Kabanata 56 : Aurora

Valiente Empire

"Umalis si Cha?" tanong ni Winter kay Autumn.

"Oo." sabi ni Autumn

"Saan naman pupunta 'yon?" tanong ni Winter.

"Hindi ko alam." seryosong sabi ni Autumn.

Nasa kuwarto si Autumn ng gabing iyon at tulad ng dati, tumawag na naman si Winter ng alas doce ng gabi.

"Gusto mo hanapin?" tanong ni Winter sa kakambal

"Paano ang hotel?" sabi ni Autumn na tila nababaliw na naman siya sa pagkawala ng dating nobya.

"Ako ng bahala." nakangising sabi ni Winter.

"Hindi ko rin alam kung saan ko siya hahanapin." napabuntung hiningang sabi ni Autumn.

"Kung magbakasyon ka muna kaya." sabi ni Winter.

"Hindi ko kailangan magbakasyon." sabi ni Autumn.

"Alam mo kuya, babalik iyon at kung hindi man dahil sayo. Dahil sa hotel. Kaya relax ka lang. Don't worry ako na ang kukuha sa hotel dahil tingin ko niloloko tayo ng singaw na kasama ko at ng manloloko mong ex." sabi ni Winter.

"Bakit siya umalis?" inis na sabi ni Autumn.

"Dalawa lang naman iyan. Natunugan niya na aagawin natin ang hotel at pangalawa gumagawa siya ng paraan para baliktarin ang sitwasyon. Pero kung ako sayo ituloy natin ang plano para kung bumalik man siya, wala na ang hotel sa kanila." sabi ni Winter.

"Okay. Sabagay." sabi ni Autumn.

Natahimik si Winter sa kabilang linya alam niyang iba ang nasa isip ni Autumn kaya muli siya nagsalita

"Sabi ko naman sayo, ang babaeng iyon ay nakakasira ng sistema mo. Kaya huwag mo hayaan na ma-attach ka uli sa kanya. Tingnan mo ako, easy easy lang at ang iniisip ko ngaon ay kunin sa singaw na ito ang kabuuan ng Cheung Hotel." sabi ni Winter.

"Okay, gagawin ko." sabi ni Autumn.

"Okay, paano tatawagan kita uli dahil aalamin ko kung bakit hindi pa umaalis ang lalaking ito sa tabi ko." sabi ni Winter.

"Malamang nagmamanman." sabi ni Autumn.

"Tama, at iinisin ko siya." sabi ni Winter.

"Huh! Good luck." natawang sabi ni Autumn. Alam niyang walang magawa sa buhay si Winter kaya naghahanap ito ng bagay na paglilibangan.

"Bye kuya. Sweetdreams." sabi ni Winter bago ibaba ang cellphone nito. Napatitig lang si Autumn sa cellphone ng ibaba ni Winter ang tawag sabay buntung hininga nito

"Asar, tama si Winter kailangan ituloy ang plano at siguradong gumagawa ng paraan ang dalawang iyon para sa hotel." sabi ni Autumn.

..................

Isla Traquilo

"Atlas!" malamyos na tawag ni Winter na ikinalingon ni Atlas.

Nasa balcony ng araw na iyon si Atlas ng mapalingon sa pagtawag ni Winter. Tila na naman nasaniban ang babae sa paraan ng pagsasalita nito.

"Bakit?" tanong ni Atlas na bahagyang natawa ng makitang nasa wheelchair pa rin si Winter at talagang ginawa ng kotse ng babae ang wheelchair nito.

"Buhatin mo nga ako. Masakit ang puwetan ko, iyong balakang ko lumalagutok." sabi ni Winter.

"Hahaha, matanda ka na kasi." sabi ni Atlas na ikinatitig ni Winter sa binata.

"Mukha mo." sabi ni Winter.

"Kaya mo na 'yan." sabi ni Atlas.

