Kabanata 54 : The end of a King
AUTHOR'S NOTE
Respect kung ayaw niyo po huwag niyo basahin 🙂
✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️
Months later
"Buntis ako, Mama." sabi ni Winter sa magulang ng bumisita ito sa isla Traquilo.
"Mabuti naman." sabi ni Ellie.
"Ang akala namin maghihintay pa kami ng isang buong taon bago mo kami bigyan ng apo." sabi ni Orion kay Winter.
Pero lihim ni Orion tinitingnan si Atlas mula sa malayo na nakamasid lamang sa kanila.
"Papa, mama." sabi ni Winter.
"Ano iyon anak?" sabi ni Ellie.
"Pupunta kami ng ibang bansa ni Damian, at doon ako manganganak." sabi ni Winter.
"Saang bansa?" tanong ni Ellie.
"Mama, si Damian kasi ang nakakaalam. Huwag kayo mag-alala, babalik kami." sabi ni Winter kay Orion at Ellie.
Nakatingin lamang si Atlas, mula ng nasaktan ni Autumn si Winter. Lumungkot ang awra ni Winter, nanatili itong tahimik at nawala ang pagiging masayahin nito.
"Okay ka lang ba anak?" sabi ni Ellie kay Winter.
"Opo mama." sabi ni Winter.
"Natawagan mo na ba ang kuya mo?" tanong ni Ellie.
"Hindi pa po." sabi ni Winter.
"Subukan mong tawagan habang nandito pa siya sa bansa." sabi ni Ellie.
"Opo mama." sabi ni Winter.
"Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Orion kay Winter.
"Hindi po Papa baka sa paglilihi ko." mahinang sabi ni Winter.
Napatingin si Ellie kay Orion, mula ng masaktan ni Autumn ang kakambal nitong si Winter hindi pa nag-uusap ang dalawa. Isama pa na hindi lumalabas ng bahay si Winter na ipinagtataka nila.
"Sige, basta tumawag ka lagi." sabi ni Ellie.
"Opo, mama sa next month pa naman po ang alis naming." sabi ni Winter kay Ellie.
.................
Highway
Kinabukasan
"Lolo saan tayo pupunta?" tanong ni Run kay Ralph habang sakay sila ng van.
"Buntis ang ate mo at ngayon ko ibibigay ang kontrata kay Atlas. Ngayon ang katapusan ng kontrata niya bilang bodyguard." sabi ni Ralph.
"Hindi pa naisisilang ang sanggol, lolo." sabi ni Run.
"Okay lang iyon." mahinang sabi ni Ralph.
Napatingin si Run kay Ralph, mula ng masaktan ni Autumn si Winter hindi pa ito nakikipag-usap sa kambal o kung tutuusin sa pamilya niya.
"Lolo, okay ka lang po ba?" tanong ni Run kay Ralph.
"Oo." pilit nangiting sabi ni Ralph.
"Nagsisisi ka ba? At naging saksi ka sa kasal ni Atlas at Chhaya na naging sanhi ng pananakit ni Kuya kay Ate Winter." sabi ni Run.
"Hindi." sabi ni Ralph.
"Lolo, ano po ang nasa isip niyo?" tanong ni Run.
"Kapag nawala ako, magiging okay ang lahat." sabi ni Ralph kay Run.
"Lolo." sabi ni Run.
"Wala akong pinagsisisihan sa mga ginawa ko." sabi ni Ralph na ikinatingin ni Menchie sa asawa.
"Kapag nawala ka, hindi ka mabubura dahil nandito ako para ipaunawa sa lahat ang ginawa mo" sabi ni Run.
"Sir yuko." sigaw ng driver ni Ralph na ikinasigaw ni Menchie ng may magpaputok ng baril.
Napatingin si Run kay Ralph at Menchie ng payukuin sila ng bodyguard na kasama nila. Tatlong bodyguard at isang driver ang bitbit nila at ang daan na tinatahak nila ay hindi niya makita dahil madilim na ang daan.
"Ihinto niyo." sabi ni Ralph.
"Sir, hindi puwede."s abi ng bodyguard ni Ralph.
"Si Run." sabi ni Ralph na halatang hirap ito magsalita dala ng katandaan.
"Sir." sabi ng bodyguard
"Itakas niyo si Run." sabi ni Ralph.
Kumilos ang isang bodyguard at binuksan ang van saka nito niyakap si Run at tumalon mula sa van.
"Ralph, anong nangyayari?" tanong ni Menchie kay Ralph.
Tumingin si Ralph kay Menchie at napangiti ito. May naririnig silang mga putok ng baril sa labas ng van.
"Hindi ko rin alam, pero kung ito ang katapusan natin. Salamat Menchie." sabi ni Ralph na ikinaluha ni Menchie.
