Kabanata 49 : Kier Cheung

Valiente-Salvador Nuptials

Isla Traquilo

"Ang ganda naman." sabi ni Emerald ng makarating sa venue ng kasal ng pamangkin na si Winter.

"Pinagkagastusan." sabi ni Denise habang pinagmamasdan ang lugar.

Nasa Isla Traquilo sila ng araw na iyon kung saan gaganapin ang kasal nila Winter at Damian. Beach Resort ang tema ng kasal kung saan nasa private vicinity sila ng pag-aari ni Damian.

May mga red petals sa buhanginan, at red roses sa gilid ng aisle. Red ang motif ng color ng kasal dahil iyon ang paboritong kulay ni Winter.

"Malaki ang lugar, at tama si Rain hindi malabo na si Damian ang humahawak na pinakamalaking lupa sa islang ito." sabi ni Jade.

"Makukuha na ng isang Cheung ang isla. Ang utak ni lolo Ralph." sabi ni Emerald sa mga kaibigan.

"Pero sino kaya ang kasama ni Damian sa dulo. Alangan naman na siya lang?" sabi ni Denise.

Naghihintay lamang sila sa upuan kung saan inaayos na ng wedding planner ang entourage.

"Walang nakalagay sa invitation, o program. Malalaman natin mamaya." sabi ni Jade.

"Wala siyang ibang kamag-anak iyon ang sabi ni Winter." sabi ni Emerald.

"Imposible iyon." sabi ni Denise.

"Oo imposible kahit ako hindi ako naniniwala." sabi ni Jade.

.................

"Louise dito tayo." sabi ni Althea kay Louise.

"Grabe bakit ba sila ang partner natin." sabi ni Louise kay Althea.

"Kahit ako ayoko rin kaso pinagbigyan na lang ni Momy kasi ilang minuto lang naman daw. Regalo na natin kay Winter." sabi ni Althea.

Kasama sa entourage ang dalawa kung saan sila Aqua at Blaze ang partner ng mga ito.

"Asar talaga." sabi ni Louise.

"Pumila na tayo, minuto lang naman." sabi ni Althea na ikinatango ni Louise.

Pumila ang dalawa sa linya habang nagkukumpulan ang apat na binata na kasali sa entourage.

"Nice insan. Hindi ko akalain na kayo-kayo pala." nakangising sabi ni Bullet ng makita papalapit sila Louise at Athea sa pila.

"Wala naman kasi ibang kaibigan si Winter at dahil pinsan niya ang kambal kaya sinali niya." sabi ni Aqua.

"Aisssst, kung susuwertehin nga naman sila." sabi ni Blaze habang lumalapit na sila Louise at Althea.

"Dito na daw tayo." sabi ni Althea ng nasa pila na sila kung saan susunod sila sa pila ni Heaven na nasa unahan naman nito sila Autumn at Chhaya.

"Hi." sabi ni Blaze ng makalapit ang kambal.

Hindi umimik ang kambal at nakipila lang. Pinagmamasdan naman ni Aqua ang kambal. Nakapusod ang buhok ng mga ito at dahil off-shoulder style ang naturang gown ng mga ito kaya kita ang pantay na balikat ng kambal at ang morenang kutis ng mga ito na bumagay sa pulang gown.

Nakadagdag pa sa nakakaakit na itsura ng mga ito ang birthmark ng mga ito na hugis puso sa likuran na parehong pareho.

Naiilang naman si Althea sa ginagawang pagtingin sa kanila ng apat na lalaki kaya napalunok ito. Ganundin naiirita naman si Louise na para silang ginagawang specimen sa microscope ng apat kaya hindi nito napigilan magsalita.

"Ano ba? Puwede bang doon kayo tumingin sa unahan." mataray na sabi ni Louise.

"Hahahaha, para siyang si Momy kapag nagtaray." sabi ni Heaven kay Louise na pinsan nito.

"Ikaw pinsan ka namin pero para kang... aisssst." sabi ni Louise kay Heaven.

"Hahaha, malayong pinsan ko na kayo dahil third cousin na yata ni Momy si Tita Aica." sabi ni Heaven.

"Hay naku." sabi ni Louise at inirapan nito ang apat.

