Kabanata 5 : Tanso
Isla Verde
"Ano ng gagawin natin?" tanong ni Kim kau Muddy.
"Babalik tayo." sabi ni Muddy.
"Ayoko nga." sabi ni Kim.
"Isasauli ko lang ito." sabi ni Muddy.
"Naku! Baka pagdating natin doon may pulis na." sabi ni Kim.
"Hindi iyan." sabi ni Muddy.
"Basta ayoko." sabi ni Kim pero napangiti si Muddy dahil nagawa na ni Kim ilabas ang suklay nito at sinuklay ang buhok nito.
"Ayaw mo?" nakangiting sabi ni Muddy.
"Ayoko talaga. Nakakatakot 'no." sabi ni Kim habang nakuha pa nito kunin ang maliit na baby powder sa bag nito at nagpolbo pa ito.
"Hahaha. Bahala ka diyan." sabi ni Muddy.
"Hoy!" sabi ni Kim ng talikuran siya ni Muddy para maglakad pabalik sa site.
"Aiisssst, hindi mo ako magagawang iwan dito dahil nakakatakot. Baka tambangan din ako tulad ng nangyari sa matatandang Cheung." sabi ni Kim.
"Hahaha, secured ang lugar na ito tulad sa isla Traquilo." sabi ni Muddy.
"Hindi rin." sabi ni Kim sabay hawak sa braso ni Muddy.
"So sasama ka?" tanong ni Muddy.
"Siyempre." sabi ni Kim na ikinangiti ni Muddy.
"Halika na." natatawang sabi ni Muddy.
......................
Site
"Dash, ilipat mo kaya itong mga hollw blocks sa bandang gilid." sabi ni Francis kay Dash.
"Okay iyon lang pala." sabi ni Dash sabay buhat nito ang mga hollowblocks.
Napangiti si Francis, bata pa si Dash pero pinalabas nilang bente ang kaibigan para makapasok ito sa construction site na iyon. Masipag si Dash, katunayan kahit hindi nito trabaho ginagawa nito. Magaan nga ang loob ng mga kasamahan nila sa binata.
Magaling din kasi makisama si Dash, bukod dito mabait ang binata. Katunayan kapag sahuran nga nagpapakain ito ng mga bata sa park na nadadaanan nila kapag namamalengke sila.
Stay-in sila Francis at Dash sa site, kanang kamay si Francis kung saan ito ang may hawak ng mga laborers kung saan kabilang si Dash.
"Sandali, para yatang maimpis iyan bulsa mo sa likuran." sabi ni Francis ng mapansin na tila wala ang wallet ni Dash na madalas nitong pinapakita sa kanya kung saan tig iisandaan ang laman at tuwang tuwa na ang binata sa tig iisang daang piso na pera nito, na para sa kanila maliit lamang iyon.'
"Ninakawan ako." sabi ni Dash.
"Ninakawan? Nino?" sabi ni Francis.
"Noong dalawang estudyante na taga St Therese daw sila." sabi ni Dash.
Napatingin si Francis kay Dash, parang wala lang dito ang nangyari. Nakangiti pa ito na ugali na ng binata. Palangiti kasi si Dash isa sa dahilan na magaan sa loo bito kasama.
Kung papansinin nga ni Franicis mukhang anak mayaman si Dash pero nawawala ang pagdududa nila dahil magaling ito sa contruction site, mag-pala, magmartilyo, pagsesemento kahit nga pagpipintura at simpleng electrical problems alam nito.
"Kailan ka ninakawan?" tanong ni Francis.
"Kanina." sabi ni Dash na nakangiti pang tumingin kay Francis habang tagktak ang pawis ni Dash sa pagbubuhat ng ilang kilong sako ng semento sa balikat nito matapos igilid ang mga hollow blocks.
"Kanina? Lumabas ka?" tanong ni Francis.
"Sa gate pa lang. Bibili sana akong gulaman kaso may dalawang babae sa gate na papasok daw para mag-interview.
Pero hinanapan ko ng permit, wala naman naibigay kaya ayon nainis yata at ninakawan na lang ako" sabi ni Dash.
"Ipapulis mo baka nandito pa ang mga iyon." sabi ni Francis.
