Kabanata 47 : Pinky Promise

Dalampasigan

"Muddy sandali." sabi ni Run ng mahawakan nito si Muddy.

"Aray!" sabi ni Muddy ng mahila siya ni Run.

"Sorry." sabi ni Run ng makitang nasaktan niya ang maliit na katawan ni Muddy.

"Okay lang. Aissst, nahiya ako sa loob. Whoah! Para akong gigisahin ng pamilya mo." sabi ni Muddy.

"Hahaha, wala ka pa ngang ginagawa." natawang sabi ni Run kay Muddy.

"Magpapasalamat lang ako at saka may binili akong bracelet sa palengke ibibigay ko lang sana sayo. Thank you gift." sabi ni Muddy sabay kuha sa bulsa ng bracelet na yari sa tali.

"Ang cute." sabi ni Run.

"Isusuot ko sayo. Matibay ito." sabi ni Muddy at sinuot nito kay Run ang bracelet.

"Ayos, bagay sa akin." sabi ni Run kay Muddy.

"Bagay naman sayo ang lahat kasi maputi ka." sabi ni Muddy.

"Hahaha, hindi rin." sabi ni Run.

"Aiisssst, di hindi. Paano? Aalis na ako baka hinahanap ka na sa loob." sabi ni Muddy.

"Hindi ako hahanapin dahil pinayagan ako lumabas ni Lola." sabi ni Run.

"Gabi na at baka mahamugan ka." sabi ni Muddy.

"Hahaha, ako talaga ang inalala mo. Ikaw nga babae ka at sa ikalawang bayan pa ang bahay mo at saka sa liit mong yan baka ikaw ang magkasakit." sabi ni Run.

"Hahaha, malakas ako. At hindi porque maliit ako ay mahina na ako. Minsan ang malulusog na itsura ay may itinatago." sabi ni Muddy na ikinangiti ni Run.

"Sabagay, pero dahil nandito ka na. Maglakad muna tayo sa dalampasigan." sabi ni Run kay Muddy.

'Okay lang sayo? Baka hanapin ka nila." sabi ni Muddy.

"Nagpaalam ako, at si Lola Ella ang ticket pass ko." sabi ni Run.

"Sabagay mukhang kahit babae siya halatang napapasunod niya ang lolo Rod mo." napangiting sabi ni Muddy.

"Sinabi mo pa." sabi ni Run na ikinangiti nito.

Napatingin si Muddy kay Run at napangiti itong muling nagsalita.

"Salamat pala uli. At sa lola mo, natanggap ni nanay kanina ang letter galing sa University at natuwa siya, pati si Tiyo. Bukod doon halos ipagsigawan ni nanay na grade 3 na ako this coming school year. Kaklase kita Run." masayang sabi ni Muddy.

"Masaya ako para sayo at magaling ka naman talaga dati pa." sabi ni Run.

"Tinulungan mo ako makapasok sa University. Maraming kabataan na tulad ko ang ninais makabilang sa inyo. Salamat Run hindi ko lang dadaanan ngayon ang St Therese habang nagtitinda sa sidecar ko. Papasok na rin ako doon." sabi ni Muddy na naluha sa nararamdamang ligaya.

Napangiti si Run ng makita ang kasiyahan sa mukha ni Muddy. Masaya siya para dito bukod doon alam niyang matutupad nito ang pangarap kahit paunti-unti.

"Pagbubutihan ko para sayo." sabi ni Muddy at nagulat si Run ng yakapin siya ni Muddy.

".....ikaw ang prinsipe ko at tulad sa libro isa itong happy ending sa akin." sabi ni Muddy.

Napangiti si Run at niyakap nito si Muddy.

"Mag-aral kang mabuti, huwag kang kagaya sa ibang kabataang babae ngayon." sabi ni Run.

Napatingin si Muddy kay Run.

"Oo, hindi ako lalandi... mag-aaral akong mabuti. Para darating ang araw magiging malapit ang agwat natin sa isa't isa." sabi ni Muddy kay Run.

"Hindi mo kailan lumapit... dahil ako na lang ang lalapit sayo o di naman kaya magkita tayo sa gitna doon tayo magtagpo." sabi ni Run kay Muddy.

"Sige. Pero huwag kang mag-alala kapag binigyan ako ng chance na maging kapantay kita. Kukunin ko ang opportunity na iyon at gagawin kong tadhana para magkalapit tayo." nakangiting sabi ni Muddy.

