Kabanata 55 : Key

"Babalik na si Atlas sa hotel." sabi ni Winter ng tawagan nito si Autumn.

"Kailan?" tanong ni Autumn kay Winter.

"Bukas. Aissst, ang kapal ng mukha ng lalaking iyon. Mukhang alam niya ang balak natin at talagang hinintay niya muna na masolusyunan ang problema sa hotel bago siya bumalik." sabi ni Winter.

"Ganoon ba?" seryosong sabi ni Autumn.

Hatinggabi na ng oras na iyon ng tumawag si Winter. Nasa kuwarto na niya si Autumn kung saan katabi nito si Chhaya na katutulog lang.

"Ang lalaking iyon, makapal ang mukha. Kaya kailangan makuha mo ang position bago pa siya makabalik ng tuluyan." sabi ni Winter.

Tumayo si Autumn mula sa kama, pinasadahan muna nito ng tingin si Chhaya na mahimbing pa rin natutulog dahil alam niyang napagod na naman ito sa ginawa niya dito.

"Kuya?" sabi ni Winter.

"Ako ng bahala. Nakausap ko na ang mga natitirang stockholders. Kapag nakuha ko na ang boto nila, ako na ang uupo at ang susunod kung gagawin ay tanggalin ang magnanakaw sa kompanya." seryosong sabi ni Autumn.

"Dapat lang, hindi ko naman hahayaan na ang pera ni Damian ay sa ibang Cheung mapupunta." sabi ni Winter.

"Huwag ka ng mag-alala." sabi ni Autumn.

Samantalang naalimpungatan si Chhaya ng makapang wala si Autumn sa tabi niya at akmang tatawagin ito ng marinig nito ang sinasabi ng binata kaya nanatili si Chhaya nakahiga at nagkunwaring tulog.

"Kukunin na niya ang hotel. Hindi puwede ito pero alam kung kaya niyang gawin." sabi ni Chhaya sa isip.

"Magpahinga ka na. Makukuha din natin ang lahat at ididispatsa natin ang mga taong hindi natin kailangan." sabi ni Autumn na ikinalunok ni Chhaya ng marinig ang sinabi ni Autumn.

Ilang buwan na sila live in ni Autumn at kung tutuusin gamit na gamit siya nito. Halos hindi nga siya papahingahin ni Autumn kahit nasa opisina sila o kotse, kapag nagustuhan ng binata na makipagtalik sa kanya ginagawa nito.

"Kailangan ko makaisip ng paraan. Para mahinto ang balak niya, dahil kung hindi baka sa kangkungan ako pulutin." sabi ni Chhaya sa isip.

............

Isla Traquilo

"Kain." nakangiting sabi ni Winter ng maabutan pa nito si Atlas sa bahay nila ni Damian.

Napangisi si Atlas, nakaupo na naman kasi sa wheelchair nito si Winter at feel na feel nito paandarin ang wheelchair habang nakaupo ito na tila nga hindi ito makatayo

"Sa bahay na ako kakain. Hinihintay na ako ni Cathy." naiiling na sabi ni Atlas.

"Bahala ka. Basta niyaya kita ha." sabi ni Winter kay Atlas

"Hindi ko naman inaasahan na yayayain mo ako." nakangising sabi ni Atlas.

"Ganoon ba? Halika dito." sabi ni Winter.

Nakaupo si Winter sa wheelchair nito sa harap ng dining table, may freshmilk sa harap nito at tinapay.

"Bakit?" tanong ni Atlas.

"Palamanan mo ako." sabi ni Winter.

"hahaha, kaya mo na iyan." sabi ni Atlas.

"Isa lang, masakit kasi ang kamay ko." sabi ni Winter.

"Ano ba iyang katawan mo laging masakit?" sabi ni Atlas na ikinatahimik ni Winter.

Napatitig si Atlas kay Winter ng hindi ito magreact alam niyang natamaan ito sa sinabi niya at wala naman siyang intension na bulatlatin ang pagiging battered wife nito.

Kinuha ni Winter ang tinapay at ito mismo ang nagpalaman, hindi na ito umimik at kumain na lang ng tahimik.

