Kabanata 7 : Starlight
El Casa,
Gitnang Bayan
"Kamusta ang pagpasok ng mga entertainers?" tanong ni Autumn kay Chhaya.
"Okay naman." sabi ni Chhaya kay Autumn.
"May aalis bukas. Nakahanda na ba ang mga papeles?" tanong ni Autumn.
"Oo." sabi ni Chhaya sabay lapit sa mesa ni Autumn at inilapag ang biniling kape para sa nobyo
Napatingin si Autumn ng biglang inilapag ni Chhaya ang kape na binili nito na may pangalan ni Autumn.
"Magkape ka muna." sabi ni Chhaya kay Autumn ng tumingin ito sa kanya.
"Salamat." sabi ni Autumn.
"May lakad ka ba ngayon? Mukhang nagmamadali ka kasi." sabi ni Chhaya ng mapansin na tila tinatapos ni Autumn ang trabaho nito na hanggang alas sais pa naman ng gabi.
"Oo." sabi ni Autumn.
"Saan?" tanong ni Chhaya. Alas dos pa lang ng hapon at masyado pang maaga kung aalis ang nobyo.
"May pupuntahan lang kami nila Heaven." sabi ni Autumn.
"Puwede bang sumama?" tanong ni Chhaya.
"Hindi puwede." sabi ni Autumn na napatingin sa nobya.
Mula ng maging sila ni Chhaya, lagi na silang magkasama sa lahat ng lakad. Sumasama din ito sa lakad ng mga lalaki sa grupo kahit sa bar pa iyon or sa infinity room kasama niya.
Kung tutuusin tila sila mga posas ni Chhaya sa isa't isa. Nagbabantayan at nagbabakuran sa isa't isa, mga bagay na okay naman kay Autumn dahil ganoon ang gusto niya pero hindi ngayon sana dahil may lalakarin siya at ng mga pinsan.
"Bakit hindi puwede?" tanong ni Chhaya.
Matagal na silang magkakilala ni Autumn since ten or twelve years old sila. Kahit tumira si Chhaya sa mga Valiente never siyang itinuring na kapatid ni Autumn. Natuwa naman siya doon dahil habang tumatagal sa bahay ng mga Valiente, nag-iiba na rin kasi ang nararamdaman niya sa panganay na anak ng nanay-nanayan niyang si Ellie.
"May titingnan kasi kaming location." sabi ni Autumn.
"Location? Nang ano at para saan?" tanong ni Chhaya.
"Secret muna ngayon." sabi ni Autumn.
Sumandal si Autumn sa upuan at tiningnan si Chhaya.
Umupo si Chhaya sa mesa ni Autumn. Nasa opisina siya ng binata ng oras na iyon, dahil OJT siya sa naturang kompanya. Samantalang si Autumn ay naghihintay na lamang makagraduate na siyang mamamahala sa buong Valiente Empire.
"Sabihin mo na." sabi ni Chhaya na nasa mukha ang kuryusidad at pag-aalala na baka may ibang babae si Autumn.
"Saka na." sabi ni Autumn na napatitig sa nobya.
"Dali na." sabi ni Chhaya.
"Bigyan mo nga ako ng rason kung bakit ko sasabihin sayo agad?" tanong ni Autumn.
"Kasi nagseselos ako, baka babae ang pupuntahan niyo. Lalo na kasama mo ang apat na batang iyon." sabi ni Chhaya.
"Hahaha, behave ang mga iyon kapag kasama ako." sabi ni Autumn.
"Imposible, ang apat na lalaking iyon ay kung ano-ano ang ginagawa at malapit na silang ma-kickout sa University kapag hindi pa sila nagtino." sabi ni Chhaya.
"Hindi mangyayari iyon, dahil Cheung ang tatlo sa kanila." sabi ni Autumn.
"Hindi titigil ang mga pinsan mo, hanggat hindi nakakadisgrasya ng babae at baka madamay ka kapag nagkataon." sabi ni Chhaya.
"Hahaha, pinsan ko ang mga iyon kaya imposibleng gagawa sila ng gulo na kasama ako." sabi ni Autumn.
"Autumn." sabi ni Chhaya.
"Chhaya, pinsan ko sila at huwag mong ipagdamot sa akin na makasama sila. At isa pa kaya ko silang i-handle." sabi ni Autumn.
"Haisst, hindi naman sa pagdadamot iyon, pag-iwas lang iyon sa gulo na maaari nilang pasukin na kasama ka." sabi ni Chhaya.