"Aissst, bakit ka pa kasi nandito? Akala ko ba aalis ka na?" tanong ni Winter.

"Kulang pa nga." natatawang sabi ni Atlas. Alam niya kasi na maglalabas pa ng pera si Winter para sa hotel at hinihintay niya iyon para mapunuan ang kabuuang halaga na kailangan ng hotel.

"Kapal nito. Buhatin mo na ako." sabi ni Winter kay Atlas.

"Hahaha, para kang lola sa wheelchair na iyan. Langya, tumayo ka na nga diyan." sabi ni Atlas.

"Ayoko, dahil alam mo ba mula ng naupo ako dito. Narealize ko na, mas okay pala na may wheelchair ang lahat para hindi mapagod ang paa natin." sabi ni Winter.

"Hahaha, katamaran mo eh no." sabi ni Atlas.

"Magpapasadya ako ng wheelchair iyong puwede kung imaneho." nakangiting sabi ni Winter.

"Hahahaha, try mo na rin kaya magpagawa ng elevator para hindi ka na uutos na buhatin ka para iakyat ka." sabi ni Atlas.

"Sige, magpapagawa ako mamaya." sabi ni Winter.

"Hahahaha, ano bang kailangan mo?" tanong ni Atlas.

"Samahan mo ako sa Cheung Hotel." sabi ni Winter.

"Bakit?" tanong ni Atlas.

"Magtatrabaho ako. Iyon kasi ang BAGO kong pinagkakaabalahan. Ang sabi mo kasi maghanap ako ng bago so iyon ang naisip ko." nakangising sabi ni Winter.

"Akala ko ba ayaw mo ng position sa hotel?" nagseryosong sabi ni Atlas.

"Nagbago isip ko. Parang ikaw...

.... sabi mo aalis ka na pero nandito ka pa sa bahay ko at feeling mo bahay mo rin. Ni hindi mo na nga ako binubuhat." sabi ni Winter.

Tumayo si Atlas mula sa upuan at nilapitan nito si Winter na nakaupo sa wheelchair.

"Alam ko na ang plano mo? Pero tingin mo magwawagi ka?" tanong ni Atlas.

Nagulat si Atlas ng biglang tumayo si Winter mula sa wheelchair at ngumiti ito.

"Oo, wala akong magawa kaya ako na lang ang magpapaunlad ng Cheung Hotel uli. Kung ayaw mong agawan kita ng position. Suwelduhan mo ako ng maayos tapos ipagpatuloy mo ang..." udlot na sabi ni Winter sabay yakap kay Atlas at nakuha nito ikawit ang mga paa sa binata.

"....buhatin mo ako at... Shit iyon paa ko may spring . Alam mo iyon? Iyong hindi ko magalaw parang namamanhid." sabi ni Winter sabay yakap ng mahigpit kay Atlas.

Napatingin si Atlas kay Winter, hanggang ngayon hindi ito nahihiya sa pagyakap nito sa kanya kahit halos karga na niya ito.

"Bilis Atlas, iyong paa ko. Pinupulikat." sabi ni Winter na totoong pinupulikat siya.

Napangisi si Atlas biglang nitong ibinaba si Winter at ginalaw galaw ang paa ni Winter.

"Aray!!! Shit ka Atlas, namamanhid. Masakit!" sigaw ni Winter

"Hahaha, tantanan mo na kasi ang kakaupo sa wheelchair mo at hindi ka na nakakapag-exercise." sabi ni Atlas habang patuloy na ginagalaw ang paa ni Winter.

"Asar, masakit!" sigaw ni Winter sabay upo sa wheelchair nito

"Hahahaha, okay na iyan maya-maya." nakangising sabi ni Atlas.

"Asar." sabi ni Winter ng biglang tumayo ito ng paika at umupo sa balustre ng balcony.

"Anong gagawin mo?" tanong ni Atlas. Mataas ang lugar na iyon at delikado kapag nalaglag doon.

