Kabanata 4 : Dash
Author's note
Nawala ang sunflower plant ko may nagnenok...
kahit halaman ninanakaw na ngayon. Aiissst kaya ito ang kinalabasan ng kabanata ko now.
Plagiarism is a CRIME
Do NOT Copy
Ito libre na ha.
Kapag may mali bahala na kayo umunawa kaya niyo na yan malalaki na kayo 😂🤣
✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️
Isla Traquilo
"Maam saan tayo?" tanong ni Atlas ng makasakay si Winter sa kotse kung saan nasa likuran ito at ang driver ay mismong si Atlas.
"Sa Island Mall." mahinang sabi ni Winter.
Tiningnan ni Atlas ang salamin ng kotse at nakita nito si Winter sa likuran, nakasuot ito ng shades kahit hindi naman katirikan ang araw. Nakasuot ito ng long sleeve na halos balot nga ang buong katawan nito dahil nakajeans din ito.
Isama pa na nakabandana si Winter ng itim na ipinagtaka ni Atlas.
"Patakbuhin mo na. Mabilis lang tayo." sabi ni Winter na nakuha pang tumingin sa relo nito na ikinatitig lalo ni Atlas sa babae.
Umiwas ng tingin si Winter ng makitang nakatingin sa kanya si Atlas. Ilang araw na mula ng dumating siya at ngayon lang siya pinayagan lumabas ni Damian. Ang ipinagtataka nga ni Winter hindi niya alam kung bakit naroroon pa rin si Atlas na tila magkakilala o mas higit na sabihin na mukhang naging magkakilala pa lalo ang binata at ang asawa niya na lalo niyang ikinalito.
"Nagpaalam po ba kayo?" seryosong tanong ni Atlas kay Winter.
Tumango lang si Winter at hindi tiningnan si Atlas. Nakatingin pa rin si Atlas kay Winter nakatingin lang ang babae sa labas ng bintana na kung tutuusin hindi pa sila lumalabas ng gate kaya wala naman tinitingnan si Winter sa labas kundi ang mismong bahay lang.
"Tatawagan ko muna." sabi ni Atlas.
Kinuha ni Atlas ang cellphone at akmang tatawagan nito si Damian ng biglang dumukwang si Winter at inagaw ang cellphone ni Atlas.
"Nagpaalam ako. Umalis na tayo." napalunok na sabi ni Winter.
Napatitig si Atlas kay Winter at tumango ito. Binalik ni Winter ang cellphone ni Atlas at umupo ito ng maayos. Napabuntung hininga pa si Winter na ikinatingin lamang ni Atlas dito.
Nang makalabas ng gate ang kotse, tahimik lamang ang dalawa sa loob na tila nakikipakiramdaman sa isa't isa.
"Bakit ka pa nandito?" biglang tanong ni Winter kay Atlas.
"Nasa kontrata ko ito." sabi ni Atlas.
"Nasa iyo na ang Hotel." sabi ni Winter ng biglang tumulo ang luha nito pero pinunasan agad iyon ni Winter kaya hindi nakita ni Atlas.
"Nasa kontrata ko." seryosong sabi ni Atlas.
"Wala na si lolo Ralph, at ang pagkakaalam ko nakuha niyo na ni Cha ang Cheung Hotel. Tapos na ang paninilbihan mo. Boss ka na ngayon." sabi ni Winter.
"Nasa kontrata ko." sabi muli ni Atlas.
"Hindi kita mahal, umalis ka na." sabi ni Winter ng bigla itong magulat ng tumawa ng malakas si Atlas.
"Hahaha, tingin mo nandito ako kasi gusto pa kita?" tumatawang sabi ni Atlas.
Napatingin si Winter kay Atlas, wala na ang lalaking halos sambahin siya. Pero napangiti pa rin siya sa sinabi nito kahit alam niyang may kakaiba siyang nararamdaman.
"Hindi na ba?" tanong ni Winter.
"Hahaha, may asawa na ako. At matagal ng natapos ang kagaguhan ko sayo." sabi ni Atlas.