"Bakit hindi mo na lang galingan sa OJT mo. Malay mo ikaw ang ipuwesto ni Papa sa Recruitment." sabi ni Autumn.
"Aiissst, mas gusto ko sa training department." sabi ni Chhaya.
"Hindi ka puwede doon." sabi ni Autumn.
"Kita mo? Ayaw mo ako pagkatiwalaan kaya hindi rin kita pakakawalan at umalis na hindi ako kasama." sabi ni Chhaya.
"Nasasakal ka na ba?" tanong ni Autumn.
"Hindi, at hindi ako masasakal kahit kailan. Dahil gusto ko kasama ka. Ikaw na lang ang sinsandalan ko bukod sa pamilya ko.
Pero sa lahat ikaw ang tinuturing kong kapartner ko sa lahat.
Aisssst. Ibig kong sabihin, hindi na ako sanay na mawala ka sa tabi ko na hindi ko makita." sabi ni Chhaya.
"Nakakatouch naman." nakangiting sabi ni Autumn at nagpangalumbaba ito sa mesa habang nakatitig kay Chhaya.
"Mahal kita. Hindi man ako ganoon ka-sweet sayo o kaya iba ang nakikita ng ibang tao. Wala akong pakialam, basta mahal kita at gusto ko makasama kita.... Lagi." sabi ni Chhaya.
"Hahaha, sige pag-iisipan ko kung isasama kita." sabi ni Autumn habang nakatitig kay Chhaya na nakaupo sa mesa niya.
"Huwag mo ng pag-isipan. Isama mo na ako." sabi ni Chhaya.
"Mamaya, ko sasabihin kung isasama kita." natawang sabi ni Autumn at yumuko ito para ipagpatuloy ang trabaho nito.
Napatitig si Chhaya kay Autumn ng hindi na ito nakatingin sa kanya kaya nagsimula siya kumanta na ikinatingin ni Autumn sa kanya.
Play the song ⬆️
Someone you loved
Chhaya: I'm going under and this time I fear there's no one to save me
This all or nothing really got a way of driving me crazy
I need somebody to heal
Somebody to know
Somebody to have
Somebody to hold
It's easy to say
But it's never the same
Napatitig si Autumn kay Chhaya. Madalas siyang kantahan ng nobya kapag hindi nito nakukuha ang gusto sa kanya lalo na kapag maghihiwalay sila sa uwian.
Chhaya: I guess I kinda liked the way you numbed all the pain
Now the day bleeds
Into nightfall
And you're not here
To get me through it all
I let my guard down
And then you pulled the rug
I was getting kinda used to being someone you loved
I'm going under and this time I fear there's no one to turn to
This all or nothing way of loving got me sleeping without you
Now, I need somebody to know
Somebody to heal
Somebody to have
Just to know how it feels
It's easy to say but it's never the same
I guess I kinda liked the way you helped me escape
Now the day bleeds
Into nightfall
And you're not here
To get me through it all
I let my guard down
And then you pulled the rug
I was getting kinda used to being someone you loved
Napasandal si Autumn sa silya nito habang tinititigan si Chhaya na kumakanta habang nakaupo sa mesa niya. Maganda talaga ang boses ng nobya niya, na isa sa nagustuhan niya. Malambing din kasi ang boses nito, na masarap sa tenga.
Chhaya: And I tend to close my eyes when it hurts sometimes
I fall into your arms
I'll be safe in your sound 'til I come back around
For now the day bleeds
Into nightfall
And you're not here
To get me through it all
I let my guard down
And then you pulled the rug
I was getting kinda used to being someone you loved
Umusog si Chhaya sa pagkakaupo sa mesa hanggang sa makaharap na nito si Autumn habang nakasandal sa upuan nito.
Chhaya: But now the day bleeds
Into nightfall
And you're not here
To get me through it all
I let my guard down
And then you pulled the rug
I was getting kinda used to being someone you loved
I let my guard down
And then you pulled the rug
I was getting kinda used to being someone you loved
"Sama na ako." malambing na sabi ni Chhaya kay Autumn ng matapos ang pagkanta ng dalaga.
"Ahhhmm." sabi ni Autumn.
Hiniga ni Autumn ang ulo sa hita ni Chhaya na nakaharap ng nakaupo sa kanya sa mesa niya. Sabay ngiti sa nobya.
"Sama na ako." malamyos na sabi ni Chhaya.
