Kabanata 48 : Ipis
Ellie's Cottage
"Oh saan ka galing?" gulat na tanong ni Run kay Elle ng masalubong ito sa kusina sa likod bahay.
Napatingin si Elle kay Run at lumuluha itong yumakap kay Run.
"Kuya." umiiyak na sabi ni Elle.
"Bakit ka umiiyak?" nagtatakang tanong ni Run kay Elle.
"Away daw." lumuluhang sabi ni Elle kay Run.
"Away o away?" kunot noo na tanong ni Run sa pabulol na sabi ni Elle na hindi niya maunawaan, isabay pa na umiiyak ito.
"Away.. go away." lumuluhang sabi ni Elle kay Run.
"Sino nagpapaalis sayo?" tanong ni Run na balak lang sana niya kumuha ng tubig sa ref.
"Si Grape Wine." humihikbing sabi ni Elle kay Run habang nakayakap ito sa katriplets.
"Aiisssst, may ginawa na naman siya sayo?" sabi ni Run kay Elle.
"Oo." umiiyak na sabi ni Elle kay Run.
"Huwag mo na lang siyang pansinin." sabi ni Run sabay yakap kay Elle.
"He wants to play without me." napalakas na hikbing sumbong ni Elle.
Tinitigan ni Run si Elle ng tumingin ito sa kanya. Namumula na naman ang ilong bunsong kapatid at ang singkit na mata nito ay nakapikit na sa luhang patuloy na umaagos sa mga mata nito.
"You can play without him." nakangiting sabi ni Run.
"I love Grape Wine, very much." humihikbing sabi ni Elle.
"Pinapaalis ka na niya sabi mo." sabi ni Run.
"Oo." napayakap na iyak na sabi ni Elle.
"Aisssst, kung ayaw niya na sayo di huwag. Marami ka naman puwedeng kalaro." sabi ni Run.
"Ayoko ng iba." umiiyak na sabi ni Elle.
"Huwag mo ng pilitin ang mga taong ayaw sayo." sabi ni Run.
"Huwag na?" umiiyak na tanong ni Elle.
"Oo, para hindi ka umiyak ng ganyan." sabi ni Run.
"Mabuti ka pa, kaklase mo si Muddy. Ako hindi ko kaklase si Wine. Puwede ba ako magtest?" sabi ni Elle na ikinatitig ni Run kay Elle ng tingnan siya nito.
"Ayaw na nga sayo di ba?" masuyong sabi ni Run sa bunsong kapatid.
"Ayaw na? Sobra?" sabi ni Elle.
"Oo. Ikaw nagsabi sa akin. Go away sabi mong sabi ni Wine." sabi ni Run.
"Oo." napalakas na sabi ni Elle na nadinig ang iyak nito hanggang dining.
...........
Si Elle?" tanong ni Orion kay Ash.
Napatingin si Ash sa tabi niya. Katabi niya kanina ang bunsong kapatid at hindi naman niya namalayan na umalis ito.
"Hindi ko po alam." nagtatakang sabi ni Ash.
Napatingin si Orion sa kusina at tumayo ito. Nakatingin lang ang lahat kay Orion at napiling si Rain at Ice sa reaksyon ni Orion na tila mangangain ito ng buhay na bata.
Pagdating sa kusina naabutan ni Orion na yakap ni Run si Elle kaya napakunot lalo ang noo nito.
"Bakit ka umiiyak?" tanong ni Orion kay Elle.
"May ipis." biglang sabi ni Elle ng makita si Orion na ikinatitig ni Run kay Elle.
"Ipis lang ganyan ka umiyak." sabi ni Orion.
"Malaking ipis." pigil sa pag-iyak ni Elle.
Nilapitan ni Orion si Elle at kinarga ito.
"Saan mo nakita ang ipis?" nakangising sabi ni Orion na hindi siya naniniwala sa anak dahil umiiyak ito ng kakaiba at alam na niya kapag ganoon ang iyak ng anak.
"Sa labas...
... ay hindi pala sa labas... kita ko sa ilalim ng lababo." kabig na sabi ni Elle na ikinangiti ni Run.
"Talaga nasa ilalim ng lababo ang ipis?" tanong ni Orion kay Elle habang karga ito.
"Opo." sabi ni Elle pero umiiyak ito na halatang nagsisinungaling ito dahil hindi ito sanay magsinungaling.
