Kabanata 58 : Bye
Isla Traquilo
"Galit ka?" tanong ni Winter kay Atlas.
Nasa kotse na sila Winter at Atlas pabalik ng Isla Traquilo ng mapansin ni Winter na tahimik lamang si Atlas mula ng matapos ang meeting.
"Hindi." Seryosong sabi ni Atlas.
"Bakit hindi ka umiimik?" tanong ni Winter.
"Uuwi na kasi ako at totoo na ito. Hindi na ako babalik." sabi ni Atlas.
"Ha?" sabi ni Winter.
"Naniniwala naman ako sayo na hindi mo iaalis sa akin ang karapatan sa hotel na iyon kaya pumayag na ako sa gusto mo.
At saka naisip ko kasi, tumatanda na ako ganoon din si Cathy. Uunahin ko muna ang pamilya namin. Mukhang okay ka naman na." sabi ni Atlas habang nasa kotse sila ni Winter.
Natahimik si Winter, mukha ngang seryoso si Atlas at ramdam ni Winter iyon.
"Salamat." sabi ni Atlas.
"Saan?" tanong ni Winter.
"Alam kong gusto mo kunin iyong hotel, pero hindi mo ginawa." sabi ni Atlas.
"Pinsan kita at alam ko naman na ibinigay sayo ang Cheung Hotel, hindi mo naman ninakaw. At ang ginawa ko lang ay ibigay ang Cheung Hotel sa dapat na mamahala. At alam kong mas kaya ni Run hawakan at protektahan ang hotel kaysa sa inyo ni Cha.." sabi ni Winter.
"Siguro nga." sabi ni Atlas.
"Masama ba ang loob mo?" tanong ni Winter
"Hindi." sabi ni Atlas.
"Mabuti." sabi ni Winter.
"Ihahatid na muna kita sa bahay niyo tapos aalis na ako agad. Mag-iingat ka ha. Saka huwag kang masyado pumunta sa minahan." sabi ni Atlas.
"Wala akong magawa, kaya gusto ko doon." sabi ni Winter.
"Okay, basta mag-ingat ka." sabi ni Atlas.
"Ikaw din. Imbitado ba ako sa kasal niyo ni Cathy?" tanong ni Winter.
"Hindi. Hahaha" natawang sabi ni Atlas na ikinatitig ni Winter kay Atlas.
"Grabe." sabi ni Winter.
"hahaha, makulit ka at baka magpabuhat ka pa sa akin.' sabi ni Atlas.
"Hindi ah. Oo nga pala darating na ang pinagawa kong wheelchair, may manibela na iyon tapos iyong elevator sisimulan ng gawin." sabi ni Winter na ikinailing ni Atlas.
"Aiissst, kailangan ka kaya tatayo diyan sa wheelchair mo." sabi ni Atlas.
"Kapag masaya na ako." nakangiting sabi ni Winter na ikinatingin ni Atlas kay Winter.
"Hindi ka pa ba masaya?" tanong ni Atlas.
"Namimiss ko si Damian, si Errol. Minsan iniisip ko sana namatay na lang ako sa kotse noong barilin kami ni Errol." sabi ni Winter sabay iwas ng tingin kay Atlas.
"Malalagpasan mo rin ang pagkawala nila, hindi man ngayon. Dahan dahan iyon." sabi ni Atlas.
"Sabagay." sabi ni Winter.
Mahabang katahimikan ang namayani habang binabaybay ng dalawa ang isla, ng muling magsalita si Winter.
"Salamat pala." sabi ni Winter.
"Saan?" sabi ni Atlas.
"Sa pagbabantay." sabi ni Winter
"Wala iyon. Saka bayad 'yon." sabi ni Atlas.
"Kahit na." sabi ni Winter.
"Basta kaya mo na mag-isa, ha." sabi ni Atlas.
"Oo." nakangiting sabi ni Winter.
Napangiti si Atlas kay Winter, na sinuklian naman siya ng ngiti saka tumingin si Winter sa labas ng kotse nito.
....................
Manila
"Ano may nahanap ka bang impormasyon?" tanong ni Elle kay Wine.
Dalawang araw na sila sa Manila at tumakas lang sila Wine at Elle kasama si Ash patungong Manila. Mahaba-haba din ang biyahe at wala pa silang tulog sa kakaikot sa mga puwedeng pag-anakan ni Diez. At para mahanap si Chhaya na ilang buwan na rin na hindi umuuwi sa isla.
"Meron, at nandito nga si Ate Cha. Pero nanganak siya." sabi ni Wine.
"Ano?" sabi ni Elle.
"Chhaya Lopez, ang edad, birthday at pati ang parents name ay pareho kay ate Cha." sabi ni Wine.
"Ibig sabihin kaya siya umalis kasi buntis siya." sabi ni Elle.
"Iyon ang nakalagay sa record." sabi ni Wine.
Mula ng mawala si Chhaya sa El paradiso, hinanap ni Wine ang kapatid nito at dahil nagpasama din si Ash sa Manila kaya nagtungo ang tatlo papuntang Manila para hanapin si Chhaya at si Diez.