"Asawa? At hindi si Cha?" pagkukumpirma ni Winter.
"Hindi." sabi ni Atlas.
Napatingin si Winter sa labas ng kotse at tinanaw ang mga nagtatayugang puno sa daan.
"Sana hindi na lang kasama si Run sa nawala. Matatanggap ko pa sana kung sila lolo at lola lang kasi matanda naman na sila. Pero si Run...." napasigok na sabi ni Winter.
"Isa si Run sa pumayag na bantayan kita para makuha ko ang Cheung Hotel." sabi ni Atlas.
"Kaya ka ba nandito at naninilbihan pa, dahil kay Run?" tanong ni Winter.
"Sabi ko sayo nasa kontrata ko ito. Kapag nahinto ang pagbabantay ko sayo mawawala ang Cheung Hotel sa akin. At dahil si Cha ang namamahala ngayon ng hotel kaya may oras ako para bantayan ka." sabi ni Atlas.
"Hanggang kailan?" tanong ni Winter.
"Hindi ko alam." sabi ni Atlas.
"Hindi ba nagtatanong ang asawa mo?" sabi ni Winter.
"Mabait si Cathy at alam niya ang lahat ng tungkol sa akin." sabi ni Atlas.
"Mabuti." sabi ni Winter.
Hindi na umimik si Winter na ikinatingin ni Atlas sa babaeng minsan niyang minahal.
"Kamusta kayo ni Damian?" tanong bigla ni Atlas.
"Okay kami. Mahal ko siya at alam kong mahal niya ako." sabi ni Winter sabay hawak sa braso nito na ikinatitig ni Atlas dito.
"Hindi ka ba naiinitan sa suot mo?" tanong ni Atlas.
"Hindi naman ako naiinitan. Sanay na ako." napangiting sabi ni Winter pero hindi umabot sa mga mata nito ang ngiti.
Natahimik muli ang dalawa ng muling nagsalita si Atlaspara basagin ang katahimikan sa pagitan nil ani Winter.
"Kamukha mo si Errol" sabi bigla ni Atlas.
"Marami ngang nagsasabi." sabi ni Winter.
Pasulyap-sulyap si Atlas kay Winter sa labas lang nakatingin si Winter na tila malalim ang iniisp nito. Nagmature na si Winter na hindi tulad ng dati na bungisngis ito at laging masaya kausap.
Tumahimik na lamang si Atlas ng mapasandal si Winter sa upuan nito at alam niyang nakapikit ang babae, tanda na ayaw na nito makipag-usap.
Ilang oras din ang binaybay nila ng marating ang Island Mall na nasa El Paradiso. Huminto si Atlas sa parking lot pero hindi gumagalaw si Winter na tila nakatulog ito sa haba ng biniyahe nila.
Tinanggal ni Atlas ang sariling seatbelt at bahagya itong dumukwang para alisin ang bandana ni Winter. Nang biglang magulat ito ng makita ang namumulang pisnge ng babae at unti unti na iyon namamaga.
Napaatras si Atlas ng gumalaw si Winter at nagkunwaring kakapark lang nila.
"Nandito na tayo." sabi ni Atlas.
"Okay." sabi ni Winter.
Napahawak ito sa bandana nito at inayos iyon ni Winter. Nagmamadali pa si Winter ayusin ang damit nito na tila may ayaw itong ipakita. At saka ito bumaba ng kotse ng masigurong balot ito.
"Sasamahan kita." sabi ni Atlas na mabilis isinara ang kotse.
"Okay." sabi ni Winter na hindi siya puwede umangal at baka malaman ni Damian na nag-iisa siyang namasyal ng mall.
Sinusundan lang ni Atlas si Winter, pinagmamasdan ng lalaki ang paglalakad ng among babae. Mabagal lang maglakad si Winter at tila may iniinda ito sa katawan.
Nilapitan ni Atlas ni Winter at sinabayan sa paglalakad. Napaiwas ng tingin si Winter at naglakad ito ng maayos. Pumunta ito sa boutique at namili ng mga damit nito na ipinagtaka ni Atlas dahil puro long sleeve iyon at jeans.
