Kabanata 6 : Back
Isla Traquilo
"Kaninong number ito?" tanong ni Damian na ikinatingin ni Winter sa asawa.
Nasa garden si Winter ng hapon na iyon at mula ng pumunta siya ng mall para magshopping kasama si Atlas, hindi na uli siya nakalabas ng bahay. Buong maghapon lang siya sa garden na iyon. Nililibang niya ang sarili sa kakatanim ng mga bulaklak na ikinatutuwa naman niya kapag nakikitang namumulaklak ito.
"Sabi ko kaninong number ito nakaregistered sa billing mo?" seryosong tanong ni Damian na ikinatingin lang ni Winter sa asawa.
Araw-araw galit ang asawa niya mula ng ilibing ang lolo niya, wala naman siya makitang mali. Okay naman siya puwera na nga lang sa isang bagay, ang pagkalito kung bakit nagbago ang ang asawa niya
"Hindi ka sasagot?" seryosong tanong ni Damian habang nakatingin kay Winter.
Nakatitig si Damian kay Winter nakasuot ito ng shades at kahit wala itong bandana bakas ang kakaibang awra ng nito na minsan pinagsisihan niya kung bakit ganito ito ngayon. Pero agad din naaalis kapag nakikita ang sagot sa lahat ng nasa isip niya.
Napalunok si Winter, minsan naiisip niya siguro nga bobo siya at walang alam. Kasi ilang taon na niyang kasama si Damian pero kahit minsan hindi niya nalaman ang totoo kung bakit ito naging malupit sa kanya.
"Kanino ang number na ito!" sigaw ni Damian sabay bato ng papel sa mukha ni Winter na ikinaluha ng asawa niya.
"Kay Aqua." mahinang sabi ni Winter.
"Hatinggabi kausap mo siya?" nagdududang tanong ni Damian.
Umagos ang mas maraming luha sa mga mata ni Winter. Kahit ano naman ang sabihin niya hindi maniniwala si Damian. Mahal niya ang asawa pero minsan nagdududa na siya kung pagmamahal nga ba ang nararamdaman niya.
Napatitig si Damian kay Winter tahimik lang ito lumuluha, wala kang maririnig na kahit na anong ingay mula rito. Mahal niya ito pero minsan iniisip niya, niloloko lang siya nito.
Awa..... mahahalintulad mo sa pagmamahal. Isang damdamin na puwede mong isipin na pagmamahal.
"Pinsan ko siya. Iyan lang ang time na puwede kami makapagkuwentuhan kasi, lagi siya sa Casa at nasa La Traquilo Hotel." sabi ni Winter na nagawang magsalita ng pangkaraniwan lang kahit lumuluha ito.
Namamahala si Aqua ng negosyo ng ama nitong si Rain, ng hotel na pagmamay-ari sa Isla Traquilo, bukod doon may posisyon ito sa Emperio, sa Cheung Hotel, at sa Island Mall.
Mula ng mamatay ang lolo Ralph nila nagbago ang lahat kasama ang mga pinsan ni Winter.
Mabilis ang nagmature ang mga ito sa usaping negosyo, isang dagok kasi sa pamilya Cheung ang pagkawala ng hari nito na si Ralph.. Pakiramdam ng lahat kanya-kanya sila ng lakad, ng pagpapayaman at puwesto na kailangan paunlarin.
Kung dati kampante silang magpipinsan na kakain sila kahit hindi magtrabaho. Nag-iba ang lahat ng iwan sila ng lolo Ralph nila Winter. At kasama sa pagbabago ang buhay niya... ang buhay ng isang Winter Valiente. Ang kauna-unahang babaeng Cheung na apo ni Ralph.
"Huh, pinsan mo siya pero anong klaseng babae ang makikipag-usap sa halos madaling araw na?" sabi ni Damian kay Winter.
Napatingin si Winter sa papel na hinagis ni Damian, billing iyong ng cellphone line niya. Napangiti pa siya dahil ang tanging tawag lang doon na bukod tanging nag-iisa ay kay Aqua at lahat ay tawagan na nila ni Damian.
"Mahal kita. Pero hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit ganyan ka sa akin?" sabi ni Winter na tila lang ito bato na nasa talon. Nababasa pero hindi lumalambot. Umaagos ang luha pero na walang nararamdaman.
Napatingin si Damian sa paligid umiwas ng tingin ang tatlong katulong na nasa garden ng araw na iyon na nagdidilig at naglilinis.
"Sa kuwarto tayo." seryosong sabi ni Damian sabay hawak sa kamay ni Winter.
