Kabanata 6 : Pili
Lopez Mango Farm
"Karga." sabi ni Elle ng unang makababa si Wine sa kabayo.
Nasa farm house sila ng hapon na iyon matapos makipag-unahan ang magkakaibigan papunta roon.
"Halika na" sabi Wine at kinarga nito si Elle.
Niyakap ni Elle si Wine sa leeg at habang hawak ni Wine ang baywang ni Elle.
"Hala ka!" sigaw ni Heaven ng makita si Wine habang karga nito si Elle na binababa sa kabayo.
"Bakit siya nandito?" tanong ni Aqua kay Wine ng makita ang pinsang si Elle na nakangiti sa kanya.
"Sinundo ko siya." sabi ni Wine.
"Langya ka, baka hanapin iyan ni tito Orion." sabi ni Bullet kay Wine.
"Kinuha mo siya sa school ng hindi ka nagpapaalam?" sabi ni Blaze kay Wine.
Napatingin si Wine sa apat na kaibigan, ang apat na pinsan ni Elle, bukod kay Ion at ang apat na lalaking walang ginawa kundi libutin ang buong isla. Ang apat na lalaking nasa harapan din niya ang nagsisimula ng plano sa mga pupuntahan nila
"Eh bakit kayo nandito sa farm?" sabi ni Wine.
"Masama ba?" tanong ni Blaze sa pinsang si Wine.
Napatingin si Elle kay Wine at bumulong ito.
"Sila ba ang nagnakaw ng farm mo?" bulong na sabi ni Elle.
Napatingin si Wine sa batang babae ng may may naisip itong kalokohan.
"Oo, silang apat ang kumuha ng kayamanan ko." bulong ni Wine na ikinakunot ng noo ng apat sa bulungan nila ni Elle.
"Ibalik mo na iyan sa kung saan iyan hinihintay ng sundo niya." sabi ni Aqua kay Wine.
"Ayoko." sabi ni Elle na ikinatingin ng apat sa pinsang si Elle.
"Bakit?" tanong ni Bullet kay Elle.
"Kayong apat, ang kumuha ng hindi sa inyo. Ipapapulis ko kayo." sabi ni Elle sa apat na pinsan.
"Anong?"' sabi ni Heaven kay Elle.
"Ninakaw niyo ang kayamanan ni Wine. Hindi na kayo naawa." sabi ni Elle
Napatingin ang apat kay Wine na natatawa lang sa sinasabi ni Elle.
"Hindi totoo iyon." sabi ni Bullet sa pinsang si Elle.
"Anong hindi totoo? Bakit kayo nandito? At saka ang ganda ng upo niyo, feel na feel niyo ang farm ni Wine." sabi ni Elle.
Nakaupo ang apat sa isang pasadyang nipa hut na naroroon na nasa ilalim ng puno ng mangga. Nakataas pa ang mga paa ng mga pinsan ni Elle.
"Hindi kami kumuha." sabi ni Aqua kay Elle.
"Kayo ang kumuha, ang sama niyo. Wala ng pambili ng damit si Wine." sabi ni Elle sabay turo kay Heaven.
"...ikaw kuya Heaven matanda ka na, pinsan mo pa si Wine. Paano mo nasikmurang agawan siya." naluluhang sabi ni Elle at bumaling ito kay Aqua at Bullet.
"...kayong dalawa kuya Aqua at kuya Bullet may mana naman kayo sa mga magulang niyo bakit niyo pa kukunin ang kay Wine." napaluhang sabi ni Elle habang natatawa lang si Wine sa kalokohan.
"...at ikaw kuya Blaze. Mayaman ka na nga at may hotel ka sa Manila. Grabe ka." sigaw na umiiyak na sabi ni Elle.
Napangisi si Blaze at binalingan nito si Elle na halatang nauuto ito ni Wine.
"Oo kinuha nga namin." sabi ni Blaze na ikinatingin naman ng tatlo at ni Wine kay Blaze.