"Ralph." lumuluhang sabi ni Menchie at niyakap nito si Ralph.
"Sir." sabi ng isang bodyguard at niyakap nito sila Ralph at Menchie habang pinapuputukan ng bala ang sasakyan ng mga ito.
.......................
Ellie's Cottage
Hours later
"Si lolo Ralph at lola Menchie." namumutlang sabi ni Ellie ng makatanggap ng tawag mula Hospital.
"Mama." sabi ni Elle sa ina ng makitang namumutla ito.
"Anong nangyayari?" tanong ni Rod sa anak.
"Dady, tinambangan ang van nila lolo. Patay na sila ni lola." umiiyak na sabi ni Ellie na ikinatulos sa kinatatayuan nila Rod at Ella.
Samantalang nagulat ang lahat sa narinig. Nasa family dinner date sila ng gabing iyon at hinihintay na lamang ang matatandang Cheung at si Run na kasama ng mga ito.
"Si Run?" sabi ni Orion kay Ellie.
"Orion," humagolhol na sabi ni Ellie na hindi na makapagsalita sa nalamang balita.
"Sandali lang," sabi ni SatA.
Tumayo ito at tinawagan ang mga pulis para alamin ang insidente. Nakatingin lamang ang lahat habang walang tigil sa pag-iyak ang mga babae sa pamilya ni Rod.
"Anong nangyari?" umiiyak na sabi ni Isaiah kay SatA ng ilang minuto rin kausap ni SatA ang mga pulis na nagresponde sa insidente.
"Saktong napadaan sila sa kuta ng mga rebelde na papuslit paalis ng Paradiso. Nabulabog ang mga ito kaya pinaputukan sila." sabi ni SatA kay Isaiah.
"Si Run?" tanong ni Isaiah.
"Sunog na katawan ng bata ang nakita sa di kalayuan ng insidente kasama ng bodyguard na sunog din ang katawan." sabi ni SatA na hindi makapaniwala sa bilis ng pangyayari.
"Si Run." sabi ni Ella at nahimatay ito sa sobrang tensyon na naramadaman.
"Momy!" sigaw ni Ice na agad dinaluhan ang ina.
........................
Isla Traquilo Boundary
"Sino ang kausap mo?" tanong ni Winter kay Damian.
Papunta pa lamang sila sa cottage ni Ellie ng maulinigan ni Winter ang ingay sa kabilang linya na kausap ni Damian.
"Wala." sabi ni Damian.
"Bakit maingay?" tanong ni Winter.
"Nasa kalsada kasi sila at nagmamaneho." sabi ni Damian.
"Damian, may problema ba?" tanong ni Winter.
"Wala." sabi ni Damian.
Napatitig si Winter kay Damian at nakita niya ang sumungaw na luha sa mga mata nito na pinipigilan lamang ng asawa na umalpas.
"Damian, meron." sabi ni Winter.
"Sabi ng wala." napasigaw na sabi ni Damian.
"Okay." mahinang sabi ni Winter.
"Sorry," sabi ni Damian ng makitang natakot si Winter.
........................
Cheung Hospital
"Si Run nga ang bata, positive." sabi ni Martein ng i-autopsy ang bangkay ng batang sunog.
"Runnn!" sigaw ni Orion.
Nagulat ang lahat at hindi makapaniwala sa bilis ng pangyayari. Habang nakatingin lang si Autumn na tila wala rin ito sa sarili.
"Wala na si kuya Run?" umiiyak na sabi ni Elle sa lahat.
"Wala na baby." sabi ni Ellie na ikinaiyak ni Elle ng malakas.
"Ano bang nangyayari?" tanong ni Ellie sa sarili na tila bumagsak ang lahat ng biglaan.
"Wala na si Run." di makapaniwalang sabi ni Ash na sa isang iglap sila na lang ni Elle.
..................
Morque
"Mama." umiiyak na sabi ni Winter ng malaman ang nangyari.
Kararating lang nila sa morque ni Damian na hindi rin umiimik kanina pa.
"Winter." sabi ni Ellie at niyakap nito ang anak.
"Hindi na nakita ni lolo ang anak namin ni Damian." umiiyak na sabi ni Winter na ikinatingin ni Damian sa asawa.
"Anak." sabi ni Ellie.
"Sabi ko makikita niya pa ang anak namin, ng lalaking pinili niya para sa akin." umiiyak na sabi ni Winter.
"Huwag kang umiyak, makakasama sayo." nag-aalalang sabi ni Ellie sa anak pero napakunot noo nito ng mahawakan ang kamay ni Winter.
"Mama," sabi ni Winter sabay kuha sa kamay niya kay Ellie.
"Condolence." sabi ni Damian ng tingnan ito ni Ellie.