"Matagal pa yata, doon muna tayo." sabi ni Althea kay Louise sabay turo sa puwesto ng magulang nila na nakatingin sa kanila.

"Okay." sabi ni Louise pero hinawakan ito ni Aqua sa kamay

"Magsisimula na." sabi ni Aqua na ikinangisi ng tatlong kasama nito.

"Oo, magsisimula na." sabi ni Blaze at tinabihan nito si Althea na inilikod ang mga kamay para hindi mahawakan ni Blaze.

"Bitawan mo nga ako." sabi ni Louise kay Aqua.

"Hawak lang naman." sabi ni Aqua na ikinatawa ng tatlong lalaking kaibigan nito.

"Nandiyan ang parents ko, wala ka talagang takot 'no?" sabi ni Louise.

"Wala. Hahaha." natawang sabi ni Aqua.

"Ah ganoon." sabi ni Louise at akmang kukunin nito ang kamay ng bigla siyang yakapin ni Aqua.

"Wala naman ako ginagawa sayo. Hawak lang.... hahaha yakap na ngayon." pilyong sabi ni Aqua.

"Insan nakatingin si Lolo." sabi ni Bullet kay Aqua.

Napatingin si Aqua at bumitaw ito kay Louise ng makitang nakatingin sa kanya sa Ralph.

"Hahaha, wala palang takot ha." nakangising sabi ni Louise ng huminto ang apat sa pang-aasar ng makitang nakatitig si Ralph Cheung sa apat na binatilyo.

..................

Samantalang kanina pa si Atlas sa venue ng biglang masalubong niya si Chhaya na mula sa bahagi ng restroom

"Hi." nakangiting sabi ni Chhaya ng makita si Atlas.

"Hi." sabi ni Atlas.

"Bakit ka nandito? Pumunta ka na doon at magsisimula na." sabi ni Chhaya.

"Mamaya na." sabi ni Atlas.

"Okay ka lang?" sabi ni Chhaya.

"Oo naman." sabi ni Atlas.

"Mabuti. Marami pa diyan, maghanap ka lang baka nasa tabi-tabi lang." sabi ni Chhaya.

"May nahanap na ako." sabi ni Atlas.

"Mabuti." sabi ni Chhaya.

"Cha." tawag ni Autumn ng makita ang dalawang nag-uusap.

"Sige bye.'" sabi ni Chhaya at pinuntahan nito si Autumn.

"Aiisssst," buntung hiningang sabi ni Atlas.

Pero ilang sandali sa pagmamasid niya ng bigla itong napakunot ang noo ng makita ang isang lalaki na kasama ni Damian.

.......................

"Magsisimula na." sabi ni Rain kay Ice habang nasa upuan na sila at nakapila na ang lahat na kasali sa entourage.

Nakamasid ang grupo ng mga ito ng dumating si Damian may kasama itong lalaki at pumuwesto na ito sa unahan.

"Tatay niya?" tanong ni Ice kay Rain.

"Wala siyang pamilya, iyon ang alam ko." sabi ni Rain.

"So sino iyan?" tanong ni Ice.

"Alamin natin mamaya." sabi ni Rain.

.............

"Bakit siya nandito?" tanong ni Ralph kay Atlas ng makalapit ito sa puwesto niya at ng makita ang kasama ni Damian.

Napatingin si Atlas kay Ralph, kilala ni Ralph ang lalaking kasama ni Damian.

"Iyon din sana ang itatanong ko sayo." sabi ni Atlas kay Ralph.

"Ama mo siya kaya... ikaw dapat ang nakakaalam kung bakit siya nandito." sabi ni Ralph.

"Mula ng namatay sila Lexa at Kenneth, bigla na lang siya nagpakita." sabi ni Atlas.

Napatingin lang si Ralph sa lalaking kasama ni Damian, nag-iisip ito ng kaugnayan ng dalawa sa isa't isa. Kilala niya ang lalaki... Si Kier Cheung ang anak ni Kenneth at ama ni Atlas.

...........

"Nandito siya." nagtatakang sabi ni Nicole kay Lance.

"Sabi mo patay na siya." sabi ni Lance.

"Iyon din ang pagkakaalam ko, namatay siya kasama ni Nickie sa isang car accident sa New York." sabi ni Nicole habang nakatingin sa lalaking kasama ni Damian.

