Kabanata 51 : Deal

Isla Traquilo
Days Later

Kanina pa pinagmamasdan ni Atlas si Winter mula sa malayo. Nasa garden si Winter habang nakatingin lamang sa cellphone nito na iniikot-ikot sa mesa.

Ilang araw na si Atlas sa bahay ni Damian, lumalabas ang mag-asawa pero ni minsan hindi siya kinausap ni Winter. Sweet ang mag-asawa sa harap niya at alam niyang masaya ang dalawa sa pagsasama ng mga ito.

Madalas nga ni Atlas mahuli ang mga ito na naglalambingan kahit saang parte ng bahay. Mabait at maalaga si Damian kay Winter, hinahandaan pa nga ito ng lalaki ng almusal at madalas na bigyan ng bulaklak.

Pero ngayon habang nakatitig si Atlas sa dalaga, may kakaiba siyang nararamdaman na tila may nangyayari pero hindi niya mawari kung ano. Sweet din kasi at maalaga si Winter kay Damian at nasa mata ng babae ang pagmamahal nito kay Damian kapag tinititigan ito ni Winter.

"Aisssst, bahala na." sabi ni Atlas sa sarili habang nakatitig kay Winter mula sa malayo.

Bawal si Atlas lumapit kay Winter, at mula ng tumuntong siya sa bahay na iyon kahit minsan hindi pa siya kinakausap ng Winter na tila okay lang naman sa babae.

"Wala naman si Damian, puwede naman sigurong lumapit." sabi ni Atlas sa sarili.

"Bawal iyan tingnan."

Napalingon si Atlas at napangiti ito ng makita si Yumi, ang katulong na naging kaibigan niya sa bahay na iyon. Matagal ng katulong ni Damian, anak si Yumi ng katiwala ng lalaki.

"Alam ko." sabi ni Atlas.

"Alam mo? Pero gusto mo lapitan?" tanong ni Yumi.

Tiningnan ni Atlas si Yumi nasa bente ang edad nito pero mature ang mukha na kung titingnan mo parang nasa bente singko na ito, maganda kung titingnan iyon nga lang siguro dala ng hirap maaga itong nag-mature sa buhay, kilos at pagsasalita.

"Sabi mo nga hindi puwede." sabi ni Atlas na napangiti sa sinabi ni Yumi.

"Dalhin mo ito sa kanya." sabi ni Yumi kay Atlas.

Napangisi si Atlas may hawak na meryenda si Yumi, na siyang dadalhin nito kay Winter.

"Puwede ba?" tanong ni Atlas.

"Oo naman. Hayaan mo wala naman magsusumbong sayo kasi ang mga tao dito ilag kay Sir.

At wala naman si Sir ngayon. Isama pa na, ikaw lang ang nakakapasok na lalaki sa loob ng bahay na ito kaya walang magsusumbong kung akala mo may sipsip." sabi ni Yumi kay Atlas.

"Okay." sabi ni Atlas at kinuha nito ang tray ng meryenda ni Winter.

"Hayaan mo nasa bukid si Sir at mamaya pa iyon darating kasi may meeting pa iyon sa minahan." sabi ni Yumi.

"Sige, salamat." sabi ni Atlas kay Yumi.

Napatingin si Atlas kay Winter na iniikot pa rin ang cellphone nito sa kamay na nasa mesa.

"Puntahan mo na." sabi ni Yumi. Alam ng dalaga na magpinsan sila Atlas at Winter dahil naka-uniporme ng pang bodyguard si Atlas na kulay light blue at may apelyedo iyon na Cheung.

Sinabi rin sa kanila ng binata na isa nga itong Cheung na kamag-anak ni Winter, kaya hindi na rin nagtaka ang mga katulong kung nakapasok si Atlas sa loob ng bahay ni Damian.

"Okay." sabi ni Atlas.

Napangiti ito kay Yumi at naglakad patungo kay Winter.

...................

"Aisssst, ang tagal naman niya." sabi ni Winter sa isip.

Nagpaalam si Damian sa kanya na pupunta sa bukirin at makikipag-meeting ito sa minahan na siyang negosyo ng asawa.

Napag-alaman niya muli sa asawa na maraming ginto ang isla Traquilo at dito yumaman si Damian. Nalaman din niya na maaga itong naulila ng mamatay sa car accident ang magulang nito. Nag-iisang anak, at ni minsan wala itong kamag-anak na kinilala.