"Kita niyo. Wala kayong puso...
... apat pa kayo." umiiyak sa inis na sabi ni Elle na ikinatawa nila Aquila at Heaven na halatang naniniwala nga si Elle sa sinabi ni Blaze.
"Hahaha." natawang sabi ng apat.
"Isusumbong ko kayo sa pulis." sabi ni Elle at nagulat ang apat ng yumakap si Elle kay Wine na ikinangisi ni Wine sa apat.
"Loko ito." sabi ni Heaven kay Wine.
"Kayo nagpaiyak at hindi ako. Hahaha." tumatawang sabi ni Wine sa apat.
"Iuwi mo na iyan, may pupuntahan tayo." sabi ni Aqua.
"Saan ?" tanong ni Wine.
"Mamaya ko na sasabihin....
Nasaan ang iba?" sabi ni Aqua.
"Nandiyan na iyon parating na." sabi ni Wine.
Ilang sandali lang ng magbabaan sila Shadow, Rhythm at Ion kasama si Adira sa mga kabayo nito.
"Sinama mo pa si Adira?" sabi ni Heaven kay Ion.
"Alangan iwan ko ang kapatid ko sa University." sabi ni Ion sabay buhat kay Adira pababa sa kabayo.
"Saan niyo iiwan ang dalawang iyan?" tanong ni Bullet kay Ion at Wine.
Nagkatinginan sila Elle at Adira at sabay ito nagsalita.
"Sasama kami." sabi ng dalawa.
"Hindi puwede." sabi ni Blaze.
"Hindi ko kayo isusumbong sa pulis. Sama niyo kami." sabi ni Elle habang nakayakap ito ng mahigpit kay Wine at pinupunasan ang luha.
"hahahaha. Bakit mo naman sila isusumbong sa pulis?" tanong ni Shadow kay Elle.
"Kasi ninakaw nilang apat iyong farm nila Wine." sabi ni Elle na ikinatawa ng mga lalaki sa grupo.
"Hahaha, naniniwala ka naman?" sabi ni Shadow kay Elle.
"Oo." sabi ni Elle.
"Aiisssst, hayaan mo na." sabi ni Wine at niyakap nito si Elle para hindi na pansinin si Shadow, na alam niyang magpapapansin na naman ito kay Elle.
"Sama ako." sabi ni Elle ng tumingala kay Wine.
"Kay nanay ka muna, nasa loob siya ng farm house." sabi ni Wine kay Elle.
"Kay nanay? Ayoko." sabi ni Elle at hinigpitan nito ang yakap kay Wine.
"Sinama mo pa kasi." sabi ni Shadow na ikinatingin ng masama ni Wine kay Shadow.
"Kasama mo si Adira." sabi ni Wine kay Elle.
"Sama kami." sabi ni Elle.
"Hindi puwede." sabi ni Wine
"Bakit?" tanong ni Elle.
Napakamot ng ulo at napailing sila Heaven, Aqua, Blaze at Bullet. Alam nilang maraming tanong si Elle bago ito mapapayag na huwag sumama.
"Kasi boys lang kami doon." sabi ni Wine habang nakatitig sa mukha ni Elle.
"Sama ako." sabi ni Elle.
"Hindi nga puwede." sabi ni Wine.
"May babae ba doon, na parang casa?" tanong ni Elle na ikinatingin ni Wine kala Heaven.
Nagkibit balikat si Heaven habang natatawa sila Aqua at ang iba kung paano magpapaliwanag si Wine.
"Wala." sabi ni Wine.
"Kami na lang babae ni ate Adira." sabi ni Elle.
"Hindi nga puwede." sabi ni Wine.
"Bakit mo ako sinama dito kung iiwan mo din ako?" sabi ni Elle.
"Babalikan kita." sabi ni Wine.
"Uuwi na lang ako." sabi ni Elle at inalis nito ang pagkakayakap kay Wine.
"Paano ka uuwi?" sabi ni Wine na nagdadalawang isip kung iiwan o isasama si Elle.