"Oo." sabi ni Winter na kahit masakit ang bisig niya nagawa siyang hilahin ni Damian.
Napatigil si Atlas ng dumaan sa harapan niya sila Damian at Winter na tila hangin lang siya na hindi nakita.
Sa paghila ni Damian napansin ni Atlas ang pagluha ni Winter at sa paglihis ng long sleeve ng babae napansin ni Atlas ang nangingitim na bahagi ng balikat nito.
Umakyat ang mag-asawa sa ikalawang palapag habang nakatunghay lang si Atlas. Nang biglang magsalita si Yumi.
"Alam mo bang kinuha ko iyong labahan ng mag-asawa, nakita ko iyong long sleeve ni Maam puro dugo. Tinanong ko siya kung dugo ba iyon. Ang sabi ni Maam, ketchup daw sabay iwas ng tingin." sabi ni Yumi na ikinatingin ni Atlas kay Yumi.
"Isa pa, lagi si Maam naka shades at ng tanungin ko siya.... ang sabi niya may siya sakit sa mata, bawal siya sa sobrang liwanag.
Pero hindi ako naniniwala. Ikaw naniniwala ka ba?" tanong ni Yumi kay Atlas.
Napatiim ng bagang si Atlas, hanggang ngayon hindi pa pinupuntahan ni Winter ang pamilya nito. Ang laging nirarason ni Damian nagbabakasyon si Winter.
"Sandali lang.." sabi ni Atlas at nagmamadali itong umakyat ng hagdan.
..................
"Si Aqua lang iyon." sabi ni Winter kay Damian ng makapasok sila ng kuwarto.
Tinanggal niya ang shades at tinaas ang longsleeve dahil sa araw-araw na suot niya ang mga iyon nawawalan siya ng pag-asa na mahalin siya uli ni Damian.
"Anong pinag-usapan niyo?" tanong ni Damian kay Winter.
Nakatingin si Damian sa katawan ni Winter at nakaramdam siya ng galit sa sarili at sa pagkakataon.
"Sa mga dating pinagsamahan namin..." sabi ni Winter at ngumiti ito pero nagulat ito na isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha niya na ikinaluha ni Winter.
"Pinagsamahan niyo?" galit na sabi ni Damian.
Napalunok si Winter at pigil ang hikbi na lumabas sa lalamunan niya sa takot na baka may makarinig sa kanya kahit alam niyang sound proof ang kuwarto na iyon.
"Pinsan ko siya, alam mong sila lang ang mga kaibigan ko.... Ang mga pinsan kong lalaki." lumuluhang sabi ni Winter habang dumudugo ang labi niya.
Hindi napansin ni Damian na sa galit nito at sa kagustuhan makausap agad ang asawa hindi nito tuluyang naisarado ang pintuan ng kuwarto.
"Shit." sigaw ni Atlas at dinaluhan nito si Winter na halos kulay talong ang braso at bisig nito ng makita niya sa unang pagkakataon ang balat nito sa pagtaas ng long sleeve ni Winter.
"Anong ginagawa mo dito?" galit na sigaw ni Damian kay Atlas na lalong namula ito sa galit ng hawakan ni Atlas si Winter.
"Umalis ka muna." sabi ni Winter kay Atlas.
"Sinasaktan ka niya." galit na sabi ni Atlas kay Winter.
Tiningnan ni Atlas si Winter pero awa ang naramdaman niya para sa babaeng dati niyang minahal.
"Umalis ka na." sabi ni Winter.
"Dapat malaman ito ng pamilya mo." sabi ni Atlas.
"Wala kang sasabihin dahil nasa kontrata mo ang lahat at kapag sinabi mo ang mga nakikita at naririnig mo...
...lahat ng meron ka ngayon mawawala, pati ang asawa mong si Cathy." sabi ni Winter kay Atlas.
Napatingin si Atlas kay Winter, may pasa ito sa baba ng mata at nangingitim iyon. Dumudugo ang labi nito at namumula ang pisnge.
Sa galit napabaling ng tingin si Atlas kay Damian at matalim itong tiningnan.
"Wala kang pakialam, asawa ko siya. Umalis ka kung ayaw mong mamatay sa harap mo ang asawa ko." sabi ni Damian na ikinaluha lalo ni Winter.
"Umalis ka na. Trabaho mong tumahimik." sabi ni Winter sabay hila ng kamay kay Atlas.
Tiningnan ni Atlas si Winter, nakakaawa ang kalagayan nito at tila may malalim na dahilan ang lahat dahil nakikita nito sa mata ni Winter na may tinatago ito.
"Umalis ka na. Gusto ko pang mabuhay." sabi ni Winter kay Atlas.