"Sige pero matagal pa iyon. Sa ngayon hmmnn...

...Gusto mo maghabulan?" tanong ni Run.

"Oo, malayo ang dagat sa amin di tulad sa inyo katabi niyo lang. Kaya maghabulan tayo sa mismong tubig dagat." masayang sabi ni Muddy at tinapik nito si Run.

"....taya ka." tumatawang sabi ni Muddy.

"Hahaha, ang dugas mo." natawang sabi ni Run ng tapikin siya ni Muddy at tumakbo ito.

"Hahaha, kailangan maging mautak tayo para hindi tayo mahuli at maabutan." nakangiting sabi ni Muddy.

"Kapag nahabol kita, anong parusa ang gusto mo?" tanong ni Run habang hinahabol nito si Muddy.

"Hmmmnn. Isa itong landi pero ikikiss kita sa pisnge." tumatawang sabi ni Muddy.

"Hahaha, huwag kang magsasabi ng ganoong salita. Ang pangit, lalo na sa batang tulad mo." sabi ni Run.

"Hahaha, sige iiwasan ko kapag nahabol mo ako." tumatawang sabi ni Muddy.

"Okay." sabi ni Run at naghabulan ang dalawa sa dalampasigan malapit sa pampang.

"Run ang bagal mo." natatawang sabi ni Muddy.

"Aiissst, hindi ako puwede sa matagalang takbuhan. Ang liksi mo." sabi ni Run at naupo ito sa buhanginan.

"Talo ka." sabi ni Muddy ng lapitan si Run.

"Oo na." sabi ni Run at nahiga ito sa buhangin.

"Pero panalo ka pa rin." nakangiting sabi ni Muddy at napangiti si Run ng humiga si Muddy sa tiyan niya at gawin iyong unan.

"Paano naman ako naging panalo?" tanong ni Run habang inunan nito ang isang bisig at ang isang kamay nito ay hinahawi ang buhok ni Muddy habang nakahiga ito sa tiyan niya.

"Kasi kahit mabagal ka tumakbo... Run pa rin ang name mo." sabi ni Muddy.

"Ang corny. Hahaha!" birong sabi ni Run at tumawa ito ng malakas.

"Ang corny ba?" sabi ni Muddy sabay kuha sa kamay ni Run na naghahawi ng buhok niya.

"Oo." sabi ni Run habang pinagmamasdan si Muddy.

Pagkakuha ni Muddy ng kamay ni Run inilagay nito ang kamay niya sa kamay ni Run at pinagtama iyon saka ito ngumiti.

"Malaki ang kamay mo sa kamay ko." nagtatakang sabi ni Muddy.

"Hahaha, siyempre mas matanda ako sayo at lalaki ako." sabi ni Run.

"Lalaki pa kaya ako?" tanong ni Muddy habang pinaglalaruan nito ang kamay ni Run.

"Oo, at huwag kang mag-alala. Kasama sa pagkapasa mo sa University. Aalagaan ka nila, magiging asset ka kasi ng school at kapag nagkataon ipapasok ka nila sa isa sa mga kompanya ng may-ari nito." sabi ni Run.

"Talaga?" masayang tanong ni Muddy sabay tingin kay Run.

"Oo. Kaya pagbutihan mo." sabi ni Run.

"Ahmmnn, gusto ko makapasok sa Emperyo." sabi ni Muddy.

"Bakit doon mo naman naisipan?" tanong ni Run.

"Kasi nandoon ka. Hahahaha." natawang sabi ni Muddy.

"Bakit ayaw mo sa Cheung Hotel?" sabi ni Run.

"Ayoko doon kasi marami na sila doon, sa Emperyo ikaw lang ang nandoon kung may kasama ka man ang dalawa mo lang na kapatid." sabi ni Muddy.

"Nandoon ang grupo." sabi ni Run.

"Alam ko, pero ikaw pa rin ang may-ari nun. Isang Valiente." sabi ni Muddy.

"Matalino ka nga." sabi ni Run.

Hinawakan ni Muddy ang kamay ni Run at pinagsaklob iyon sa pagitan ng mga kamay niya. Nakatingin lang si Run sa ginagawa ni Muddy sa kamay niya ng biglang magsalita si Muddy.

