Kabanata 7 : Ash with D


Site

"Kanina mo pa tinitingnan 'yan. Bakit hindi mo pa itapon? Di ba sabi mo kanina bente pesos lang ang laman niyan." sabi ni Francis kay Dash.

"Nagtataka kasi ako, bente pesos lang ang laman? Ang pamasahe sa El Paradiso papunta dito ay aabot ng isandaan. Kung bente lang ang laman nito. Bale hindi siya makakauwi." sabi ni Dash kay Francis.

Hahahaha." natawang sabi ni Francis.

Iba mag-isip si Dash kahit nga ang pagbukas ng butong pakwan dati ay pinag-iisipan nito kung paano bubuksan ng hindi gaagamit ng ngipin kundi daliri lang.

"Aiiissst, may kakaiba sa wallet na ito." sabi ni Dash na kanina pa niya sinisilip kung may secret pocket ba iyon pero wala siya makita.

"Hahaha, itapon mo na iyan at magiging ebidensya pa iyan sayo." sabi ni Francis kay Dash.

"Hindi ko ito itatapon hanggat hindi nasasagot ang tanong ko." sabi ni Dash.

"Dash may naghahanap sayo." sabi ng isang kasamahang construction worker ni Dash.

Alas singko na ng hapon, papadilim na kaya imposibleng ang nobya niya iyon.... ahhh hindi niya nobya. Isang nangungulit lang na babae.

"Sabihin mo wala ako." sabi ni Dash pero nagulat ito ng biglang may maliit na babae na lumusot sa gate at nanlaki ang mga mata ng binata ng makilala iyon.

"Ang wallet ko, ibalik mo." sabi ni Muddy kay Dash.

"Anong wallet?" tanong ni Dash kay Muddy.

"Asar, ikaw ang kumuha. Binudol mo ako." sabi ni Muddy kay Dash.

"Anong binudol?" sabi ni Dash na ikinakunot ng noo nila Muddy at Francis dahil slang ang pagkakasabi ni Dash.

"....ang ibig ko sabihin budol. Tama di ba?" nakangiting sabi ni Dash.

Isa sa hindi ni Dash maalis ang salita niyang slang, na halatang sa Amerika siya lumaki. At ang mga salitang minsan ay hindi niya maunawaan lalo na ang mga salitang kalye.

"Wallet ko." sabi ni Muddy.

"Anong wallet nga ang sinasabi mo?" sabi ni Dash.

"Aiissst, ibigay mo na dahil hindi kami makauwi, wala akong perang pamasahe." sabi ni Muddy.

"Alam mo ikaw ang dami mong kaso... una trespassing ka, pangalawa nagnakaw ka at pangatlo nambibintang ka naman ngayon." sabi ni Dash kay Muddy.

"Hay naku. Ibigay mo na kasi para makaalis na kami." sabi ni Muddy.

Napangisi si Dash maliit ang babaeng nasa harapan niya, mahaba ang pilikmata, mukhang manika ang mukha, mahaba ang buhok at tila nga may naaalala siya sa babae pero malabo dahil mukhang kinder ang height nito kumpara sa nakikita niyang babae sa isip.

"Wala sa akin." sabi ni Dash

Lumapit si Muddy kay Dash at tumingala ito na ikinatawa ng mga trabahador ng construction site dahil literal na hanggang kili-kili lang ni Dash ang babae. Isama pa na sixteen lang si Dash at maaari pa siyang tumangkad pero ang babaeng nakatingala mukhang wala ng pag-asa.

"Naliliitan ka sa akin." napipikong sabi ni Muddy na kung tutuusin iyon ang ayaw niya sa sarili niya ang height niya dahil ang liit niya talaga. At alam naman ni Muddy na nakulangan lang talaga siya sa vitamins, at tulog.

Dahil bata pa si Muddy nagtatrabaho na siya at nagigising ng madaling araw at natutulog ng late sa gabi. Isabay pa na wala silang makain at pambili ng gatas at vitamins niya. Pero isa naman ang ipinagmamalaki niya matalino siya at totoo iyon.

"Halata naman na maliit ka." nakangiting sabi ni Dash na halos nakangiti rin ang mga mata nito kasabay ng labi nito na mapula at kay sarap halikan.

"Aiisssst." sabi ni Muddy sa isip ng maisip ang bagay na sa paghalik.

"Sandali." sabi ni Muddy na sa lahat ng ayaw niya ay nakatingala siya dahil matangkad talaga ang lalaki kahit sabihin na maliit siya dahil ang kaibigan niyang si Kim ay matangkad pero halos manliit ito sa taas ng lalaking kaharap niya.

Pinagmasdan ni Dash ang gagawin ni Muddy. Umalis si Muddy habang nakamasid ang mga trabahador dito na kaunti na lang naman, dahil umuwi na ang iba at natira lamang ay ang mga naka-stay in tulad ni Dash.

