Kabanata 53 : Siblings
St Therese University
"Papa." sabi ni Ash ng makita si Orion sa admin.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Orion kay Ash.
"Kumain pa kami." sabi ni Ash sabay tingin sa mga kapatid.
"Opo." sabi ni Elle na siya unang sumalo kay Ash.
"Okay. Tsinek ko lang kayo." sabi ni Orion habang nakatingin sa triplets at sa mga batang kasama nito.
"Okay." sabi ni Ash.
"Bakit kayo magkakasama? Wala ba kayong mga pasok?" tanong ni Orion sa mga highschool na kasama ng triplets na sila Wine.
"Sinamahan lang po namin sila." sabi ni Shadow
"Nakita kasi namin si Ion na tinawag po si Ash kaya sumunod kami." sabi ni Wine.
"Huh! Ayos, samahan na walang iwanan." nakangising sabi ni Orion sa mga batang nasa harap niya.
"Siyempre naman Papa." sabi ni Ash kay Orion.
"Bumalik na kayo sa mga classroom niyo." sabi ni Orion.
"Okay Papa." nakangiting sabi ni Ash.
"Halika na kayo." sabi ni Ash sa mga kasama.
"Papa kiss." sabi ni Elle kay Orion.
Kinarga ni Orion si Elle na ikinatingin ng grupo dito.
"Mag-behave ha." masuyong sabi ni Orion kay Elle.
"Opo." sabi ni Elle sabay halik sa lips ni Orion at niyakap ito.
"...I love you Papa." malambing na sabi ni Elle.
"Ang sweet naman." sabi ng mga empleyado sa Admin ng makita ang ginawa ni Elle na ikinangiti ni Orion.
.....................
Orion's Cave House
"Kuya." sabi ni Winter ng bisitahin nito ang kakambal sa Cave House ng Araw na iyon.
Tumakas lang si Winter kay Damian, dahil ayaw siya nito payagan. At kahit si Atlas hindi siya napansin umalis, dahil kapag nandoon naman si Damian sa bahay nila. Hindi siya nilalapitan o tinitingnan masyado ni Atlas.
"Kamusta?" sabi ni Autumn ng makita si Winter na bumungad sa kuwarto niya.
"Ikaw? Kamusta?" naluluhang sabi ni Winter ng makita si Autumn sa kalagayan nito.
Nakaupo si Autumn, sa kama nito. Makalat ang kuwarto ng binata, nagkalat ang mga libro at mga damit nito. Halatang wala ngang pumapasok doon para maglinis, sa takot sa kapatid niya na kung titingnan para nga itong nababaliw.
Nangayayat ito at ilang linggong hindi ito lumalabas ng bahay na iyon, mahaba na ang buhok at may bigote na rin ito.
"Si Chhaya? Nakita mo ba?" tanong ni Autumn.
"Kuya, hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin sayo." nahihirapang sabi ni Winter.
Si Autumn ang lakas niya mula ng bata sila. Lumaki silang dalawa ni Autumn na magkasangga sa lahat ng problema. Malakas ito mag-isip, matibay ang loob at mabilis ito mag desisyon sa lahat ng bagay.
Pero nawala iyon ngayon, ibang Autumn ang nakikita ni Winter, talunan ito ng dahil sa babaeng ginawa nitong reyna na nang-iwan dito.
"Ano iyon?" sabi ni Autumn kay Winter.
"Si Cha kasi." sabi ni Winter.
Umupo si Winter katabi ni Autumn at tinitigan ito.
"Nakita mo na siya?" nakangiting sabi ni Autumn na tila nabuhayan ito ng loob.
"Kuya..." nahihirapang sabi ni Winter.
"Ano nga?" sabi ni Autumn.
"Kuya." sabi ni Winter sabay yakap kay Autumn.
"Ano?" sabi ni Autumn.
"Kasal na si Cha, nagpakasal na siya sa iba." umiiyak na sabi ni Winter na tila siya ang lubos na nasaktan sa sinabi niya,
Kumawala ng yakap si Autumn kay Winter at tinitigan ang kakambal.
Naluha lalo si Winter ng makita ang ibang Autumn, para itong nababaliw na hindi mo alam kung tatawa, iiyak, na di makapaniwala. Iba't ibang reaksyon bumalatay sa mukha ni Autumn.
"Ku...kuya.." napaiyak na sabi ni Winter.