"Sana hindi ka magbago. Sana kahit lumayo ka, o magkasama tayo sa araw-araw sa school sana hindi ka magsawa makasama ako.

Sana hindi ka mabahuan sa akin at hindi ka makulitan. Sana maging magkaibigan tayo habang buhay." sabi ni Muddy at napangiti si Run ng ilagay ni Muddy ang hinliliit nito at pinagbigkis sa hinliliit ni Run.

"Promise Run." sabi ni Muddy sabay tingin kay Run habang magkadikit ang mga hinliliit nila.

"That's a pinky promise." sabi ni Run.

"Oo." sabi ni Muddy.

"Promise." sabi ni Run saka nito hinigpitan ang mga daliri nila ni Muddy.

"Aisssst, ang sarap dito sa inyo malapit sa dagat. Ang bahay kasi namin malapit sa palayan." sabi ni Muddy.

"Kaya muddy ang pinangalan sayo?" birong sabi ni Run habang pinaglalaruan ni Muddy ang kamay niya.

"hahaha, oo." natawang sabi ni Muddy.

"Totoo?" tanong ni Run.

"Oo nga. Muntik na kasi manganak si nanay sa putikan." natawang sabi ni Muddy.

".... Eh ikaw bakit Run?" tanong ni Muddy.

"Dahil habol ako..." natawang sabi ni Run.

"Habol?" tanong ni Muddy.

"Hahaha, tinago ako sa lolo ko na kamukha ko at akala ni Papa kambal lang ang anak niya. Ang junior niya at ang junior ni mama. Pero una akong lumabas at kamukha ko ang... hahaha." natawang sabi ni Run.

"....ang katunggali niya sa negosyo." sabi ni Muddy.

"Ang galing mo talaga." sabi ni Run kay Muddy.

"Maraming magagaling na negosyante sa islang ito kaya nakilala ito, pero ang nangingibabaw ay si Ralph Cheung at ang papa mo na siyang gumawa ng malapalasyong gusali na may bilyon pisong kita at alam ng lahat iyon." sabi ni Muddy.

"....at ng batang tulad mo?" sabi ni Run.

"Hahaha, laki ako sa kalsada kaya kilala ko ang mga tao dito lalo na ang mayayaman." sabi ni Muddy.

"May kakaiba ka bang nararamdaman sa amin... sa mga tulad kong mayaman?" tanong ni Run.

"Wala naman. Mabait kayo at masuwerte ang isla dahil kahit pasaway ang grupo niyo ang mga magulang niyo ay malaki ang naitutulong sa mga tao dito." sabi ni Muddy.

"Pasaway kami? Hindi naman." sabi ni Run na naisip na marami ngang alam si Muddy sa pamilya niya at kagrupo ng kuya niya.

"Ikaw lang ang matino sa mga lalaki, kaya nga natuwa ako ng makilala kita." sabi ni Muddy kay Run.

"Talaga lang ha."sabi ni Run.

"Oo. Ayaw mo maniwala?" tanong ni Muddy sabay dapa nito sa buhanginan at tumingin ito kay Run.

"Bigyan mo ako ng katibayan para maniwala ako." sabi ni Run.

Lumapit si Muddy kay Run at inilapit nito ang mukha sa batang lalaki.

Nagulat si Run at itinulak nito si Muddy sa nais nitong gawing paghalik sa kanya.

"Ano ba?" galit na sabi ni Run matapos itulak si Muddy at umiwas sa halik ng batang babae.

"Hahahaha. Kita mo matino ka. Kasi kung iba iyon, hahalikan na ako kahit bata pa ako." sabi ni Muddy at humiga ito sa buhanginan sabay tingin sa kalangitan.

"....mabait ka Run, at kaunti na lang ang tulad mong mayaman na may.... Puso." sabi ni Muddy.

Napatingin si Run sa nakahigang si Muddy sa buhanginan.

"Masaya ako nakilala kita...masuwerte ako nilapitan mo ako sa bookstore at isang panaginip man ang makasama ang tulad mo... isang pangarap ito na natupad ng dahil sayo Run. Salamat." sabi ni Muddy at bigla itong tumayo.

Nakatingin lang si Run at tahimik lang nakatitig kay Muddy.