"Hahaha, hayaan mo sila. Ang tao nagnanakaw sa maraming dahilan, at nangunguha ng hindi sa kanila sa maraming rason.
Kung anuman ang dahilan o rason ng dalawang babaeng iyon. Maniwala ka, maiisip nila na mali ang ginawa nila at kusa silang babalik.
Hindi man ngayon, sa tamang panahon ibabalik ng lahat ang mga bagay na hindi sa kanila. O di kaya maibabalik ng bagay ang sarili niya sa kung sino ang tunay na nagmamay-ari sa kanya." nakangiting sabi ni Dash na ikinatitig ni Francis sa paraan ng pagsasalita nito.
"Okay." sabi na lamang ni Francis na minsan napapaisip siya na may laman ang sinasabi lagi ni Dash.
"Doon muna ako, magpapala ng lupa para malalim ang baun ng metal sa lupa at mas tumibay ang pundasyon ng gusaling ito." sabi ni Dash.
"Sige." sabi ni Francis.
Tumalikod si Dash at napangisi ito ng makita ang kalituhan sa mukha ni Francis.
Sa paglalakad ni Dash napangiti siya, ilang taon din siyang nasa isla Verde. At masaya siya sa naging buhay niya, malayo sa gulo, sa tensyon, at sa walang tigil na pag-aagawan ng mga bagay na sa kanya dapat.
"Ito ang buhay ko sa ngayon..... Babalik lang ako kapag nasa kamay na ng nararapat ang bagay na akin dapat." sabi ni Dash na napatingin pa sa asul na kalangitan saka ito napangiti.
.............
"Tao." sabi ni Muddy na kanina pa kumakatok sa gate ng construction site.
Napag-alaman nila ni Kim mula sa malaking banner ang magiging itsura ng isang mall ang ginagawa doon kapag nagawa na ito. Nabasa din nila ang petsa na nagsimula ito at kung kailan matatapos.
"Tao po." sabi ni Muddy.
"Wala yatang tao." sabi ni Kim kay Muddy.
"Hahaha, on going ang construction kaya malabo na walang tao. Baka sabihin mo busy na sila." sabi ni Muddy.
"Umuwi na kasi tayo." sabi ni Kim
"Kailangan ko makausap si Run." sabi ni Muddy.
"Paano kung may pagkakahawig lang talaga ang pirma nila ng Dash na iyan. At puwedeng mangyari iyon na kung tutuusin mga linya at guhit lang naman ang pirma niya." sabi ni Kim
Napatingin si Muddy kay Kim, may point naman ito dahil linya at guhit lang naman kasi ang pirma na may bilog sa sentro kahit nga letra walang nabuo sa pirma. Tila iyon pirma lamang ng batang nag-aaral pa lang pumirma at magsulat.
"Try lang natin, wala naman masama." sabi ni Muddy.
"Aissst." sabi ni Kim.
"Tao po." sabi ni Muddy.
Nang ilang sandali ng biglang may bumukas ng gate na sa yero lang naman ang pagkakayari.
"Bakit?" sabi ng lalaki na nagbukas ng gate.
Nagkatinginan sila Muddy at Kim dahil hindi na iyon ang lalaking nagbukas kanina ng gate. May kaliitan ang nagbukas, sunog ang balat at hindi kaguwapuhan.
"Nandiyan po ba si Dash?" sabi ni Muddy.
"Oo kaso busy, dahil oras ng trabaho." sabi ng lalaki.
"Nobya po siya ni Dash." biglang sabi ni Kim sabay turo kay Muddy na ikinagulat ni Muddy.
Tiningnan ng lalaki si Muddy, maliit lang ang babaeng tinuro ng babaeng nagsalita. Nakapusod ang buhok nito. Nakamaong na pantalon at simpleng t-shirt na binagayan ng tsinelas na sipit. Maganda naman ang mukha, katunayan parang sa manika ang mukha nito na may matang tila sa isang manika. Morena ang babae at parang Bombay nga ang itsura.
"Malabo." sabi ng lalaki na ikinatingin naman ni Muddy sa lalaki.
"Anong pong malabo?" tanong ni Muddy.
