o galiti. Kasi kahit kailan hindi ka nagkamali sa pagdedesisyon, lalo na sa amin ng mga apo mo. Alam ko may dahilan lolo Ralph at kung anuman iyon, hihintayin ko kung....
.....kung Bakit siya?." napaluhang sabi ni Winter sa sarili habang nakatingin ito sa papalayong asawa.
Nakatitig lang si Atlas kay Winter. Pinunasan ni Winter ang mga mata na halatang luha iyon habang deretso lang nakaupo sa upuan na pinag-iwanan ni Damian dito.
Mag-aalas dose na ng tanghali at mas iinit pa ang temperatura lalo na at iba ang klima sa isla na mas mainit.
Napabuntung hininga si Atlas at lumapit ito kay Winter. Napatingin si Winter kay Atlas ng makita itong papalapit.
"Tubig gusto mo?" tanong ni Atlas kay Winter.
"Hindi na." sabi ni Winter.
"Mainit na." sabi ni Atlas ng hindi man lang gumalaw si Winter sa upuan nito.
"Hindi naman, nakabalot naman ako." sabi ni Winter.
Napabuntung hininga si Atlas, kinuha nito ang isang upuan at umupo paharap kay Winter.
"May gusto ka bang sabihin?" tanong ni Atlas
"Wala." sabi ni Winter
"Makikinig ako." sabi ni Atlas.
"Wala, umalis ka na. Pakiusap." sabi ni Winter.
"Win.." sabi ni Atlas.
"Kapag nakita ka niya may bilang na naman iyon." sabi ni Winter.
"Kung ayaw mo sabihin sa parents mo, ako ang magsasabi sa kanila." sabi ni Atlas.
"Hindi ka nila paniniwalaan.. ikaw at si Chhaya. Wala na silang tiwala sa inyo, ang buong Cheung." sabi ni Winter.
"Ikaw ang topic dito hindi naman ang..." udlot na sabi ni Atlas ng magsalita si Winter.
"Umalis ka na, dahil dinadagdagan mo lang ang oras ko dito." sabi ni Winter.
Napatitig si Atlas kay Winter, may tinitingnan ito kaya sinundan ni Atlas ang tingin nito. Nakita ni Atlas si Damian na may kausap sa cellphone habang nakatitig kay Winter.
"Umalis ka na." sabi ni Winter.
"Asar." sabi ni Atlas at tumayo ito at iniwan si Winter.
Bumalik si Atlas sa puwesto nito kanina kung saan tanaw niya si Winter. Nakaupo pa rin ito sa initan habang nagpupunas ito ng pawis
Lumipas ang ilang minuto ng mapakunot ng noo si Atlas dahil hindi binalikan ni Damian si Winter. Umakyat na si Damian sa ikalawang palapag ng bahay habang si Winter nakaupo pa rin sa initan.
"Tangna" sabi ni Atlas ng makitang tagaktak na ng pawis si Winter na nakuha pang tumingala para salubungin ang katirikan na ng araw.
"Alas dose na, hindi aalis si Maam diyan?" tanong ni Yumi na nagtataka sa pag- kakaupo ni Winter sa gitna ng garden sa katirikan ng araw.
Hindi umimik si Atlas, habang nakamasid kay Winter. Gustuhin man niyang lapitan ito, wala siyang Karapatan at lagi siyang pinagtatabuyan nito.
"Kaya niya iyan." sabi ni Atlas at tinalikuran nito si Yumi na naiiling lang sa nangyayari.
...............
"Kaya ko pa." sabi ni Winter sa sarili pero uhaw na siya at marami na siyang tubig sa katawan na nawala. Isabay pa na kulob ang suot niya.
"Kaunti pa." sabi ni Winter na kanina pa siya lumulunok at ginagawang tubig ang laway niya.
Nakatingin lang si Damian kay Winter kung saan nasa isang bahagi siya ng bahay. Napabuntung hininga ito, malakas ang asawa niya at kahit minsan hindi ito tumumba sa pananakit niya at sa mga ginagawa niya dito.
Bumaba si Damian at pinuntahan si Winter. Nang makita ni Winter sa Damian napangiti siya, hindi siya natitiis nito kaya alam niyang mahal siya ni Damian kahit nagtataka siya kung bakit tila hindi nito maibalik sa dati ang lahat.
"Kumain na tayo." seryosong sabi ni Damian.
Tinayo nito si Winter at niyakap. Tumulo ang luha ni Winter pero nakangiti ito.
"Salamat." mahinang sabi ni Winter at niyakap nito si Damian.
"Martir ka ba?" tanong ni Damian.
"Hindi ako martir, mahal lang talaga kita." sabi ni Winter habang magkayakap sila ni Damian
Napailing si Atlas sa mag-asawa, nababaliw siya sa dalawa na tila hindi bahay ang napuntahan niya kundi psychiatric ward.
"Aissst, Siguro naman puwede ko ng asikasuhin ang hotel kahit isang araw lang." sabi ni Atlas sa sarili habang kampante ito na okay naman ang mag-asawa.
...............
May 16, 2021 7.02pm
FifthStreet1883
Good night 🌙
Try ko isa pa pero di ko sure.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top