"Sorry." sabi ni Atlas ng hindi na tuluyang umimik si Winter. Nakatitig na lang ang balong babae sa tinapay nito habang kinakain iyon

Napabuntung hininga si Atlas, pumunta ito ng kusina at kumuha ng baso. Umupo ito sa tabi ni Winter at nagsalin ng gatas saka iyon ininom habang nakatitig lang kay Winter na hindi na nagsalita.

"Ako na lang ang palamanan mo." nakangiting sabi ni Atlas kay Winter.

Kumuha si Winter ng tinapay at pinalamanan nga iyon saka inilapag sa ibabaw ng baso ni Atlas.

Nanatiling tahimik si Winter, habang kumakain. Nakatingin lamang si Atlas kay Winter, halatang nawala sa mood si Winter at kapag ganoon naaalala niya ang mga panahon na sinosolo nito ang lahat ng pagmamaltrato ni Damian dito.

Kumuha si Atlas ng tinapay at pinalamanan iyon saka iniabot kay Winter. Napatingin si Winter kay Atlas saka ito napabuntung hininga.

"Tapos na ako, baunin mo na lang iyan." sabi ni Winter sabay tungga ng gatas nito.

Nanatiling nakatitig sa Atlas kay Winter ng ikutin nito ang wheelchair at talagang hindi ito naglakad.

"Kailan mo ba titigilan gamitin ang wheelchair na 'yan?" di napigilang inis na sabi ni Atlas kay Winter.

Huminto si Winter at nilingon nito si Atlas saka ngumiti.

"Kapag magaling na ako." nakangiting sabi ni Winter pero bakas ang lungkot sa mga mata nito.

Tumalikod si Winter saka pinaandar nito ang wheelchair pero muli ito nagsalita habang papaalis.

"Mag-ingat ka mamaya. Ikamusta mo ako kay Cathy." sabi ni Winter bago ito tuluyan nawala sa paningin ni Atlas

Napangiti si Atlas sa sinabi ni Winter, habang nakatitig sa dinaanan ni Winter.

...................

Hours later

"Si Winter?" tanong ni Atlas ng tumawag ito kay Yumi sa cellphone para kamustahin si Winter.

"Umalis." sabi ni Yumi.

Ilang oras mula ng umalis sa bahay ni Winter si Atlas tumawag ang binata para alamin kung nasaan si Winter. Araw-araw kasi umaalis si Winter para pumunta ng minahan na hanggang ngayon hindi alam ni Atlas kung bakit laging ginagawa iyon ni Winter.

"Sinong kasama?" tanong ni Atlas.

"Siya lang." sabi ni Yumi.

"Sa minahan ba pumunta?" tanong ni Atlas.

"Mukhang hindi eh. Nakasuot ng itim na damit, tapos nakasuot ng shades. Nagpabuhat kay Jules kanina sa kotse niya, isinakay iyon wheelchair tapos nagtaka kami nakapagmaneho si Maam mag-isa." sabi ni Yumi.

Napakunot ang noo ni Atlas, kung saan puwede pumunta si Winter kaya muli ito nagsalita.

"May bodyguard bang nakasunod?" sabi ni Atlas.

"Wala. Ayaw naman kasi niya." sabi ni Yumi.

"Bakit hindi nila sinamahan?" sabi ni Atlas.

"Sa ayaw niya eh." sabi ni Yumi pero biglang naputol ang linya na ikinailing na lamang ni Yumi.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Cathy kay Atlas. Oras pa lang ng dumating ang nobyo at aalis na naman ito.

"Sandali lang ako." sabi ni Atlas at nagmamadali itong lumabas ng bahay.

...............

Isla Traquilo Cemetery

"Hi, Damian. Kamusta? Ano ba ito? Hanggang ngayon hindi ko pa rin malaman kung sino pumatay sayo. Araw-araw na ako sa minahan, pero wala akong makuhang detalye kung sino nagpasabog ng araw na iyon." sabi ni Winter habang nagsisindi ito ng kandila sa puntod ni Damian kung saan katabi ng puntod ni Damian ang puntod ng anak nilang si Errol.

