Kabanata 41 : Kontrata

16years ago

"Mama, saan tayo pupunta?" tanong ng anim na taong gulang na si Chhaya sa ina nitong si Bien.

"Sa Cheung Hotel" sabi ni Bien.

Ito ang unang araw na tatapak siya uli sa Cheung Hotel. Ayaw man niya pero kailangan gawin ni Bien para sa anak.

"Nandoon po ba ang Papa ko?" tanong ni Chhaya kay Bien.

"Oo." sabi ni Bien habang binibihisan nito si Chhaya.

Napangiti ang batang babae, nasa bahay sila ng araw na iyon sa ikalawang bayan. Maliit ang bahay na tila kuwarto lamang, Dalawa lamang sila mag-ina kaya okay lang naman din, isabay pa na hindi naman sila nagluluto sa bahay dahil mga lutong ulam o de lata at instant noodles lang naman ang kinakain nila sa araw-araw.

"Anak, may sasabihin si Mama handa ka ba makinig at unawain?" tanong ni Bein kay Chhaya.

"Opo." nakangiting sabi ni Chhaya.

"Gawin mo ang lahat para makasama mo ang grupo mo, at kunin mo ang Cheung Hotel dahil atin iyon... iyo iyon." sabi ni Bien.

"Mama, si Ralph Cheung ang may-ari nun at di magtatagal mapupunta ang hotel na iyon sa mga anak at apo niya. Hindi niya ako kaano-ano, bakit ko iyon kukunin?" sabi ni Chhaya.

"Basta, mangako ka kay Mama. Kukunin mo iyon? At kapag nakita mo na ang grupo ni Orion sasama ka sa kanya para makita ang lahat at mapag-aralan." sabi ni Bien.

"Si Orion Veliente? Siya po ba ang tatay ko?" naguguluhang tanong ni Chhaya.

"Hindi, pero sa grupo nila. Si Orion ang nakakaalam ng lahat, kahit hindi siya apo ni Ralph. Pinagkakatiwalaan siya nito. Alam ni Orion ang pasikot-sikot ng mga negosyo ng mga Cheung." sabi ni Bien.

"Cheung po ba ako, Mama?" tanong ni Chhaya.

Alam ni Chhaya ang nangyari sa ina, pero sa dami ng lalaking nakatalik nito noong araw na nagbunga siya kahit siya nalilito kung sino ba talaga ang ama niya. At kung pipiliin gusto niya makabilang sa pamilya ni Ellie Cheung dahil tulad ng Mama niya magaan ang loob niya sa apo ni Ralph Cheung.

Napatingin si Bien kay Chhaya at napaisip ito. Kahit siya minsan nagdadalawang isip kung sino nga ba ang ama ng batang nasa harap niya.

Pero napailing si Bien at sinagot nito si Chhaya.

"Oo." sabi ni Bien.

..............

Present

"Mama." sabi ni Chhaya.

Napatingin si Chhaya sa paligid, nasa opisina niya, siya sa El Casa. Nakahiga siya sa sofa dahil ilang araw na siyang busy sa mga entertainers na aalis.

"Panaginip... o hindi dahil mukhang nangyari ang senaryong iyon... ng totoo." sabi ni Chhaya sa isip.

"Aiisssst, bakit ba kasi ang hirap alalahanin ng lahat." sabi ni Chhaya.

Nahihirapan kasi si Chhaya alalahanin ang ibang senaryo ng buhay niya, dahil ganoon naman kapag bata hindi mo maaalala lahat.

"Sandali lang. Kailangan ko mag-isip." sabi ni Chhaya.

Naupo si Chhaya mula sa pagkakahiga sa sofa, napatingin siya sa sariling opisina. Pinagmasdan iyon, at ilang sandali lang bigla siyang napangiti ng mahinuha kung nasaan siya ngayon habang nag-iisip ng plano.

Inilipat siya ni Autumn sa mas malaking opisina sa Casa. At hindi lang iyon malapit ito sa opisina ni Autumn o opisina ng mga may-ari. Tama, magkatabi lang din ang opisina niya sa opisina ng mag asawang Orion at Ellie pati na rin sa opisina ni Winter.

