Kabanata 40 : Seamless
(Just play the theme song for this chapter)
"Anong ginagawa natin dito?" tanong Wine kay Elle.
Napatingin si Elle sa relo nito, ala una na ng madaling araw at ang totoo tumakas lang siya sa Cave House kung saan sila nakatira ng pamilya niya ngayon.
"Umalis si kuya Ash kanina, at panigurado dito siya pupunta." sabi ni Elle.
Napatingin si Wine kay Elle, tinawagan siya nito habang nasa kahimbingan ang tulog niya. Kararating lang kasi ni Wine sa bahay mula sa trabaho niya bilang waiter sa burger resto at katutulog lang niya ng marinig ang sunod sunod na ring ng cellphone niya.
"Ano naman ngayon kung nandiyan si Ash?" naantok pang sabi ni Wine.
Si Elle na nga ang nagmaneho ng kotse niya dahil muntikan na silang mabangga sa antok ni Wine.
"Kapag nandito si Kuya ibig sabihin may bagong salang na babae at gusto ko makita kasi naku-curious ako." sabi ni Elle.
"Aissst, ang mga babae sa club ay pare-pareho lang." antok na sabi ni Wine.
"Bakit mo alam?" namimilog na mata na sabi ni Elle.
Napatingin uli si Wine kay Elle papasok na sila ng Valiente Empire lulan ng kotse niya habang tinatahak ang parking area sa Bar.
"Kasi alam nating lahat na hindi naman kukuha ng pangit at walang talent ang bar niyo." sabi n Wine.
"Bar natin" sabi ni Elle.
"Aiissst, wala akong balak maki bar. Ang gusto ko ay matulog, at kung gusto mo dito na lang tayo sa kotse ko matulog yayakapin kita ng mahigpit." naaantok na sabi ni Wine.
"Mamaya na lang kasi gusto ko makita ang ginagawa dito. Minsan lang ako nakapunta dito at tipikal na bar lang ang nakita ko." sabi ni Elle.
"Aiisssst, sixteen ka pa lang at baka pagalitan ako ng kuya mo." sabi ni Wine
"Akong bahala sayo." sabi ni Elle.
"Ikaw bahala ako naman ang kawawa dahil panigurado hindi kita makikita sa loob ng isang buwan o higit pa." sabi ni Wine.
"Malabong mangyari iyon dahil kapag gusto ni Elle, magagawa ni Elle." nakangiting sabi ni Elle.
Napatingin si Elle kay Wine habang nagpapark na siya. Bakas ang antok sa mga mata ng nobyo, nakasandal pa nga ito sa upuan at tila ginugupo ng antok.
"Aisssst, basta kapag hindi tayo nagkita. Huwag mo akong awayin dahil sinamahan lang kita." sabi ni Wine.
"Oo naman." sabi ni Elle ng makapark na ito.
Napatingin si Wine sa paligid ng biglang nangunot ang noo niya, ng sa labas ng kotse napansin niya na sa dulo talaga nagpark si Elle. Ang bahaging walang tao.
"Okay ba?" nakangiting sabi ni Elle.
"Bakit nasa liblib tayo nagpark? Mahihirapan tayo nito sa uwian dahil ang layo ng lalakarin natin." sabi ni Wine.
"Kargahin mo na lang ako. Tulad ngayon magpapakarga ako sayo." sabi ni Elle na halos mawala ang singkit na mata nito sa tuwa.
"Aisssst, wala na nga akong tulog at pagod ako." sabi ni Wine.
"Ayaw mo?" tanong ni Elle.
Hinawakan ni Elle ang naaantok na mukha ni Wine at inilapit iyon sa mukha niya.
"Ano? Ayaw mo akong kargahin?" tanong muli ni Elle.
Napatitin si Wine sa nobya, makulit ito na minsan para siyang may kausap na sampung bata na makukulit.
"Gusto." sabi ni Wine.
"Okay. Halika na." sabi ni Elle.
"Pero mahal mo ba ako?" tanong ni Wine.
"OO naman." sabi ni Elle.
"Pagod ako, ilang araw na akong night shift at closing sa burger resto. Puwede bang pass ang pagbubuhat ko sayo at baka mahulog kita." sabi ni Wine.