"Tingnan nga natin kung bodyguard pa rin kita." nakangising sabi ni Winter sabay tayo sa balustre na ikinanlaki ng mga mata ni Atlas.

"Bumaba ka diyan." seryosong sabi ni Atlas.

"Hahaha, hindi ako natatakot mamatay lalo na at wala na ang asawa at anak ko." natatawang sabi ni Winter na ikinatitig ni Atlas kay Winter.

"Ililigtas mo pa rin ba ako at babantayan kapag nagpatihulog ako." sabi ni Winter sabay taas ng kamay nito.

"Shit." sabi ni Atlas sabay hila kay Winter at niyakap ito.

"Ayon oh. Binuhat mo rin ako, maaasahan ka talaga. Halika na pumunta na tayo sa hotel natin." natatawang sabi ni Winter sabay yakap kay Atlas.

Nakatitig lang si Atlas kay Winter habang buhat ito kaya tinitigan din siya ni Winter.

"Kung gusto mo, bisitahin natin siCathy. Ipakilala mo naman siya sa akin." sabi ni Winter.

"Ayoko." sabi ni Atlas.

"Yabang, di huwag. Pakiss na lang. Cousin's kiss tulad ng dati." sabi ni Winter sabay halik sa pisnge ni Atlas.

"Aissst, para kang baliw." sabi ni Atlas.

"Hahaha, ang arte mo." sabi ni Winter habang nakayakap ito sa leeg ni Atlas.

"Saan tayo?" tanong ni Atlas.

"Sa hotel nga." sabi ni Winter.

"Okay." sabi ni Atlas.

...................

Cheung Hotel

"Hello tito Aquila?" bati ni Winter sa tiyuhin ng masalubong ito sa hotel.

"Oh bakit ka nandito?" gulat na sabi ni Aquila.

Napatingin ito sa pamangkin na si Winter. Nakaupo ito sa wheelchair habang tulak iyon ni Atlas na hindi alam ni Aquila kung natatawa ba o naiinis si Atlas habang nakatingin kay Winter.

"Magtatrabaho po ako." sabi ni Winter na ikinangisi ni Atlas at ikinatawa ni Aquila.

"Magtatrabaho? Ano naman position?" tanong ni Aquila.

"President po." nakangiting sabi ni Winter na ikinabunghalit ng tawa ni Aquila.

"Hahaha, ganoon ba?" sabi ni Aquila sabay sulyap kay Atlas na nakangisi lang habang nakatingin kay winter na nakaupo sa wheelchair.

Napangiti si Winter at muli ito nagsalita ng mapansin na nakatingin si Aquila kay Atlas.

"Tito, bodyguard ko. Habang nagtatrabaho ako bilang president ng hotel nasa likod ko lang iyan. Hahahaha." natawang sabi ni Winter na halatang nang-iinis ito.

Napatawa si Aquila sa kalokohan ng pamangkin pero ng balingan muli nito ng tingin si Atlas mukha naman hindi ito napikon.

"Sige tito. Doon kami sa opisina ko. Pipirma ako ng cheke." natawang sabi ni Winter na ikinatawa muli ni Aquila.

"Sige, pero hindi ka pa ba nagpapa-therapy?" tanong ni Aquila na ikinatawa naman ni Atlas ng mamilog ang mga mata ni Winter.

"Hindi pa po. Mas feel ko po ang ganito, mahirap maglakad nakakangawit." sabi ni Winter.

"Hindi mabuti sayo ang nakaupo lang diyan habang buhay. Paano ka makakahanap ng lalaking mapapangasawa mo uli kung nandiyan ka lang." sabi ni Aquila.

"Hahaha, si Tito Aquila talaga. Kakamatay pa lang ng asawa ko at wala pa sa isip ko na palitan siya." sabi ni Winter.