"I belong hahahaha." natawa pang sabi ni Chhaya.

"...aissst, Emperyo ito at hindi Cheung Hotel. Paano ko ba makukuha iyon? Eh alam naman ng lahat na kay Run mapupunta ang hotel na iyon.

Pero may sakit si Run, so kanino mapupunta iyon. Alam kong hindi kay Autumn dahil malabo ibigay ni Ralph iyon sa apong magmamana ng negosyong kalaban nito sa isla." sabi ni Chhaya sa isip.

"Kung kay Winter naman, hindi niya makukuha iyon dahil una ayaw ni Winter sa hotel, mas gusto niya pamahalaan ang Casa. Pangalawa mag-aasawa na siya at next month na iyon kung saan sa Isla Traquilo sila titira." sabi ni Chhaya sa isip ng bigla itong tumawa ng malakas

"Hahahaha, langya Chhaya. Solo mo na pala ang Emperyo kapag nag-asawa si Winter. Reynang reyna ka." natawang sabi ni Chhaya.

"....aissst, kaso hindi nga ito Cheung Hotel. Pero kung makukuha ni Autumn ang Cheung Hotel kapag nawala si Run matutupad ko ang sinabi ko kay Mama. Kaso....

Kailan mawawala si Run?" sabi ni Chhaya sa isip.

"Aisssst, ang bad mo Chhaya. Bakit mo iniisip ang pagkawala ni Run? Para kang sila Lexa at Kenneth.

Ay Dios ko Lord, ang dugo ng dalawang iyon ay makamandag at baka mabuhay sa akin." sabi ni Chhaya sa isip habang nagmumuni-muni ito.

"Paano ba?" sabi ni Chhaya sa isip at itinaas pa nito ang paa sa center table.

"Pero paano kung....

...anak nga ako ni Ralph Cheung. Langya pamangkin ko si Autumn.

Hahahaha. Ang sagwa buweset! Nakikipagtalik ako sa pamangkin ko. Ewwww! Ano bang buhay meron ako? Ang gulo ko." sabi ni Chhaya na hanggang ngayon nandidiri siya kapag naiisip niyang pamangkin niya si Autumn at nakikipagtalik siya dito.

"Isa lang naman ang sabi ni Mama, kunin ko ang Cheung Hotel at sumama sa grupo sa Emperyo. Ahhhmmm kung mawawala nga si Run, dalawa lang naman ang puwedeng humawak ng hotel si Autumn o si Winter." sabi ni Chhaya sa isip.

"Langya kasi ano bang meron sa hotel na iyon." inis na sabi ni Chhaya sa isip sabay taas ng paa nito.

"Pero wala akong problema kapag kay Autumn nga napunta... pipilitin ko na lang siya kunin iyon, kapag nawala si Run.

Aiisssst... sorry Run pero iyon ang nakita ko sa medical records mo. Malapit ka na maglaho sa mundo. Hindi naman ako masama... iyong sakit na dumapo sayo ang masama." sabi ni Chhaya sa isip.

Samantalang kanina pa nasa likuran si Autumn ni Chhaya, hindi man lang siya napansin ng nobya na nakapasok na siya sa opisina nito. Ilang minuto na siya doon at pinagmamasdan ang dalaga na kanina pa nakatingin sa kawalan at nag-iisip ng malalim.

"Aiisssst, ang hirap naman ng sitwasyon ko." sabi ni Chhaya sa isip sabay padyak ng paa nito na nasa center table.

Lumapit si Autumn ng makita ang ginawa ni Chhaya. Napangisi pa ang binata na tila hindi pa nga siya nararamdaman ng dalaga na pumasok sa lalim ng iniisip nito.

Paglapit ni Autumn pinaglandas nito ang kamay sa balikat ni Chhaya.

Napalunok si Chhaya, kilala niya ang haplos na iyon at hindi man lang niya naramdaman na dumating ito.

Napapikit pa si Chhaya ng paglandasin ng nobyo ang kamay nito papunta sa loob ng blouse niya habang nasa pagitan ng leeg niya ang dalawang bisig nito.

"Autumn." napaungol na sabi ni Chhaya ng masahiin ni Autumn ang dibdib niya na malaya ng nakakagalaw ang kamay nito sa loob ng blouse niya.

