Kabanata 46 : A+
St Therese University
"Ang dami namang tao." sabi ni Muddy ng nasa St Therese na siya.
Ngayon ang araw ng entrance test niya para sa upcoming grade 1 student. Mag-isa lang siya nagtungo roon. Ayaw pa nga siya papasukin ng mga guwardiya pero tumakas siya ng may nakasabay siyang grupo ng mga bata na may kasamang mga nanay.
Malaki at malawak ang university, may tricycle ito sa loob kung saan puwede kang sumakay papasok may bayad iyon kaya nilakad na lang ni Muddy at ilang metro rin ang layo nun.
"Sana makapasa ako." sabi ni Muddy sa isip habang pinagmamasdan ang paligid.
At dahil siya lang ang walang kasamang magulang kaya mag-isa siyang nakaupo sa gilid ng park kung saan ang hintayan ng lahat. Per grupo naman iyon at may nakalagay na banner kung saan ang mga designated area ng bawat level.
Nakita na rin niya ang pangalan niya kung saan gaganapin ang exam, at di tulad ng iba suportado ito ng mga magulang. Suportado naman siya ng nanay niya kaso busy ito sa paglalabada at ang tiyuhin naman niya ay suma-sideline bilang karpentero.
"Nagugutom na ako." sabi ni Muddy.
Ang akala kasi ni Muddy alas syete ang simula ng exam. Iyon pala, ay maghihintay pa sila dahil sabay-sabay magtetest ang lahat at papasok sa loob ng classroom.
"Alas otso na, isang oras din ang lumipas." sabi ni Muddy habang hawak niya ang maliit na plastic bag kung saan laman lang nun ay lapis, papel, eraser, color, at pantasa na inutang pa ng nanay niya sa tindahan.
"Kaya ko ito para naman worth it ang pagkakautang ni nanay. Dapat makapasa ako." sabi ni Muddy sa isip habang nakaupo ito nag-iisa sa gilid
"Kumain ka muna."
Napalingon si Muddy ng may kumalabit sa kanya at idinikit ang malamig na bagay sa balikat niya.
"Run." nakangiting sabi ni Muddy.
"Kanina pa kita hinahanap, ang liit mo kasi kaya hindi kita makita, hahaha." birong tumatawang sabi ni Run kay Muddy,
"Hahaha, nandito lang ako sa gilid baka magkagulo at matapakan nila ako." natawang sabi ni Muddy.
"Alam ko hindi ka pa kumakain, at wala kang baon. Pasensya ka na at hindi ko nasabi sayo na maghihintay ka pa bago ang exam." sabi ni Run.
"Okay lang ikaw na nga ang nagturo sa akin." sabi ni Muddy.
"Aiissst, kumain ka para may masagot ka mamaya." sabi ni Run.
Napatingin si Muddy sa dala ni Run isang kalakihang paper bag. Binuksan iyon ni Run at sa loob nun may lunch box na may lamang kanin, hotdog, bacon, egg at may saging pa doon. May isa pang lunch box at ng buksan ni Run may sandwich iyon na kita ang palaman na ham at may gulay na kasama. Inilabas din ni Run mula sa paper bag nito ang bottled water at bote na fresh milk.
"Kumain ka." nakangiting sabi ni Run.
"Ang dami." sabi ni Muddy.
"Kulang pa iyan. Pero kung anong kaya mo iyon lang kainin mo para naman hindi ka matae habang nagtetest." nakangiting sabi ni Run
"Share tayo." sabi ni Muddy.
"Okay." sabi ni Run naglagay ito sa takip ng lunchbox na para dito. Kaunti lamang iyon at kay Muddy nito binigay ang marami.
"Nakakahiya pero mukhang masarap. Nakakatakam." sabi ni Muddy.
"Huwag ka ng mahiya. Kain na tayo." sabi ni Run.
Nagsimula kumain ang dalawa at panaka-nakang tumitingin si Muddy kay Run. Pinagtitinginan din ang dalawa ng mga tao sa paligid nila pero para wala lang iyon kay Run.
Nasa isang upuan sila na may mesa kaya komportable naman sila kumain.
"Date natin." nakangising sabi ni Run.
"Ha?" sabi ni Muddy.
"Hahaha, first date." natawang sabi ni Run na ikinapula ng mukha ni Muddy.
"Bata pa tayo." sabi ni Muddy.