Tumango lang si Ellie kay Damian. Samantalang napatingin si Winter kay Autumn, nakatingin lang ito sa morque ng hospital. Tahimik ito at nakasuot ng shades kaya alam ni Winter na umiiyak ito.
"Huwag mo munang lapitan." sabi ni Orion kay Winter ng makitang tila nagtatangkang lumapit si Winter sa kakambal.
"Si Run?" napasigok na sabi ni Winter.
"Cremation ang ginawa sa labi niya." sabi ni Ellie na kanina pa niya pinipigilan humagolhol para sa mga anak.
"Nasaan siya?" biglang tanong ni Damian na ikinatingin ni Winter sa asawa.
"Inaayos pa ang lahat." sabi ni Ellie.
"Okay." sabi ni Damian.
Napatitig si Winter sa asawa, kanina pa tahimik si Damian at pakiramdam niya hindi ito ang asawa niya.
........................
Cheung Mausoleum
Days later
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Orion kay Atlas ng makita ito sa libing.
"Lolo ko siya, kaya may karapatan din ako." sabi ni Atlas.
"Wala kang Karapatan." sabi ni Rod kay Atlas.
"Umalis ka muna." sabi ni Rico kay Atlas.
"Okay." sabi ni Atlas.
"Nakita ko na, at kinuha mo talaga." sabi ni Rico kay Atlas.
Napalunok si Atlas, alam niya ang sinasabi ni Rico na marahil nabasa na nito ang kontrata sa Cheung Hotel na mapupunta na sa kanya.
"Kayo ni Chhaya. Pinalano niyo." sabi ni Rod kay Atlas.
Napatingin si SatA kay Atlas at napailing ito sa pailalim na ginawa ng binata.
"Kinuha ko lang ang dapat na para sa akin." sabi ni Atlas.
"Ibibigay namin sayo... sa inyo." sabi ni Rico na bakas ang galit at lungkot sa mukha nito.
"Salamat." sabi ni Atlas at tinalikuran nito sila Rico at Rod.
"Masaya ka na?" tanong ni Winter kay Atlas ng madaanan siya nito
"Hindi." sabi ni Atlas kay Winter.
"....pero para sayo magiging masaya ako." sabi ni Atlas.
"Nasaan si Cha?" tanong ni Winter.
"Nasa bahay." sabi ni Atlas.
"Ang galing niya at bilib na ako sa kanya." mapanuyang sabi ni Winter.
"Winter, halika na." sabi ni Damian at nilayo nito ang asawa kay Atlas.
Napatingin si Atlas kay Autumn nakatitig lang ito sa kanya at wala itong anumang reaksyon sa mukha.
"Pinatay mo si Kuya Run para makuha mo ang lahat ng mana niya." biglang sabi ni Elle kay Atlas na ikinatingin ng lahat kay Elle.
"Elle, anak. Halika na." sabi ni Ellie.
"Ibalik mo ang kuya ko." umiiyak na sigaw ni Elle kay Atlas.
"Anak, hindi siya ang may gawa kung bakit namatay si Run." sabi ni Ellie sabay yakap kay Elle at inilayo ito kay Atlas.
.......
Days later
"Mama,Papa, aalis na po kami." sabi ni Ash kay Ellie at Orion.
Nauna ng umalis si Winter papuntang America kasama ang asawa nitong si Damian kung saan ito manganganak.
At ngayon naman ang alis nila Autumn, Ash at Elle kung saan kasama ng mga ito si Rico papuntang America.
Biglaan ang alis ng magkakapatid at iyon ang napagdesisyunan ng nakakatandang Cheung ngayon na sila Rico at Rod.
Dahil ang kambal ni Ralph Cheung ang siyang nag-aayos sa naiwan pa ni Ralph.
"Mag iingat kayo." sabi ni Ellie.
"Mamimiss kita Mama." naluluhang sabi ni Elle.
"Kung hindi lang ako alkalde sasama ako." napaluhang sabi ni Ellie sa mga anak.
"Mama, okay na po. Kaya namin." sabi ni Ash.
"Okay. Alagaan mo ang mga kapatid mo." sabi ni Ellie kay Ash.
"Opo mama." sabi ni Ash.
Samantalang mula ng mamatay si Ralph, nag iba lalo si Autumn. Tahimik na ito lalo na tila may iniisip na ikinakakatakot ni Ellie para sa anak.
Tiningnan ni Orion si Autumn at nilapitan ito.
"Kalimutan mo siya. May nawala at may darating." sabi ni Orion na ikinatango lang ni Autumn.
"Halika na kayo." sabi ni Rico sa tatlong apo.
"Mama, Papa babay." umiiyak na sabi ni Elle.
"See you soon." nakangiting sabi ni Ellie na pinipigilan lumuha.
May 12, 2021 11.57pm
FifthStreet1883
Good night
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top