Bukod doon wala na itong kinukuwento sa kanya. Kahit ang mga nakarelasyon nito tikom ang bibig ni Damian. Pero isa lang ang nasiguro ni Winter, siya lang ang babaeng dinala doon ni Damian at nag-iisang babaeng pinakasalan nito ayon na rin record ng asawa.

"Maam, meryenda." sabi ni Atlas na nagpaputol sa pagmumuni-muni ni Winter.

Napatingin si Winter sa binata, sa ilang araw na pamamalagi doon ngayon lang siya nilapitan at tinangkang kausapin ni Atllas. Ayaw din naman ni Winter na kausapin ito ng kusa dahil baka magselos si Damian na ayaw niyang mangyari.

"Salamat." sabi ni Winter kay Atlas.

"Ahhmmm." tikhim ni ni Atlas na ikinatitig ni Winter sa binata.

Napatitig si Atlas kay Winter, gumanda ito lalo ng nag-asawa ito. Mamula-mula ang kutis na halatang hiyang sa isla Traquilo at alaga ito ng asawa nitong si Damian. Mas lalo ngang sumeksi ang dalaga at naging seksi lalo ang mga isinusuot nito kaya mas lalo ni Atlas napansin ang hubog ng katawan ni Winter.

"Bakit?" sabi ni Winter kay Atlas.

"May problema ka?" sabi ni Atlas.

"Namimiss ko siya. Ang tagal niyang dumating." sabi ni Winter sabay ikot muli sa cellphone nito sa mesa.

"Ganoon ba?" sabi ni Atlas na nakaramdam ng inggit para kay Damian.

"Atlas." sabi ni Winter.

"Bakit Maam?" tanong ni Atlas.

"Kapag nabuntis ba ako, aalis ka na?" tanong ni Winter.

"Oo." sabi ni Atlas.

"Anong kapalit ng pagiging bodyguard mo sa akin?" tanong ni Winter, na isa sa iniisip niya kung paano napapayag ng lolo niya si Atlas maging bodyguard niya.

"Wala lang." sabi ni Atlas.

"Wala?" tanong ni Winter.

"Wala." sabi ni Atlas.

"Okay." sabi ni Winter.

"Kumain ka na." sabi ni Atlas sabay tingin sa puson ni Winter na palihim.

Isang buwan ng ikasal ang dalawa, at lagi ni Atlas palihim na tinitingnan o tsinetsek kung naglilihi na ang babaeng kaharap.

"Kailan ka ikakasal?" tanong ni Winter kay Atlas.

"Ha?" sabi ni Atlas.

"Sabi ni lolo ikakasal ka na? Kailan? May petsa na ba?" tanong ni Winter.

Tinitigan ni Atlas si Winter, tila wala lang sa babaeng kaharap na ikakasal na siya at masakit iyon para kay Atlas.

"Next month." sabi ni Atlas.

"Next month. Congrats. Imbitado ba ako?" nakangiting sabi ni Winter.

"Hindi, kasi mas gusto ko ako lang at ang mapapangasawa ko ang naroroon." sabi ni Atlas.

"Wala kang witness sa kasal mo?" tanong ni Winter.

"Ang lolo mo." sabi ni Atlas.

"Okay." sabi ni Winter sabay hawak ni Winter sa ulo niya at napapikit ito.

"May masakit ba sayo?" tanong ni Atlas kay Winter.

"Nahihilo lang ako. Madaling araw na kasi kami laging natutulog ni Damian." sabi ni Winter sabay iwas ng tingin kay Atlas.

"Ganoon ba." napabuntung hiningang sabi ni Atlas.

Hindi na nagsalita si Winter at uminom na lamang ito ng gatas na inilapag ni Atlas sa mesa nito.

"Aalis na ako, tawagin mo na lang ako kapag aalis tayo o kapag kailangan mo ako." sabi ni Atlas ng mapangisi ito sa huling sinabi.

"Hindi mo nga pala ako kailangan." sabi ni Atlas sa isip.

"Oo, salamat." sabi ni Winter kay Atlas.

......................

El Casa

"Ano ito?" tanong ni Autumn sa isip ng makita ang sulat sa ibabaw ng mesa niya.

Kararating lang niya sa El Casa ng araw na iyon ng mabungaran ang isang white envelope sa mesa niya. Binuksan iyon ni Autumn at nagulat siya ng mabasa ang nakalagay doon.

"Bakit siya nagresign?" sabi ni Autumn ng mabasa ang resignation letter ni Chhaya.