"Alam ko kaya nga date muna sa school." nakangiting sabi ni Run kay Muddy.
"Aral muna di ba?" sabi ni Muddy.
"Oo aral muna bago.." napangising sabi ni Run.
"..landi." nakangising sabi ni Muddy.
"Hahaha." natawang sabi ng dalawang bata.
"Ubusin mo iyan. Hinanda iyan ni Lola Ella, alam niyang pupuntahan kita dito." sabi ni Run.
"Talaga? Nakakahiya naman." sabi ni Muddy.
"Mabait si Lola Ella, ang totoo siya ang kasama ko at naroroon lang siya sa admin kasama si Lolo Rod." sabi ni Run.
"Kailangan ko pala galingan lalo." sabi ni Muddy
"Kaya mo iyan." sabi ni Run.
"OO." sabi ni Muddy.
"Kapag ikaw ang nagtop sa exam wala kang gagastusin kahit singko, pati pamasahe mo. Baon mo at lahat ng gastos sa school shoulder ng University. Plus may monthly allowance ka. Kaya maganda mag-aral ang isang tulad mo dito. Biruin mo mag-aaral ka para sa sarili mo tapos kikita ka, na para ka ng nagtatrabaho." sabi ni Run.
"Wow, ang galing. Hindi ba malulugi ang school?" sabi ni Muddy,
"Hindi kasi may mga nag-aaral dito na hindi nagte-take ng exam. Sila ang nagbabayad ng mahal at lahat ng nakukuha nila dito ay binabayaran nila ultimo toothpick may bayad sila." natawang sabi ni Run.
"Ganoon?" sabi ni Muddy.
"Sa buhay may dalawang parte ang libre at ang nagbabayad." sabi ni Run.
"..doon kumukuha ang University ng pagtustus sa mga iskolar." sabi pa ni Run.
"Sana makapasa ako." sabi ni Muddy,
"Galingan mo. Isa itong opportunity na nakukuha lang ng iilan." sabi ni Run habang kumakain pa rin ang mga ito
"Tama, tulad ng makilala kita." sabi ni Muddy.
"Hindi opportunity ang tawag ng makilala mo ako." sabi ni Run.
"Ano?" tanong ni Muddy.
"...Destiny." nakangising sabi ni Run.
"Hahaha, sabagay." natawang sabi ni Muddy.
Napangiti si Run at tinitigan nito si Muddy, hindi ito lumalaki pero napag-alaman naman niya na normal itong bata. Kulang lang sa sustansya ang katawan nito pero bilib si Run sa batang kaharap dahil maliksi ito kumilos at bibo magsalita.
"Nabusog ka ba?" tanong ni Run ng makitang naubos ni Muddy ang dinala niya dito ng hindi namamalayan ng batang babae.
Napatingin si Muddy sa pagkain at namula ang mukha nito ng maubos ang pagkain niya ng ganoong kabilis.
"Oo." sabi ni Muddy.
"Mukhang hindi pa." sabi ni Run sabay punas ng panyo sa bibig ni Muddy na ikinatingin ni Muddy kay Run.
"Mukhang hindi pa ba ako busog? Eh ang dami nun." sabi ni Muddy.
"Oo hindi ka pa busog... at hindi naman kita puwede pakainin ng marami dahil malamig sa loob ng entrance test room kaya..." sabi ni Run at kinuha nito ang panlikod na bag nito at binigay kay Muddy,'
"Ano ito?" tanong ni Muddy kay Run.
"Bag mo. Nandiyan ang mga gamit na gagamitin mo sa test. May papel, lapis, color, eraser, pantasa, may panyo na rin diyan kapag pinagpawisan ka.
At may pagkain din.... kasi may 15minutes break kayo mamaya para makakain ka at makainom ng tubig. Tubig... kasi mas maganda iyon kapag nagtetest kaysa sa mga chocolates at juices." nakangiting sabi ni Run.
"Nakakahiya sayo, may gamit naman ako binili ni nanay sa akin." sabi ni Muddy.
Tiningnan ni Run ang dal ani Muddy nakasando bag plastic lamang iyon na tila kabibili lang sa tindahan.
"Mas okay ng may reserba kang lapis at baka magputol-putol ang binili mo. Hassle iyon." sabi ni Run.
"Salamat, ibabalik ko na lang sayo ang bag na ito at ang laman pagkatapos ko magtest." sabi ni Muddy kay Run.