"Namimiss na kita. Hayaan mo pinapagalaw ko ang pera mo para mahuli ko siya.

Aisst! Nag-iisa na lang ako ngayon. Minsan iniisip ko sana hindi na lang kita kadugo, kahit sana hindi tayo nagkaroon ng sariling anak. Okay lang, magiging masaya pa rin naman ako sayo.

Mali man ang nararamdaman ko ngayon, pero mahal kita." sabi ni Winter habang hinahaplos ang lapida ni Damian.

"Bukas pupunta ako uli sa minahan. Magpapasama ako kay Jules. Mas madali kasi sa akin makagalaw kapag alam nilang lahat na hindi ako nakakapaglakad.

Alam ko, isang araw kapag nag-iisa na lang ako. Lalapit ang taong pumatay sayo para isunod ako.

Huh! Pero huwag kang mag-alala. Wala makikinabang sa yaman mo, inayos ko na ang lahat." sabi ni Winter.

"Hanggang ngayon iniisip ko kung makakakita pa ba ako ng taong mamahalin ko, ng higit sayo.

Aiissst, oo nga pala. Huminge ka na ba ng sorry kay God. Ihinge mo rin ako ng sorry. Nakakatawa lang sa kakaiwas ko sa kamag-anak. Haha, sa lolo ko pala ako babagsak." napatawang pagak na sabi ni Winter.

"Dadalaw ako sayo uli, para balitaan ka. Bantayan mo si Errol. Hayaan mo, kapag siguro namatay na rin ako. Siguro naman puwede na tayo." nakangiting sabi ni Winter.

Umupo si Winter sa damuhan at hinaplos nito ang pangalan ni Damian saka ngumiti.

"Papapalitan ko ang pangalan ng lapida mo, para naman kahit sa huli nagamit mo ang apelyedo mo. Magpapapalit din ako ng apelyedo at isusunod ko sayo. Wala naman siguro masama kung magiging Mrs Cheung din ako." nakangising sabi ni Winter.

Ilang minuto pa ang lumipas na nakaupo lamang si Winter at kinakausap ang mag-ama niya. Mula sa malayo nakatanaw si Atlas habang pinagmamasdan si Winter, ilang minuto na ito naroroon at mukhang wala itong balak umuwi. Nakuha pa ni Winter humiga sa damuhan habang nakatingin sa langit at nagsasalita.

"Mukhang okay ka naman. Puwede na siguro ako umalis" sabi ni Atlas sa isip pero akmang aalis na ito ng may mapansin ito nakatunghay kay Winter mula sa malayo.

Nagkubli si Atlas at pinagmasdan ang bulto ng katawan na nakaupo sa isa sa mga nitso pero ang mga mata nito ay nakamasid kay Winter.

"Papa." anas ni Atlas ng makilala niya ang ama.

Hindi lumapit si Atlas habang pinagmamasdan lamang nito ang ama at si Winter. Pero ilang sandali lang ng umupo si Winter sa damuhan at muli nitong hinaplos ang lapida ni Damian

"Babay Damian. Babalik ako. Magtatrabaho lang ako." sabi ni Winter saka ito sumakay sa wheelchair nito na tila nga ito pilay na ipinagtaka ni Atlas.

Sa pag-andar ng wheelchair ni Winter lumapit si Kier kay Winter na ikinangiti ni Winter.

"Kamusta Kier." nakangiting sabi ni Winter.

"Mabuti? Tapos ka na ba?" tanong ni Kier kay Winter.

"Oo, ikaw nadalaw mo na ba si Leila?" nakangiting sabi ni Winter.

"Oo." sabi ng may katandaan ng lalaki.

"Mabuti. Mauuna na ako sayo. May pamasahe ka pa ba?" nakangiting sabi ni Winter.

"Meron pa." nakangiting sabi ni Kier

"Okay, sige. Salamat sa pagsama sa akin." nakangiting sabi ni Winter ng biglang napatitig ito kay Kier.

