Kabanata 46 : Pick
Orion's Cave House
"Bakit ka nandito?" nagtatakang tanong ni Elle.
Sinabihan si Elle ni Glenn na kanina pa ang kotse ni Wine sa labas ng Cave House. Hinintay naman niya ito mag busina para makapasok sa loob ng bahay nila pero hindi naman daw iyon bumusina at hindi rin umaalis sa gilid ng kalsada.
Kanina pa rin si Elle naghihintay ng tawag mula sa nobyo pero hindi rin ito tumatawag, nagparamdam na nga siya dito kung namimiss ba siya pero walang reply mula sa kay Wine.
Kaya nagtataka si Elle kung bakit naroroon ang nobyo na kanina pa nakapark. Kaya naisipan na niyang puntahan sa labas at baka may problema ang binata.
"Gusto ko sana magpasama sayo." seryosong sabi ni Wine.
Alas otso na ng gabi, at kung tutuusin kanina pa si Wine sa labas ng gate ng bahay ng nobya. Ilang oras na rin ang nakalipas, nag-iisip kasi siya kung itutuloy ang plano o hindi.
At nang makita ni Wine si Elle na papalapit sa kotse niya agad niyang binuksan ang kotse para salubungin ito.
"Saan?" tanong ni Elle ng makitang seryoso si Wine.
Sa lahat ng ayaw niya ang makitang seryoso ang nobyo, pakiramdam kasi ni Elle hindi si Wine ang kaharap at kasama niya.
"Sa Valiente Empire." sabi ni Wine.
"Bakit?" nagtatakang tanong ni Elle.
"Gusto ko kasi makapunta sa bar." seryosong sabi ni Wine.
Napatitig si Elle sa nobyo, alam ni Elle na may kliyente ang kuya niya doon kaya bawal sila pumunta roon ngayon.
"Hindi tayo puwede doon." sabi ni Elle.
"Ganoon ba?" sabi ni Wine na napabuntung hininga.
Nakatitig si Elle sa nobyo. Mukhang may problema ito pero ipinagtataka niya bakit sa bar nito nais pumunta.
"May problema ka ba? Gusto mo uminom kaya nais mo magtungo sa bar?" tanong ni Elle.
Napatitig si Wine kay Elle. Nasa loob na ng Emperyo ang mga kaibigan. At naisip ni Wine kanina kung pupunta siya para alamin ang babae na nakita niya, ang gusto niya si Elle ang kasama niya.
"May gusto kasi ako malaman." sabi ni Wine.
Nakatayo si Wine sa kotse nito habang nakasandal roon samantalang nasa harap nito si Elle na nakatingala sa nobyo habang tinititigan at binabasa ang nasa isip nito.
"Ano iyon? Re-----regarding sa ba---babae mmmm." nauutal na sabi ni Elle na biglang napayuko ng makaramdam muli ng selos.
Nakatitig lang si Wine kay Elle, alam niyang nagseselos na naman ito at pilit iyon nilalabanan.
"Mahal mo pa?" napasigok na sabi ni Elle na biglang tumulo ang luha.
"Aisssst, hindi ko sabi ex iyon." sabi ni Wine sabay yakap kay Elle na pinipigilan magwala dahil nanginginig ito sa selos.
"Anong gusto mo malaman?" tanong ni Elle habang yakap siya ng nobyo.
"Kung sino iyon, kasi nakita kong ginamit niya ang kotse ni ate Cha." seryosong sabi ni Wine.
Napatingala si Elle sa nobyo at tinitigan ito.
"Si Ate Cha?" nagtatakang tanong ni Elle.
"Oo, iyong kotse ni Ate ang gamit niya ng makita natin siya umalis ng emperyo." sabi ni Wine.
"Tingin mo ba siya 'yon?" tanong ni Elle.
"Hindi ko alam. Pero makakatiyak lang ako kung siya iyon kapag nakita ko ang babae ng malapitan." sabi ni Wine.
"So tingin mo, naroroon siya ngayon sa bar?" tanong ni Elle.
