Kabanata 48 : Last Step
El Emperio Bar
Gitnang Bayan, El Paradiso
"Nandiyan na sila." sabi ni Diez kay Chhaya na noo'y nakakubli sa suot na black coat na may hood na saktong costume ng mga entertainers ng gabing iyon.
Pinagmasdan ni Chhaya ang paligid, doble ang tao kompara noong last time na nag-perform siya sa bar. Sa dami ng tao hindi na niya makita ang puwesto nila Autumn. Pero alam niyang nasa elevated area ito kasama ang mga Chinese investors.
"Alam mo bang magaling talaga si Sir Autumn kahit translator lang ang kausap niya sa mga investors niyang chekwa, arabo at minsan mga Pranses nasasara pa rin niya ang deal." mahinang sabi ni Diez kay Chhaya.
"Talaga." seryosong sabi ni Chhaya pero ang totoo matagal na niyang alam 'yon dahil dati pa lang magaling na si Autumn sa communication skills nito.
"Oo. Tingin ko nga nakasara na ang deal ngayon at ang gagawin na lang ay mamimili ang mga singkit na 'yan kung sino ang mga mapapalad na isasama nila." sabi ni Diez.
Pinagmasdan ni Chhaya ng pasimple ang VIP Area kung nasaan sila Autumn tinted ang buong salamin at kahit hindi sabihin alam niyang nagkakasiyahan ang mga lalaking naroroon dahil sigurado siya may mga ka-table na ang mga ito.
Iyon ang mga babaeng unang pinatawag kanina sa training room, mga babaeng lantarang nagbebenta ng laman na siyang added value ng Casa. Palihim na bugawan, na matatawag na legal na illegal.
Nasa gilid lang ng stage ang lahat ng entertainers kabilang si Chhaya na hanggang ngayon hindi napapansin ni Pitt at ng mga empleyado nito na naroroon siya dahil sa dami ng entertainers ng gabing iyon na hindi bababa sa isang daang babae.
"Napag-isipan mo na ba?" mahinang tanong ni Chhaya kay Diez.
"Parang hindi ko kaya. Hanggang maikling shorts lang ako at tube na pang itaas. Sayaw at konting pang uuto." sabi ni Diez kay Chhaya.
"Okay, bahala ka. Ikaw din, alam natin na matagal na sirkulasyon sila Aubrey at Deborah at kapag nasulot nila ang trono mo. Mawawalan ka ng saysay kay King dahil ganoon ang nangyari kay Aubrey ng maging sikat ka. Tinapon ni King ang kaawa-awang babaeng iyon." sabi ni Chhaya.
Napaisip si Diez, kung tutuusin malaki ang kinikita niya mula ng makapasok siya sa bar na iyon. Kaso sa pamilyang may sakit kulang ang kita niya. May sakit kasi ang Mama niya at mahal ang gamutan nito. Isama pa nang ma-stroke ang Papa niya. Ang kapatid na lang niya at siya ang nagtutulungan para mabuhay sila. At siya mismo ang kumakayod para matustusan din ang pag-aaral ng bunso niyang kapatid na siya ngayong nag-aalaga sa mga magulang nila.
"Isang gabi lang 'yon, Diez. Promise kapag nakita mo ang gagawin natin na siya kung nakita sa isang bar sa Las Vegas dati. Maniwala ka hindi bastos ang kalalabasan, isa itong art. Sexy dancing na siyang kayang kaya mong gawin." sabi ni Chhaya.
Kailangan ni Chhaya maengganyo at mapapayag si Diez dahil baka mabuko din siya at hindi makapagperform na mag-isa. Si Diez ang naisip niya ngayon na tutulong para makuha ang atensyon ni Autumn.
"Mabilis lang ba 'yon?" tanong ni Diez.
"Oo, pero kung ayaw mo may choice ka at iyon ay puwede mong dayain." sabi ni Chhaya.
"Paano?" tanong ni Diez.
"Nipple pad na magsisilbing takip sa pinakatuktok mo na siya lang naman nating tinatakpang mga babae. Hindi na nila mahahalata na may suot ka ng pad dahil may pad na parang nipples ang itsura." sabi ni Chhaya.
Napaisip muli si Diez, kailangan niya talaga ng pera. Ilang bansa na ang napuntahan niya at hanggang ngayon wala siyang ipon, ganoon kahirap ang buhay niya at ng pamilya niya.
"Ako ng bahala sa iba, magaling ka sumayaw kaya mapepeke mo ang lahat sa galaw mo at ang inaakala nilang hubad ka ay hindi pala." sabi ni Chhaya.
"Aiissst, okay sige. Pero ano bang gagawin? Anong music, steps at may props ba?" tanong ni Diez.
"Dala ko lahat, nasa bag ko, na nasa dressing room." sabi ni Chhaya.
"Sige. Mamaya kapag umalis si Pitt, umalis muna tayo para makapaghanda tayo. Huli naman ako sa performance kaya okay lang kung wala tayo dito."sabi ni Diez.