Nagpaalam ito sa kanya kahapon na may pupuntahan lang at mula pa kagabi, hindi na ito tumawag sa kanya.

Agad na kinuha ni Autumn ang cellphone para kontakin si Chhaya. Nagriring lang ang cellphone ng nobya kaya agad siyang lumabas ng opisina para puntahan ito sa factory house kung saan ito nakatira.

..................

Factory House

Minutes later

"Si Chhaya?" tanong ni Autumn ng saktong kalalabas lang ni Wine sa bahay ng mga ito.

"Si Ate? Umalis kanina pang alas sais ng umaga." sabi ni Wine.

"Saan daw siya pupunta?" tanong ni Autumn.

"Hindi ko alam. Wala naman siya sinabi." sabi ni Wine na nagtataka din kung bakit biglaang umalis si Chhaya.

"Nasaan ang tatay mo?" tanong ni Autumn.

"Nasa Cheung Hotel na." sabi ni Wine.

"Nanay mo?" sabi ni Autumn.

Akmang sasagot si Wine ng biglang lumabas si Venus na may dalang facetowel.

"Aiisssst, sabi ko huwag kang magpapatuyo ng pawis." sabi ni Venus sa anak sabay lagay ng towel sa likod nito.

"'nay hanap ka ni Autumn." sabi ni Wine sabay turo kay Autumn.

Napatingin si Venus kay Autumn at napangiti ito.

"Bakit?" nakangiting sabi ni Venus.

"Si Chhaya po? Saan nagpunta?" tanong ni Autumn.

"Si Chhaya? Ang paalam niya sa amin ng tatay niya. Magbabakasyon daw siya sa isang kaibigan. Tinanong nga ni Malic kung sinong kaibigan hindi sumagot. Pinagsabihan nga ni Malic pero mukhang wala lang." sabi ni Venus.

"May kausap po ba siya nitong mga nakaraang araw?" tanong ni Autumn

"Kausap? Alam mo naman ang batang iyon, tahimik lang kung di mo kakausapin.

O madalas alam mo naman na nasa Casa siya... wla siya dito sa bahay." sabi ni Venus.

"Okay, salamat po. Aalis na ako." sabi ni Autumn kay Venus.

"May problem ka ba?" tanong ni Venus kay Autumn na ikinahinto nito sa pagsakay ng kotse.

"Nag-resign siya at hindi siya nagpaalam ng personal." tiim bagang na sabi ni Autumn na ikinatitig ni Venus sa binata.

"Talaga? Wala siyang sinasabi sa amin. Minsan nga parang nangungupahan lang siya dito." malungkot na sabi ni Venus na ikinatitig ni Autumn kay Venus

Alam ni Autumn na di tulad ng mama niya, hindi masyado kinakausap ni Chhaya si Venus, mas nanay pa nga ang turing ni Chhaya kay Ellie kaysa kay Venus na asawa ng biological father ni Chhaya.

"Sorry po." napasabing saad ni Autumn na nakaramdam siya ng awa kay Venus lalo na ng halatang pinipigilan nito ngumiti.

"Nay nandito ako, may anak ka naman." sabi ni Wine sabay yakap kay Venus, na ikinangiti ni Venus.

"....at saka hindi ka pa nasanay kay Ate Cha. Ganoon talaga iyon." sabi ni Wine.

"Sabagay." sabi ni Venus.

"Sige po. Mauna na ako." sabi ni AUtumn

"Autumn." sabi ni Wine ng ikinahinto muli ni Autumn sa pagsakay.

"Bakit?" tanong ni Autumn at tinitigan nito si Wine na butas na naman ang damit nito at tig singkuwenta pesos lang yata ang tsinelas na suot nito.

"Nakita ko si Ate, may kausap siyang lalaki. May katandaan na....

.... siguro kasing edad ng Papa mo... parang ganoon." sabi ni Wine.

"Kailan mo nakita? Saan?" tanong ni Autumn.

"Sa Island mall ng minsan naglakad ako, at doon ako nagpahinga pauwi ng bahay. Last week lang yata, kinuha ko kasi ang card ko sa school." sabi ni Wine.

"Ganoon ba. Salamat sa impormasyon." sabi ni Autumn.

"Okay lang iyon basta huwag kang kokontra sa amin ni Elle. Mabait naman ako." sabi ni Wine na ikinangiti ni Venus at ikinatitig ni Autumn sa batang lalaki.

"Depende." sabi ni Autumn at pumasok na ito ng kotse nito.

...............

Atlas House

Ikalawang Bayan.

