Kabanata 39 : Firefly : SPG

(Just play the theme song for this chapter)

Bulwagan, Cheung Hotel

"Hahaha, nahihilo ako." masayang sabi ni Winter habang yakap nito si Damian at kanina pa siya iniikot nito sa dance floor.

"Nandito naman ako." tumatawang sabi ni Damian habang yakap nito si Winter.

"Mamaya naman." masayaang sabi ni Winter at niyakap nito si Damian na nakatingin sa kanya.

"I love you." sabi ni Damian.

"I love you, too." sabi ni Winter.

Ikinawit ni Winter ang kamay sa batok ni Damian at tumingkayad ito. Napangiti si Damian at sinalubong nito ang labi ni Winter.

Napapikit si Winter ng dumampi ang labi ni Damian sa labi niya, ginalaw ni Damian ang labi nito habang ninanamnam ang labi ni Winter. Nakuha pa nitong hawakan ang batok ni Winter at masahiin iyon para salubungin lalo ang mga labi nila.

Samantalang kanina pa nakamasid sila Ralph Cheung at Atlas sa magkasintahan habang nasa mesa sila ng mga Cheung.

"Isang buwan mula ngayon ikakasal si Winter, at titira sila sa bahay ni Damian. Magiging bodyguard ka niya at tulad ng napag-usapan ibibigay ko sayo ang Cheung Hotel kapag naipanganak ni Winter ang unang anak niya." mahinang sabi ni Ralph kay Atlas habang nakatingin ang dalawa kay Damian at Winter na naghahalikan sa gitna ng dance floor.

"Oo." sabi ni Atlas.

"Lahat ng malalaman mo at mangyayari sa loob ng bahay na iyon ay sasabihin mo lang sa akin. Wala kang pagsasabihan kahit sino." sabi ni Ralph.

"Okay," sabi ni Atlas habang nakatingin kay Winter na halatang masaya ito kasama ni Damian.

"Huwag mong lalapitan si Winter dahil nandoon ka para maging bodyguard niya at hindi bilang kamag-anak." sabi ni Ralph na ikinatango ni Atlas.

"Nasa kontrata ang lahat, at huwag kang mag-alala tutupad ako sa napagkasunduan. Nandiyan si Run kapag nawala ako." sabi ni Ralph.

"Si Run?" sabi ni Atlas.

"Oo, alam niya ang kasunduan natin. Umayaw siya sa una pero kalaunan pumayag siya." sabi ni Ralph.

"Pumayag siya na ibigay mo sa akin ang Cheung Hotel?" sabi ni Atlas habang mahina lamang nag-uusap ang dalawa.

"Oo." tipid na sagot ni Ralph na ipinagtaka ni Atlas.

....................

"Elle, sayaw tayo." yaya ni Adira at Twinkle kay Elle.

"Ayoko." sabi ni Elle na kanina pa nasa mesa lang at hindi na umimik mula ng pagsabihan ito ni Damian.

"Nagsasaya na ang lahat, saka maraming bata. Makipaglaro tayo." sabi ni Twinkle.

"Ayoko." sabi ni Elle.

"Mauna na kayo, kakausapin ko na lang siya." sabi ni Run kay Adira at Twinkle.

"Sige." sabi ni Adira.

Naiwan sila Run at Elle sa mesa. Pinagmasdan ni Run si Elle iniikot lang nito ang spaghetti sa tinidor nito at hindi naman kinakain.

"Malungkot ka ba?" sabi ni Run kay Elle.

"Umalis si Wine, sabi ko huwag siya aalis kanina." nagtatampong sabi ni Elle.

"Nanood lang naman siya." sabi ni Run.

"Alam ko pero nagsinungaling siya." sabi ni Elle.

"Bata ka pa." sabi ni Run.

"Alam ko rin naman iyon." sabi ni Elle.