Malayo sa Winter na kilala niya na halos lantad ang katawan kung manamit. Bumili pa si Winter ng mga bandana at pati ang pantulog nito ay pajama at mahahabang sleeves.
"Puwedeng patulak ng cart." sabi ni Winter habang hawak nito ang braso na ikinatingin lamang ni Atlas sa babae.
"Okay." sabi ni Atlas sabay tulak ng cart habang tinitingnan si Winter na namimili ng isusuot.
Napatigil si Winter at hinawakan nito ang isang red dress na ikinatingin ni Atlas. Matagal iyon tinitigan ni Winter. Pero napangiti lamang ito saka iniwan ang dress na kanina pa nito tinitingnan.
Pinagmasdan lamang ni Atlas si Winter, hindi na ito kumuha at tumingin sa mga dress at damit na kadalasan binibili nito dati bago ito lumipad patungong Amerika.
"Okay na iyan." nakangiting sabi ni Winter na alam ni Atlas kahit nakasuot pa rin ng shades at nakabandana si Winter na hindi umabot sa mata ang ngiti nito
"Insan."
Napatingin si Winter at napaatras ito sa gulat ng makita sila Aqua at Blaze sa boutique kung nasaan siya. Hindi kasi inaasahan ni Winter na makikita roon ang mga pinsan.
"A..aaa.... hello." nautal pang bati na sabi ni Winter sa dalawang binata.
"Bakit balot ka?" nagtatakang tanong ni Blaze kay Winter
Mula ng dumating si Winter sa bansa hindi pa ito nagpapakita sa kanila. At ngayon ay isa lamang pagkakataon kung tutuusin.
"Malamig, nasanay ako sa ganitong suot." sabi ni Winter.
"Alisin mo naman ang bandana mo, para kang villain sa comics." birong natatawang sabi ni Aqua.
"Malamig." sabi ni Winter.
"Aissst, ayaw mo? So yakap na lang." sabi ni Blaze at kahit hindi pa nagsasalita si Winter niyakap nito ang pinsan.
"Kiss." sabi ni Aqua at hinalikan nito sa ulo si Winter kahit na nakabandana ito.
"Okay na." sabi ni Winter na pilit ang ngiti at nakiyakap ito sa dalawang pinsan na madalas naman nilang gawin kapag nagkikita-kita sila.
"Aiisssst, namiss ka namin. Bakit ba ang cold mo?" sabi ni Aqua kay Winter.
"Naninibago pa ako sa klima dito sa isla. Saka matagal ko kayo hindi nakasama kaya siguro akala niyo cold ako." sabi ni Winter.
"Bakit parang wala na ang bungisngis na pinsan namin? Mabuti pa si Elle, bugnutin pa rin at nagwala daw iyon sa burger Resto sabi ni Wine, pero hindi na kami nagulat." sabi ni Blaze.
"Bata pa si Elle at ako trenta na.
Ano ba kayo? Kailangan ko kumilos kung ano ang edad ko." sabi ni Winter.
"Sabagay." sabi ni Aqua.
Napatingin sila Aqua at Blaze kay Atlas na nakatitig lang kanina pa kay Winter. Napangisi ang dalawa at nagsalita si Aqua.
"Tangna, talagang hapit ka sa hotel kaya hindi mo makuhang iwan si Winter." sarkastikong sabi ni Aqua kay Atlas.
"Alam namin ang kontrata mo. Tangna ka... talagang matindi ang kapit niyo ni Cha para mapanatili sa inyo ang lahat." mapanuyang sabi ni Blaze kay Atlas.
Napatingin si Winter kay Atlas, at napangiti ito ng makompirma kung bakit bodyguard pa siya ni Atlas.
"Sabihin mo sa pamangkin mo na asawa mo. Magtago siya at baka gawin siyang pulutan ni Autumn." sabi ni Aqua kay Atlas.