Hindi sanay si Winter sa ganoong Autumn, kaya tila sumakit ang dibdib niya ng makita ang kapatid na naging sandalan at lakas niya mula ng bata siya.
"Huwag kang magbiro ng ganyan. Magagalit si Kuya." nakangiting sabi ni Autumn at hinaplos nito ang mukha ni Winter.
Nakuha pa ni Autumn na punasan ang luha na lumalandas sa pisnge ni Winter.
"Kuya Autumn." napahagulhol na sabi ni Winter at mahigpit nitong niyakap si Autumn.
"Nagbibiro ka lang di ba? Nandiyan na ba si Chhaya? Kasabwat mo ba siya sa birong ito?" sabi ni Autumn.
"Kuya." sabi ni Winter na hindi na niya alam ang sasabihin.
"Aalis tayo at pupuntahan natin siya." sabi ni Autumn.
"Kuya, gumising ka naman. Nagpakasal na si Chhaya kay.... Kay Atlas." sabi ni Winter na ikinatalim ng mata ni Autumn.
Natakot si Winter kaya napatayo siya at napaatras sa takot kay Autumn.
"Huwag kang magbibiro, wala ako sa mood." seryosong sabi ni Autumn kay Winter.
"Si Cha ang pinakasalan ni Atlas, at kinompirma iyon ni Atlas sa akin kaharap si Damian." umiiyak na sabi ni Winter.
"Bullshit! Ang sabi ko huwag kang magbibiro." galit na sigaw ni Autumn at isang malakas ng sampal ang binigay nito kay Winter na ikinabuwal ni Winter.
"Ah!" malakas na sigaw ni Winter sa sakit na dumapo sa pisnge niya sa unang pagkakataon sinaktan siya ni Autumn.
"Ku..kuya." nanghihinang sa takot na sabi ni Winter bago ito nawalan ng malay na ikinagulat ni Autumn ng tumama pa ang ulo ni Winter sa dulo ng kama niya.
"Oh Shit! Winter!!!!!" malakas na sigaw ni Autumn at dinaluhan nito si Winter ng dumugo ang ulo at namula ang pisnge nito sa pananakit na ginawa.
"P*ta*g*#@!" sigaw ni Autumn
..............
"Si Kuya iyon. Takot." umiiyak na sabi ni Elle sabay yakap kay Run.
Kauuwi lang ng triplets galing University ng araw na iyon ng marinig ang sigaw ni Autumn mula sa kuwarto nito.
"Hawakan mo si Elle." sabi ni Run kay Ash na nagulat din sa malakas na sigaw ni Autumn
Nagmamadali si Run umakyat ng hagdan, habang yakap ni Ash ang bunsong kapatid na naginginig sa takot at humihikbi na ito.
"Tahan na." sabi ni Ash at niyakap nito si Elle.
Wala pa ang magulang nila, at naisipan nilang tatlo na sa Cave House magpahatid sa driver at hindi sa cottage ng mama nila. Dahil balak nila bisitahin si Autumn.
..................
"Kuya." sabi ni Run ng makita nito ang itsura ni Autumn na ilang linggo din niya hindi nakita. Hawak nito si Winter na dumdugo ang ulo at namumula ang pisnge.
"Hindi ko sinasadya, nagbiro kasi siya." tila nababaliw na sabi ni Autumn.
"Kuya." sabi ni Run na agad pumunta ng banyo at binasa ang panyo saka si Run nagmamadali itapal sa pisnge ni Winter.
Hinubad ni Run ang uniform niyang polo at inilapat ito sa ulo ni Winter.
"Dalhin natin siya sa hospital." sabi ni Run.
"Nagbiro siya Run. Ang sabi niya kasal na si Chhaya at Atlas. Ang pangit na biro di ba?" umiiyak na sabi ni Autumn.
Napatingin si Run kay Autumn at napalunok siya dahil kahit umiiyak ito matalim ang mga mat ani Autumn na tila iba ang sinasabi nito, sa nararamdaman at iniisip ng panganay na kapatid.
"Kuya!" sigaw ni Run kay Autumn at napahawak si Run sa ulo nito.
...................
"Papa!" sigaw na umiiyak ni Elle ng salubungin nito si Orion.
"Bakit kayo dito dumeretso?" sabi ni Orion kay Ash at Elle.
"Gusto namin bisitahin si Kuya." sabi ni Ash na halatang natutulala pa ito.