"Wow, nakabuntis si Kuya Ash tapos nabuntis din ni Kuya ang ate mo. Woowww! Ang tutulis." sabi ni Elle sabay tawa ng malakas.
"Shhh, ang bibig mo." sabi ni Wine.
Nasa pampubliko silang hospital sa Manila, kung saan nagkataon na iyon ang ikalimang hospital na pinuntahan nila para hanapin si Diez. Pero imbes na si Diez ang makita nila si Chhaya ang nakita nila sa record.
El Paradiso ang lugar na hinahanap nila sa record para mas madali makakuha ng hint at tulad ng inaasahan may Taga El Paradiso nga na napadpad sa lugar.
"Saan nakatira ang ate mo? May record ba ng present address?" tanong ni Elle.
"Wala, El Paradiso lang." sabi ni Wine.
"Paano na?" sabi ni Elle,.
"Umalis na tayo, tutal okay ng malaman ko na,nasa Manila siya. Babalik iyon panigurado sa isla." sabi ni Wine kay Elle.
"Sandali paano si kuya Ash?" sabi ni Elle.
"Mahihirapan tayo maghanap sa hinahanap niya, dahil hindi naman niya alam ang pangalan ni Diez." sabi ni Wine.
"Sabagay, pero puntahan muna natin siya.' sabi ni Elle.
"Oo, para makauwi na tayo at baka makahalata ang parents niyo na wala kayo sa isla. Ako ang malalagot." sabi ni Wine kay Elle.
...................
"Asar, Wala." sabi ni Ash.
"Kailangan na natin bumalik sa Isla." sabi ni Elle.
"Asar, makita ko lang talaga at masigurong may anak ako sa kanya. Nanakawin ko iyon at itatago ko" inis na sabi ni Ash.
"Baka naman kuya, hindi mo talaga siya nabuntis." sabi ni Elle.
"Asar, hanggat hindi ako nakakasigurado hindi ako matatahimik." sabi ni Ash.
"Saka na natin alamin uli. Malay mo bumalik iyon sa trabaho sa Casa.' sabi ni Elle.
"Kaya nga Ash. Umuwi na tayo." sabi ni Wine.
"Nakakaasar! Sa lahat ng ayoko iyong nanghuhula ako or worst pinagtataguan ako." napipikong sabi ni Ash.
"Makikita mo rin si Diez, hantingin mo na lang uli." nakangising sabi ni Elle pero siniko ito ng bahagya ni Wine ng makitang bad trip si Ash.
..................
El Paradiso
Skye Hotel
"Si Winter iyon di ba?" sabi ni Cathy kay Atlas.
Napatingin si Atlas sa tinuro ni Cathy. Nasa Skye Hotel sila ng araw na iyon para sa isang date. Naghahanap na rin sila ng bahay sa bayan para doon manirahan.
"Siya di ba?" paninigurong tanong ni Cathy kay Atlas.
Napakunot ang noo ni Atlas. Si Winter nga ang tinuro ni Cathy at may kasama itong lalaki at mukhang nakikipagtalo si Winter dito
"Baka nobyo niya." sabi ni Atlas.
"Hahaha, nobyo? Alam mo naman na patay na patay iyan kay Damian. Saka mukhang nag-aaway sila, pilay siya pero nagawa niyang pumunta mag-isa dito." sabi ni Cathy.
Pinagmasdan ni Atlas si Winter, hindi niya puwede iwan si Cathy at alam naman niyang hindi pilay si Winter at kaya nito ang sarili nito. Isama pa na nasa Skye Hotel sila. Ang hotel ng tita ni Winter.
"Lapitan mo kaya, baka anong gawin nung lalaki sa kanya." sabi ni Cathy na kinakabahan siya dahil kahit nasa wheelchair si Winter mukhang palaban ito na baka patulan ito ng lalaking kasagutan nito.
"Hayaan mo lang." sabi ni Atlas pero nakatingin ito kay Winter.
Napatingin lang si Cathy kay Atlas at muling sinulyapan si Winter pero ilang sandali lang ng magulat si Cathy ng tumayo si Winter at hampasin ng bag ang lalaki na ikinabuwal ng lalaki,
"Hahaha. Sabi ko sayo kaya niya 'yan." natawang sabi ni Atlas ng makita ang ginawa ni Winter.
............
"Aissst ang kulit mo . Sabi ng malakas ako." inis na sabi ni Winter sa lalaking tila lasing na hinarang siya sa loob mismo ng restaurant ng hotel.
Sa asar niya napatayo tuloy siya, at ngayon inaayos niya ang sarili at nakuha pa talagang umupo muli sa wheelchair nito.
"Layas!" sigaw ni Winter sa lalaki na natauhan yata sa ginawa niya.
Mabilis na umalis ang lalaki na ikinangiti ni Winter.
"Asar." sabi ni Winter.
Inayos ni Winter ang sarili at pinaandar nito ang wheelchair ng makita nito si Atlas at may kasama itong babae.