"Bakit?" tanong ni Kier.

"Tatay ka ni Atlas di ba? Pero close kayo ni Damian." sabi ni Winter.

"Oo." sabi ni Kier.

"Salamat, sa pagiging kaibigan ni Damian. Mahal ko siya. Ang totoo namimiss ko na si Damian." napaluhang sabi ni Winter na ikinatitig ni Kier kay Winter.

Lumapit si Kier at niyakap nito si Winter. Nakatitig lang si Atlas mula sa malayo sa nakitang eksena. Hindi niya naririnig ang usapan ng dalawa pero napakunot ang noo nito ng makita ang kakaibang reaksyon ng ama kay Winter.

"Salamat sa yakap. Aalis na ako." sabi ni Winter at pinaandar na nito ang wheelchair palayo sa lugar.

"Kung may balak sa kanya, huwag mo ng ituloy." sabi ni Atlas ng makalapit ito kay Kier.

"Hahaha, wala akong balak sa kanyang masama. Natutuwa ako, mahal talaga niya si Damian. Walang duda sa bagay na iyon." nakangiting sabi ni Kier na ikinatitig ni Atlas sa ama.

...................

"Aissst, makauwi na nga." sabi ni Winter ng makasakay na ito ng kotse nito pero akmang papaandrain na niya iyon ng biglang may bumukas g kotse niya at agad na sumakay sa tabi niya.

"Hi." sabi ni Atlas sabay napangisi ng makitang nakuha ni Winter isakay ang wheelchair nito.

"Bakit ka nandito?" tanong ni Winter.

"Kailan mo ba talaga titigilan ang paggamit ng wheelchair na yan?"sabi ni Atlas.

"Pakialam mo ba?" sabi ni Winter.

"Nakakairita kasi at hindi ka ba napapagod na umupo diyan at magpanggap na lumpo." sabi ni Atlas.

"Hindi, masaya nga eh." natawang sabi ni Winter.

"Aiissst." nailing na sabi ni Atlas.

"Teka lang akala ko ba papasok ka na sa hotel?" sabi ni Winter na sinimulan paandarin ang sasakyan

"Kulang pa." nakangising sabi ni Atlas.

"Anong kulang?" sabi ni Winter.

"Wala lang." natawang sabi ni Atlas.

"Kapal nito, hinihintay mo siguro umangat ng tuluyan ang hotel saka ka papasok. Kapal mo talaga." sabi ni Winter.

"Puwede rin, hahaha." natawang sabi ni Atlas.

"Grabe." naiiling na sabi ni Winter habang umaandar na ang kotse nito.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Atlas ng makita iba ang binabybay na lugar ni Winter

"Sa minahan." sabi ni Winter.

"Doon na naman? Puwede bang umabsent ka muna kahit isang araw sa minahan." sabi ni Atlas.

"Feel ko doon, lalo na kapag nakakakuha sila ng ginto." sabi ni Winter.

"Alam mo dapat sayo may ibang pagkaabalahan." sabi ni Atlas na ikinatingin ni Winter sa binata.

"Talaga?" tanong ni Winter.

"Oo para hindi ka lalo tumanda, trenta y uno ka na, kaunti na lang tapos ka na." sabi ni Atlas.

"Kapal nito." sabi ni Winter sabay hampas sa braso ni Atlas.

"Hahaha, maghanap ka pagkakaabalahan mo para hindi naman nakakaboring iyan buhay mo." sabi ni Atlas.

"Ganoon ba?" sabi ni Winter na may maisip ito.

"Oo." sabi ni Atlas.

"Okay sabi mo eh." nakangising sabi ni Winter na ikinakunot ng noo ni Atlas.

.......................

Valiente Empire House

"Ano?" tanong ni Autumn kay Winter ng kausap ito sa cellphone.

"Ako ang hahawak ng hotel. Tutal ang thinking nila Cha at ng singaw na iyon ay ikaw ang kukuha sa pamamahala, pero ako ang ilagay mo." sabi ni Winter.