Napatingala si Chhaya at napangiti si Autumn ng makita ang mukha ng nobya na nasasarapan ito.

"Good morning." masuyong sabi ni Autumn sabay halik sa labi ng nobya.

"Good morning." ungol na sabi ni Chhaya habang patuloy na hinahaplos ni Autumn ang dibdib niya.

"Kumain ka na?" masuyong bulong ni Autumn kay Chhaya habang nasa likuran siya nito.

"Oo. Ikaw?" tanong ni Chhaya na ninanamnam ang haplos ni Autumn.

"Hindi pa." sabi ni Autumn.

Tinanggal ni Autumn ang kamay sa loob ng blouse ni Chhaya na ikinamulat ng magmata ng dalaga.

"Hindi pa? Eh anong oras na." sabi ni Chhaya kay Autumn.

"Pinagmaneho ko si Winter." sabi ni Autumn.

"Si Winter?" tanong ni Chhaya. Pasimple siyang tumingin sa oras alas nueve na ng umaga. Hindi man lang niya namalayan dahil nakatulog siya. Pero tulad ng dati inuuna ni Autumn ang kapatid bago siya nito tanungin kung nasaan na siya o kumain na ba siya.

"Oo, nagpahatid lang sa cottage." sabi ni Autumn.

"Wala siyang kotse?" sabi ni Chhaya.

"Susundin siya doon ni Damian at makikipaglaro muna daw siya kay Elle." sabi ni Autumn habang nakaupo ito sa mesa ni Chhaya.

"Ah! Okay." sabi ni Chhaya.

"Malapit na ang kasal niya at ikaw ang bridesmaid at ako ang bestman." sabi ni Autumn.

"Tama, at excited ako." nakangiting sabi ni Chhaya dahil first time niyang maging bridesmaid at si Autumn ang bestman na partner niya.

"Tayo kailan?" seryosong tanong ni Autumn kay Chhaya.

TIningnan ni Chhaya si Autumn at napangiti ang dalaga sa tinuran ng binata.

"Kapag, handa ka na." sabi ni Chhaya.

"Handa na ako." sabi ni Autumn.

"Autumn, alam natin na ikaw ang panganay sa pamilya mo. Ikaw ang hahawak ng kompanya ng Papa mo at ayoko naman maging hadlang sa inyong dalawa habang tinuturuan ka niya magpatakbo ng mga negosyo niyo." sabi ni Chhaya.

Napatingin si Autumn kay Chhaya iyon ang lagi ang rason ng nobya niya ang responsibilidad niya sa pamilya. Nakatitih lang si Autumn sa nobya ng muling magsalita ang dalaga.

"Ang Cheung Hotel hindi mo pa nga nahahawakan, dahil lagi kang nasa Emperyo." sabi ni Chhaya.

Napakunot ang noo ni Autumn alam ni Chhaya na hindi sa kanya mapupunta ang hotel na iyon kundi kay Run at alam nito na kahit bata pa si Run pinag-aaralan na ng kapatid niya ang pasikot-sikot sa kompanya.

"Kay Run ang hotel." seryosong sabi ni Autumn.

"Bata pa si Run at marami pang puwedeng mangyari." sabi ni Chhaya kay Autumn.

"Tulad ng ano?" seryosong tanong ni Autumn.

"Hindi natin alam." sabi ni Chhaya sabay iwas ng tingin kay Autumn.

"Ayokong pag intresan ang hindi akin. At masaya na ako na sa kapatid ko napunta ang hotel." sabi ni Autumn.

"Hindi ko naman sinabing pinag-iintresan mo. Tutulungan mo si Run doon. Hindi ba?" sabi ni Chhaya.

"Oo pero sa kanya iyon." diin na sabi ni Autumn.

Alam ni Autumn na bukod sa Casa binalak ni Chhaya na pumasok sa hotel. Pero hindi nito naituloy dahil nahihiya ito sa grupo ng Papa niya na nakaopisina sa mismong Hotel.

"Okay." sabi ni Chhaya na hindi na muli nagsalita.