"Sige baka lumipad na siya sa labas. Tingnan natin para mahuli natin ang ipis." sabi ni Orion.
Nanlaki ang singkit na mga mata ni Elle na ikinatawa ni Run ng tingnan siya ni Elle at tila humihinge ng saklolo.
"Baka lumipad na." sabi ni Elle.
"Tingnan natin pakiramdam ko kasi nandiyan pa ang ipis." nakangising sabi ni Orion at pumunta ito sa likod bahay.
.............
"Ano na naman iyang ginagawa mo?" tanong ni Rhythm kay Wine ng makitang may ginagawa si Wine sa puno na nasa likod bahay ng cottage ni Ellie.
"Aisssst, hindi ako makakauwi, makakakain at makakatulog kapag magkaaway kami ni Elle." sabi ni Wine.
"Oh bakit sinusugatan mo ang puno?" tanong ni Shadow kay Wine.
"Basta." sabi ni Wine habang kanina pa may inuukit doon.
"Aissst, para kang sira sa kakasuyo kay Elle. Kung hayaan mo muna ang pinsan ko tutal bata pa naman iyon." sabi ni Ion.
"Kapag hinayaan ko siya makakahanap iyon ng bagong Grape Wine." sabi ni Wine sa mga kaibigan.
"Hay naku, kung ako sayo hayaan mo ang panahon ang magsabi kung kayo talaga. Hindi iyong ganyan na kada tampo niya sayo may ginagawa ka para masuyo mo siya." sabi ni Shadow.
"Ganoon talaga kapag mahalaga sayo ang tao.
... At mahalaga si Elle sa akin hindi ko hahayaan na may sumingit." sabi ni Wine.
"Hahaha, takot ka lang." sabi ni Shadow.
"Aisssst, alam kong may crush ka kay Elle kaya tumahimik ka diyan." sabi ni Wine kay Shadow.
"Hahaha, wala akong crush sa iyaking spoiled na iyon." sabi ni Shadow.
"hahaha." natawang sabi ni Rhythm.
"Bakit?" tanong ng tatlo.
"Ako, may crush ako kay Elle." sabi ni Rhythm na ikinatitig ng masama ni Wine kay Rhythm.
"Kita niyo, siya ang may crush at hindi ako." sabi ni Shadow.
"Tadyakan kaya kita diyan." sabi ni Wine sabay tayo nito at inambaan ng tadyak si Rhythm na tumatawa lang.
"Uyyy, tama na iyan." sabi ni Ion kay Wine.
"Anong ginawagawa niyo dito?" malakas na sabi ni Orion ng makita ang apat na batang lalaki na nag-uumpukan sa puno.
Napatingin ang apat na batang lalaki kay Orion habang karga nito si Elle na namumula ang mga mata at humihikbi at nasa likuran nito si Run na nakatitig lang sa apat.
"Tito, naglalaro." sabi ni Ion na unang nakabawi.
Napakunot ang noo ni Orion ng makita ang sugat ng puno na may ukit iyon.
"Bakit dugo ang puno puti." sabi ni Elle ng makita rin ang dagta na galing sa puno na may ukit.
"Bati na tayo." sabi ni Wine sabay kiskis ng damit nito sa puno inukitan nito.
"Ano basa?" tanong ni Elle kay Wine.
"Hindi mo nakikita?" tanong ni Wine sabay kutkut uli sa puno na ikinangisi ni Run at Orion.
"Wine ❤️ Elle. Ano iyon?" inosenteng tanong ni Elle ng makita ang heart sa pagitan ng pangalan nila ni Wine.
"Hahahaha, hindi niya alam. Sayang ang effort mo, Wine." tumatawang sabi ni Shadow na ikinatawa ni Rhythm.
Pero nahinto ang pagtawa ng dalawa ng biglang kumanta si Wine.
Ngiti
Play the song ⬆️
Wine: Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Simulang kanta ni Wine habang nakatingin ito kay Elle na ikinatingin ng matalim ni Orion sa batang lalaki.
Wine: Mapupulang labi
At matingkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit
Huwag ka lang titingin sa akin
At baka matunaw ang puso kong sabik
Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
Napangiti si Elle kay Wine, sabay bulong nito kay Orion.
"Kanta na niya ako." masayang sabi ni Elle sa ama nitong si Orion na ikinatingin ni Orion kay Elle.
Wine: At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin
"Naniniwala ka?" tanong ni Orion kay Elle.