Napaisip si Autumn, hatinggabi lagi tumatawag ang kapatid at hindi niya alam kung natutulog ba ito dahil sakto talaga alas doce lagi tumatawag ang kakambal.

"Nakabantay sayo si Cha, dahil inaasahan nila na ikaw ang uupo sa hotel. So, baguhin natin ako ang uupo, at sa pamamagitan ko makukuha natin ang hotel." sabi ni Winter.

"Pero." sabi ni Autumn na kahit hindi sabihin ni Winter nagluluksa pa ito sa pagkawala ng asawa nito.

"Ilang buwan pa. Nag-iisip ang dalawang iyan kung kailan ka uupo, kung ang inaasahan nila ay di magyari mas kakabahan sila." sabi ni Winter.

"Okay sige." sabi ni Autumn.

"Thanks." nakangiting sabi ni Winter bago nito agad binaba ang tawag.

.................

Cheung Hotel

"Kailan ang stockholders meeting?" tanong ni Atlas.

"Sa ikalawa." sabi ni Chhaya.

"Okay. May naisip ka na bang plano?" tanong ni Atlas.

"Oo," sabi ni Chhaya.

"Ano? Puwede bang malaman." sabi ni Atlas.

"Aalis ako, ikaw muna bahala. Pero babalik naman ako agad." sabi ni Chhaya.

"Bakit? Saan ka pupunta?" nagtatakang sabi ni Atlas.

"Basta, tutal hindi ka na kailangan ni Winter diyan ikaw na bahala sa hotel." sabi ni Chhaya.

"Paano iyong meeting?" sabi ni Atlas.

"Hindi sila kikilos hanggat wala ang isa sa atin. Kaya aalis muna ako, may time ka pa para pag-aralan ang ginagawa ni Autumn sa hotel." sabi ni Chhaya.

"Kailan ka babalik?" sabi ni Atlas.

"Basta, pagdating ko may solusyon na ako." nakangiting sabi ni Chhaya.

"Okay, mag-ingat ka." sabi ni Atlas.

...............

Cheung Hospital

"Sigurado ka?" tanong ni Chhaya sa kausap.

"Oo, hindi na siya makakahalata." sabi ng lalaki sa kabilang linya.

"Nasaan siya?" sabi ni Chhaya.

"Sa Manila." sabi ng lalaki.

"Okay ako ng kukuha." sabi ni Chhaya.

"Sige, mukhang wala naman magiging conflict dahil mukhanng may tinataguan din iyong batang babae." sabi ng lalaki kay Chhaya.

"Mabuti. Luluwas ako, at ako ang magbabantay." nakangising sabi ni Chhaya.

...............

El Casa

"Si Chhaya?" tanong ni Autumn kay Jessie.

"Hindi ko pa po nakikita," sagot ni Jessie.

Napakunot ang noo ni Autumn, ilang buwan na sila nagsasama ni Chhaya at sa bilis ng mga buwan hindi na niya namalayan kahit ang pagdagdag ng edad nila.

"Tawagan mo." sabi ni Autumn.

"Okay Sir." sabi ni Jessie.

Paggising kanina ni Autumn wala na si Chhaya kaya nagtaka siya, naroroon pa naman ang mga damit nito kaya imposibleng aalis ito agad.

"Sir, hindi po makontak ang number ni Maam." sabi ni Jessie.

"Ganoon ba." sabi ni Autumn na napaisip.

"Asar. Anong gagawin mo ngayon?" sabi ni Autumn sa isip.

.....................

St Therese University

"Hi Kuya Ash." nakangiting sabi ni Elle habang kasama nito si Wine.

Napatingin si Ash sa kapatid at sa nobyo nito na hindi na yata halos naghihiwalay ang dalawa.

"Saan ka nanggaling?" tanong ni Ash kay Elle.

"Sa canteen kumain kami ni Wine. Ikaw kumain ka na ba?" tanong ni Elle na madalas tumambay ang kapatid sa park at nag-iisa lang naman ito lagi.

"Oo." sabi ni Ash.

"May problema ka ba?" tanong ni Elle.