"Tatakbo ako." sabi ni Elle.
"Malayo ang bahay niyo dito." sabi ni Wine.
"Marunong ako mangabayo, pahiram ng maliit na kabayo iyong kasing liit lang ni Stone dati." sabi ni Elle kay Wine.
"Hindi nga puwede." sabi ni Wine kay Elle.
"Sige, laro na lang tayo. Aakyat na ako sa puno para hindi ka umalis." sabi ni Elle sabay turo sa puno ng mangga.
"Ano ba Wine?" tanong ni Aqua ng makitang nahihirapan makumbinsi ni Wine si Elle.
"Pili ka na lang ang apat na magnanakaw ng farm mo o ako." sabi ni Elle kay Wine.
Napatingin ang mga lalaki kay Elle, marunong itong makipagdeal na lalong nahirapan si Wine.
"Pili ka, Wine?" sabi ni Elle habang kinukuha nito ang bag sa likod ni Wine.
Nakatingin lang si Wine kay Elle, nasa mukha nito na seryoso ito at kapag ganoon nakikita niya ang mukha ni Orion at Autumn sa mukha ng batang babae.
"Aakyat ka ng puno saka maghahabulan tayo?" tanong ni Wine kay Elle.
"Oo." sabi ni Elle.
"Sabi mo iyan ha."sabi ni Wine.
"Oo." sabi ni Elle.
"Sige hindi na ako sasama." sabi ni Wine.
"Wine?" sabay-sabay na sabi ng apat kay Wine.
"Maglalaro na lang kami ni Elle." sabi ni Wine at kinuha nito uli ang bag ni Elle.
"hahaha, pinili niya ako. Bad kasi kayo, isusumbong ko kayo sa pulis mamaya." sabi ni Elle at niyakap nito si Wine.
"Sali." sabi ni Adira.
"Sige. Umakyat tayo ng puno." sabi ni Elle kay Adira.
Hindi pa man sinasabi ni Wine tumakbo na si Elle kasunod si Adira at naghabulan na ang mga ito.
"Ano?" sabi ni Bullet kay Wine.
"Pass ako." sabi ni Wine.
"Aiisssst. Ngayon lang iyon." sabi ni Blaze.
"Ngayon lang din pumayag si Elle na maglaro sa initan at umakyat sa puno." sabi ni Wine.
"Ano ka ba? Dumating lang ang pinsan namin mukhang nagbago ka na naman?" sabi ni Bullet kay Wine.
"Si Elle muna, bago ang iba." nakangising sabi ni Wine at tinali nito ang kabayo sa puno.
"Kayo?" tanong ni Aqua sa ibang kasama ni Wine.
Nagkatinginan sila Shadow, Rhythm at Ion.
"Dito na lang ako." sabi ni Ion.
Tiningnan ni Shadow si Wine na napangisi.
"Aiisssst, talaga naman." sabi ni Shadow.
"Bahala kayo, basta ako dito muna ako." sabi ni Wine sabay talikod sa mga lalaking kaibigan.
"Iuwi mo na kasi siya." sabi ni Shadow kay Wine.
"Ayoko." sabi ni Wine kay Shadow.
"Ako mag-uuwi kay Elle." sabi ni Shadow kay Wine.
"Lalong ayoko." nakangising sabi ni Wine ng lumingon ito sa grupo.
"Anong gagawin natin dito?" tanong ni Rhythm.
"Maglalaro" tumatawang sabi ni Wine.
"Asar, magte-trese ka na ang laro mo pang grade 1." sabi ni Shadow kay Wine.
"Okay lang basta kasama ko si Elle." tumatawang sabi ni Wine at tumakbo ito papunta kay Elle.
"Talaga naman." sabi ni Shadow habang pinagmamasdan ng mga ito si Wine na hinahabol si Elle.
"Wine! Akyat mo ako sa puno." tumatawang sabi ni Elle habang hinahabol ito ni Wine.