"Hindi ko rin sigurado dahil sabi nila Shadow bago lang ang binansagang Chief sa bar na iyon. At nitong mga nakaraang gabi, hindi na daw nila nakikita iyong babae." sabi ni Wine.
"Baka tinanggal ni kuya." sabi ni Elle na nawala ang selos niya ng maunawaan ang gusto malaman ni Wine.
"Imposible, malaki ang kinita ng bar noong gabing iyon kung kailan nagperform si Mehta." sabi ni Wine.
"Sabagay, pero bakit hindi na siya nagpakita? O baka naman nasa ibang bansa na siya pinadala ni Kuya." sabi ni Elle.
"Hindi rin dahil sabi ni Ash walang The Chief na code sa mga pinadala matapos magperform ng entertainer na 'yon." sabi ni Wine.
"Sige, alamin natin gusto mo?" sabi ni Elle.
"Puwede ba?" tanong ni Wine habang yakap si Elle.
Kapatid ni Wine si Chhaya kaya ayaw naman niyang mapasama si Chhaya sa mga entertainer ng bar. Kung tutuusin ilang araw na siyang nag-iisp kung paano makikita ang babaeng binansagang The Chief.
"Oo, sa bahay tayo dumaan tapos mula doon tatagos tayo patungo sa bar." sabi ni Elle.
"Sige, salamat." sabi ni Wine.
"Okay lang. Sorry pala kanina, kasi ano eh..." udlot na sabi ni Elle na napabuntung hininga.
Napangiti si Wine, alam niyang takot si Elle sa naramdaman nito simula noong hawakan niya ang dibdib nito kaya iwas na itong magselos.
"Okay lang." nakangiting sabi ni Wine sabay yakap kay Elle ng mahigpit.
"Aalis na ba tayo?" tanong ni Elle.
"Sige." nakangiting sabi ni Wine pero napakunot noo ang binata ng pumikit ang nobya at ngumuso ito.
"Ano iyan?" tanong ni Wine.
"Kiss." sabi ni Elle na ikinatawa ni Wine.
"Hahaha, nakatingin ang mga bantay sa bahay niyo at baka itapon ako ni Kuya Glenn at hindi na tayo makaalis." natatawang sabi ni Wine.
"Smack lang." sabi ni Elle na tumingkayad pa para abutin ang labi ni Wine.
Yumuko si Wine at sinalubong nito ang labi ni Elle sabay mabilis na dampi ng halik sa labi nito.
"Okay na." pilyong sabi ni Wine.
"Oo." nakangiting sabi ni Elle sabay yakap sa nobyo ng mahigpit.
...................
El Casa
Hours Later
"Sir okay na po ang lahat." sabi ni Pit kay Autumn ng gabing iyon.
"Okay." sabi ni Autumn kay Pit ng puntahan siya nito sa opisina sa El Casa.
"Nasaan si Diez?" tanong ni Autumn kay Pit.
"Nasa dressing room na po." sabi ni Pit.
"Mabuti. Sabihin mo kay Jessie dalhin na sa bar si Mr Yan." sabi ni Autumn.
"Yes Sir." sabi ni Pit saka ito umalis ng opisina ni Autumn.
Napatingin si Autumn sa monitor ng laptop niya. Kanina pa niya pinagmamasdan si Chhaya kung saan kausap ito ng secretary niya kaninang umaga.
Nang sabihin kasi ni Jessie kay Autumn na pumunta ang dating nobya, agad niya pinanood ang cctv para makita ang reaksyon ni Chhaya sa ilang araw na hindi niya pagsunod sa napagkasunduan.
"Malaki din ang kinita ng bar ko ng magperform ka dito. Pero hihintayin ko ang susunod mong gagawin para huminge ng tulong at magmakaawa sa pagsalba ng hotel." nakangising sabi ni Autumn habang pinagmamasdan si Chhaya na halatang problemado ito sa nagbabadyang pagguho ng mabilisan ng Cheung Hotel.
.................
"El Emperio
"Sa gagawin ko ngayon, sisiguraduhin ko tutulungan mo na ako." sabi ni Chhaya sa sarili habang tinatahak ang training room ng bar.
Madali siya nakapasok sa loob ng Valiente Empire ng ipakita niya ang id na empleyado siya ng naturang bar bilang entertainer.