"Okay." nakangiting sabi ni Autumn.
"Thank you." masayang sabi ni Chhaya.
Hinawakan ni Chhaya ang mukha ni Autumn at tinitigan ito.
"Masaya ka na?" nakangiting tanong ni Autumn.
"Oo." nakangiting sabi ni Chhaya at hinalikan nito sa labi si Autumn.
Napabuka ang labi ni Autumn at sinalubong ang halik ni Chhaya.
Inihawak ni Chhaya ang kamay sa batok ni Autumn saka ito nanaliksik sa loob ng labi ng nobyo.
Napayakap ni Autumn ang kamay sa baywang ni Chhaya at humaplos roon. Nasa ganoong tagpo ang dalawa ng bumukas ang pinto na ikinagulat ng mga ito kaya napatigil ang halikan ng dalawa.
"Papa." sabi ni Autumn ng makita si Orion na bumungad sa pintuan.
Napatayo si Autumn at ng marinig ni Chhaya ang pangalan ni Orion, namula ang mukha ng nobya kaya napatayo ang dalaga at pumuwesto sa likod ni Autumn.
Seryosong tiningnan ni Orion si Autumn at Chhaya. Mula ng magkasama ang dalawa hindi na nakakapag-concentrate si Autumn sa ibang negosyo ng pamilya nila.
Isama pa na laging kabuntot ng anak si Chhaya kaya hindi mahawakan ni Autumn ang secret files ng kompanya pati ng mga kompanyang minana ni Run kay Ralph na siya ang may hawak.
"Iyong bunsong kapatid mo wala sa University. Hanapin mo." sabi ni Orion kay Autumn.
"Wala? Hindi naman makukuha at makakalabas si Elle sa loob ng University kung hindi niya kakilala ang sasamahan niya." sabi ni Autumn.
"Tama ka. At hanapin mo kung sino ang taong kumuha sa kanya at dalhin mo sa akin." seryosong sabi ni Orion na halatang galit ito. Na lalong nadagdagan ng makita ang magkasintahan sa mainit na tagpo ng mga ito.
"Okay 'Pa." sabi ni Autumn kay Orion.
............................
Ikalawang bayan
"Ash ano ba?" sabi ni Ciao habang angkas nito si Ash sa kabayo.
"Langya ang bagal mo magpatakbo." sabi ni Ash habang sinisipa nito ng bahagya ang kabayo kaya nag-aalburoto ang kabayo sa pagtakbo.
"Tumigil ka nga at baka mahulog tayo." sabi ni Ciao sa pinsan na parang kasing edad lang niya umasta dahil lagi itong sumasama sa kanila. At imbes na makukuha nito ang ugali nila, ang ugali ng apat na pinsan nito ang nakukuha ni Ash kaya sakit ito sa ulo ng paaralan.
"Hindi tayo mahuhulog kung ibibigay mo sa akin ang tali ng kabayo." sabi ni Ash.
"Naku Ash tumigil ka nga at baka maaksidente tayo, o tayo ang makaaksidente ng ibang tao." sabi ni Ciao.
Sinundo ni Ciao si Ash sa University at kung hindi pa niya ito nakita, gagala na naman itong mag-isa at aabot sa isla Traquilo.
"Hindi iyan." sabi ni Ash.
Hinawakan din ni Ash ang tali ng kabayo kaya nagwala lalo ang kabayo na tila naiirita na ito sa dalawang sakay nito na kanina pa malikot sa katawan niya habang nakaupo.
"Ash, akin na nga iyan" sabi ni Ciao sa pinsan.
"Ay ang kulit mo." sabi ni Ash at hinila nito ang tali.
"Aiissst, ikaw ang makulit Ashhh!" sigaw ni Ciao ng pilit pinabibilis ni Ash ang pagtakbo ng kabayo.
"Ganito kasi iyan." sabi ni Ash at hinampas nito ang kabayo na ikinatakbo nito ng mabilis.
"Shitttt! Ashhhhhh!" sigaw ni Ciao.
"Tabiiiiiiii!" sigaw ni Ash sa mga tao
"Ahhhhhhhh!" sigaw ng mga tao ng makasalubong ng mga ito ang nagwawalang kabayo sakay ang magpinsang sila Ciao at Ash.
"Tumabi kayo!!!" sigaw ni Ash.
Nahawi ang mga tao sa daraanan pero hindi ang isang batang babae na tila nagbibilang ito ng barya sa palad nito habang may bitbit itong bilao.