Napangiti si Aquila, hindi madali ang pitong taon na pagsasama ni Winter at Damian pero isa siya sa nagdarasal na makahanap ang pamangkin ng lalaking magmamahal dito ng tunay.

"Ikaw ang bahala, pero maghihintay pa rin kami ng apo sayo." sabi ni Aquila.

"Hahaha, sige. Hintay lang pala eh." natawang sabi ni Winter na ikinangiti ni Aquila.

"Hahaha, magpapabuntis na lang ako." natawang sabi ni Winter.

"Loko ka talagang bata ka. Sige. Mauna na ako. Pagbutihin mo ang pagtatrabaho." sabi ni Aquila.

"Opo, at oo nga pala Tito. Hihingin ko ang boto mo para sa darating na stockholders meeting. Iboto mo ako para opisyal na ang pagiging president ko." sabi ni Winter na ikinaubo ni Atlas.

"Hahaha. Sige ba. Makakaasa ka." natawang sabi ni Aquila.

Nang makaalis si Aquila napangiti tumingin si Winter kay Atlas na nakangisi lang sa kanya.

"Paano iyan may isang boto na ako. Hahaha." natawang sabi ni Winter.

"So tingin mo matatalo mo ako?" sabi ni Atlas.

"Oo naman. Hayaan mo, isa kang ulirang bodyguard kaya tataasan ko ang sahod mo." sabi ni Winter.

"Aiissst, tutal nandito na ako sa Hotel KO. Kaya magtatrabaho muna ako. Bahala ka na muna sa buhay mo." sabi ni Atlas.

"Okay. Payakap nga." sabi ni Winter.

"Para saan?" sabi ni Atlas.

"Para sa pagsisimula ng ating labanan." nakangiting sabi ni Winter.

Napailing si Atlas, mukha naman nagbibiro si Winter at alam niyang iniikot siya nito. Si Autumn ang siyang uupo at naghahangad na makuha ang Hotel kaya hindi niya kailangan ipokus kay Winter ang lahat dahil puwedeng strategy iyon ng magkapatid para hindi niya mabantayan si Autumn.

"Aiissst, yakap na." sabi ni Winter at tumayo ito at nagulat si Atlas na tila unggoy na kumapit si Winter sa leeg niya.

"Aissst, ano ba. Para kang bata. Matanda ka na." sabi ni Atlas kay Winter.

"Buhatin mo ako, napagod ako umupo." malambing na sabi ni Winter na ikinatitig ni Atlas kay Winter.

'Huh! Kahit pag upo napapagod ka." sabi ni Atlas.

"Aissst, ang tigas ng upuan ng wheelchair ko bibili ako ng bago." sabi ni Winter sabay yakap pang mahigpit kay Atlas.

"Hindi ka ba naiilang sa kakayakap mo?" sabi ni Atlas na pinagtitinginan na sila ng mga empleyado.

"Hindi naman. Yakap lang naman saka matanda na ako." sabi ni Winter.

"Kahit na." sabi ni Atlas.

"Buhatin mo na kasi ako tapos ilagay mo na ako sa opisina ko." sabi ni Winter

"Saan ba ang opisina mo?" tanong ni Atlas na wala naman opisina si Winter sa hotel.

"Sa Opisina mo. Hahahah." natawang sabi ni Winter.

"Ayos ka eh 'no." sabi ni Atlas.

"Hahaha, bilisan mo na baka magbago ang isip ko mag-invest sa hotel mo bahala ka babagsak ka ng tuluyan." sabi ni Winter.

Napangisi si Atlas at binuhat nito si Winter.

"Doblehin mo ha. Lakihan mo pa." sabi ni Atlas.

"Oo ba. Basta buhatin mo lang ako. At dahan-dahan dahil sumasakit ang balakang ko." sabi ni Winter.

"Hahaha." natawang sabi ni Atlas.

"Matanda ka na kasi." natawang sabi ni Atlas.