Napatitig muli si Elle sa nobyo, naawa naman siya dito. Halata kasi sa mukha ni Wine ang antok, dala ng puyat at pagod.
"Sige, yakap na lang habang papunta tayo sa loob." sabi ni Elle.
Napapikit si Wine gusto niya sana tumanggi sa pagpunta ni Elle sa loob ng bar dahil bawal doon ang hindi disi otso pero alam ng binata na magwawala ito at lalo madaragdagan ang pagod niya kaya hindi na lang niya ito sinaway.
"Okay. Yakap." sabi ni Wine.
Bumaba ang dalawa sa kotse at niyakap ni Wine si Elle na ikinangiti ng dalaga.
"I love you." sabi ni Elle na ikinangiti ni Wine.
"I love you, too." nakangiting sabi ni Wine habang akbay niya si Elle at yakap siya nio habang naglalakad sila
..............
El Emperio Bar
"Whoaaahhhhhh!!!" hiyawan ng lahat ng hubarin ni Chhaya ang damit niya at ang natira ay tila nagbigay lalo ng init sa lahat na mabungaran ang feather light seamless bra and panty na nagbigay ng invisible na dating na parang wala itong suot.
(For representation used only. Ganito po ang seamless invisible na suot ni Chhaya)
"Okay ba?" malamyos na sabi ni Chhaya.
"Yesssss!!!!" hiyawan ng lahat
"So game!" sigaw ni Chhaya at nagsimula ito umawit kasabay ng mapang akit na galaw nito na ikinasigaw ng lahat.
Sexy Dirty Love
Chhaya: Hitting me up late always be blowing up my phone
I'm lying awake wondering why I'm still alone
Lord knows I am sinning, please forgive me for my lust
Sending pictures back and forth
Babe, I'm craving your touch
You're my new obsession
"Insan ang galing mo pumili." sigaw ni Aqua.
Nakatayo na ang magkakaibigan habang pinapanood ang sexy and daring na pagsayaw ni Chhaya na nakadagdag pa ang mapang akit na galaw ng ilaw.
Chhaya : Let go of any hesitation
Baby, be my new addiction
Intoxicate me gently with your loving
You got me so high
Hindi napapansin ng grupo ang galit sa mukha ni Autumn habang pinagpipiyestahan ng lahat ang katawan ni Chhaya na kahit seamless bra at panty ang gamit nito nakakabigay iyon ng init sa lahat. Lalo na at marunong ang dating nobya sumayaw ng nakakaakit habang kumakanta ito.
Chhaya : Pull me closer into you and watch our bodies intertwine
I feel so alive
You know what I'm thinking of
Got me dreaming about that sexy dirty love (dirty love)
Sexy dirty love (dirty love)
Sexy dirty love (dirty love)
Sexy dirty love (dirty love)
"Whoaahhhh!!!" sigawan ng lahat.
Chhaya : Now you're teasing me and I can't help but do the same
Whispering through your phone, now you're driving me insane
...............
Samantalang papasok na sila Wine at Elle sa bar at kasunod ng mga ito si Dim at Ciao na kararating lang din at nagkita ang mga ito sa elevator.
"Grabe parang ang dami ngayong tao." kunot noon a sabi ni Wine ng makita na masikip ang malaking bar na iyon na nagmistulang concert na sikat na mang-aawit.
"Kaya nga kami nandito dahil may bagong star ang bar at sabi nila Shadow naghubad ito kanina." sabi ni Ciao.
"Talaga?" nakangising sabi ni Wine.
Napatingin si Elle sa nobyo tila nawala ang antok nito at nakabukas ang mga mata nito na tila makikita pati ipis na lilipad.
"Oo, kaya halika na at baka siya na ang nagpeperform." sabi ni Dim.
Nakipagsiksikan ang apat sa nagkakasiyahang mga customer sa bar at tila sumikip ang naturang lugar na kung tutuusin ang El Emperio bar ang pinakamalaking bar sa bansa.
"Nandoon sila." sabi ni Elle sabay turo sa mga kuya nito na magkaiba ang reaksyon.