"Tabiiiiii!" malakas na sigaw ni Ash at Ciao.
Napatingin ang babae, na hindi man lang ito nagulat sabay sa pagtitig nito sa kabayo na tila may kapangyarihan itong na sakto tumigil ang kabayo sa harapan ng batang babae.
"Aiisssst, muntik na iyon Ash. Ang gulo mo kasi." sabi ni Ciao sa pinsan.
"Hahaha, sakto ang galing ko 'no." mayabang na sabi ni Ash.
Napatingin sila Ash at Ciao sa batang babae na hinihimas ang nguso ng kabayo. Nakuha pa ng kabayo idikit ang mukha sa batang babae.
"Shit, ex kamusta?" sabi ni Ash ng mamukhaan ang batang babae na nakilala nito sa kalsada.
Napatingin si Ciao sa babae, matangkad nga ito sa edad nito. Pero ang mukha nito ay maliit na maganda naman sa katawan nito. Para nga itong Indian Spanish na kalimitang may maliliit na mukha at may magagandang mga mata.
"Aiisssst, kaya ka pala nagwala kasi may demonyitong nakasakay sayo." sabi ng babae sa kabayo.
"Sinong demonyito?" sabi ni Ash.
"Huh!" nakaismid na sabi ng babae kay Ash.
Binalingan ng babae ang kabayo at hinalikan ito sa mukha sabay ng pagkiskis ng pisnge nito sa kabayo na napaamo nito.
"Babay, starlight." sabi ng babae na ikinatingin ni Ciao kay Ash.
"Kilala niya ang pangalan ng kabayo?" sabi ni Ciao kay Ash.
Tiningnan ni Ash ang kabayo, dahil hindi naman tiningnan kanina ni Ash kung kanino siya nakasakay.
Nang mahinuha kung sino ang kabayo napatingin si Ash sa babae dahil si Starlight nga ang kabayo.
"Huwag ka ng magwawala ha." masuyong sabi ng babae sa kabayo sabay himas sa mukha ng kabayo at kiskis ng mukha nito sa mukha ng kabayo.
Umungol ang kabayo na tila naintindihan nito ang sinabi ng babae.
Nakatingin lang sila Ash at Ciao sa babae, ng binitiwan nito ang kabayo.
May kinuha ang bata sa bulsa nito na ikinagulat nila Ciao at Ash ng biglang ibato ng babae ang barya kay Ash.
"Aray." sigaw ni Ash na sa mismong noo niya tumama ang sampung piso at nakuha pa niyang saluin iyon.
"Bumili ka ng gatang tig sasampung piso, mukhang kulang ka sa lasa kaya ayaw sayo ng kabayo." sabi ng babae kay Ash at tinalikuran nito ang magpinsan.
"Hoy! Magsorry ka." sabi ni Ash na ikinatingin ni Ciao sa pinsan.
Naglakad lang ang babae at hindi pinansin si Ash, kaya sinundan ito ni Ash habang sakay ito ng kabayo.
"Ayaw mo?" sabi ni Ash.
"Ash ano ba. Naghihintay na sila sa farm halika na." sabi ni Ciao sa pinsan.
"Mayabang ang babaeng ito. Eh ex ko lang naman ito." sabi ni Ash.
HInarangan ni Ash ang babae ng kabayo na sakay ito kaya tumigil sa paglalakad ang babae.
"Ang kulit mo 'no." sabi ng babae kay Ash.
"Pangalan mo?" sabi ni Ash.
"Mukha mo." sabi ng batang babae na halatang laking kalye ito sa paraan ng pagsasalita nito.
"Ayaw mo ha." sabi ni Ash ng akmang bababa ito ng mapangisi ang babae.
"Huwag ka ng bumaba." sabi ng babae.
"Bakit?" sabi ni Ash.
"Humawak ka sa kabayo dahil..." sabi ng batang babae ng biglang bulungan at halikan ng babae ang kabayo.
"Ano?" sabi ni Ash.
"Babay ex." nakangising sabi ng batang babae kay Ash.
Sabay hampas ng bilao ng batang babae sa kabayo, kaya napatakbo ito ng mabilis na ikinakapit nila Ciao at Ash sa tali.
"Ahhhhhh!" sigaw ni Ash at Ciao ng mabilis tumakbo ang kabayo.
"Hahaha. Kapit!" tumatawang sabi ng batang babae.
April 27, 2021 9.04pm
FifthStreet1883
Good night
Trending as of today
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top