"Hayaan mo muna si Wine, kasi nakikipaglaro din siya sa mga kaibigan niyang lalaki. At dapat ikaw din makipaglaro at makipagsaya ka kasama ng mga kaibigan mong babae." sabi ni Run.

"Inis ako kapag may kasama siyang babae." nakangusong sabi ni Elle.

"Kaya ka naiinis kasi nga pinipigilan mo siya. Elle, hindi mo naman siya pag-aari. May sariling buhay ang batang iyon tulad mo." sabi ni Run.

"Elle." tawag ni Wine.

Lumingon si Run pero hindi si Elle na nanatiling nakatingin sa nilalaro nitong spaghetti sa tinidor.

"Ano iyan?" tanong ni Run kay Wine ng makitang may dala itong box ng isang kilalang brand ng inumin.

"Gabi na kasi kaya wala akong makita at makuha para maibigay sa kanya." sabi ni Wine.

"Ano nga 'yan?" sabi ni Run habng pasimpleng pinagmamasdan si Wine. Pawisan ito at madumi na ang polo nitong suot. Isang oras din ito nawala mula ng magpaalam ito na aalis kanina.

"Sandali." sabi ni Wine.

Napalingon si Wine at ilang sandali nagsigawan ang lahat ng mamatay ang ilaw.

"Mumu." takot tili na sabi ni Elle sabay yakap nito kay Run.

"Bakit namatay ang ilaw?" sabi ni Orion ng mamatay ang ilaw.

"Baka naghihirap na ang Cheung Hotel." natawang sabi ni Malic.

"Elle, ang hirap kumuha nito mabuti na lang maganda ang isla natin. At hindi pa polluted kaya marami pa sila sa gubat." sabi ni Wine.

Binuksan ni Wine ang box at namilog ang mga mata ni Elle ng makita ang alitaptap na nasa loob ng garapon.

"Hiniram ko iyong motor ni Ash at kumuha ako niyan sa bahagi ng gubat na maraming pang alitaptap." sabi ni Wine.

Napatingin ang grupo ni Orion sa mesa nila Elle at napangiti ang mga it

"Whoah! Saan mo kinuha iyan?" sabi ni Bullet ng makita ang alitaptap sa garapon.

"Effort talaga ang bata namin." tumatawang sabi ni Aqua na ikinatawa ng iba pa.

"Buksan mo." sabi ni Wine kay Elle.

"Ayoko." sabi ni Elle.

"Para kumalat sila, makikita mo ang ilaw nila." nakangiting sabi ni Wine.

"Sige." sabi ni Elle. Kinuha ni Elle ang may kalakihang garapon at sa mismong mesa nila binuksan iyon ni Elle.

"Wow!" sabay-sabay na sabi ng mga bata ng makita ang mga alitaptap na lumipad palabas ng garapon.

"Ang galing ng bebe ko." natawang sabi ni Malic ng makita ang ginawa ni Wine na ikinangiti rin ng mga kasama nito.

"Ganda." masayang sabi ni Elle na animo't mga bituin mula sa kalangitan ang kislap ng ilaw ng mga alitaptap mula sa dilim ng bulwagan. Nang may naiwan sa garapon kinuha ni Elle ang isang alitaptap at bumungisngis ito ng lumipad iyon habang umiilaw.

"Kapag nagdududa ka sa akin, tandaan mo may maliit na ilaw na darating para malaman mo na....

.... nandiyan lang ako lagi sa tabi. Mawala man ako, nasa isip kita hindi ka mawawala." nakangiting sabi ni Wine.

"Ohhhhhh!" sabay-sabay na sabi ng mga babae sa grupo ni Orion na ikinatawa ng mga lalaking kagrupo nito.

"Ang sweettt ng bebe niyo Venus." tumatawang sabi nila Denise at Jade.

"Wala na sila." sabi ni Elle ng paliparin nito ang isang alitaptap at naglaho.

Bumukas ang ilaw ng maglaho ang mga alitaptap na nagliparan.

"Isa pa." nakangiting sabi ni Elle.