"Natutunan niyang magsalita ng kalmado kahit umiiyak siya. Hindi siya si Winter, na laging nakabungisngis at papasan sa likod ko at mang-aasar." sabi ni Atlas sa isip habang nakatitig kay Winter.
"Umalis ka na. Kasi nakatingin na siya sa relo niya at ang bawat minutong tinatagal mo. Ang siyang minutong kaparusahan ko sa kamay niya." kalmadong sabi ni Winter.
Tiningnan ni Atlas si Damian, nakatingin nga ito sa relo na tila inoorasan siya nito sa pag-alis.
"Umalis ka na dahil may kalahating oras na akong parusa." sabi ni Winter
"Kalahating oras?" naguguluhang sabi ni Atlas.
"Kinausap ko si Aqua noong...' udlot na sabi ni Winter ng bigla siyang hilahin ni Damian at marahas na itinulak sa kama.
"Shit." sigaw ni Atlas.
"Umalis ka na. Asawa ko siya at bodyguard ka lang." kalmado pa rin na sabi ni Winter.
"Isang minuto pa, para maging sampung minuto." nakangising sabi ni Damian.
"Tangna, pinsan ko iyan." sabi ni Atlas.
Napatingin si Damian kay Atlas at nangilabot si Winter ng biglang tumawa ng malakas si Damian habang nakatingin ito sa kanya.
"Mas may karapatan pa rin ako sa kanya. Kumpara sayo na..... singaw lang." nakangising sabi ni Damian kay Atlas.
"Umalis ka na Atlas." sabi ni Winter.
"Hindi." sabi ni Atlas.
"Umalis ka na!" sigaw ni Winter na ikinatingin ni Atlas dito.
"Sampung minuto." sabi ni Damian.
"Asar." sabi ni Atlas at nagmamadali itong umalis ng kuwarto.
"Damian!" sigaw ni Winter sa saktong paglapat ng pinto ni Atlas sa kuwarto ni Damian.
Akmang bubuksan ni Atlas muli ang pinto pero naka- automatic lock na iyon.
"Shit, anong nangyari?" sabi ni Atlas sa isip.
...................
Isla Verde
"Hala." sabi ni Muddy.
"Bakit?" tanong ni Kim
Naglalakad na sila pasakay ng jeep kung saan may biyahe pa naman papuntang El Paradiso. Mas madali ang pagpunta ngayon sa isla dahil sa tulay na nagdurugtong sa dalawang isla kumpara dati na lantsa lang.
"Wala iyong wallet ko?" nagtatakang sabi ni Muddy.
"Dala mo kanina di ba?" sabi ni Kim.
"Oo." sabi ni Muddy habang kinakapa nito ang maliit na bodybag.
"Baka nahulog." sabi ni Kim.
"Malabo kasi may zipper ito at hindi naman butas." nagtatakang sabi ni Muddy.
"Malay mo pagsuksuk mo kanina nadulas sa palad mo." sabi ni Kim
"imposible. Maingat ako sa gamit, dahil takot akong manakawan." sabi ni Muddy.
"Hahahaha." natawang sabi ni Kim.
"Bakit?" sabi ni Muddy.
"Takot ka sa multo mo... at sa karma mo." tumatawang sabi ni Kim.
"Aisssst, nakakainis ka seryoso ako. Wala ang wallet ko." sabi ni Muddy.
"Seryoso din ako, na takot ka sa karma mo." tumatawang sabi ni Kim.
"Sandali, noong kinuha ko ang calling card ni Run sa wallet ko. Nilagay ko ang wallet ko sa bag ko, tapos isinuksuk ang calling card sa secret pocket ng bag ko." sabi ni Muddy habang inaalala ang ginawa niya kanina.
"Nandiyan ba ang calling card?" tanong ni Kim.
Tiningnan ni Muddy ang secret pocket ng bag niya sabay tingin kay Kim.
"Oo." kunot noo na sabi ni Muddy.
"Baka nga nalaglag ang wallet mo na hindi mo namalayan. May ganoon ah. Iyong akala niya shoot sa bag niya. Iyon pala sa pagitan ng damit at bag pala kaya ang siste.... hulog." sabi ni Kim.
"Hindi ako puwede magkamali. Puwera na nga lang kung...." sabi ni Muddy.
"Kung?" tanong ni Kim.
"Nabudol-budol ako." di makapaniwalang sabi ni Muddy.
"Hahaha." malakas na tawa ni Kim.
Dahil si Muddy ang tipo ng tao na siyang mismong budol-budol na matatawag.