"Hindi." natawang sabi ni Elle na ikinangisi ni Orion
Wine: Minamahal kita ng di ko alam
Huwag ka sanang magagalit
Tinamaan yata talaga ang aking puso
Na dati akala ko'y manhid
Hindi pa rin makalapit
Inuunahan ng kaba sa aking dibdib (sa aking dibdib)
Wine: Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay lalapit
Ang mundo ko'y tumitigil
Ang pangalan mo sinisigaw ng puso
Sana'y madama mo rin
Ang lihim kong pagtingin
Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
Sa iyong ngiti
Sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sa'yo (para lang sa'yo) ang awit ng aking puso
Sana ay mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin
Sa iyong ngiti (sa iyong ngiti)
"Kinantahan na kita. Bati na tayo." sabi ni Wine kay Elle.
"Ayoko." sabi ni Elle na ikinatawa ni Orion at Run.
"Aisssst, hindi kasi ako makaisip ng kanta kanina. Bati na tayo." sabi ni Wine kay Elle.
"Ayoko." sabi ni Elle na ikinatawa lalo ni Orion.
"Anong gagawin ko para magbati tayo?" sabi ni Wine.
Hindi alam ng mga lalaking kaharap ni Elle na tinitingnan nito ang inukit ni Wine sa puno. Malaki iyon at kita ang malaking ukit ng pangalan ni Wine at Elle doon.
"Call-off tayo." sabi ni Elle
"Hahahaha." natawang sabi ng mga lalaking nakapalibot kay Wine at Elle.
"Ayoko." sabi ni Wine.
"Pinapaalis mo ako kanina sa bahay ko mismo." sigaw na nanlalaking mata na sabi ni Elle kay Wine.
"Aisssst, kanta iyon at walang meaning iyon." sabi ni Wine.
"So wala din meaning iyong kanta mo ngayon sa akin?" namimilog na mata na sabi ni Elle.
"Oh ano ka ngayon sagot?" sabi ni Orion sa isip ng makitang nahihirapan sumagot si Wine.
"Aisssst, pinag-isipan ko ang kantang ko sayo ngayon." sabi ni Wine kay Elle.
"Ayoko." sabi ni Elle sabay yakap kay Orion.
"Umuwi na kayo." sabi ni Orion sa apat na batang lalaki.
"Babalik ako." sabi ni Wine at nauna itong tumakbo sa mga kaibigan nito.
"Wine sandali." sigaw nila Ion at sumunod ito sa batang lalaki.
Tumingin si Elle sa tinakbuhan ni Wine at umiyak ito na ikinatingin ni Orion.
"Bakit ka umiiyak?" tanong ni Orion kay Elle.
"Break na kami?" humihikbing sabi ni Elle na nakuha pang pumikit.
"Aiisssst, ang bata mo pa." sabi ni Orion at naglakad ito papasok ng bahay.
"Wala ng ipis." umiiyak na sabi ni Elle.
"Hahaha, lumipad na." natawang sabi ni Orion at niyakap nito si Elle.
"Loko." sabi ni Run ng makita si Wine at mga kasama nito na tumatakbo palayo.
Napatingin si Run sa puno at napangisi ito.
"Nagsugat pa ng puno. Aisssst, talaga naman." sabi ni Run sa isip bago pumasok sa loob ng bahay.
......
Kinabuksan
"Anong meron?" sabi ni Ellie ng makita ang mga magulang na nakadungaw sa balcony
"Itong anak ni Malic saan ba ito pinaglihi?" sabi ni Rod habang nakadungaw ang mga ito sa balcony sa ikalawang palapag.
"Bakit dad?" tanong ni Ellie sa ama.
"Aissst, tingnan mo parang hinakot yata ang buong buhangin sa dalampasigan at inilagay sa harap ng cottage mo." sabi ni Rod
"Ha?" sabi ni Ellie
Dumungaw si Ellie sa balcony at napatawa ito sa nakita. Hinakot ni Wine ang buhangin at pinalibot ito sa malaking kids pool. Nagmukha na nga iyong maliit na isla.
"Kanina pa siya diyan alas singko ng umaga at nakatulog na ang tatay niyang si Malic na kanina pa siya sinasabihan na tumigil sa ginagawa pero ang batang iyan ayaw paawat." sabi ni Ella kay Ellie.
"Ang sweet." nakangiting sabi ni Ellie.
"Anong sweet doon, sinisira niya ang buhangin sa isla at nagkakalat siya sa harap ng cottage mo." sabi ni Rod.