"Kapag nahuli kita aakyat tayo sa pinakamataas." sabi ni Wine habang hinahabol si Elle.
"Sige, kung mahahabol mo ako." tumatawang sabi ni Elle
Naghabulan ang dalawa pero ilang sandali lang ng huminto si Elle a ikinatigil ni Wine.
"Bakit?" tanong ni Wine kay Elle.
"Para mabilis ako tumakbo, masakit sa paa ang may suot na sapatos." sabi ni Elle.
Umupo si Elle sa lupa at tinanggal nito ang sapatos.
Nilapitan ni Wine si Elle at kinuha nito ang paa ni Elle at ito ang nagtanggal ng sapatos sa paa ni Elle pati medyas nito.
"Amuyin mo?" sabi ni Elle kay Wine sabay taas ng talampakan nito sa mukha ni Wine.
Nakatingin lang ang mga lalaki kay Wine kung aamuyin nito ang paa ni Elle na wala ng sapatos at medyas.
Napangiti si Wine at hinawakan nito ang paa ni Elle at inamoy iyon saka hinalikan ang talampakan nito na ikinangiti ni Elle.
"Mabango ba?" inosenteng tanong ni Elle.
"Oo, amoy baby." sabi ni Wine at niyakap nito si Elle.
Napatingin si Elle sa mga pinsan at kaibigan ni Wine nakatingin ang mga ito sa kanila habang nakatayo na sa labas ng nipa hut.
"Nakatingin sila? Naiinggit ba sila?" tanong ni Elle.
"Hoy Wine! Tantanan mo ang pinsan namin!" sigaw ni Aqua kay Wine.
"Oo inggit sila." tumatawang sabi ni Wine at dinilaan nito ang apat na lalaki habang yakap si Elle.
"Loko ito." sabi ni Bullet kay Wine ng dilaan sila.
Hindi nakatingin si Elle kaya hindi nito alam ang ginawang pandidila ni Wine. Nakuha pa ni Wine itaas ang kamao na tila nanalo ito sa lotto sa pagkakangiti nito.
"Umalis na tayo." sabi ni Heaven sa mga lalaki.
"Maiiwan ako." sabi ni Shadow na ikinatingin ng mga batang lalaki dito.
"Bakit?" tanong ni Rhythm.
"Maglalaro muna ako." sabi ni Shadow habang nakatingin ito kay Elle at Wine.
"Ako rin." sabi ni Ion.
"Sige ako na rin maiiwan." sabi ni Rhythm.
"Aissst, bahala nga kayo."sabi ni Bullet sa tatlo.
"Halika na." sabi ni Blaze kay Heaven, Aqua at Bullet.
"Bantayan mo si Elle." sabi ni Aqua kay Ion.
"Oo." sabi ni Ion habang nakatingin kay Elle na hinahabol ni Wine na nakapaa na rin.
"Wine nandiyan na sila. Karga mo ako takbo tayo." sabi ni Elle.
Kinarga ni Wine sa likod si Elle at tumakbo ang mga ito na ikinatingin ng apat na pinsan ni elle.
"Hoy Wine. Huwag mo siyang ilayo lagot ka kay Autumn!" sigaw ni Aqua kay Wine.
"Hahahaha, habulin niyo kami ni Elle!" sigaw ni Wine sa apat habang tumitili sa tawa si Elle na karga nito si likuran.
"Doon tayo sa puno, akyat tayo." sabi ni Elle.
"Wine! Huwag mo iakyat sa puno lagot ka talaga!" sigaw ni Heaven ng makitang huminto sa pagtakbo si Wine at nakatingin ang dalawa sa taas ng puno ng mangga.
"Hahaha,doon kami sa taas ng puno." tumatawang sabi ni Wine.
"Loko ka. Mabalian iyan!" sigaw ni Blaze na tila wala ng balak ang mga ito umalis sa takot na gagawin ni Wine sa pinsang si Elle.
April 27, 2021 3.46pm
FifthStreet1883
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top