"Si Autumn." sabi ni Ellie at nagmamadali itong pumunta sa taas ng bahay.
Tiningnan ni Orion si Elle na umiiyak ng malakas, sa takot. Samantalang si Ash na nakatingin lang sa taas ng bahay na tila naguguluhan ito.
"Orion!" sigaw ni Ellie na ikinatingin ni Orion sa ikalawang palapag ng bahay niya.
Nagmamadali sila Orion at Ellie, nagtungo sa Cave House ng sabihin ni Glenn na doon nagpahatid ang triplets. Kahit sinabi ni Orion kay Glenn na huwag doon papuntahin ang triplets, wala nagawa si Glenn ng umiyak ng malakas at nagwala si Elle sa kotse kasabay ng pag-iingay nila Ash at Run. Kaya para matigil ang tatlo dinala ito ni Glenn sa Cave House.
Ang balak lang daw ni Glenn ay sa labas lang ang mga ito ng bahay, para hintayin sila ni Ellie kaso nagsibabaan at nagtakbuhan ang triplets papasok sa bahay niya,
"Dito lang kayo." sabi ni Orion at tinawag nito ang katulong para bantayan sila Ash na nakatulala lang at si Elle na walang patid sa pag-iyak sa takot nito.
Nagmamadaling umakyat si Orion. Nang makaakyat si Orion nagulat ito ng duguan si Winter at walang malay na nakahandusay si Run, samantalang nakatitig lang si Autumn sa dalawang kapatid nito.
"Shit! Tumayo ka." sabi ni Orion at hinila nito si Autumn at sinuntok ito ng malakas na ikinabuwal ni Autumn at ikinasigaw ng malakas ni Ellie.
"Autumn!" sigaw ni Ellie at dinaluhan nito si Autumn.
"Bullshit! Autumn, babae lang iyon!
Matagal ko ng sinabi sayo, pera mo lang ang gusto ni Chhaya sayo.
Tingnan mo ang ginawa mo! Sinaktan mo ang mga kapatid mo para lang sa walang kuwentang babaeng iyon." galit na sigaw ni Orion.
Nilapitan ni Orion si Winter at Run na hindi alam kung sino ang uunahin niya. At napatingin muli si Orion kay Autumn.
"Gumising ka! Sinisira mo ang pamilya natin at sinisira ka ni Chhaya!" galit na sigaw ni Orion kay Autumn.
"Nagpakasal siya kay Atlas.... pero ako naghintay ako.
Niyaya ko siya magpakasal pero todo tanggi siya, pero si Atlas na hindi niya nobyo, pinakasalan niya! Bakit ganoon?" umiiyak na sabi ni Autumn na ikinaluha ni Ellie sa sakit na bumalatay sa mukha ni Autumn.
"Ganoon ang buhay, hindi lahat mapupunta sayo. Pero tandaan mo, kung magpapatalo ka....
....walang matitira sayo." sabi ni Orion kay Autumn.
"Mahal ko siya Papa. Hinintay ko siya.
Siya ang unang babaeng dumaan sa akin. Mahal ko siya Papa." umiiyak an sabi ni Autumn.
"Hindi ka niya mahal. Huwag kang hangal, nakikita mo ang ginawa mo. Paano kung buntis ang kapatid mo?... isa lang ang pinagkakaganyan mo. Pero sa ginagawa mo lahat ng ginto na hawak mo mawawala ng tuluyan ng dahil sa tansong babaeng iyon." sabi ni Orion kay Autumn.
"Papa." humagolhol na sabi ni Autumn.
"Hindi ka tanga, hindi ka mahina. Ipakita mo naman ngayon sa mga kapatid mo.
Kung sino iyong Autumn na nakilala ko sa unang paghaharap natin sa conference room. Ang batang sigurado sa sarili niya. Huwag mo naman kainin ka ng sarili mong kalungkutan." sabi ni Orion.
Nakatingin lang si Autumn sa mga kapatid at umiyak ito ng malakas.
"Sweetheart dalhin mo si Run ako na kay Winter. Sa Cheung Hospital tayo." sabi ni Orion.
Agad tumalima si Ellie at binuhat nito si Run at binuhat naman ni Orion si Winter. Bago lumabas ang mag-asawa binalingan muli ni Orion si Autumn.
"Kung ayaw mong tumayo at umayos sa kinalalagyan mo, kami ang aalis." sabi ni Orion at pinauna nito si Ellie lumabas saka ito lumabas karga si Winter.