"Okay lang." sabi ni Winter na nakangiti pa habang buhat na ito ni Atlas.

................

Manila

Months later

"Sakto ako." nakangising sabi ni Chhaya ng makita ang isang sanggol na buhat ng isang trese anyos na batang lalaki.

"Ngayon mo na ba kukunin?" tanong ng lalaki kay Chhaya.

"Hindi. Dalawang buwan pa, para okay na sa bilang." sabi ni Chhaya.

"Sige, babantayan ko na lang. Pero ang totoo may bantay ang nanay ng bata." sabi ng lalaki kay Chhaya.

"Bantay? Sino?" tanong ni Chhaya.

"Hindi ko rin alam, pero sabi baka live in partner nung batang babae. Ang balita ko kasi sa Casa nagtatrabaho ang batang babae." sabi ng lalaki.

"Casa?" kunot noo na tanong ni Chhaya.

Ang totoo nagpahanap siya ng sanggol na moreno at ng makita niya ang bata tumugma ito sa hinahanap niya.

"Oo, kaso hindi ko alam kung saan Casa." sabi ng lalaki.

Napatingin si Chhaya sa batang lalaki na may karga ng bata. Nasa hospital siya ng araw na iyon sa Manila ng makipagkita sa kanya ang kausap niyang lalaki.

"Sige. Huwag mo ng alamin. Iyong bata lang naman ang kailangan ko." sabi ni Chhaya.

"Okay. Tatawagan na lang kita." sabi ng lalaki.

"Oo." sabi ni Chhaya.

Naghiwalay ng landas si Chhaya at ang lalaki pero bumalik si Chhaya sa hospital para alamin ang tugkol sa ina ng bata.

Pumunta si Chhaya sa records section at mula doon nalaman niya na Aurora ang pangalan ng ina ng bata, kinse anyos at tubong El Paradiso.

Kinutuban si Chhaya kaya nagmanman siya sa lugar kung saan ang kuwarto ng ina ng sanggol. Mula doon nagpanggap na nurse si Chhaya habang may takip ang bibig nito.

..........

"Hello." nakangiting sabi ni Aurora sa nurse.

"Hi." sabi ni Chhaya habang tinititigan ang batang babae. Hindi niya ito mamukhaan kaya nagkunwari siyang nag-iinterbyu

"Taga saan ka?" tanong ni Chhaya habang kunwari nag-aaayos ng dextrose.

"Sa El Paradiso." nakangiting sabi ng batang babae.

"May trabaho ka?" tanong ni Chhaya.

"Escort ako sa El Casa. Nabuntis lang kasi ako kaya nagbakasyon ako." sabi ni Aurora na ikinatingin ni Chhaya sa bata.

"El Casa? Entertainer ka?" tanong ni Chhaya.

"Oo, pero huwag kang maingay." sabi ni Aurora.

"Sino nakabuntis sayo? Kliyente mo ba?" tanong ni Chhaya.

Na pangkaraniwan naman sa Casa ang ganoong bagay na tinatanggal kapag nabubuntis, alam din niya na may mga menor de edad sa Casa kaya hindi na bago ang sitwasyon ni Aurora.

"Iyong may-ari." napatungong sabi ni Aurora na ikinagulat ni Chhaya.

"Shit, nakabuntis si Autumn sa panahong nagpapakasasa siya sa akin." sabi ni Chhaya sa isip.

"Ganoon ba? Sorry. Napakatsismosa ko naman. Sige aalis na ako may pasyente pa sa kabila." sabi ni Chhaya at nagmadali itong umalis ng kuwarto ni Aurora sa naramdaman nitong selos at galit sa nalaman.

"Sakto, anak mo ang gagamitin ko sayo." nakangising sabi ni Chhaya ng makalabas ng kuwarto ng batang babae.

......
June 7, 2021 5.57pm
FifthStreet1883

Apat na chapters na lang...

Soon

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top