"May nobya si Dash at hindi ikaw ang tipo niya." sabi ni
"Ano po ba ang tipo ni Dash?" sabi ni Kim.
"Ang mga nagiging nobya ng lalaking iyon ay matangkad, may laman, mapuputi at maganda siyempre. Isa lang ang meron ang kasama mo... ganda." nakangiting sabi ng lalaki kay Kim.
"Ganoon?" sabi ni Kim.
Napalunok si Muddy, hindi naman kasi siya kaakit-akit sa mga lalaki. Maliit pa siya na kung tutuusin para lang siyang grade 6.
"Hindi naman talaga niya ako nobya. Palabiro lang itong kasama ko, kaibigan niya kami." sabi ni Muddy.
"Ah. Iyon kapani-paniwala." sabi ng lalaki.
"Puwede bang pumasok." sabi ni Muddy sa lalaki.
"Hindi eh.' sabi ng lalaki.
"Kuya, please naman mga ten minutes lang." sabi ni Muddy.
Tinitigan ni Muddy ang lalaki at napatitig ito sa kanya. Napangiti si Muddy isa sa natutunan niya ay ang magpakalma ng tao, maganda daw ang mata niya at siguro tama din ang iba marunong siyang maghipnotismo kaya nga madali siyang makakupit.
"Please, kuya." sabi ni Muddy habang ginagamitan niya ng titig ng mga mata ang lalaki.
Napatitig ang lalaki, hindi lang maganda ang mata ng babaeng kaharap niya tila iyon salamin na makikita ang sarili niya. Nakakaengganyo titigan ito na ayaw mo ng alisin ang titig sa kanya.
"Please." masuyong sabi ni Muddy na pinapungay pa lalo ang tantalizing eyes niya.
Napangiti naman si Kim, matagal na sila magkaibigan ni Muddy at alam na niya ang ugali nito. Kahinaan at kalakasan at isa ang pagtitig sa mata ng kausap ang kalakasan nito.
"Kuya, please." muling sabi ni Muddy.
"Sige." sabi ng lalaki.
Hindi pa rin tinatanggal ni Muddy ang titig sa lalaki hanggat hindi sila nakakapasok sa loob. Binuksan ng lalaki ang gate at agad pumasok ang dalawang dalagita.
Pagkasara ng gate, napangiti si Muddy at pinapungay pa nito ang mga mata.
"Salamat, kuya." malambing na sabi ni Muddy na ikinatango ng lalaki na tila na na hypnotize niya ito.
Tiningnan ni Muddy ang paligid, tipikal na construction site, maputik, malupa, madumi, mabato, may hukay at puro materyales.
"Ayon siya." sabi ng lalaki kay Muddy.
Tiningnan ni Muddy ang tinuro ng lalaki at napatitig si Muddy dahil hindi niya inaasahan na construction worker talaga ang Dash na ninakawan niya.
May buhat itong dalawang sakong semento, tagaktak ang pawis may facetowel sa ulo, basa ng pawis ang longsleeve nito na blue na uniporme ng site. Maputik na ang pantalon at bota nito. May helmet na suot at madumi na rin ang mukha ng lalaki.
"Dash." tawag ng lalaki kay Dash na ikinatingin ni Dash.
"Muddy magpipicture na ako habang may time." sabi ni Kim na agad kinuha ang cellphone at nagsimula magpicture sa site kung saan gagamitin ni Muddy ang larawan sa project nito.
Napakunot ang noo ni Dash sa dalawang babae ng bigla itong mapangisi ng makilala ang dalawa.
"Aissst, sabi ko na nga ba. Babalik ang akin." sabi ni Dash.
Lumapit si Dash na nakatitig lang si Muddy, mukhang hindi siya nakikilala ng lalaki. Pero habang lumalapit ito sigurado siyang si Run ito. Malaki man ang ipinagbago nito pero ang mata, ilong at ang awra ng lalaki...
"Sigurado ako si Run ka." sabi ni Muddy sa isip.
"Ano?" sabi ni Dash ng makalapit sa tatlo.
"Nahulog mo kanina sa labas ng gate, isasauli namin." sabi ni Muddy sabay abot ng pitaka ni Dash.