Tinitigan ni Muddy ang bag, mamahalin iyon na halatang matibay. At ng buksan niya iyon napangiti siya dahil mamahalin din ang gamit na nasa loob. May baon din siya doon.
Pinagmamasdan lang ni Run si Muddy at napangiti si Run ng makita ang kasiyahan sa mukha ni Muddy.
"Huwag mo ng ibalik. Sayo na lang iyan." sabi ni Run kay Muddy.
"Mahal ito." sabi ni Muddy.
"Mahal ka rin naman." nakangiting sabi ni Run.
"Ano?" sabi ni Muddy.
"Mahal ka rin, kasi di ba ginastusan ka ng magulang mo, na kahit mahirap sila nakuha ka nilang palakihin." sabi ni Run.
"Hindi nga ako lumalaki." sabi ni Muddy.
"Hahaha, oo nga 'no? Pero kahit na." sabi ni Run.
"Salamat pero sandali pumipila na sila." sabi ni Muddy ng makitang nagsisipilahan na ang mga kukuha ng exam.
"Sige. Makipila ka na at ako ng bahala dito sa pinagkainan natin." sabi ni Run.
"Ay naku! Nakakahiya, madali lang naman iligpit ito." sabi ni Muddy at mabilis nitong tinulungan si Run.
"Ang bilis mo nga kumilos kahit maliit ka." sabi ni Run ng mabilis na naligpit ni Muddy ang pinagkainan nila.
"Mabilis ang kamay ko, sabi nga ng nanay ko kakaiba ang bilis ng kamay ko." nakangiting sabi ni Muddy kay Run.
"Mukha nga." nakangiting sabi ni Run.
"Pati mata ko mabilis din." sabi ni Muddy na ikinatingin ni Run sa batang babae.
"....Pero huwag ka mag-alala hindi ako mangongopya sa test." natawang sabi ni Muddy ng nakatitig lang si Run sa kanya.
"Mabuti." sabi ni Run.
"Okay na. Malinis na. PIpila na ako, sana makapasa ako." sabi ni Muddy.
"Sandali." sabi ni Run.
"Bakit?" sabi ni Muddy.
Lumapit si Run at niyakap nito si Muddy.
"Good luck." nakangiting sabi ni Run.
"Salamat, Run." nakangiting sabi ni Muddy at niyakap nito si Run.
.....................
Isla Traquilo
Damian's House
"Okay na iyong wedding dress ko." sabi ni Winter kay Damian
Nasa bahay si Winter ng binata habang nag-aayos sila para sa pagbibigay ng invitations.
"Okay." sabi ni Damian habang nakaupo ito sa opisina ng binata sa bahay nito.
"Babe, wala ka bang kamag-anak na iimbitahan?" nagtatakang tanong ni Winter na ipinagtataka niya wala kahit isang imbitado si Damian na kamag anak.
"Wala akong kamag-anak." sabi ni Damian.
"Kaibigan?" sabi ni Winter.
"Kung sino ang kasosyo ko sa negosyo sila na ang kaibigan ko." seryosong sabi ni Damian.
"Parents mo?" sabi ni Winter.
"Patay na." sabi ni Damian.
"Ahmm! Huwag ka sana magalit ha. Kung nagtatanong ako sayo, tutal magiging asawa mo na ako." sabi ni Winter.
"Oo naman." sabi ni Damian
"Puwede ko ba makita ang baby pictures mo, o family pictures.." sabi ni Winter.
"Wala ng lahat, nasunog kasi ang bahay ko noong ako na lang mag-isa at kasama sa nasunog lahat." sabi ni Damian.
"Ganoon ba?" sabi ni Winter.
"Big deal ba sayo ang pagkawala ng pamilya ko o kung hindi ko maipakita sayo kahit isang picture nila?" tanong ni Damian kay Winter habang nakaupo ito sa single sofa sa loob ng opisina niya.
"Hindi naman." sabi ni Winter.
"Kabawasan ba 'yon sa mararamdaman mo sa akin?" tanong ni Damian.
"Hindi rin." sabi ni Winter.
"Tanggap mo ba ako?" sabi ni Damian.
"Oo naman." nakangiting sabi ni Winter.
"Salamat." nakangiting sabi ni Damian.