"Hindi ka puwede umatras sa usapan natin." sabi ni Chhaya habang binabagtas na ang daan papalapit sa kuwarto ng mga entertainers.
"Lahat gagawin ko para maisalba ang Cheung Hotel para kay Damian." sabi ni Chhaya sa isip
................
Valiente Empire
"Pare, puwede na ba tayo pumunta?" tanong ni Shadow kay Ash ng nasa kuwarto sila ng kaibigan.
Nakaupo sa sofa na nasa loob ng kuwarto ang magkakaibigan. Habang nakatanaw naman si Ash sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang mga parokyano ng bar na pumapasok sa gate na nagsisimula magsidagsaan.
Kapag ganoong event, dinadagsa ng mga customer ang bar nila. Bakit nga ba hindi lahat ng magagaling at kumikitang entertainers naroroon kaya naman ang entrance fee at ang presyo ng alak sa loob ay domodoble din.
"Maya-maya, kapag lumabas na ng opisina si Kuya." sabi ni Ash na kanina pa rin nananabik makapunta sa bar kaso kailangan ng tamang tyempo dahil kapag nahuli sila siguradong isang taon silang hindi makakatuntong roon.
"Hindi ba tayo mahuhuli kapag tumulay tayo sa kabila?" tanong ni Ciao na sa lahat ito ang kabado dahil paniguradong lagot siya sa ama niyang si Kloud.
"Hindi iyan. At pagdating sa loob ng bar pupuwesto tayo sa pangkaraniwang upuan para hindi tayo mapansin, malayo sa mga VIP... malayo kung nasaan sila kuya." sabi ni Ash.
Kanina pa sila sa loob ng kuwarto ni Ash, at halatang excited ang lahat sa gabing iyon para masilayan ang mga bigating entertainers ng bar. Oras ang hinihintay nila, oras na maging busy ang lahat para makatakas sila.
"Mabuti naman dahil ayoko mabuko ni daddy." sabi ni Ciao.
"Masyado kang takot, hindi tayo mabubuko. Mag-eenjoy tayo ng hindi nila alam." nakangiting sabi ni Ash.
"Tingin ko si Diez uli ang mapipili sa China Bar, at malaking kita na naman iyon." sabi ni Rhythm habang nakaupo ito sa sofa at kinakalikot ang cellphone nito.
"Bago siya mapili titikman ko muna siya." nakangising sabi ni Ash.
"Hahaha, paano mo naman mahahatak ang isang iyon. Alam natin na sa lahat ng entertainers bantay iyon ng kuya mo." sabi ni Dim.
"Ako pa, ngayong gabi ako maniningil." sabi ni Ash.
"Tingnan natin kung paano mo makukuha at gagawin ang maitim mong balak." sabi ni Shadow.
"Hahaha, lagot siya sa akin." natawang sabi ni Ash.
................
Guest Room
"Sige matulog ka lang dahil mamaya pupuwesto tayo sa unahan." nakangising sabi ni Ion habang pinagmamasdan si Kim na hanggang ngayon ay natutulog pa rin.
Nasa guest room sila ng bahay nila Ash kung saan natutulog si Kim. Buhat niya ito kanina na ikinatawa pa ng grupo ng hindi man lang nagising ang dalagita habang buhat niya ito.
Pinagmasdan ni Ion si Kim, napailing ang binata ng makitang kahit saan mo ilagay si Kim feel at home ito. Tulad ngayon nakuha pa ng dalagita dumapa sa kama na parang pag-aari nito ang kama.
"Aiisssst, ngayon lang talaga ako nakakita ng babaeng makapal ang mukha." sabi ni Ion habang nakaupo ito sa kama at pinagmamasdan ang mukha ni Kim.
................
El Emperio Bar
"Ang ganda." sabi ni Muddy ng makapasok na sila ni Run sa loob ng bar.
Napangiti si Run, hindi dapat siya pupunta roon pero ng mabangga siya ni Muddy kanina sa ikalawang bayan, at nag-request ito na pumunta roon hindi niya ito mapaghindian.