Kung gaano kasaya si Ash ganoon naman kadilim ang mukha ni Autumn na tila ayaw nito ang nagaganap kahit na nga ba halatang ang araw na yatang iyon ang pinakamalaking kita ng bar.
"Halika." sabi ni Wine habang yakap si Elle para protektahan sa mga nagkakasiyahang mga kalalakihan sa bar.
Patuloy naman ang pagtatanghal ni Chhaya sa stage.
Chhaya : It's like you're getting off on messing with my sanity
Hang up, come on over
Let's play out this fantasy
You're my new obsession
Let go of any hesitation
Baby, be my new addiction
Intoxicate me gently with your loving, oh
"Nandito na sila."sabi ni Rhythm ng makita sila Ciao at Dim pero napakunot ang noo ng mga ito ng kasama sila Wine at Elle.
"Hi Kuya." nakangiting bungad ni Elle kay Autumn na ikinatingin ni Autumn kay Wine.
Agad naman nagsalita si Elle ng tingnan ng masama ni Autumn si Wine.
"Ako ang nagyaya sa kanya dito." sabi ni Elle kay Autumn.
Napatingin si Wine sa paligid ng bilang napatingin ito sa babaeng nagpeperform.
Chhaya : You got me so high
Pull me closer into you and watch our bodies intertwine
I feel so alive
You know what I'm thinking of
Got me dreaming about that sexy dirty love (dirty love)
Sexy dirty love (dirty love)
Sexy dirty love (dirty love)
Sexy dirty love (dirty love)
Nagpatuloy si Chhaya sa pag-aliw sa lahat hindi nito pansin na nakatitig na sa kanya ang kapatid na si Wine.
Nakatitig naman si Autumn kay Wine, hindi niya alam kung gaano magkaclose ang magkapatid kaya hindi niya rin sigurado kung makikilala ni Wine si Chhaya.
Chhaya : You're my new obsession
Let go of any hesitation
Baby, be my new addiction
Intoxicate me gently with your loving, oh oh
"Sandali lang parang kilala ko siya." sabi ni Wine na ikinatingin ng lahat sa binata.
Napatingin si Autumn kay Wine, hindi nito puwede malaman ang deal nila ni Chhaya dahil nasa usapan nila iyon ng dating nobya.
"Kilala mo?" tanong ni Elle habang kanina pa nakatingin kay Wine habang nakatitig ang nobyo sa di nakikilalang si Chhaya.
"Kilala ko siya." sabi ni Wine.
Napaisip si Autumn kaya kailangan niya gumawa ng paraan kung hindi lagot siya.
"Talaga kilala mo?" sabi ni Elle sabay tingin sa babaeng nagpeeprform at dala ng selos hindi nito nakilala si Chhaya.
Napangisi si Autumn ng may maisip na paraan kaya inunahan na niya ang nasa isip ni Wine.
"Naging babae mo?" nakangising sabi ni Autumn kay Wine.
Napatingin ang lahat kay Wine lalo na si Elle na nanlaki ang mga singkit na mata nito sa selos. Napangisi naman ng lihim si Autumn ng makita ang reaction ni Elle na alam na niya ang susunod na mangyayari.
"Kaya ba nawala ang pagod at puyat mo dahil tinitigasan ka ngayon habang nakatitig sa kanya?" deretsang sabi ni Elle kay Wine na ikinatawa ng grupo.
"Hahaha. Ayos." natawang sabi ni Shadow.
Napatingin si Wine kay Autumn at nabasa niya ang nasa isip nito pero hindi niya alam kung bakit nais ng binata na pag-awayin sila ni Elle. Kaya muling napatingin si Wine sa stage sa nalilitong katanungan kung saan niya nakita ang babae sa center stage.
"Jowa mo?" inis na sabi ni Elle sabay kuha ng baso at binuhos iyon kay Wine na ikinatigil sa pagtawa ng grupo.
Napatingin lang si Wine kay Elle halatang nagseselos na ito kaya napabuntung hininga si Wine.
"Hindi." sabi ni Wine kay Elle.
"Hindi mo jowa ngayon pero noon OO. Tama ako di ba? Jowa mo iyan noong umalis ako." naiiyak sa selos at inis na sabi ni Elle.
"Hindi." diin na sabi ni Wine kay Elle.