"Hindi kaya anak niya si Damian?" tanong ni Lance kay Nicole.

"Malabo, ang alam ko isa lang ang anak nila ni Nickie at sa edad na pagkakatanda ko... si Atlas ang tumutugma doon." sabi ni Nicole.

Nagbubulungan lamang ang mag-asawa dahil sa nauulinigan nila ang bulungan ng grupo ni Rod, at hindi kilala ng mga ito ang lalaking kasama ni Damian.

........................

"Tito Kier." mahinang sabi ni Chhaya ng makita ang ama ni Atlas na kasama ni Damian.

"Kier? Kilala mo?" tanong ni Autumn kay Chhaya ng makitang nakatitig si Chhaya sa lalaking kasama ni Damian at marinig ang mahinang boses nito.

Nasa pila na sila para sa paglakad sa aisle ng maulinigan ni Autumn ang sinabi ni Chhaya.

"Hindi." sabi ni Chhaya at nagpatuloy ito naglakad sa aisle kasama si Autumn

Napatingin si Autumn sa lalaking kasama ni Damian na nakatingin din sa kanya.

............

Nagsimula ang entourage ng kasal at napangiti si Winter ng makita si Damian sa dulong bahagi ng aisle. May kasama ito na ipinagtaka niya.

"Kilala mo?" mahinang sabi ni Orion kay Winter ng makitang may kasama si Damian.

"Hindi po Papa." mahinang sabi ni Winter na ikinatahimik lang ni Orion.

Napatingin ang lahat kay Winter. Mas lalong gumanda ito sa suot na wedding gown na backless at kita ang hubog ng katawan ng dalaga.

Napangiti si Damian ng papalapit si Winter sa kanya, tulad ng inaasahan hindi maalis ng lahat ang mga mata sa babaeng pakakasalan niya.

"Hi." nakangiting sabi ni Winter kay Damian ng makalapit na ito kay Damian.

"Ang ganda mo." nakangiting sabi ni Damian at niyakap nito si Winter.

"Kamag-anak mo?" mahinang tanong ni Orion kay Damian sabay tingin sa lalaking kasama ni Damian.

"Kaibigan ko." sabi ni Damian kay Orion.

"Okay." sabi ni Orion at kinamayan ito ni Orion at niyakap si Damian.

"...alagaan mo ang anak ko." mahinang sabi ni Orion kay Damian.

"Oo." sabi ni Damian kay Orion.

Nagsimula ang seremonyas ng kasalan habang tahimik lang nagmamasid ang grupo nila Orion.

Nakatingin lang si Atlas sa ama na panaka-nakang sumusulyap sa paligid. Tahimik lang ito habang nanonood sa seremonyas ng kasal.

Nang nasa parte na kissing the bride napatitig si Atlas kay Winter, halata sa mukha nito ang kasiyahan sa mga mata nito.

"Kailangan kita malimutan." sabi ni Atlas sa isip.

........................

Reception

"Lolo." nakangiting sabi ni Winter kay Ralph habang kasama nito si Damian.

"Kamusta apo?" nakangiting sabi ni Ralph kay Winter.

"Okay naman po, at masaya ako." nakangiting sabi ni Winter sabay yakap kay Damian na napangiti sa dalaga.

"Mabuti naman.... at dahil nandito kayo ni Damian. May sasabihin ako sa inyong dalawa." sabi ni Ralph.

Nasa Cheung table sila Winter at nakatingin lamang sa kanya ang mga pinsan at ang mga tiyuhin na anak ng lolo niyang si Rico.

"Ano po iyon?" sabi ni Winter.

"Maupo kayo." sabi ni Ralph.

Naupo sila Winter at Damian habang nagtinginan ang mga ito sa isa't isa.

"Lolo?" sabi ni Winter.

"Alam mong ang mga babaeng Cheung ay may bodyguard kapag naikasal, bukod na nga lang sa tita at mama mo dahil kilala natin ang napangasawa nila." sabi ni Ralph na ikinangisi ni Damian.

"Lolo." sabi ni Winter.

"Magiging bodyguard mo si Atlas at sasama siya sa inyo kahit saan kayo magpunta." sabi ni Ralph at tinawag nito si Atlas.

"Lolo." sabi ni Winter sabay tingin kay Atlas.