"Maliit pala ako ha." sabi ni Muddy.

Nakita nito ang pakay at binuhat iyon. Nagtawanan ang lahat ng buhatin ni Muddy ang tatlong hollowblocks na nakasalansan sa gilid at inilagay iyon sa harap ni Dash.

Napangisi si Dash dahil malakas ang babaeng nagbuhat ng hollowblocks na sa liit nito hindi niya aakalain na mabubuhat iyon sa isang hakutan

Pagkalagay ni Muddy ng hollowblocks tumuntong siya doon at napangiti ito ng halos abot na niya ang mukha ni Dash.

"Ano?" napangiting sabi ni Dash ng halos magkatapat na ang mukha nila ng dalagita.

"Ibigay mo na ang wallet ko. Ngayon na." sabi ni Muddy kay Dash.

"Hahaha, wala nga sa akin." sabi ni Dash.

"Wala pala ha." sabi ni Muddy at nagulat si Dash ng biglang bumaba si Muddy sa hollow blocks para kapaan siya nito.

"Uyyyy, baka iba ang makapa mo at magalit iyan sa harap ng lahat." sabi ni Dash kay Muddy na ikinatawa ng mga lalaki sa site.

"Aisssst, ang wallet ko ang kailangan ko hindi ang cobra mo." sabi ni Muddy na ikinatawa ng mga naroroon.

"Hahaha, hindi iyan cobra." sabi ni Dash.

Huminto si Muddy sa pagkapa kay Dash at napabuntung hininga ito.

"Ibinigay mo na kasi." sabi ni Muddy habang muli itong umakyat sa hollow blocks na ikinatawa ng lahat.

"Wala nga." sabi ni Dash.

"Gabi na, uuwi pa kami sa kabilang isla." sabi ni Muddy kay Dash.

Napatitig si Dash kay Muddy sabay tingin sa relo niya na ikinatingin ni Muddy. Napakunot pa ang noo ng dalagita dahil mamahalin ang relo ni Dash kahit may kalumaan na iyon.

Napatingin si Dash kay Muddy at napangisi ito ng makita nakatingin ito sa relo niya na hindi biro ang presyo.

"Anong oras na?" tanong ni Muddy ng mapansin na napansin ni Dash na nakatingin siya sa relo nito.

"Alas sais." sabi ni Dash.

"Kita mo, gabi na. Ang layo pa ng El Paradiso." sabi ni Muddy

"Ihahatid kita." sabi ni Dash kay Muddy.

"Ha?" gulat na tanong ni Muddy

"Ihahatid kita." sabi ni Dash.

"May kotse ka?" tanong ni Kim na ikinatingin ni Muddy kay Kim.

"Mabagal ang kotse." sabi ni Dash.

"Eh ano?" sabi ni Muddy.

"Motor. Kasya naman tayong tatlo doon." nakangiting sabi ni Dash na ikinatawa ng mga kasama nitong trabahador

"Ano ka?" sabi ni Muddy.

"Okay na iyon para makauwi na tayo." sabi ni Kim.

"Uyy, baka maaksidente tayo." sabi ni Muddy.

"Bahala ka, ako na lang magpapahatid. Mukha naman okay siya at hindi mukhang rapist." sabi ni Kim na ikinangiti ni Dash.

Tiningnan ni Muddy si Dash, nakangiti ito na tila mabait naman. Pero mukha ngang hindi ito si Run dahil wala ang kilos nito na mayaman ang dating. Iyong tipo edukado kumilos at halatang may sinasabi sa lipunan na de-numero kada galaw.

"Wallet ko?" sabi muli ni Muddy kay Dash.

"Hahaha, wala nga sa akin." sabi ni Dash.

"Nandoon ang allowance ko for one week na bigay ng St Therese, kapag hindi mo iyon binigay wala akong pamasahe at pangkain sa school." sabi ni Muddy.

Napatitig si Dash kay Muddy dahil alam ng binata ang tinutukoy ni Muddy. Scholar lang ang may allowance sa University at tila matalino ang babae na nasa harapan niya na nakatuntong pa rin sa hollowblocks.

"Wala nga sa akin." sabi ni Dash.

"Aissst, baka nga nalaglag mo Muddy. Pahatid na lang tayo, wala na rin akong pera at sigurado hinahanap na ako ni tatay." sabi ni Kim kay Muddy.

Tiningnan ni Muddy si Kim, ipinaalam niya ito kanina at nakakahiya naman kung masyado silang gagabihin o hindi makakauwi.

"Okay sige." sabi ni Muddy.

"Naks! Nakakuha ng chicks dalawa pa." sabi ng kasamahan ni Dash.

"Aisssst, ihahatid ko lang." sabi ni Dash.