"Magkita tayo sa darating na school year. Salamat sa pagtupad ng pangarap ko. Tama ka hindi ka opurtunidad dahil isa kang tadhana na ibinigay sa akin ng kapalaran. Nakaguhit ako sa palad mo at ganoon ka rin sa palad ko, na balang araw tuluyang magtatagpo ang mga linya na tatahakin nating daan." nakangiting sabi ni Muddy.

Nilapitan nito si Run na nakatitig lang sa kanya.

"Salamat." nakangiting sabi ni Muddy at niyakap nito ng mahigpit si Run.

"...huwag kang magbabago Run. At huwag mong babaguhin ang linya mo." sabi ni Muddy at bumitaw ito kay Run at mabilis na tumakbo palayo.

"Muddyyy! Ihahatid ka ng bodyguard ko." sigaw ni Run sa papalayong si Muddy.

"Salamat Run. Pasunurin mo na lang sila. Iyon ay kung mahahabol nila ako." sigaw ng tumatawang si Muddy.

"Aiissst." sabi ni Run at mabilis nito kinuha ang cellphone at tinawagan si Glenn.

.....................

"Ang tagal ni Kuya Run." sabi ni Elle.

Nang makitang busy sa pag-uusap ang pamilya dahan-dahan itong dumaosdos sa mesa. At ng nasa ilalim na siya ng mesa mabilis itong pumuslit palabas ng bahay.

"Elle." gulat na sabi ni Wine ng makita si Elle sa likod bahay ng mga ito.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Elle kay Wine.

"Ahhmmm." sabi ni Wine sabay senyas kala Ion at sa iba pa na umalis na.

May sinisilip kasi sila Wine at ang grupo nito sa kabilang private cottage dahil may mas magandang view sa lugar na iyon na nasa likod ng cottage ni Ellie.

"Ahhhhmmmm? Kumakain ka?" tanong ni Elle kay Wine.

"Hindi." sabi ni Wine ng makita sa gilid ng mga mata sila Ion at iba pa na nasa taas ng puno at naninilip sa kabilang cottage ng mga babaeng naka topless sa swimming pool.

"Anong ahmmmmm?" tanong ni Elle.

"Ahhhmmm..." napapikit na sabi ni Wine na walang masabing rason.

"Ahhhmmm, tatae ka?" tanong ni Elle.

"Oo." biglang sabi ni Wine.

"May banyo sa loob." sabi ni Elle.

"Huwag na." sabi ni Wine habang sumesenyas ito kala Ion na magtago sa taas ng puno.

"Okay." sabi ni Elle sabay upo sa duyan na nasa likod bahay habang nakatitig kay Wine.

"Bumalik ka na sa loob." sabi ni Wine na tila nakakaramdam si Elle sa kalokohan niya.

"Mahal mo ako?" tanong ni Elle

"Oo naman." sabi ni Wine.

"Kaya ka ba nandito dahil sa AKIN?" tanong ni Elle.

"Oo." mabilis na sabi ni Wine na pinagpapawisan na sa tensyon na baka mabuko siyang naninilip.

Nakatitig lang si Elle kay Wine at nakuha pa ng batang babaeng humiga sa duyan.

"Kantahan mo nga ako." sabi ni Elle kay Wine.

"Shit three minutes ang pag kanta at matagal iyon. Tiyak mabubuko ako." sabi ni Wine sa isip.

"Ayaw mo?" tanong ni Elle.

"Gusto.' sabi ni Wine.

"Okay, game." sabi ni Elle.

Sa pagkalito ni Wine at sa pag-iisip ng mabilis na kanta bigla itong napakanta ng unang kanta na pumasok sa isip niya at naibulalas niya.

"Rain rain go away come again another day, little Wine wants to play." sabi ni Wine na ikinatitig ni Elle kay Wine at ikinangiti ng pilit ni Wine kay Elle.

"Bye." umiiyak na sabi ni Elle at nagmamadali itong bumalik sa loob ng cottage.

"Hahaha, lagot ka na naman." tumatawang sabi nila Ion, Shadow at Rhythm kay Wine ng makitang umiiyak na pumasok sa loob ng cottage si Elle.

"Aiiisssst." inis na sabi ni Wine sa mga kaibigan.


✍️✍️✍️✍️✍️✍️

May 10,2021 10.08pm
FifthStreet1883

Good night na talaga 😴😴😴😴

Plagiarism is a CRIME
Do NOT Copy

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top