Napatingin si Autumn sa pintuang nilabasan ng pamilya at sumigaw ito ng malakas.
"Chhyaaaaa!!!" sigaw ni Autumn.
"Takot ako kuya." umiiyak na sabi ni Elle sabay yakap kay Ash na kinakabahan din sa sigaw ni Autumn na pinagsamang lungkot at galit.
.........................
Cheung Hospital
"Okay na si Winter at Run." sabi ni Ellie ng makapunta na ito kay Orion sa private room kung nasaan si Winter at Run
"Bakit nahimatay si Run?" tanong ni Orion kay Ellie.
"Sabi ng doctor, dala ng takot." sabi ni Ellie.
"Si Winter? Kamusta?" tanong ni Orion.
"Okay siya." sabi ni Ellie.
"Buntis na ba siya?" tanong ni Orion.
"Hindi pa naman." sabi ni Ellie.
"Ilang buwan na sila kasal ni Damian, hindi pa sila nakakabuo?" tanong ni Orion.
"Baka hindi pa nila gusto." sabi ni Ellie.
Napatingin si Orion sa mga anak, nakatulog na sila Ash at Elle sa sofa. Samantalang nagpapahinga na sila Winter at si Run sa hospital bed ng mga ito.
"Kailangan muna umalis ni Autumn, delikado siya kapag hindi niya nalimutan ang babaeng iyon." sabi ni Orion.
Napatango lang si Ellie, hindi niya inaasahan na gagawin iyon ni Chhaya sa anak niya. Tinuring niya itong anak at hindi niya akalain na lolokohin nito si Autumn.
"Nakausap mo na ba si Lolo Ralph?" tanong ni Ellie kay Orion.
"Hindi pa." sabi ni Orion.
"Bakit niya ginawa kay Autumn iyon? SI Autumn ang apo na nakasama niya mula pagkabata nito." di makapaniwalang sabi ni Ellie.
"Ano ang kapalit?" sabi ni Orion.
"Kapalit?" sabi ni Ellie.
"May kapalit ang lahat kaya iyon ginawa ng lolo mo." sabi ni Orion.
......................
Cheung Hotel
Kinabukasan
Napatingin ang lahat ng nasa conference room ng bumungad sa pintuan si Autumn. Nagtaka ang mga ito dahil ibang Autumn ang nasa harapan nila. Humpak ang pisnge nito na tila ito adik, nangingitim ang mga mata, may beard stubble din ito.
"May kailangan ka?" tanong ni Matias kay Autumn.
Wala si Orion ng araw na iyon, si Orion ang tumatayong pangulo ng Cheung Hotel, dahil nasa hospital ito at nabalitaan ng grupo ang ginawa ni Autumn sa mga kapatid nito.
Pumasok si Autumn at dumeretso ito sa bakanteng upuan. Sumandal ito sa upuan at tumingin sa lahat.
"Mukhang hindi ka pa magaling, umuwi ka muna sa inyo." sabi ni Aquila sa pamangkin na si Autumn.
Tiningnan lang si Aquila ni Autumn na tila hindi siya naunawaan sa sinabi niya.
"Autumn, umuwi ka muna." sabi ni Rain sa pamangkin na nakatingin lang sa lahat.
Nagtinginan ang lahat sa ginagawa ni Autumn na pagmamasid, wala makapagsabi kung ano ang iniisip ng binata. Lutang ito na hindi nila malaman kung nakadroga ba ito.
"Umuwi ka na, at nakakaistorbo ka sa meeting." sabi ni Ice kay Autumn.
Tiningnan ni Autumn si Ice at wala pa rin ito sinasabi.
"Autumn." sabi ni Malic pero nagulat ang lahat ng tumawa si Autumn.
"Hahaha. Ikinasal ang anak mo na hindi mo alam." sabi ni Autumn kay Malic.
"Malaki na si Chhaya, at kung ano ang naging desisyon niya sa buhay, na sa kanya na iyon." sabi ni Malic.
"Tama ka. Malaki na siya kaya.... humanda siya." madiin na sabi ni Autumn.
Tumayo ito sa upuan at muling tiningnan ang lahat ng naroroon saka muli nagsalita.
"Magaling na ako." napaluhang sabi ni Autumn at iniwan nito ang lahat na naiwang tahimik lamang.
May 12, 2021 10.58pm
FifthStreet1883
Good night
Soon
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top