"Mahal kita, sa patuloy na pagdaan ng mga araw. Alam kong pagmamahal ang nararamdaman ko sayo. At kung masama ka man, babaguhin ko iyon at magiging anghel ako sayo." sabi ni Winter.
Napangiti si Damian, tumayo ito at nilapitan si Winter.
"Hindi ako nagkamali ng tanggapin ko pagrereto ni Ralph sa apo niya. Isa kang yaman para sa akin." sabi ni Damian.
"Salamat." nakangiting sabi ni Winter. Tumayo ito at niyakap si Damian.
"Huwag kang magbabago, Winter." sabi ni Damian.
"Hindi, at sana ganoon ka rin. I love you." sabi ni Winter kay Damian.
"Mahal din kita." nakangiting sabi ni Damian.
.................
Balwarte
"Ano?" sabi ni Atlas kay Ralph.
"Sa araw ng kasal niya sisimulan mo ang pagiging bodyguard. Susundan mo ang apo ko kahit saan siya magpunta." sabi ni Ralph.
"Hahaha, baka patayin ako ni Damian." sabi ni Atlas.
"Hindi ka niya papatayin kung may ipapakita kang asawa sa kanya." sabi ni Ralph.
"Asar ka talaga." inis ng sabi ni Atlas sa matandang Cheung na tumawa lang sa sinabi niya.
"Hahaha, huwag kang mainis dahil makukuha mo na ang gusto mo." sabi ni Ralph.
"Minsan alam mo, parang pinaglalaruan mo kaming lahat. Daig mo pa ang writer sa isang telenovela. Nakakainis ka!" napipikong sabi ni Atlas.
"Hahahaha, sumunod ka para maganda ang flow nating lahat." sabi ni Ralph.
"Asar! Aisssst..." inis na sabi ni Atlas.
"Asawa?" nakangising sabi ni Ralph.
"Asar! Sige kukuha ako ng mapapangasawa ko, kung ayan ang gusto mo." nakangising naiinis na sabi ni Atlas.
"Very good. Hahahaha." tumatawang sabi ni Ralph.
"Grabeng matandang ito." inis na sabi ni Atlas sa isip.
Kabanata 46
St Therese University
"Kids, may magbabantay sa atin para sa exam na gagawin natin sa araw na ito. Sila ang may-ari ng St Therese University. Kaya mag behave at maging honest tayo." sabi ng teacher ng grade one na siyang namamahala sa classroom na iyon.
Sa dami ng nais makapasok sa St Therese University umabot sa limang daan ang kumuha ng exam at 85 lamang na average score ang kukunin kung saan sasalain pa ito kung sino ang mapupunta sa highest section.
"Opo." sabay-sabay na sabi ng mga bata.
Nakamasid lang si Muddy kanina pa sa kuwartong iyon, maganda at airconditioned hindi tulad sa pampublikong paaralan na sirang electricfan lamang. Sa classroom kung nasaan siya naka-tiles ang sahig ng naturang kuwarto, maganda at komportable ang mesa at upuan. Bukod pa diyan kaunti lamang ang upuan na siyang bilang ng estudyante na nagkakaklase roon.
"Pinapakilala ko sa inyo si Mrs Ella Cheung na siyang magbabantay sa ating lahat." sabi ng teacher 1 na ikinatingin ni Muddy sa pintuan.
"Lola ni Run." sabi ni Muddy sa isip ng makita si Ella.
"Hello kids, titingin lang ako. Huwag kayo matakot hindi ako nangangain ng bata." nakangiting sabi ni Ella sa mga batang naroroon.
Napangiti si Muddy kahit nasa sixtees na ang babaeng nasa harap niya, maganda pa rin ito.
"Ang lakas ng dugo niya, kamukha niya iyong momy ni Run at si Ate Winter." sabi ni Muddy sa isip.
Napatingin si Ella sa batang nasa gilid at talagang nasa dulo ito. Maliit ito kaya tila lang ito saling ketket na maitatawag. Tuwid ito umupo at napangiti siya dahil tila kakainin ito ng upuan sa liit nito.
"Simulan na natin." sabi ni Ella at nginitian nito ang teacher na siyang magbibigay ng test paper sa mga bata.
Nagsimula ang test sa lahat habang nakatitig lang si Ella kay Muddy.