"Oo meron pa." sabi ni Wine habang tila hindi alintana ng dalawang bata na sa kanila nakatutok ang buong grupo.

Mula sa likod ng bulsa ni Wine kinuha nito ang isang singsing pero yari iyon sa manipis na sanga ng puno na pinulupot.

"Ginawa ko kanina, natutunan ko kay nanay." sabi ni Wine saka nito isinuot sa daliri ni Elle na ikinataka ng lahat dahil kasya iyon.

"Ang ganda naman." nakangiting sabi ni Elle ng maisuot ni Wine ang singsing na gawa sa manipis na sanga. Nakuha pa ni Elle itaas iyon na halatang masaya ito.

"Ang sweet naman." sabi ni Malic sabay hampas ng pabiro kay Venus na ikinatawa ng mga kagrupo nito.

"Tumahimik ka nga." sabi ni Venus kay Malic na tila tuwang tuwa na naman ito sa anak nila.

"Hahaha, pare iba pala ang combination niyo ni Venus." natatawang sabi ni Ice.

"Oo naman. Kita naman sa bebe namin." proud na sabi ni Malic sabay nguso nito kay Wine at bahagya itong kinilig na ikinatawa ng grupo.

"Bati na tayo." sabi ni Wine kay Elle.

"Oo." nakangiting sabi ni Elle.

"Dahil bati na tayo kaya....

....may tinira akong bituin." sabi ni Wine at mula sa bulsa nito kinuha nito ang garapon na maliit na ikinangiti ni Elle ng makita ang ibang alitaptap sa loob habang may mga dahon ang loob ng garapon.

"Mamaya mo pakawalan. Hindi sila puwede alagaan kasi mamamatay sila kapag hindi pinakawalan. Kapag gusto mo na lang ikukuha kita tapos pakawalan natin uli." sabi ni Wine.

KInuha ni Elle ang maliit na garapon at inilagay iyon sa loob ng polo ni Wine na ikinatingin ng lahat. Pagkalagay ng garapon sa loob ng polo ni Wine. Napangiti ang lahat ng silipin ni Elle ang polo ni Wine kung nasaan ang garapon.

"Ang cute," bungisngis na sabi ni Elle ng makitang umilaw ang mga alitaptap habang nasa loob ng t-shirt ni Wine at nakasilip ito roon.

"Matalino." sabi ni Malic habang nakamasid ang mga ito sa dalawang bata.

Madilim nga naman kapag inilagay sa loob ng polo o damit ang garapon kaya iilaw ang alitaptap.

"Ang sweet kamo." sabi ni Emerald habang kinukuhanan nito ng larawan sila Wine at Elle na nakasilip sa loob ng polo ni Wine at pinagmamasdan ang alitaptap sa loob ng maliit na garapon.

"Sweet din naman tayo ha." sabi ni Matias kay Emerald.

"Oo naman, kaso ibang level ito may hayop kada pagsuyo. Saan ka pa." sabi ni Emerald na ikinatawa ng grupo ng mga ito.

"Kapag wala na iyan makita, kahit langgam ibibigay niyan sa anak ko." nakangising sabi ni Orion na ikinatawa ng lahat.

"Hahaha. Oo pare, mag-ingat ka baka ipis na ang susunod na ibigay." natatawang sabi ni Kloud.

"Kahit gagamba papatusin ni Wine masuyo lang ang pamangkin ko." tumatawang sabi ni Aquila.

"Hahaha." Sabay sabay na tawa ng grupo.

..................

"Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Autumn kay Chhaya.

"Oo." sabi ni Chhaya

"Gusto mo sa unit muna tayo para makapagpahinga ka." sabi ni Autumn.

"Hindi na." sabi ni Chhaya.

"May problema ka ba?" tanong ni Autumn.

"Wala naman." sabi ni Chhaya.