"Good." nakangiting sabi ni Chhaya.
...................
"Nakita mo na siya?" tanong ni Shadow kay Ash na kanina pa nakatingin sa mga entertainers.
"Hindi pa. Asar ang pangit ng puwesto natin at hindi ko makita ang lahat ng entertainers." inis na sabi ni Ash.
Nasa bandang gitna sila ng bar para walang makapansin sa grupo nila. Ang gitnang parteng iyon ay mga mayayamang kabataan na ang alam gawin ay maglustay ng pera. Mas maganda kasi pumuwesto doon kaysa sa puwesto ng mga empleyado o negosyante at baka may makakilala pa sa kanila.
"Kung ako sayo, puntahan mo na lang sa training room dahil ang balita ko huli siya isasalang sa stage." sabi ni Dim.
"Aiissst, baka makita ako ni Pitt doon o kung sinong herodes na sasalubong sa akin at magsusumbong kay Kuya Autumn." sabi ni Ash.
"Bahala ka. Kapag sumalang na si Diez panigurado..." udlot na sabi ni Rhythm sabay turo sa puwesto nila Autumn.
"....doon na ang deretso niya." sabi ni Rhythm kay Ash.
Napaisip si Ash, may punto si Rhythm. Mas lalo hindi niya makikitasi Diez kaya kailangan na niya puntahan ito.
"Makaisa lang naman okay ka na di ba? So huwag mo ng patagalin." sabi ni Ciao na kanina pa nakatingin sa stage at halatang natutuwa ito sa mga unang sumalang sa stage.
"Hahaha, sabagay." sabi ni Ash.
"Umalis ka na at baka makita ko pa si Diez kapag lumibot ako mamaya. Ikaw din uunahan kita." birong sabi ni Shadow.
"Baliw." naiiling na sabi ni Ash sa kaibigan.
......................
"Ang daming tao." sabi ni Muddy na halos kumapal pa ang bilang ng tao mula ng dumating sila kanina.
"Dito ka lang sa akin." seryosong sabi ni Run habang yakap si Muddy.
Masyadong marami ang tao sa bar na iyon ngayon at nagtataka si Run dahil pinayagan iyon ni Autumn. Triple ang bilang ng mga tao, na kung susumahin at kung magkakaroon ng emergency sa lugar na iyon masyadong delikado.
"Uwi na tayo." sabi ni Muddy na kanina pa siya nasusuffocate sa amoy ng yosi, alak at usok na hindi niya niya alam kung saan pa nanggagaling.
"Maya-maya. Lilipat na lang tayo ng puwesto." sabi ni Run na nagsisisi kung bakit hindi sa VIP place niya nilagay si Muddy. Halatang natatakot na ito at hindi sanay sa ganoong lugar.
"Sige. Pero hindi na kasi ako makahinga." sabi ni Muddy habang nakayakap siya kay Run.
Nakatayo na nga sila dahil kapag nakaupo sila pakiramdam ni Muddy binabaon siya sa lupa sa dami ng tao.
Tinitigan ni Run si Muddy, namumula na ang ilong nito at kanina pa bumabahing sa amoy ng sigarilyo at alak.
Hinawakan ni Run ang mukha ni Muddy at ngumiti ito.
"Hindi ka makahinga, bibigyan kita ng oxygen." nakangiting sabi ni Run para maibsan ang nararamdaman discomfort ni Muddy.
Inilapit ni Run ang labi sa labi ni Muddy at masuyo itong hinalikan.
"Hmmnn." ungol ni Muddy ng maramadaman ang kakaibang halik ni Run.
Ninanamnam ni Run ang labi ni Muddy at halos lasahan nito ang upperlip ng dalaga. Napahawak si Muddy sa batok ni Run. Nagtungo naman ang kamay ni Run sa likuran ni Muddy at masuyo itong hinaplos na lalong ikinaungol ni Muddy ng maibsan ang discomfort na nararamdaman niya.
Huminto si Run sa paghalik ng halos kapusin sila ng hininga ni Muddy. Napangiti pa si Run ng makita ang magandang mata ng nobya na lalo pang gumanda ng mamungay ito sa ginawa niyang paghalik dito.
"Nahihiya ako." hinihingal na sabi ni Muddy sabay yakap kay Run na ikinatawa ng binata.
"Hahaha, bakit ka naman mahihiya?" tanong ni Run sabay taas sa mukha ni Muddy na kinakagat pa ng bahagya ng dalagita ang labi nito.
"Ang daming tao, na nakakita sa kiss mo." sabi ni Muddy.
"Hahaha, okay lang iyon. Gusto mo isa pa?" sabi ni Run na ikinapula ng mukha ni Muddy.
"Grabe ka." sabi ni Muddy.
"Sige, pipikit ako tapos ikaw ang hahalik." sabi ni Run .
Pumikit nga ang binata at bahagyang yumuko para maabot ni Muddy ang labi niya. Napatitig si Muddy sa labi ni Run saka ito pumikit at ginagaya ang pagnamnam sa upper lip at lower lip ng binata.