Nang maibigay ang test sa harapan ng mga bata sinigurong walang ibang gamit sa tabi ng mga ito. Tsinek din ng tatlong teacher doon ang ilalim ng mesa at upuan ng mga bata. Pati ang mga kamay at balat o damit ng mga ito kung wala talaga kodigo na puwedeng gayahan ng mga bata. Binigyan din ng lapis na galing mismo sa paaralan ang mga bata,
"The timer starts now." nakangiting sabi ng teacher at sabay-sabay nagsimula ang lahat.
Umikot si Ella sa buong classroom, siya mismo ang pumili ng classroom na iyon kung saan sila Rod naman ang nasa ibang classroom. Gusto ni Ella makita ang kakayahan ng batang tinuruan ni Run ng isang buwan, sa cottage ng anak niyang si Ellie.
Pasimpleng tumingin si Ella kay Muddy kahit nasa kabilang hanay pa lang siya. Nang magulat ito ng mabilis sumagot ang bata at tila may kinokopyahan ito.
Pasimpleng lumakad si Ella sa likuran ng batang babae at napangiti siya ng tutok na tutok ito sa sagutang papel. May harang ang bawat upuan kaya never ka makakakopya sa katabi mo isabay pa na malalayo ang agwat ng bawat isa.
Itinuturing ngang college examination test ang isinasagawang pagsusulit sa mga bata sa higpit ng exam at pagbabantay ng mga teacher.
Ilang sandali lang ng huminto si Muddy at ng tingnan ni Ella tapos na ang bata. Tumingin si Ella sa relo at napangisi ito ng mabilis natapos ang batang maliit. Nakatingin si Muddy sa papel nito at ng tingnan ni Ella.
"Nagdarasal siya." napangiting sabi ni Ella sa isip, ng makitang nakapikit si Muddy habang nakadikit ang mga kamay at bumubulong ito.
Mabilis lamang ang oras sa grade one exam kaya natapos ang tatlong pagsusulit.
"Break muna." sabi ng teacher ng makuha at masigurong walang papel na naiwan.
Tumayo ang mga bata at nanatiling nakaupo si Muddy. Pinagmamasdan lamang ni Ella ang batang babae, at ng magsiupuan na ang mga batang kasama ni Muddy. Para kumuha ng baon sa bag ng mga ito na nasa harapan.
Tumayo si Muddy at kinuha nito ang bag na ikinangiti ni Ella dahil bag iyon ni Run na kabibili lang.
Binuksan ni Muddy ang bag at kinuha doon ang lunchbox. At mineral water.
Bumalik si Muddy sa mesa nito, pero ng nasa kalagitnaan palang ito papunta sa mesa sa dulong bahagi, ng mapahinto ito.
Nakatingin lamang si Ella sa gagawin ni Muddy.
"Sayo na lang." sabi ni Muddy sa batang babae na walang baon at nakatingin lamang sa mga katabi nito.
"Hindi na." sabi ng bata na nahihiya ito at napayuko.
"Hati tayo, para makapasa ka rin. Suwerte ito kasi bigay ng special friend ko." sabi ni Muddy na ikinatingin ng batang babae.
"Ha?" sabi ng batang babae.
"Kapag nakapasa ka sabi ng kaibigan ko ni singkong duling wala kang gagastusin at makakatulong ka pa sa nanay mo. May baon ka at hindi ka na titingin sa iba. Tanggapin mo ito, para hindi kumalam ang tiyan mo at makapag-concentrate ka sa test." sabi ni Muddy.
Napangiti ang batang babae kay Muddy at nahihiya ito o nagdadalawang isip kunin ang baon ni Muddy.
"Kung nagdadalawang isip ka sa pagkain hati tayo at sayo na lang itong isang mineral water. Masarap ito lasang buko." nakangiting sabi ni Muddy.
"Talaga?" sabi ng batang babae.
"OO, kumain ka na at kukuha lang ako ng kaunti. Kumain naman na ako kanina, ikaw mukhang hindi pa." sabi ni Muddy saka kuha ng kaunting tinapay sa lunchbox saka ito umalis.
"Bata, ako pala si Kim. Sino ka?" tanong ni Kim.
"Muddy." nakangiting sabi ni Muddy,
"Salamat." sabi ni Kim at kinain nito ang bigay ni Muddy.
Naupo si Muddy sa upuan nito at kinain ang kapirasong tinapay, muli itong pumikit na ikinangiti ni Ella na tila nagdarasal na naman ang batang babae dahil bumubulong ito habang ngumunguya.