"Doon tayo." sabi ni Run na ang piniling puwesto ay malayo sa VIP dahil ayaw din niya may makakita sa kanya sa lugar na iyon.
"Sige." masayang sabi ni Muddy.
Hinawakan ni Run ang kamay ni Muddy na halatang excited ito sa unang pagtuntong sa bar na iyon.
Nadaanan nila Run at Muddy ang cart na tulak ng waiter na agad naman kumuha si Run ng alak. Napatingin si Muddy sa basong hawak ng nobyo na may alak.
"Ito sayo, ladies drink pero isa lang ha baka malasing ka." sabi ni Run.
"Oo." sabi ni Muddy sabay kuha ng ladies drink.
Umupo ang dalawa sa bandang gitna kung saan maraming tao sa parteng ng bar. Napamasid si Run sa bar mas maraming tao ngayong araw na ipinagtaka niya at ang presyo ng alak ay doble, na nangyayari lang kapag may kliyente ang kapatid.
"Malamig dito kahit maraming tao." sabi ni Muddy kay Run. Tiningnan ni Run si Muddy ng bigla itong manginig at nanlamig ang balat nito. Naubos na rin nito ang alak na ibinigay niya dito.
Niyakap ni Run si Muddy, kung tutuusin bawal si Muddy sa lugar na iyon pero dahil kapatid si Run ng may-ari kaya pinapasok ang nobya niya.
"Puwede ba hinaan." sabi ni Muddy na bigla siyang nilamig.
Niyakap pa lalo ni Run si Muddy, nilakasan ang aircon sa bar at sadyang ginagawa iyon kapag dagsa ang tao at ganoong oras.
"Hindi hihinaan iyan at lalakas pa ang buga ng hangin mamaya." sabi ni Run.
Kumuha muli si Run ng alak at binigay kay Muddy para maibsan ang panginginig ng katawan nito na halatang hindi ito sanay sa malamig na lugar.
"Ayoko na. Nasusuka ako." sabi ni Muddy na tinanggihan ang alak na bigay ni Run.
Okay." sabi ni Run na hindi na pinilit si Muddy dahil bata pa ito para uminom at ayaw din naman niya sa babae na umiinom ng alak kaya napangiti ang binata ng tanggihan ni Muddy ang alok niya.
"Yakap mo na lang ako. Malamig, Run." nanginginig na sabi ni Muddy na bigla-bigla ang paglamig sa lugar.
Tinayo ni Run si Muddy at nagulat si Muddy ng pakundangin siya ni Run.
"Malamig at kahit akbayan kita lalamigin ka pa rin." sabi ni Run ng makitang namumula ang mukha ni Muddy sa hiya.
"Okay." sabi ni Muddy sabay kandong nito kay Run, na wala siyang choice dahil nilalamig talaga siya.
Niyakap ni Run si Muddy habang ang mukha ni Run ay dinikit nito sa mukha ni Muddy.
"Sana nagdala ako ng jacket." mahinang sabi ni Muddy na isiniksik ang ulo sa leeg ni Run.
Napabuntung hininga si Run, hindi makakapag-enjoy si Muddy kung nanginginig ito sa lamig.
"Run, yakap pa." mahinang sabi ni Muddy.
"Sandali lang." sabi ni Run.
Tiningnan ni Muddy si Run ng bahagya siyang ilayo nito ng bigla nanlaki ang mga mata ni Muddy ng ipasok ni Run ang kamay nito sa likuran niya at haplusin iyon habang ang isang kamay nito ay mahigpit siyang yakap.
"Run." namumulang sabi ni Muddy na nakaramdam ng init sa haplos na iyon.
"Okay na ba?" nakangiting sabi ni Run.
"Oo." sabi ni Muddy sabay yakap kay Run habang patuloy na paghaplos ni Run sa likuran niya.
Isiniksik pa ni Muddy ang katawan kay Run habang nakakandong siya dito at niyakap ito ng mahigpit.
"Mag-eenjoy tayo mamaya." sabi ni Run na niyakap pa lalo si Muddy, na ikinatango ng dalagita.
......
June 3, 2021 10.33am
FifthStreet1883
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top