"Hindi ako papayag." sabi ni Damian.

"Kasama iyon sa pinirmahan mo." sabi ni Ralph kay Damian.

"Pero lolo, alam mong may gusto si Atlas sa akin." sabi ni Winter na ikinangisi naman ni Atlas.

"Tama may gusto iyan sa asawa ko." sabi ni Damian.

"Ikakasal na si Atlas." sabi ni Ralph.

"Ikakasal?" kunot noo na tanong ni Winter.

"Oo, kung ang ikinatatakot niyo ay baka maging sanhi siya ng pagkasira ng pagsasama niyo" sabi ni Ralph.

"Lolo naman." sabi ni Winter.

"Pagbigyan mo na ako, malayo ka sa amin. At kahit nasa Isla Traquilo ang tito Rain mo, hindi ka niya makikita ng madalas." sabi ni Ralph kay Winter.

Napatingin si Winter kay Damian na nakatingin sa kanya.

"Babe, pagbigyan na natin." sabi ni Winter.

"Kailan siya ikakasal?" tanong ni Damian kay Ralph sabay tingin ni Damian kay Atlas na nakatayo sa likuran ni Ralph.

"Ngayong taon din." sabi ni Ralph.

"Okay." sabi ni Damian.

"Iyan lolo Ralph, pumayag na siya." sabi ni Winter.

"Salamat. At siya nga pala? Sabi mo kay Orion kaibigan mo ang lalaking kasama mo? Puwede ba namin siya makilala?" tanong ni Ralph kay Damian.

"Nasa restroom lang siya, mamaya ipapakilala ko siya sa inyo." sabi ni Damian.

"Okay." sabi ni Ralph.

....................

Rest Room

"Bakit po kayo nandito?" tanong ni Chhaya kay Kier ng makita ito sa daan papuntang restroom.

"Alam mo na ba?" tanong ni Kier.

"Na ano po?" tanong ni Chhaya.

"Magiging bodyguard ni Winter si Atlas at ang kapalit nun ay ang Cheung Hotel." sabi ni Kier kay Chhaya.

"Ang Cheung hotel?" di makapaniwalang sabi ni Chhaya.

"Oo, mapapasaiyo din iyon, kung... tutulungan mo si Atlas sa problema niya." sabi ni Kier.

"Anong problema?" tanong ni Chhaya.

"Kailangan niya ng mapapangasawa dahil isa iyon sa kondisyon ng matandang Cheung." sabi ni Kier.

"Tapos?" sabi ni Chhaya.

"May utak ka naman di ba?" sabi ni Kier na napangiti sa reaksyon ni Chhaya.

"Mahal ko si Autumn" sabi ni Chhaya.

"Hindi ka mahal ni Autumn, maniwala ka. Ang mahal ng lalaking iyon ay kayamanan nila." sabi ni Kier.

"Aiissst, iyan ka na naman. Bakit ka nga pala kasama ni Damian?" sabi ni Chhaya.

"Kaibigan ko siya, kung naaalala mo. Taga isla Traquilo kami ng ama kong si Kenneth." sabi ni Kier.

"Aiissst, baka binibilog mo ang utak ni Damian para guluhin sila ni Winter. Tantanan mo na." sabi ni Chhaya.

"Wala akong ginagawang masama. Tinutulungan ko lang kayo ni Atlas or ikaw mismo. Gusto ko lang naman may makuha ang pamilya ko sa yaman ng mga Cheung bago mawala ang matandang iyon." sabi ni Kier.

"Hay naku." sabi ni Chhaya at nilagpasan nito si Kier.

"Mag-isip ka Chhaya. Kapag nakahanap si Atlas ng ibang babae, mawawala sayo tuluyan ng Cheung Hotel." sabi ni Kier.

Napatigil si Chhaya sa paglalakad kaya nagpatuloy si Kier sa pagsasalita.

"....pagkakataon mo na. Alam mong walang alam si Atlas sa pagppatakbo ng kompanya at alam natin na... Ikaw ang makakatulong sa kanya." sabi ni Kier.

Napabuntung hininga si Chhaya at iniwan nito si Kier.

✍️✍️✍️✍️✍️

May 11, 2021 7.10pm
FifthStreet1883

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top