Napatingin lamang si Atlas sa dalawang binata. Hiwalay na sila ni Chhaya mula ng natanggap ni Atlas ang dokumento ng Cheung hotel. Kung tutuusin puwede na siyang umalis bilang bodyguard ni Winter pero may isa pa siyang gusto kunin at iyon ang karugtong na titulo ng lupa niya sa isla Traquilo na nakuha ni Ralph kay Autumn at ngayon ay nasa bangko at makukuha lang niya kapag natapos ang pagiging bodyguard niya kay Winter.
Mahalaga ang titulo na iyon, dahil sa lola niya iyon na si Leila. Na ipinamana nito kay Kenneth pero kinuha iyon ni Autumn ng minsang dumayo ito sa bahay ng lola ni Atlas sa isla Traquilo noong bata pa si Autumn at nakita iyon ni Kenneth.
"Kay Cha niyo sabihin iyan." seryosong sabi ni Atlas.
"Ahhmm, kung mag-uusap pa kayo mauuna na ako." sabi ni Winter ng makita ang initan ng tatlo.
Napatingin ang tatlong lalaki ng kunin ni Winter ang cart na pinamili nito at nauna nga itong naglakad sa tatlo at iniwan ang mga ito.
"Excuse me magtatrabaho na ako." sabi ni Atlas ng dumaan ito sa gitna nila Aqua at Blaze para sundan si Winter.
Napailing na lamang sila Aqua at Blaze ng layasan sila ng dalawa.
Nang masundan ni Atlas si Winter kinuha nito ang cart, pero hindi sinasadya ng matabig ni Atlas ang braso ni Winter.
"Aray." napadaing na sabi ni Winter na ikinatingin ni Atlas kay Winter dahil hindi naman malakas ang pagkakadikit ni Atlas dito, na parang natabig lang niya ng bahagya.
"Sorry." sabi ni Atlas.
Tumango si Winter at ibinigay nito ang cart kay Atlas.
Nang mabayaran ang naturang pinamili ni Winter, si Atlas ang nagdala ng mga iyon.
"Umuwi na tayo." sabi ni Winter habang nakatingin ito sa relo.
"Maaga pa." sabi ni Atlas.
"Uuwi na ako." sabi ni Winter.
"Kumain ka muna." sabi ni Atlas.
"Hindi na." sabi ni Winter at nagmamadali itong pumunta sa parking lot.
Nang makasakay si Atlas, napamura ito ng makitang kaunti na lamang ang gas ng kotse kaya napatingin ito kay Winter.
"Bakit?" tanong ni Winter.
"Magpapagas muna tayo." sabi ni Atlas.
"Okay sige bilisan natin." sabi ni Winter.
...............
Hours later.
Isla Traquilo
"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Damian habang nasa sala ito at nakatingin kay Winter.
"Naubusan kami ng gas, nagtext ako di ba? Saka tumatawag ako. Hindi ka naman sumasagot." sabi ni Winter.
Nilapitan ni Winter si Damian at niyakap ito. Tumingala si Winter at napangiti ito habang nakatingin kay Damian.
"I love you." sabi ni Winter sabay dampi ng halik sa labi ni Damian.
Nakatingin lamang si Atlas halatang mahal ni Winter ang asawa pero nagtataka siya kay Damian. Dahil mula ng mamatay si Ralph nagbago rin ito.
"Sa kuwarto tayo." seryosong sabi ni Damian kay Winter na ikinaluha ni Winter.
"I love you." lumuluhang sabi ni Winter kay Damian.
Napatitig lang si Damian kay Winter at niyakap nito ang asawa na umiyak na hindi alam ni Atlas kung bakit.
Binuhat ni Damian si Winter habang nakasunod lang ng tingin si Atlas sa mag-asawa. Umakyat ang mag-asawa sa ikalawang palapag ng bahay kung nasaan ang kuwarto ng mga ito.
Napangisi si Atlas, sound proof ang kuwarto ng mag-asawa kaya wala silang maririnig na anumang ingay mula sa loob. Kaya alam na niya kung ano ang puwedeng mangyari sa mga ito, na ikinailing at ikinangiti lang ni Atlas.
...............
Isla Verde
"Ano bang ginagawa natin dito?" sabi ni Kim kay Muddy.