"Imposible. Lalaki ka at matagal kami nawala ng kapatid ko kaya hindi kataka-taka kung nakikilala mo ang naging babae mo" seryosong sabi ni Autumn na ikinatingin at ipinagtaka ng grupo sa binata.
Napatiim ng bagang si Wine pero wala sa loob na napatingin siya muli sa babae kaya hindi nito nakita ang sumunod na gagawin ni Elle.
Chhaya : You got me so high
Pull me closer into you and watch our bodies intertwine
I feel so alive
You know what I'm thinking of
Got me dreaming about that sexy dirty love, oh oh
Sexy dirty love
Sexy dirty love (dirty love)
Sexy dirty love
Pagtatapos na kanta ni Chhaya na ikinatingin ng grupo sa dalaga ng itinaas pa nito ang timbre ng boses kasabay ng pagtalikod nito at tumambad ang makinis na likuran ng dalaga na ikinahiyaw ng lahat.
"Asar!" sigaw ni Elle at pinaghahagis nito ang mga bote ng alak sa mesa ng grupo pati ang upuan pinagsisipa nito sa selos.
Napatingin muli ang grupo kay Elle dahil nadidistract sila sa konsentrasyon sa pagtingin sa di nakikilalang si Chhaya.
"Aluin mo." nakangising sabi ni Autumn kay Wine ng makita ang girl version na pagwawala ng isang Valiente.
Napatiim lang ng bagang si Wine habang pinagmamasdan si Elle na pinagbabasag ang lahat ng nasa estante ng puwesto nila. Nasa pribado at elevated na lugar sila kaya wala ibang nakakakita sa kanila kundi ang grupo lang.
"Tama na iyan." sabi ni Heaven sa pinsang si Elle.
Pero nagsiatrasan ang mga lalaki ng makuhang itaas ni Elle ang center table at inihagis iyon sa estante ng mga alak. Na nagsibagsakan kaya nabasag lahat ng mamahaling alak na naroroon.
"Sayang." mahinang sabi ni Ion ng makita ang mga koleksyon ng alak ng grupo na nasa estanteng iyon na galing pa sa iba't ibang bansa.
"Arrgghhhhh!" sigaw ni Elle at sa huling boteng inihagis nito hindi sinasadya na dumulas iyon kaya sa mismong harap nito nabasag ang bote ng alak na ikinasugat nito sa binti nito.
"Tama na." sigaw ni Wine kay Elle ng hindi pa rin matapos ang pagwawala nito kahit may sugat na ito.
Nakatingin lang si Autumn kay Elle, napatingin naman si Ash kay Autumn, at nagtaka ito sa reaksyon ng nakakatandang kapatid.
"More!!!" hiyaw ng lahat
Natigil ang grupo at napatingin muli sa stage. Nang manlaki ang mga mata ni Autumn ng unti-unting hubarin ni Chhaya ang seamless bra nito at ngumiti ng nakakaakit.
"Sure." mapang akit na sabi ni Chhaya.
Mabilis na umalis si Autumn sa puwesto at mula sa pader pinatay nito ang ilaw sa buong dance floor particular sa center stage kung saan naghuhubad si Chhaya.
"Sayang." sabi ni Shadow at Rhythm na nakatitig sa center stage.
Matalim ang matang umalis si Autumn na ikinatingin ng grupo dito.
"Buksan mo iyon ilaw baka nakahubad na." bulong na sabi ni Ion kay Heaven
"Aissst, si Autumn lang nakakagawa nun. Naka sensor sa kamay niya ang ilaw." sabi ni Heaven.
"Ang dugas." sabi ni Shadow sa sinabi ni Heaven.
"Break na tayo." galit na sabi ni Elle at malakas nitong sinampal si Wine na ikinatingin muli ng grupo sa magkasintahan.
Nagmamadaling umalis sa bar si Elle habang pinagsisipa pa nito ang mga nakaharang na upuan sa daraanan nito.
"Ang sakit." sabi ni Rhythm ng mamula ang mukha ni Wine sa malakas na sampal ni Elle.
"Asar." inis na sabi ni Wine at nagmamadali itong sinundan si Elle.
.....
May 30, 2021 8.23pm
FifthStreet1883
Good night
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top