"Kapag nakuha ni Autumn ang hotel, makukuha ko rin iyon so tapos na ang pangako ko kay Mama." sabi ni Chhaya sa isip

.........................

Balwarte, Unang Bayan

El Paradiso

"Wala akong babaeng pakakasalan. Saana ko kukuha ng ganoon?" sabi ni Atlas kay Ralph ng mabasa nito ang kontrata bago niya makuha ang Cheung Hotel.

"Hindi papayag si Damian o Winter na maging bodyguard ka ng apo ko kung hindi ka kasal." sabi ni Ralph.

"Aisssst, wala naman silang pakialam sa status ko basta gagawin ko ang trabaho ko."inis na sabi ni Atlas kay Ralph.

Napabuntung hininga si Ralph, pinatawag niya si Atlas para sabihin ang kondisyones niya at para hindi ito makasira sa relasyon nila Damian at Winter.

Ang naisip niyang solusyon ay maikasal muna si Atlas at hindi naman niya puwede ireto ito kung kani-kanino dahil ibibigay niya ang hotel niya sa binata. Isa pa alam naman ni Ralph na hindi papayag si Atlas kung may mahanap nga siya para maireto dito.

"Hindi ko maibibigay ang gusto mo hanggat hindi mo nasusunod ang mga nakasulat diyan." sabi ni Ralph.

"Asar naman. Tapos meron pa nakalagay dito, bawal ko kausapin si Winter tulad ng pakikipag usap ko sa kanya dati. Langya naman, bodyguard ako at hindi katulong ni Winter." sabi ni Atlas.

"Si Run ang nagdagdag niyan." seryosong sabi ni Ralph.

"Si Run?" di makapaniwalang tanong ni Atlas.

"Ang ibang nakalagay diyan ay siya ang nagsabi. At pinayagan ko iyon dahil alam mong sa kanya dapat ang hotel na ibibigay niya lang sayo.." sabi ni Ralph.

"Oo na. Ibibigay niya sa akin ng kusang loob dahil mamamatay na siya. At talaga namang paghihirapan ko talaga bago ko tuluyang makuha." sabi ni Atlas.

"Dapat lang." sabi ni Ralph.

".....dahil tinayo ng lolo ko ang hotel na iyon mula sa dugo't pawis niya." sabi ni Ralph kay Atlas.

"Aiisssst, ninuno ko rin ang ninuno mo." inis na sabi ni Atlas na ikinatawa ni Ralph.

"Tama ka, at kaya ayaw din sayo ni Winter dahil pinaninindigan mong isa kang Cheung." sabi ni Ralph.

"Nalimutan ko na ang apo mong pihikan sa lalaki na ngayon napunta sa matanda." sabi ni Atlas na ikinatawa ni Ralph.

"Binigyan kita ng pagkakataon na paibigin si Winter pero hindi mo nagawa." natawang sabi ni Ralph.

"Aiisssst, hindi lang siya ang babae at patutunayan ko iyon sa inyo. Hindi ako hibang sa apo mo. Isasama ko ang magiging asawa ko sa hotel at doon kami titira." nakangising sabi ni Atlas.

"Good. Para pareho kayo masaya ni Winter." sabi ni Ralph.

"Oo naman, makikita ng apo mo. Hindi ako ang lalaking mangkakadarapa sa kanya." sabi ni Atlas.

Ilang sandali lang ng may kumatok sa pintuan na ikinatigil ng dalawa sa pag-uusap.

"Bukas iyan. Tuloy." sabi ni Ralph.

"Lolo." nakangiting sabi ni Winter na ikinatingin ni Atlas sa dalaga.

Nakasuot ng short na maiksi si Winter na binagayan ng mahabang t-shirt na pinulupot sa tiyan nito na pinartneran ng sneakers.

"Bakit ka nandito?" nagtatakang tanong ni Ralph sa apo.

"Kasama ko si Damian pero nasa labas lang siya dahil hindi siya pinapasok. Bawal daw sabi ng mga bantay ni lola Tara.

So ako lang ang pumasok dito, then nandito ako para ipakita ang wedding invitation ko sa inyo kung okay sa panlasa mo." nakangiting sabi ni Winter na halatang excited ito.