"Pupuntahan at titingnan natin ang mga infrastructure ng isla, at pipicturan lang natin." sabi ni Muddy
Nasa isla Verde sila ng araw na iyon para sa isang project ni Muddy. Isinama nito ang tanging naging kaibigan niya sa University si Kim. Ang batang binigyan niya ng pagkain noong nag-eexam pa lang sila para sa entrance exam sa St Therese.
"Ano ba iyan? Bakit dito pa?" sabi ni Kim pero sumama naman ito kay Muddy kaya napangiti si Muddy,
Si Kim kasi ang tipo ng tao na umaangal pero sumasama. At pagdating sa bagay ayaw pero gusto, pangit pero ginagamit.
"Masaya ito. Kasi ako lang ang tanging may proyektong ganito. Ang iba sa classmate ko tipikal na ang project.
Simpleng pagtanim ng halaman sa garden nila, na madalas naman gawin at ginagawa ng mga katulong nila. Pagbuburda na hindi naman sila ang gumagawa.
Itong project ko na gagawin ay, kakalap ako ng mga bagay na katibayan na umaasenso ang tatlong isla." sabi ni Muddy.
"Hahaha, umuunlad dahil sa mayayaman. Hindi dahil sa atin." sabi ni Kim.
"Ipapakita ko sa project ko, na nakakatulong ang lahat sa pagpapaunlad ng bayan. Ang mga gumagawa ng gusali ay malaking tulong para makabuo ng isang malaking gusali na tatayuan ng isang negosyo.
Ang project ko ay huwag mong maliitin. Ito ay tatak ng mayaman at mahirap na nagtutulungan para sa pag-unlad ng bayan natin." sabi ni Muddy.
"Aiissst, sino naman ang iinterbiyuhin mo?" tanong ni Kim.
Grade 11 na si Muddy at si Kim ay Grade 9 naman, dahil hindi naman si Kim na-accelerate ng grade level.
"Mga construction worker, at engineer na gumagawa." sabi ni Muddy.
"Hahaha, tingin mo papapasukin ka." sabi ni Kim.
"Construction worker ang kakausapin ko at hindi pangulo ng kompanya." sabi ni Muddy.
"Aiissst, nakakatakot baka rapist ang makausap mo." sabi ni Kim
"Hahaha, ang OA mo." sabi ni Muddy.
Naglalakad na ang dalawa kainitan ng kalye sa isla Verde para puntahan ang isang ginagawang gusali doon na pagtatayuan ng kauna-unahang mall sa isla.
"Aiisssst, ikaw ang kumausap ha." sabi ni Kim.
Natatawa lang si Muddy sa kaibigan, sanay na siya dito. Ang tipo ng kaibigan na aayaw-ayaw pero hindi siya nito natitiis.
"Dito na tayo." sabi ni Muddy.
Nasa gate sila ng isang construction site at akmang kakatok si Muddy ng biglang magbukas iyon at bumungad ang isang lalaking matangkad.
Nagkatinginan sila Muddy at Kim ng makita ang lalaki. Halatang bata pa ang lalaking bumungad, pero maganda na ang katawan ng lalaki. Nakasuot ito ng long sleeve na tipikal sa construction worker, na tenernuhan ng punit at kupas na lumang maong, naka-bota at helmet na ginagamit sa construction site.
May martilyo ang lalaki at lubid sa baywang nito na nakasabit. May towel sa leeg at ng tingnan ni Muddy ang mukha ng lalaki napatitig siya dito.
"Anong kailangan niyo mga miss..sis?" nakangising sabi ng lalaki na halos sumingkit ang mata nito na ikinakilig ni Kim dahil guwapo ang lalaking kaharap nila na tila nga hindi ito construction worker.
"Mag-iinterview tungkol sa project ko." sabi ni Muddy sa lalaki.
"Permit?" sabi ng lalaki na nakuha pang kumuha ng toothpick sa bulsa nito na hindi alam ni Muddy kung gamit na ba iyon o hindi pa.
"Wala" sabi ni Muddy.