"Halika na." sabi ni Muddy at akmang bababa ito ng biglang mabasag ang tinutuntungan nito na mabilis na ikinayakap ni Dash sa dalagita.

"Uyyyyyy!" sigawan ng mga trabahador sa dalawa.

"Langya ang gaan mo, para kang langgam na nasa dahon." sabi ni Dash ng madali niyang nabuhat si Muddy.

Nakahawak sa baywang ni Muddy si Dash habang nakahang sa ere ang mga paa ng dalaga sa pagbuhat ng binata.

"Aissst, ibaba mo ako.' sabi ni Muddy na siyang ginawa ni Dash.

"Ihahatid ko na kayo." sabi ni Dash sa dalawa na ikinatango nila Muddy at Kim.

......................

El Paradiso Ikalawang Bayan

Hours later

Dalawang oras na biyahe din ng makarating sa ikalawang bayan sila Muddy at Kim habang nakaangkas ang mga ito sa motor ni Dash.

"Dito na lang." sabi ni Muddy ng mabungaran ang island Bar, ang sikat at matagal ng bar sa isla.

"Bakit dito?" tanong ni Dash.

"Okay na dito. Malapit na ito sa bahay namin." sabi ni Muddy habang nakatingin kay Dash.

"Hindi nga siya si Run, dahil hindi malilimutan ni Run ang bahay ko kung saan." sabi ni Muddy sa isip, na madalas siyang ihatid at sunduin ni Run dati, kapag nagrereview sila sa entrance exam.

"Baba na ako." sabi ni Kim na naunang bumaba sa motor.

Nasa likuran si Kim ni Muddy, kung saan si Muddy ang napagitnaan ng dalawa. Napatingin si Dash kay Muddy ng hindi pa rin ito bumibitaw sa pagkakayakap sa likuran niya. Mula ng sumakay ito hindi man lang ito nailang na yakapin siya.

Naisip nga ni Dash na baka ninanakawan siya nito, pero imposible din naman dahil ang kamay ng dalagita ay tila posas sa katawan niya.

"Muddy?"

Napatingin si Muddy at Dash sa nagsalita. Napangiti si Muddy ng makita si Elle, kasama nito si Ash na lagi nitong escort at tila hindi naghihiwalay ang dalawa. Bantay ni Ash ang kapatid nito kahit nasa school sila o classroom.

"Bakit ka nandito? At sino iyan mask rider black na iyan?" maangas na tanong ni Ash habang nakangisi itong nakatingin kay Dash.

Nakasuot pa ang helmet ni Dash kaya hindi siya nakikita ng mga ito.

"Si Dash." sabi ni Muddy.

"Wow, Dash Ash." bungisngis na sabi ni Elle.

"Cheesecake." tawag ni Wine na agad nilingon ni Elle.

"Hi Grape Wine." nakangiting sabi ni Elle sabay yakap kay Wine.

"Gabi na ha. Bakit kayo nasa labas?" biglang sabi ni Dash habang nakatingin ito kay Wine at Elle na magkayakap.

"Hahaha, ano ka tatay namin?" natawang sabi ni Ash na ikinatawa ng mga kagrupo nito.

"Aissst, aalis na ako." sabi ni Kim at akmang aalis ito ng mabunggo nito si Ion kasama nila Shadow.

"Ano ba?" inis na sabi ni Kim kay Ion sabay tulak dito.

Napatingin si Ion kay Kim, natapakan siya nito sa paa pero ito pa ang nagalit.

Natawa naman si Muddy ng lihim, dahil isa sa ugali ni Kim ang pangungunahan nitong magalit ang taong nagawan nito ng mali. Nakita kasi ni Muddy at obvious naman na si Kim ang nakabunggo at hindi tumitingin sa daan isama pa na natapakan nito ang maputing sapatos ni Ion.

"Ayos ito ha." sabi ni Ion at binunggo nito ng dibdib ang mukha ni Kim na nagmukhang maliit sa mga grupo ni Ash at Elle.

"Aba't" sabi ni Kim.

"Tama na iyan. Umuwi na kayo." sabi ni Dash sa lahat.

"Uuwi na talaga ako." sabi ni Kim sabay tingin kay Ion.

"...ang bantot mo. Igit." sabi ni Kim sabay dila kay Ion na ikinatawa ng grupo ng mga ito.

"Langyang surot iyon. Siya na nga nakatapak." naiiling na sabi ni Ion sabay pagpag sa sapatos nito.

"Hi, Dash. Ako si Elle." nakangiting sabi ni Elle kay Dash na nakasuot pa rin ng helmet nito habang nakasakay sa motor.

'Hello." sabi ni Dash sa kapatid na bunso pero nakatingin ito sa pagkakayakap ni Wine dito na tila inaari nito ang kapatid niya.

Nakayakap sa baywang ni Elle si Wine habang ang ilong at bibig ng binata ay tila inaamoy ang ulo ni Elle.