Binigay ni Winter ang wedding invitation na agad tiningnan ni Ralph. Napangiti si Ralph dahil siya at si Menchie talaga ang unang pangalan na naroroon sa families ni Winter imbes na sila Orion at Ellie.

"Hindi naman magseselos si Papa." napabungisngis na sabi ni Winter kay Ralph ng makitang napangiti ang lolo niya.

"Okay sa akin. At maganda ang kulay.." sabi ni Ralph.

"...bloody red." dugtong na mahinang sabi ni Atlas na napatingin din ng pasimple sa wedding invitation.

Napalingon si Winter sa binata at napangiti ito.

"Favorite ko ang red color, kaya magred ka sa wedding ko, ha." nakangiting sabi ni Winter.

"Oo ba." sabi ni Atlas sabay lihim na pinagmasdan ang dalaga sa suot nito.

"Pupunta kami ni Damian sa Isla Traquilo, magna-night swimming kaming dalawa." kinikilig na sabi ni Winter.

"Kayong dalawa lang?" sabi ni Atlas.

"Oo, pero." sabi ni Winter kay Atlas saka bumaling ang dalaga kay Ralph.

".....lolo, balak ko after ng wedding namin saka ko ibibigay ang sarili ko kay Damian. Para matuwa siya." nakangiting sabi ni Winter na ikinangiti ni Ralph.

"Oo, dapat lang naman na ganoon ang babae sa isang lalaki." sabi ni Ralph.

"Excited na ako lolo." nakangiting sabi ni Winter.

"Saan sa wedding o sa first night?" mahinang sabi ni Atlas na ikinatingin ni Winter sa binata.

"Pareho." kinikilig na sabi ni Winter na ikinangisi ni Atlas.

"Iha." sabi ni Ralph.

"Bakit po lolo?" nakangiting sabi ni Winter.

"After mo ikasal, ikakasal din si Atlas." sabi ni Ralph na ikinanlaki ng mga mata ni Atlas at ikinatitig ni Winter sa binata.

"Talaga?" sabi ni Winter.

"Oo apo. Kaya siya nandito para magpaalam." sabi ni Ralph.

"Ayos ha. Mabuti naman napalitan mo na ako sa puso mong winarak ko." natawang biro na sabi ni Winter.

"Ang kapal mo naman." sabi ni Atlas.

"Hahaha, best wishes din." sabi ni Winter at bumaling ito kay Ralph.

"Lolo, aalis na ako at baka mainip si Damian." nakangiting sabi ni Winter.

Lumapit si Winter kay Ralph at niyakap ito.

"I love you, lolo. Masaya ako dahil nasa wedding kita." nakangiting sabi ni Winter na ikinangiti ni Ralph.

"Ako din." sabi ni Ralph sa apo.

Bumitaw si Winter kay Ralph para umalis. Naglakad si Winter sa pintuan palabas ng opisina ni Ralph saka muli nagsalita.

"Bye 'lo." sabi ni Winter at ng madaanan nito si Atlas.

Nakatingin lang si Atlas kay Winter at napangisi ito ng nginitian siya ng dalaga.

"Sana maging masaya ka tulad ko." nakangiting sabi ni Winter kay Atlas.

Tumingkayad si Winter at dinampian nito ng halik sa pisnge si Atlas na ikinatiim ng bagang ni Atlas.

"Bye." nakangiting sabi ni Winter kay Atlas bago ito tuluyan umalis ng opisina ni Ralph.

"Nakita mo? Mas kampante si Winter na may asawa ka na bago ka niya maging bodyguard." sabi ni Ralph kay Atlas, ng makaalis si Winter.

"Tingin mo, magiging maayos ang lahat sa ginagawa mo?" tanong ni Atlas kay Ralph

"Oo. At bago ko sabihin sa kanila na magiging bodyguard ka ni Winter, kailangan ko makasiguro na hindi ka pagseselosan ni Damian.

Iniiwasan ko kasi na magkaroon ng tampuhan ang mag-asawa. Ayoko naman na maghiwalay ang dalawa, ng dahil sa selos sa sayo ni Damian" nakangiting sabi ni Ralph kay Atlas.

........................

May 9, 2021 10.08am

FifthStreet1883

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top