"Wala." sabi ni Ash pero kung tutuusin bilang niya ang buwan at kung tama siya ngayong buwan ang kabuwanan ni Diez kung nabuntis nga niya ito.

"Mukhang meron. Babae ba?" tanong ni Elle.

Napatingin si Ash kay Elle, at napabuntung hininga ito.

"Aiissst, ilang buwan na ako hindi mapakali. May naikama kasi akong kinse anyos." pagtatapat ni Ash na ikinatingin nila Wine at Elle ssa isa't isa.

"Talaga?" gulat na sabi ni Wine.

"Aiissst, asar hindi ko alam na kinse pa lang iyon. Kung alam ko lang hindi ko na kinama." sabi ni Ash

"Puntahan mo." sabi ni Elle.

"Hindi ko nga mahanap." sabi ni Ash.

"Hindi mo mahanap sa isla?" tanong ni Wine.

"Hindi, paano ko siya mahahanap hindi ko rin alam ang totoong pangalan niya." sabi ni Ash.

"Saan mo ba siya nakilala? Or saan mo siya nakama?" tanong ni Elle

"Elle." saway ni Wine sa paraan ng tanong ni Elle.

Napangiti si Elle kay Wine at nagsalita ito.

"Kailangan kapag naghahanap, tingnan ang ugat kung saan mo siya una nakita, at nagawan ng kakaiba." sabi ni Elle.

"Sa bar, si Diez." sabi ni Ash na ikinagulat nila Elle at Wine.

"Si Diez? KInse lang iyon?" di makapaniwalang tanong ni Elle.

"Oo. At hindi ko alam kung tinatago siya ni kuya." sabi ni Ash.

"Baka naman kasi wala siya sa isla." sabi ni Elle.

Napatingin si Ash kay Elle at napaisip ito.

"Puwede di ba? Kasi kung nabuntis mo nga iyong babae at hindi mo makita at naghihinala ka na itinago nga siya ni kuya baka nga wala siya dito.

Kasi tingnan mo kuya, kapag nalaman ni Papa na nakbuntis ka nga at sa isang entertainer pa na kinse anyos. Hindi lang ikaw ang lagot pati si Kuya. Kaya tingin ko wala siya dito sa isla nasa lugar siya na malayo sayo." sabi ni Elle.

"Saan naman kaya?" sabi ni Ash.

"Manila." sabi ni Wine.

"Manila?" sabi ni Ash.

"Oo, doon lang naman ang malayo at puwede, kung si Autumn nga ang nagtago." sabi ni Wine.

"Saan ko hahanapin iyon sa laki ng Manila?" sabi ni Ash.

"Huwag mo ng hanapin, makikita mo rin 'yon. Tingnan mo sila Ate at Kuya nakita ni Papa." natawang sabi ni Elle na ikinatingin ni Wine at Ash kay Elle.

"Hahaha, aissst, hayaan mo na lang siya. Tutal darating ang araw na makikita mo rin ang bata kung nabuntis mo talaga si Diez. Mag-enjoy ka muna, kasi kapag nalaman ni Papa ang kalokohan mo. Lagot ka." sabi ni Elle.

"Aiissst! ikaw nga lagi kayo magkasama ni Wine at baka may ginagawa na kayo." sabi ni Ash na ikinapula ng mukha ni Elle.

"Wala ah. Good girl ako." sabi ni Elle sabay yakap kay Wine

"Good boy ako." natawang sabi ni Wine na ikinatawa ni Elle at Wine.

"Aiissst, makaalis na nga at kapag nagbunga nga ang ginawa ko, nanakawin ko ang bata at itatago ko sa lahat." sabi ni Ash.

"Hahaha, sana girl para pambayad utang." natawang sabi ni Elle na nakuhang mag peace sign ng tingnan ito ng masama ni Ash.

"Tatay na si Ash, langya naunahan mo pa ang kuya mong trenta y uno. Kaka dise syete mo pa lang. Tsk tsk tsk. Lagot ka sa papa mo." naiiling na sabi ni Wine.

.................

June 7, 2021 9.16am
FifthStreet1883

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top