Makalipas ang labing limang minuto tumayo ang mga teachers at pinaalis ang lahat ng nasa mesa na baunan. Muling tsinek ang mga bata, ang mga katawan nito, balat mga kamay at mga silya at upuan ng mga ito.
Matapos nun muling nagsimula ang exam na sa ikalawa at ang huling parte. Ibinigay ang test paper sa mga bata at nagsimula sumagot ang mga ito.
Muling nagmasid si Ella particular kay Muddy na mabilis sumagot sa test paper nito. Tumayo si Ella sa likuran ng bata at napangiti siya ng makitang tama ang sagot ni Muddy at mabilis itong sumagot. May pagpipilian sa tanong pero sa batang tulad ni Muddy hirap dapat dito ang pagbabasa at pag-unawa sa direksyon.
Pero iba si Muddy mabilis ito makakuha ng panuto, at sa edad nito mabilis din ito magbilang kahit sa isip lang.
"Marunong pumili si Run." napangising sabi ni Ella sa ispip ng makitang tapos na agad si Muddy.
Lumipas ang oras ng matapos ang exam nagsilabasan ang lahat at nagpahuli si Muddy. Nilapitan ito ni Ella na ikinatitig ng batang babae sa kanya.
"Hindi ka pa lalabas?" tanong ni Ella kay Muddy.
"Marami pong tao, baka madaganan nila ako." sabi ni Muddy na ikinatawa ni Ella.
"Ganoon ba?" sabi ni Ella at napatingin ito sa mga batang nagtatakbuhan.
Naupo si Ella sa tabing upuan ni Muddy at napangiting nagsalita.
"Kamusta ang exam? Nahirapan ka ba?" tanong ni Ella.
"Hindi po." sabi ni Muddy na ikinangiti ni Ella.
"Pumunta ka dito next week, may papasagutan ako sayo." sabi ni Ella.
"Opo." sabi ni Muddy na ikinangiti ni Ella.
"Muddy." tawag ni Run ng nasa pintuan na ito.
"Hi." sabi ni Muddy sabay buhat sa bag ni Run na kakakuha lang ni Muddy sa harapan.
"Ihahatid ka namin." sabi ni Run.
"Ha? Huwag na. Maglalakad na lang ako, maaga pa naman." sabi ni Muddy.
"Naglakad ka kanina at malayo ito sa gate ng University at alam kong wala kang pera pamasahe sa tricycle kaya ihahatid ka na namin." sabi ni Run.
"Hindi na." sabi ni Muddy.
"Ihahatid ka namin...di ba lola?" sabi ni Run kay Ella na ikinangiti ni Ella.
"Nahihiya ako, baka maihi na ako sa hiya." sabi ni Muddy.
"Hahaha, magbanyo ka muna." sabi ni Ella kay Muddy.
"Baka may bayad ang palikuran, parang sa mall." sabi ni Muddy.
"Hahahaha, walang bayad." sabi ni Run.
"Halika samahan ka namin." sabi ni Ella.
"Walang bayad?" nagtatakang sabi ni Muddy.
"Wala." sabi ni Run.
"Okay, akala ko may bayad." sabi ni Muddy na ikinangiti ni Ella.
.....................
St Therese University
Days later
"Perfect siya sa exam." sabi ni Ella kay Rod.
"Baka natsambahan lang." sabi ni Rod kay Ella.
Nasa University sila ng araw na iyon para makita ang result ng elementary level upcoming grade 1 at talagang hinanap ni Ella ang test ni Muddy.
"Hindi ito tsamba at alam mong puwede siyang ma-accelerate." sabi ni Ella.
"Hindi siya puwede at baka hindi niya rin kayanin. Alam mong advance ang turo ng University sa mga estudyante dito." sabi ni Rod.
"Ipapatest ko siya." sabi ni Ella.
"Hindi puwede." sabi ni Rod.
"Isa ako sa board kaya may karapatan ako magdesisyon kung sino ang ipapakuha ko ng exam." sabi ni Ella.
"Ano bang meron sa batang iyon?" sabi ni Rod kay Ella na isang linggo ng inaabangan ni Ella ang result ng exam ng grade 1.
"Special siya at ang utak niya ay kakaiba." sabi ni Ella.
"Aissst,nagsasayang ka lang ng oras sa batang iyan.' sabi ni Rod.