"Hmmnn." ungol ni Run sabay hawak sa batok ni Muddy habang hinahayaan niyang halikan siya ng nobya.
Napangiti si Muddy ng matikman ang labi ni Run kaya lalo nito pinag-ibayo ang ginagawa.
"Ahhrrmmm. Ang sarap naman."
Napatigil sa ginagawa si Muddy at agad napatingin sila Run at Muddy sa tumikhim at nagsalita.
"Tol, himala bumisita ka?" nakangiting sabi ni Ash ng makita si Run habang kahalikan nito ang kaklase niya.
"Ash." nahihiyang sabi ni Muddy ng makita si Ash.
Napangisi si Ash ng tapunan ng tingin si Muddy. Hindi niya alam kung ano ang nakita ng kapatid niya kay Muddy. Bukodd kasi sa maliit ang babae, halatang mahirap ito. Walang class manamit pasalamat na nga lang at maganda talaga ang mata ng dalagita.
"Kamusta?" sabi ni Run kay Ash.
"Okay lang. Ikaw? Kailan ka uuwi sa bahay?" tanong ni Ash kay Run.
"May trabaho pa ako kaya baka matagalan pa." sabi ni Run.
"Hahaha, hindi ka bagay maging construction worker at magkaroon ng babae sa tabi mo na mukhang basura." natawang sarkastikong sabi ni Ash.
"Ash!" sabi ni Run.
"Hahaha, joke lang. Bahala ka kung diyan ka masaya, basta mag-ingat ka. Siya nga pala naroroon ang grupo sa gitna at huwag mong sabihin kay Kuya na nandidito kami." sabi ni Ash.
Tumalikod na si Ash na hindi man lang hinintay ang sasabihin ni Run.
"Aissst, grabe talaga manlait." naiiling na sabi ni Run.
"Totoo naman ang sinabi niya." mahinang sabi ni Muddy.
"Hindi ka basura... putik ka." natawang birong sabi ni Run na ikinangiti ni Muddy.
................
Training Room
"Ano kaya mo ba?" tanong ni Chhaya kay Diez ng ipanood sa dalaga ang gagawin nila.
"Oo naman." sabi ni Diez.
"Mabilisan lang naman, ikaw na magsabi sa banda at sa light production kung paano gagawin." sabi ni Chhaya.
"Sige." sabi ni Diez pero nasa mukha nito na kinakabahan ito at nakita iyon ni Chhaya sa mukha ni Diez.
"Huwag kang mag-alala, makukuha mo ang gusto mo. At baka sa isang exposure na ito yumaman ka ng biglaan." sabi ni Chhaya.
"Aissst, ang breast ko ay para lang sa asawa ko pero sa gagawin natin. Mukhang kahit ang magiging asawa ko ay hindi na ako tatanggapin." sabi ni Diez.
"Hahaha. Loka, malay mo naririto ang magiging asawa mo. For sure lalo mahahalina sa kamandag mo kapag may ipakita kang some flesh." nakangiting sabi ni Chhaya.
"Hahaha, sino naman ang magkakagusto sa isang tulad ko?" sabi ni Diez.
"Isang lalaki na patay na patay at curious sa alindog mo. Hahahaha." natawang sabi ni Chhaya.
"Curious? Hahaha, ang katawan ko at ang talent ko ay pangkaraniwan lang." sabi ni Diez.
"Malakas ang dating mo at ang mga taong malakas ang sex appeal ay may malaking puntos sa buhay para yumaman at manghikayat ng magandang kapalaran. Sila ang mga taong hindi na kailangan magpapansin. Iyon ang pagkakaiba natin. Ikaw kahit sabihin mong pagsayaw lang ang talent mo ang karisma mo ay kakaiba, hindi tulad ko marami nga akong talent pero kailangan ko dagdagan ng kakaiba sangkap ang buhay ko para makapansin pa lalo." sabi ni Chhaya.
"Grabe, kapansin-pansin ka naman." sabi ni Diez.
"Salamat pero hindi sapat sa kailangan kong tulong o hindi sapat sa taong hihingan ko ng tulong." sabi ni Chhaya.
"Diez, pinatatawag ka na ni Pit." sabi ni Matilda ng bumungad sa pintuan ng training room.
"Sige, susunod na ako.' sabi ni Diez sabay baling kay Chhaya.
"Babalikan kita, ihahanda ko lang ang mga gagamitin sa stage at sasabihin ang team.." sabi ni Diez kay Chhaya.
"Okay." sabi ni Chhaya.
"Halika na." sabi ni Matilda at sabay sila ni Diez umalis sa kuwartong iyon at si Chhaya.
Napabuntung hininga si Chhaya ng naiwan siyang mag-isa sa kuwartong iyon. Kailangan niya ng maraming lakas ng loob para muling makuha ang atensyon ni Autumn.
"Heto na talaga, kaya mo ito Cha." sabi ni Chhaya sa isip habang papalapit ang oras.
June 4, 2021 7.48 am
FifthStreet1883
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top