"Si Dady naman. Nakikita niyo po ba? Ang batang iyan ay magtetrese anyos pa lang at ang effort niya ay kakaiba sa lahat.
Nakikita niyo rin ba ang tatay niyang si Malic nakatulog na dahil halatang hindi niya masaway ang anak niya. Gagawin ni Wine ang lahat para sa bunso ko." sabi ni Ellie.
"Hindi rin." sabi ni Orion na nakadungaw na rin pala sa balcony ng marinig ang pag-uusap ng tatlo.
"Aiissst, kayong dalawa. Bigyan niyo naman ng points ang batang iyan." sabi ni Ella.
"One." sabi ni Rod.
"Zero." sabi ni Orion
Nagkatinginan sila Ella at Ellie at napailing ang dalawa sa points na binigay ng mga ito.
"Mama." pumupungas na sabi ni Elle ng lumapit si Elle. Nakasuot pa ito ng pajama at gulo pa ang buhok nito na halatang kagigising pa lang.
"Tingnan mo." sabi ni Ellie kay Elle sabay karga sa bunsong anak.
Tinuro ni Ellie si Wine habang nag-aayos ito ng maliit na pool, pawis na ang batang lalaki at halatang pagod na rin ito.
Tiningnan ni Elle si Wine at napatitig ito sa batang lalaki at hindi sa ginagawa nito.
"Gutom na siya?" sabi ni Elle na ikinatingin nila Ellie kay Elle.
"Maganda ba ang ginagawa niya?" sabi ni Ellie kay Elle.
"Pagod na siya." sabi ni Elle habang nakatitig kay Wine.
"Gusto mo puntahan natin?" tanong ni Ellie sa anak.
"Sandali. Baba mo po ako mama." sabi ni Elle.
Binaba ni Ellie si Elle mula sa pagkakakarga at nakatingin lang ang apat ng bumaba ng hagdan si Elle.
"Saan pupunta iyon?" tanong ni Orion.
"Baka naiihi." sabi ni Ellie.
Ilang minuto lang ng marinig ng mga ito ang boses ni Elle sa baba kaya napadungaw ang apat sa balcony.
"Gatas." sabi ni Elle kay Wine na ikinatingin ni Wine kay Elle.
"Tapusin ko lang ito." sabi ni Wine sabay punas sa pawis nito.
"Gatas." sabi ni Elle sabay abot ng gatas kay Wine.
"Mamaya." sabi ni Wine at pinagpatuloy nito ang paglalagay ng buhangin sa gilid ng pool
Pero nagulat ang lahat ng biglang tumalon si Elle sa loob ng kid's pool na may tubig at hinila nito si Wine.
"Okay na iyan." nakangiting sabi ni Elle at niyakap nito si Wine na napaupo na sa loob ng kids pool.
"Bati na tayo?" sabi ni Wine.
"Alam ko kanina ka pa diyan, nakita kita kanina madilim pa. Kasama mo ang tatay mo." sabi ni Elle sabay nguso kay Malic na natutulog sa bench na malapit sa kanila.
"Siya nagbuhat ng wheel barrow para mahakot ko iyon buhangin." sabi ni Wine.
"Alam ko. Salamat sayo saka sa tatay mo." sabi ni Elle at nagtampisaw ito sa pool.
"Nakapajama ka pa?" sabi ni Wine.
"Okay lang iyan. Ligo na tayo." sabi ni Elle at niyakap nito si Wine na ikinatitig ng apat sa dalawang bata.
"Hindi ka na galit?" tanong ni Wine.
"Hindi na. Alam ko naman na uulitin mo ang kalokohan mo. Hihintayin ko na lang na huminto ka na sa kakasuyo sa akin." malungkot na sabi ni Elle.
"Hindi ako hihinto suyuin ka. Sana hindi ka rin magsawa patawarin ako." napabuntung hiningang sabi ni Wine.
"Hindi....
....basta hindi ka rin magsasawang suyuin ako ng may puso." sabi ni Elle sabay yakap kay Wine.
Mula sa balcony nakamasid lamang ang apat.
"Aissttt ang ipis na ito." sabi ni Orion habang nakatingin kay Wine
"Hahaha, hayaan lang natin. Para masaya." nakangiting sabi ni Ellie.
✍️✍️✍️✍️✍️
May 11, 2021 10.49am
FifthStreet1883
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top