"Bakit ka nandito?" tanong ni Atlas ng makita si Chhaya sa labas ng bahay niya.

"Sakto ako sa pagdating mo." sabi ni Chhaya kay Atlas.

Day off ni Atlas ng araw na iyon, isama pa na naroroon naman si Damian at hindi aalis ng bahay at siguradong buong araw lang na nasa loob ng kuwarto ang mag-asawa.

"Anong sakto?" sabi ni Atlas na nagulat talaga siya at alam ni Chhaya ang bahay niya dahil kung tutuusin si Winter pa lamang ang dinala niya doon.

"Pumapayag na ako." sabi ni Chhaya.

"Na ano?" sabi ni Atlas.

"Magpakasal sayo." sabi ni Chhaya.

"Ano?" gulat na sabi ni Atlas kay Chhaya.

"Hindi mo ba ako papasukin?" tanong ni Chhaya ng nasa pintuan pa rin sila ni Atlas.

"Aiissst, pumasok tayo." sabi ni Atlas kay Chhaya.

Pumasok ang dalawa sa loob ng bahay at napangiti si Chhaya. May kalakihan ang bahay at kahit tago ang lugar na iyon masasabi mong malinis at payapa ang lugar.

"Ano naman naisipan mo at nagbago ang isip mo?" sabi ni Atlas.

"Aiissst, may problema ako." sabi ni Chhaya.

"Ano?" sabi ni Atlas.

"May natuklasan kasi ako." sabi ni Chhaya.

"Ano nga?" sabi ni Atlas.

Naupo si Chhaya sa sofa at tinitigan si Atlas. Guwapo ang binatang kaharap niya kung si Autumn tall dark and handsome... si Atlas ay maputi, matangkad at guwapo din. Kulay lang ang pinagkaiba ng dalawa...

"Aiisssst, meron pa pala silang pinagkaiba dahil si Autumn ipinanganak talagang mayaman, at si Atlas mahirpo at nakikihiram lang ng apelyedo." sabi ni Chhaya sa isip.

"Ano?" sabi ni Atlas.

Pinagmasdan ni Atlas si Chhaya, maganda ang babaeng kaharap niya at kung tutuusin nakakaakit nga ang ganda nito. Kahit hindi ito katangkaraan tulad ni Winter, maamo din ang mukha at malamyos ang boses na tila laging naglalambing. Minsan nga niya naging crush ito ng magkasama sila sa New York.

"Anak ako ni Ralph Cheung, nakita ko iyong larawan ni Mama at ni Ralph na naghahalikan." sabi ni Chhaya.

"Ano?" gulat na sabi ni Atlas.

"Atlas, kadugo ko si Autumn." sabi ni Chhaya.

"Baka nagkamali ka lang." sabi ni Atlas.

"Nakita ko iyong picture tapos may sulat ni Mama. Ang sabi doon may anak sila ni Ralph, ako lang naman ang anak ni Mama." sabi ni Chhaya.

Napatitig si Atlas kay Chhaya at napailing ito dahil sa biglaang rebelasyon na ito.

"Kaya ka ba magpapakasal sa akin? Dahil...

....Buntis ka ba?" deretsahang tanong ni Atlas.

"Uyyy, hindi." sabi ni Chhaya kay Atlas.

"Hahaha! Mabuti naman, kasi ayoko akuin ang anak ni Autumn." sabi ni Atlas na ikinailing ni Chhaya.

"Aissst, may nahanap ka na bang pakakasalan mo?" tanong ni Chhaya kay Atlas.

"Wala pa." sabi ni Atlas.

"Mabuti, ako na lang." sabi ni Chhaya.

"Hahaha, parang nagtataka ako at atat ka yata pakasalan ako." sabi ni Atlas kay Chhaya.

"Ikaw lang ang sagot ko para tigilan ako ni Autumn. At ito lang ang paraan para...

.... aissst, nakakadiri na ang pamangkin ko kinakatalik ko." sabi ni Chhaya.

"Hahaha, pamangkin din kita baka nalilimutan mo." sabi ni Atlas.

"Alam ko, pero ikaw alam kong hindi tayo mag-....

...alam mo na." sabi ni Chhaya.

"Anong balak mo? Magpatali sa akin habang buhay?" sabi ni Atlas.

"Hindi, kapag natanggap na ni Autumn na wala na kami, saka tayo maghiwalay." sabi ni Chhaya.

"Iyon lang ba?" tanong ni Atlas.