Alam ni Dash na nakauwi na ang mga kapatid niya. Hindi na rin siya nagulat sa mga itsura ng mga kapatid at kagrupo dahil madalas niyang nakikita ang mga ito.

Nasa ilang termino na rin kasi ng pagka Alkalde ang Mama nila at kasama sa mga interviews nito sa pahayagan at magazine ang picture ng pamilya nila bukod sa kanya.

"Ang cute ng name mo... parang Run. Iyon ang meaning ng Dash...

... and kaparehas kayo ni Kuya Ash may letter D ka lang sa unahan kasi D ka si Ash. Hahahaha." bungisngis na sabi ni Elle na tila pa rin ito bata na ikinangiti ni Dash.

"Aisssst, ang corny." sabi ni Ash kay Elle.

"Corny daw ako?" tanong ni Elle kay Wine.

"Hindi ka Corn ikaw ay Cheesecake KO." nakangiting sabi ni Wine sabay na mabilis na dampi ng halik kay Elle

"I love you." nakangiting sabi ni Elle.

"I love you, too baby." masuyong sabi I Wine sabay halik sa mukha ni Elle habang yakap nito ang dalaga.

"Ay sus. Pumasok na tayo sa loob at baka..." sabi ni Ash ng bigla itong mapahinto dahil may napansin ito sa lalaking nagngangalang Dash.

"Bakit kuya?" tanong ni Elle ng hindi tinuloy ni Ash ang sasabihin.

"Ang relo niya." sabi ni Ash sa isip, sabay tingin sa lalaki.

"Bababa na ako.' sabi ni Muddy na ngayon lang naisipan bumaba na ikinangiti ni Dash.

Napatingin naman si Wine sa lalaking nakamotor, alam niyang assembled ang motor nito o iyong tinatawag na chop chop at pinagdugtong-dugtong sa ibang parte ng iba't ibang klase ng motor. At ilang sandali lang nang mapansin niya ang isang mamahaling part na alam niyang original iyon.

"Magnanakaw ka?" biglang sabi ni Ash kay Dash na ikinatingin ni Muddy kay Ash.

"Hindi." sabi ni Dash.

"Anong pinagkakaabalahan mo? Mayaman ka ba?" maangas na tanong ni Ash kay Dash

"Construction worker ako at mahirap lang ako." sabi ni Dash

"So magnanakaw ka nga." nakangising maangas na sabi ni Ash.

"Insan, aissst nagsisimula ka ng gulo. Sa loob na tayo." sabi ni Ion kay Ash.

"Kilala ko ang relo mo, at bukod sa kapatid ko. Ako lang ang meron niyan. Limited edition ng kilalang pangalan at milyon ang halaga niyan." sabi ni Ash sabay maangas na turo sa bisig ni Dash.

Napatingin sila Shadow at ang iba sa isa't isa at pomorma ang mga ito at pinaikutan si Dash.

"Uyyyy, hindi siya magna." sabi ni Muddy.

Kilala ni Muddy ang grupo ng mga ito na kinabibilangan si Ash. Mula ng tumuntong ng high school hanggang kolehiyo hindi umaatras sa away ang mga ito. At kung tutuusin ang bar na nasa harap lang nila kung saan sila nakatayo ay tambayan ng mga binata na nakaikot ngayon kay Dash. Mga anak mayaman na walang tigil sa kakagala.

"Napulot ko ito, siguro naman okay na ang sagot ko." sabi ni Dash.

"Saan?" tanong ni Ciao na nakilala ang relo ni Run dahil paborito iyon suutin ng pinsan at adjustable kasi ang bracelet nun kaya susukat iyon kahit kanino.

"Sa gubat noong nag-hiking kami." sabi ni Dash.

"Hindi iyan sayo, so puwede mo bang ibalik?" sabi ni Ash pero nagulat ang mga ito ng biglang patakbuhin ni Dash ang motor nito na ikinatingin ng lahat kay Muddy.

"Wala akong alam. Aissst. Makauwi na nga." inis na sabi ni Muddy at naglakad ito palayo sa grupo ni Ash.

Nakatingin lang si Ash sa dinaanan ni Dash at napangisi ito.

Pagkalayo sa grupo ni Muddy wala sa loob na kinapa nito ang bag niya at nagulat siya ng makapa ang wallet niya. Huminto sa paglalakad si Muddy at binuksan ang bag niya.

"Wala ito kanina dito, sigurado ako doon." sabi ni Muddy sa isip habang hawak niya ang wallet niya.

"......ang bilis ng kamay niya." namamanghang sabi ni Muddy sa isip at sigurado siya na si Dash lang ang nakatabi niya mula kanina ang may gawa nun.

.......

May 15, 2021 11.55pm
FifthStreet1883

Good night 😴

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top