"NO permit. NO entry." sabi ng lalaki na tila laging nakangiti ang mga mata nito.
"Nag-aaral ako sa St Therese." sabi ni Muddy.
"Hahaha, ako nag-aaral sa bahay." natawang sabi ng lalaki habang nagto-toothpick ito na tila ang cute nito kahit dapat masagwang tingnan ang ginagawa nito.
"May id ako." sabi ni Muddy.
"Aiisssst," sabi ng lalaki at kinuha nito sa likod ng pantalon ang wallet na punit at mula doon kinuha ng lalaki ang id nito.
"... may id din ako." nakangising sabi ng lalaki.
Napatingin si Muddy sa wallet ng lalaki at may pera iyon.
"Pareho pala tayo may id. So puwedeng pumasok." sabi ni Muddy habang nakatingin sa loob ng pitaka ng lalaki na nakabuyangyang sa kanila at may tig iisandaang piso na tila kakasahod lang nito dahil Sabado ang araw na iyon. Ang sahuran ng mga construction worker na lingguhan ang bayaran.
"Hindi puwede." sabi ng lalaki.
Binalik nito ang id sa loob ng pitaka at nilagay sa pantalon habang nakatitig si Muddy.
"Baka naman puwede." sabi ni Muddy.
"Bawal." sabi ng lalaki na humarang pa sa gate.
TInaas ng lalaki ang dalawang kamay nito at iniharang sa gate para hindi makapasok sila Muddy. Nakuha pa ng lalaki paikutin ang toothpick nito sa bibig na tila nasasarapan ito sa tinga nito.
"Puwede." sabi ni Muddy.
"Bawal." nakangiting sabi ng lalaki.
Nanlaki ang mga mata ni Kim ng makita ang ginagawa ni Muddy, pero nanahimik ito at umiwas ng tingin.
"Okay bawal." sabi ni Muddy at tinalikuran nito ang lalaki saka nito hinila si Kim paalis ng lugar.
"Aiiisssst, ang kulit nun ha. Huh! Ang akala nila maiisahan nila ako." sabi ng lalaki at akmang kakapain nito ang wallet ng mapakunot ang noo nito.
"Aiissssst, magna ng St Therese." napapadyak sabay kamot sa ulo ng lalaki.
Tumakbo sila Muddy at Kim at ng mapahinto ito sa may gilid ng daan, na may kalayuan na sa construction site agad tiningnan ni Muddy ang pitakang nakuha nito sa lalaki.
"Aiissst, bakit mo ginawa?" inis na sabi ni Kim na alam niyang magalaw at malikot ang kamay ni Muddy pero sakit iyon ng dalaga.
"Nangati ako eh. Hahahaha." tumatawang sabi ni Muddy.
Binuksan nito ang pitaka ng lalaki pero napalunok ito ng makita ang id ng lalaki.
"Bakit?" tanong ni Kim kay Muddy ng pagpawisan si Muddy ng malapot.
"Pulis?" kinakabahang tanong muli ni Kim ng hindi nagsalita si Muddy,
"Si... si... Ru... Run." sabi ni Muddy ng unang tumama ang mga mata niya sa pirma na nasa id ng lalaki.
"Run?" kunot noo na tanong ni Kim.
"Iyong pirma niya pareho sa..." sabi ni Muddy.
Kinuha ni Muddy ang wallet niya kung nasaan niya tinatago ang may kalumaan na calling card ni Run kung saan may pirma ito.
"...pirma ni Sigrun Valiente." sabi ni Muddy sabay napatingin ito sa daan na katatahak lang nila.
Tiningnan ni Muddy ang id, iba ang pangalan na nakalagay roon, pero ang pirma nito kay Run ay iisa.
"Dash." sabi ni Muddy.
"Other ways to say Run is Dash." sabi ni Kim na ikinatingin ni Muddy kay Kim.
May 14, 2021 11.27pm
FifthStreet1883
Good night 🤣😂
Kung sino man nagnakaw ng sunflower plant ko... aissst alagaan mo siya ha.
Para sayo ang kabanatang ito.
🙏🙏🙏🙏
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top