"Hahaha, salamat." natawang sabi ni Dash na hindi man lang ito nagtaka, nagalit o nagreact.
"Ano nga pala." sabi ni Muddy na nangangapa sa sasabihin.
Ano?" sabi ni Dash.
"May kakilala ka bang Run?" tanong ni Muddy.
"Wala." sabi ng lalaki kay Muddy.
"Ganoon ba? Muddy may kakilala ka ba?" tanong ni Muddy kay Dash.
"Wala rin." sabi ni Dash.
"Ah okay." sabi ni Muddy.
Napatingin si Muddy kay Kim na sumenyas na okay na. Nakuhanan na ng larawan ni Kim ang site.
"Wala ka bang pera? May isangdaan ako dito." sabi ni Dash sabay kuha ng pitaka na kabibigay lang ni Muddy at bunot ng isandaang piso roon.
"May pera ako." sabi ni Muddy.
"Tsk tsk. Kunin niyo na ito, isang daan pangmeryenda." sabi ni Dash.
Nakatitig lang si Muddy sa binata ng mapabuntung hininga ito.
"Akala ko ikaw si Run." sabi ni Muddy.
Napatitig si Dash sa babae, hindi niya ito kilala. Pero ang Run na sinabi nito kilala niya dahil siya iyon.
"Bakit naman?" tanong ni Dash.
"Wala lang.' sabi ni Muddy na napalunok na nakatitig kay Dash.
"Gusto mo ng yakap. Libre lang iyon." sabi ni Dash.
"Puwede ba?" tanong ni Muddy.
"Oo naman. Binibigay ko iyon sa lahat kaya hindi dapat ipagdamot. Iyon nga lang minsan kapag niyakap mo ang tao sinasaksak ka patalikod." biglang sabi ni Dash na ikinatitig ni Muddy dahil nag-iba ang awra ng lalaking nasa harap.
Pero panandalian lang iyon at bigla itong ngumiti.
"Yakap?" nakangiting sabi ni Dash.
"Oo." sabi ni Muddy.
Kahit hindi pa lumalapit si Dash mabilis na yumakap si Muddy sa binata at bumulong ito.
"Kapag may pagkakataon gusto ko maulit ang araw na kasama ko si Run." sabi ni Muddy.
"Malay mo." sabi ni Dash na ikinangiti nito.
"Dash" sabi ni Muddy sabay yakap ng mahigpit sa binata kahit pawisan ito.
"Aisssst, hindi ka ba naiilang. Ibang tao ako pero niyayakap mo ako ng ganyan kahigpit." sabi ni Dash pero niyakap nito si Muddy at nagawa pa nito hapitin ang baywang ng dalaga na hanggang balikat lang yata niya,
"Hindi." sabi ni Muddy pero humiwalay na ito sa yakap.
"Salamat sa pitaka ko." sabi ni Dash.
"Oo." nakangiting sabi ni Muddy.
"May gagawin pa kami." sabi ni Dash kay Muddy.
"Okay." sabi ni Muddy at hinila nio si Kim paalis sa lugar.
Nagmamadaling umalis si Muddy at tila siya napahiya dahil malabong si Run nga ang lalaki.
Nang makalabas ng gate si Muddy napatingin si Francis kay Dash at napailing si Francis sa ginawa ni Dash.
"Ang babaeng iyon ay magnanakaw, kaya bilang magandang ganti kinuha ko ito." sabi ni Dash sabay taas ng wallet ni Muddy,
"Aiiisssst, bakit mo kinuha iyan." sabi ni Francis.
"Hahaha." natawang sabi ni Dash.
Binuksan nito ang pitaka ni Muddy at napailing ito ng makitang bente pesos lang ang laman ng pitaka at picture ni Muddy.
"Hahahaha, nagkasala ka sa halagang bente pesos." naiiling na sabi ni Francis na ikinatawa ni Dash.
"Hahaha. Ganoon ang buhay. Kadalasan ang nakukuha mo ay tanso. At minsan ang nakakasama mo na pala ay nagtatago sa ginto." sabi ni Dash na inilagay ang wallet ni Muddy sa pantalon niya.
..........
May 15, 2021 1.00 pm
FifthStreet1883
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top