"Atlas!" sigaw ni Winter na ikinalingon nila Atlas at Cathy.
Mabilis na pinaandar ni Winter ang wheelchair nito at naabutan ang magkasintahan.
"Hi" nakangiting sabi ni Winter.
"Hello." sabi ni Cathy kay Winter.
"Ikaw si Cathy?" nakangiting sabi ni Winter.
"Oo." sabi ni Cathy.
"Nice to meet you. Ako pala si Winter." nakangiting sabi ni Winter.
"Hello ang ganda mo pala talaga. Kaya pala...." udlot na sabi ni Cathy sabay tingin kay Atlas na nakatitig kay Winter at sa bago nitong wheelchair.
"Hi Atlas, may bago akong wheelchair. Mahal ito." sabi ni Winter ng makitang nakatingin si Atlas sa wheelchair niya.
"Mukha nga." nakangising sabi ni Atlas.
"Mabuti nakita kita. May ibibigay ako sa inyo, lagi ko ito dala kasi naisip ko baka makita ko kayo kung saan-saan kasi maliit lang naman ang isla. So sakto nga, nakita ko kayo." sabi ni Winter sabay bigay ng envelope kay Atlas.
"Ano yan?" tanong ni Atlas na hindi hinawakan ang envelope.
"Regalo ko sa inyo ni Cathy. Ibibigay ko sayo ang ibang shares ng minahan." sabi ni Winter.
"Ano?" sabi ni Atlas.
"Aalis ako. At alam kong hindi mo naman hahawakan ang ipagbibilin ko hangga't wala kang sariling hawak. Kaya ibibigay ko sayo ang ibang shares. Sana habang wala ako bahala ka na sa minahan." sabi ni Winter.
"Aalis ka? Saan ka pupunta? Bakit?" tanong ni Atlas na ikinatingin ni Cathy kay Atlas.
"Sa Amerika. Haissst! Namimiss ko kasi si Damian at si Errol kaya balak ko bumalik sa Amerika. Baka malimutan ko sila doon kahit kaunti." sabi ni Winter.
"Kailan ka babalik?" tanong ni Atlas.
"Kapag masaya na ako." nakangiting sabi ni Winter habang nakatingin kay Atlas.
"...ito tanggapin mo. Alam kong alam mo mamahala ng minahan. Minsan ng sinabi ni Damian sa akin ang bagay na iyon. Ikaw na muna ang bahala." nakangiting sabi ni Winter kay Atlas sabay tingin kay Cathy
"....kung gusto niyo sa inyo na iyong bahay ni Damian. Hindi ko naman kailangan iyon. Marami pa siyang naiwan at hindi ko naman madadala iyon sa hukay ko." sabi ni Winter.
"Winter." sabi ni Atlas.
"Joke lang. Kunin mo na ito." nakangiting sabi ni Winter kay Atlas.
"Ayoko." sabi ni Atlas pero nagulat itong kunin ni Cathy ang envelope at nakatingin ito kay Winter.
"Iyan. Mabuti naman kinuha mo. Best wishes sa kasal niyo. Alam kong ayaw ako imbitahan ni Atlas pero okay lang.
Sige. Aalis na ko." sabi ni Winter sabay tayo nito na ikinanlaki ng mga mata ni Cathy.
"Payakap nga." sabi ni Winter sabay yakap kay Cathy.
"Mahalin mo si Atlas ha. Mabait iyan." nakangiting sabi ni Winter kay Cathy.
"Aiissst, bye singaw." nakangiting sabi ni Winter sabay yakap kay Atlas.
"Ninang ako ha." bulong na sabi ni Winter na ikinatawa ni Atlas.
"Bumalik ka muna bago ka maging ninang." sabi ni Atlas.
Napangiti si Winter at kumawala sa yakap kay Atlas saka umupo muli sa wheelchair.
"Oo babalik ako kapag masaya na ako." nakangiting sabi ni Winter na ikinangiti ni Atlas.
"Ingat kayo. Bye." sabi ni Winter saka ito umalis sa lugar na iyon.
Nakatingin lang si Atlas sa papalayong si Winter habang nakamasid lang si Cathy kay Atlas.
"Mahal mo pa?" tanong ni Cathy.
"Hindi na. Sigurado ako doon." nakangiting sabi ni Atlas ng sa unang pagkakataon mabilis niyang nasagot ang tanong kung mahal niya si Winter.
Napangiti si Cathy at niyakap nito si Atlas.
"Siya ang past ko, at ikaw ang present at future ko." sabi ni Atlas kay Cathy.
"Salamat, pero kailangan mo siya tulungan. Kaya ko ito kinuha, hindi niya ito ibibigay kung wala siyang ibig sabihin." sabi ni Cathy na ikinatingin ni Atlas sa envelope na kinuha ni Cathy.
"Mamaya na 'yan. Kumain muna tayo." sabi ni Atlas.
"Sige." nakangiting sabi ni Cathy at niyakap nito si Atlas.
......
June 8, 2021 1.34pm
FifthStreet1883
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top