"Bakit ka tumatawa? Nabudol-budol nga ako." sabi ni Muddy
"Hahaha, ikaw ang budol at hindi sila." sabi ni Kim.
"Aisssst, may nagbudol sa akin. Asar! Sino ang nakausap kong huli." sabi ni Muddy sabay pikit nito para alalahanin ang mga pangyayari kanina.
Nakamasid lamang si Kim habang tumatawa lamang ito. Si Muddy ang tipo ng tao na ayaw na naiisahan at nagagantihan at sa pagkakataon ito mukhang nakarma ito.
"Sandali..." sabi ni Muddy.
"Ano?" sabi ni Kim.
"Imposible iyong nagbukas ng gate kasi na-hypnotize ko siya. So ang suspek ko..." udlot na sabi ni Muddy at nanlaki ang maganda nitong mata na ikinangiti ni Kim.
"Ang cute mo para kang anime." natawang sabi ni Kim kay Muddy na tila anime character si Muddy sa napapanood niya sa itssura ng mata nito.
"Hindi nga siya si Run... kasi magnanakaw ang taong iyon." nanalalaking mata na sabi ni Muddy.
"Hahahaha." malakas na tawa uli ni Kim.
"Aiisssst, itigil mo ang pagtawa dahil kailangan natin ang wallet ko." sabi ni Muddy,
"Bakit?" sabi ni Kim.
"Wala tayo pamasahe." sabi ni Muddy.
"Bente lang ang laman nun, nasilip ko kanina habang kinukuha mo ang calling card." nakangising sabi ni Kim.
Napangiti pa si Kim, natutunan niya kay Muddy ang lihim na pagtingin sa pitaka kapag binubuksan ito.
"Aisssst, hindi lang bente pesos ang laman nun. May dalawang libo iyon at kakabigay lang nun galing sa allowance ko this week sa university." sabi ni Muddy.
"Ang laki naman ng allowance mo." gulat na sabi ni Kim.
Napangisi si Muddy, honor student siya at mula ng pumasok siya sa University nagdadala siya ng karangalan sa school. Lagi siyang nananalo sa mga contest, at bilang kabayaran sa kanya malaki talaga ang allowance ng tulad niya. At iyon ay nalaman niya dati kay Run, na totoo nga dahil para siyang nagtatrabaho kapalit ng magandang grado niya sa school.
Nag-aaral na siya kumikita pa siya.
"Oo allowance ko iyon for this week, tapos ninakaw lang ng klepto na iyon." sabi ni Muddy.
"Hahahaha." natawang malakas na sabi ni Kim.
"Kanina ka pa tawa ng tawa. Nakakainis ka na." sabi ni Muddy.
"Mahirap kapag kayo ng nagkatuluyan ng construction worker na iyon, pareho na nga kayong mahirap. Magnanakaw pa kayo pareho." tumatawang sabi ni Kim
"Aiisssst hindi ako magnanakaw." sabi ni Muddy,
Ang totoo may sakit si Muddy, kleptomaniac ito. Pero hindi naman madalas umaatake ang sakit ni Muddy at kung umatake man maliit na bagay lang ang kinukuha niya at may partikular na tao.
"Okay sabi mo eh." sabi ni Kim.
"Aissst, kukunin ko iyon dahil sayang iyon." sabi ni Muddy,
"Uyyyy, anong oras na. Alas kuwatro na at kapag bumalik tayo gagabihin tayo sa daan." sabi ni Kim.
"Hahaha, wala tayong pamasahe at pambili ng pagkain." sabi ni Muddy.
"Ano ba iyan? Ang layo na natin." sabi ni Kim.
"Wa la ta yong pa ma sa he" sabi ni Muddy.
"Aisssst, asar.' sabi ni Kim.
"May secret pocket ang wallet ko dahil ayokong nakikita ng iba ang pera ko." sabi ni Muddy.
"Hahahaha, ayaw mong nakikita ng tulad mo ang pera mo." natawang sabi ni Kim.
"Asar, tumigil ka sa kakatawa." sabi ni Muddy at tinulak nito si Kim na muntikan na nitong ikinabuwal.
"Asar, masakit iyon." sabi ni Kim.
"Aisssst, bilisan natin at baka umuwi na iyon at ang pera ko ay pinang-inom na niya." sabi ni Muddy at nagmmadali itong sumakay ng tricycle.
"Uyyy pamasahe natin?" sabi ni Kim.
"Ikaw muna, babayran kita at dodoblehin ko." sabi ni Muddy na tila siguradong makukuha ang pera niya.
.....................
May 15, 2021 6.49pm
FifthStreet1883
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top