"Oo." sabi ni Chhaya.

"Parang hindi naman yata ako naniniwala." sabi ni Atlas.

"Bakit naman?" sabi ni chhaya.

"Nasa dugo natin dalawa ang dugo ni Kenneth at Lexa, kaya siguro iniisip ko na baka nabuhay na ang dugo nila sayo. Ang pagiging walanghiyang tao..." natawang sabi ni Atlas.

"Bakit sayo hindi pa ba?" tanong ni Chhaya.

"Matagal ko ng pinatay at inubos ang dugo nila sa akin." sabi ni Atlas.

"Imposible iyon." nakangising sabi ni Chhaya.

"Ano naman ang mapapala ko kapag inasawa kita?" sabi ni Atlas.

"Bakit ka pumayag na maging bodyguard ni Winter kahit alam mong may asawa na siya?" balik tanong ni Chhaya.

"Bakit kailangan mo malaman?" tanong ni Atlas.

"Dederetsuhin kita, may nagsabi sa akin na kapalit nun ay ang pagbibigay sayo ng ama ko ng Cheung Hotel. Alam natin dalawa na wala kang alam sa pagpapatakbo ng negosyo." sabi ni Chhaya.

"Bakit ikaw meron?" sarkastikong tanong ni Atlas.

"Oo naman, hindi naman ako basta-basta lang sumasama sa mga Cheung at Valiente na wala akong natututunan." sabi ni Chhaya.

"Hahaha, kaya ba. Gusto mo ituloy ang plano na magpakasal tayo dahil sa Hotel?" sarkastikong sabi ni Atlas.

"Hindi ako magsisinungaling sayo... pero OO." sabi ni Chhaya.

"Kung ayaw kitang pakasalan? Anong gagawin mo?" tanong ni Atlas.

"Pakakasalan mo ako, dahil tumatakbo ang oras mo. Alam kong may sakit si Run, at kapag hindi ka sumunod sa kondisyon ni Ralph Cheung, mababalik ang pamamahala nun kay Autumn o di naman kaya mapupunta iyon kay Winter na hahawakan ni Damian.

At mas lalong ayaw mo nun di ba?" sabi ni Chhaya.

"Paano ang galit ni Autumn sayo?" tanong ni Atlas.

"Kapag nalaman niya na anak ako ni Ralph, titigil din siya." sabi ni Chhaya.

"Hahaha, akala ko ba mahal mo siya?" sabi ni Atlas.

"Oo, pero kamag-anak ko siya at ayaw ko naman ng ganoon." sabi ni Chhaya.

"Hahaha, mukhang hindi iyon ang rason. Anong meron sa hotel?" tanong ni Atlas.

"Aiisssst, Atlas alam mong iyon ang gusto ni Mama. At dahil..." sabi ni Chhaya.

"Tatanungin kita paano kung kay Autumn ibigay, lulunukin mo ba ang pagiging magkamag-anak niyong dalawa?" tanong ni Atlas.

Napatingin si Chhaya kay Atlas at napangisi ito.

"Hindi ko alam, sa ngayon ang nasa isip ko ay tulungan ka at makuha ang Cheung Hotel. At sa pamamagitan mo makukuha ko rin ang Hotel na iyon, at matutupad ko ang pangako ko kay Mama." sabi ni Chhaya.

"Ang maging heredera ng mga Cheung?" mapanuyang sabi ni Atlas.

"Oo, tagapagmana ako. Pero mailap sa akin ang bagay na iyon dahil ayaw akong kilalanin ni Ralph dahil masisira siya sa lahat." sabi ni Chhaya.

"Okay, papayag ako magpakasal sayo." sabi ni Atlas.

"Salamat." sabi ni Chhaya.

"Sa isang kondisyon." sabi ni Atlas.

"Ano iyon?" tanong ni Chhaya.

"Oras na manganak si Winter at mapasaakin ang Cheung Hotel maghihiwalay tayo." sabi ni Atlas.

"Tapos?" sabi ni Chhaya.

"Bibigyan kita ng shares sa Cheung Hotel at madali naman ako matuto. At gagawin ko ang lahat para mapag-aaralan kong patakbuhin ang negosyong iyon...

.... at huwag kang mag-alala bibigyan kita ng mataas na posisyon sa naturang kompanya. Kapalit ng paghihiwalay ng mga landas natin." sabi ni Atlas.

"Okay, deal.' sabi ni Chhaya.

....................

May 12, 2021 1.13pm

FifthStreet1883

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top