"Basta ipapakuha ko siya ng exam." inis na sabi ni Ella na ikinailing ni Rod.
"Okay, pahinging kiss." sabi ni Rod sa asawa.
"Uyyy, nasa school tayo. Katatanda na natin.' sabi ni Ella.
"Hahaha, kiss lang. Ang damot" sabi ni Rod sabay halik sa pisnge ni Ella na ikinangiti ng mga tao sa faculty.
"Aisssst, nakakahiya." sabi ni Ella habang namumula ang mukha nito na ikinatawa ni Rod.
"I love you sweetheart." nakangiting sabi ni Rod sabay kindat kay Ella na ikinakilig ng lahat.
"Talaga naman." namumulang sabi ni Ella.
..................
Ellie's Cottage
Days later
"Kita mo, pasok siya." sabi ni Ella matapos ipakuha ng exam si Muddy.
"Anong ibig sabihin niyan momy?" tanong ni Ellie kay Ella ng ilapag sa mesa ni Ella ang result ng test ni Muddy.
"This upcoming school year, kaklase niya ang triplets na apo ko." sabi ni Ella.
"Sweetheart masyado naman yata malaki ang hinakbang niya." sabi ni Rod.
"Nag-take siya ng exam lahat ng puwedeng exam at pinasa ko na iyong sa higher education at pinirmahan na nila ang grade level ni Muddy for this school year." sabi ni Ella.
"Whoah! ang talino pala ng putik na iyon." sabi ni Ash.
Nasa dining table ang mag-anak ni Rod para sa dinner date ng mga ito.
"Ang talino. Ako magtetest din para grade 8 na ako.... At maging kaklase ko si Wine." pilyang sabi ni Elle na ikinatingin ng lahat dito.
"Talaga?" seryosong tanong ni Orion kay Elle.
"Joke lang." sabi ni Elle at tumahimik ito.
"Mabuti pa ang jowa mo Run matalino, iyong ex ko puro sayaw ang alam. Langya kulang na lang mag-agogo dancer." sabi ni Ash.
"Ash!" saway ni Ellie sa anak.
"Joke lang din.' sabi ni Ash na pilyong ngumiti.
"Run!"
"Speaking, nandito ang jowa mo." sabi ni Ash kay Run na kanina pa tahimik.
"Run, si Muddy." sabi ni Winter na saktong kararating lang kasama si Damian.
"Ay! Kumakain yata kayo, sorry babalik na lang ako." sabi ni Muddy pero akmang tatalikod ito at aalis ng mabunggo ito ni Autumn na kararating lang din at kasama nito si Chhaya.
"Ay nuno!" gulat na sabi ni Autumn ng magulat ito sa pagsulpot ni Muddy na mabuti na lang nahawakan ni Damian kundi tatalsik ito sa lakas ng pagbunggo kay Autumn.
"Ang sakit, para kang pader" sabi ni Muddy na ikinangiti ni Autumn.
"Halika na Muddy." sabi ni Ella.
Pinuntahan nito ang bata at niyaya sumalo sa kanila.
"Uuwi na lang po ako, bukas na lang." sabi ni Muddy kay Ella.
"Ano ba iyon?" sabi ni Run kay Muddy
"Ano? Gusto ko lang mag-thank you." sabi ni Muddy at ng binitawan ito ni Ella mabilis itong tumakbo palabas ng bahay.
"Hahaha, ang bilis nun ha." tumatawang sabi ni Ash ng makaalis si Muddy.
"Para siyang kuting, ang bilis lumusot sa butas." natatawang sabi ni Elle ng makalusot si Muddy sa apat na nakatayo sa likuran nito na sila Winter,Damian, Chhaya at Autumn.
"Baka daga." sabi ni Ash.
"Ay oo nga daga." natawang sabi ni Elle.
"Susundan ko lang. Sandali lang ako." sabi ni Run.
"Hindi na." magkasabay na sabi nila Rod at Orion na ikinatingin ng lahat sa dalawa.
"Aisssst, hayaan niyo na muna. Minsan lang magkaroon ng kaibigan ang apo ko." sabi ni Ella at tinanguan ni Ella si Run.
"Thank you, lola." sabi ni Run at nagmamadali itong lumabas ng bahay.
.........
✍️✍️✍️✍️✍️✍️
May 10, 2021 7.13pm
FifthStreet1883
Hinabaan ko na
Good night
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top