"Napapansin ko lang kasi, ilang araw ka ng ganyan na parang wala ka sa mood." sabi ni Autumn habang iniiisip nito kung kailan ng aba nagsimula ang pagiging kakaiba ni Chhaya.

"Napagod lang ako sa paglalakad ng requirements sa graduation at ngayon tapos na. Ngayon ko naramdaman na ang sobrang pagod." sabi ni Chhaya.

"Ganoon ba?" sabi ni Autumn.

Nasa dance floor sila ni Chhaya at nagsasayaw pero malayo sila sa isa't isa na lalo ipinagtataka ni Autumn.

Tinitigan ni Autumn si Chhaya na tiningnan din siya, nakuha pa nga ngumiti ng dalaga kaya napangiti si Autumn. Inilapit ni Autumn ang labi kay Chhaya, na ikinapikit ng dalaga ng dumampi ang labi niya sa labi ni Autumn. Pero nakaramdam ng kakaiba si Chhaya kaya umiwas siya kay Autumn na ikinakunot noo ng binata.

Hinapit ni Autumn si Chhaya sa baywang na ikinatitig ng dalaga aky Autumn. Seryoso ang mukha nito at halatang naguguluhan ang binata sa inaasta niya.

"Bakit?" sabi ni Chhaya.

"Hindi ba dapat ako ang magtanong niyan?" sabi ni Autumn.

"Nang ano?" sabi ni Chhaya.

"Bakit?" sabi ni Autumn.

"Masama kasi ang pakiramdam ko." sabi ni Chhaya pero nagulat ito ng mabilis na hawakan ni Autumn ang batok niya at siilin siya ng halik kasabay ng pagkawala ng ilaw.

"Autu..." udlot na sabi ni Chhaya ng sakupin ni Autumn ang labi niya at halos kainin iyon ng buo, nakuha pa ni Autumn na idiin ang batok niya sa labi nito habang ang isang kamay ng binata ay mahigpit na nakahawak sa baywang niya.

Mapangahas na ipinasok ni Autumn ang dila sa bibig ni Chhaya, na agad naman ikinaungol ng dalaga. Napahawak si Chhaya sa batok ni Autumn at sinalubong nito ang mapusok na halik nito.

"Hmmmn." ungol ni Chhaya.

Binitawan ni Autumn si Chhaya at hinila ito palabas ng bulwagan.

................

"Magaling." sabi ni Ash na kanina pa sinusundan ang babaeng ex nito.

Tumingin ang batang babae kay Ash at napangiti ito na ikinatitig ni Ash sa batang babae.

"Salamat." nakangiting sabi ng batang babae.

"Baka puwede mong ulitin sa harap ko." sabi ni Ash.

"Hahaha, kapag nagsalita ka para kang matandang manyak. Alam mo kung may DOM ikaw naman ang DYM." sabi ng babae.

"Hahaha, ang yabang mo porke natuwa sayo ang mga tao feeling mo maganda ka na." sabi ni Ash.

"Oo naman. At huwag kang mag-alala kasi mas kaganda at kagaling pa ako kaysa sa mga babae niyo sa Casa. Ang mga sumayaw na babae galing sa Casa niyo ay pipitsugin lang kompara sa akin." sabi ng batang babae.

"Huwag ka na mag-aral ha." nakangising sabi ni Ash.

"Ha?" tanong ng batang babae.

"Hahaha, ang ganda mo ngang sumayaw pero wala ka namang utak. Bobita." sabi ni Ash sabay taas ng palda ng batang babae bago ito umalis.

"Gago iyon ha" sabi ng batang babae ng makuha pa ni Ash haplusin ang legs niya sa pagtaas ng palda niya kanina.

...................

Autumn's Unit Cheung Hotel

"Oh God Autumn." naliliyong sabi ni Chhaya ng nasa pintuan pa lang sila ng unit ni Autumn ng biglang mabilis ibinaba ng binata ang dress niya at sakupin ng mapangahas na labi nito ang dibdib niya.

Kinarga ni Autumn si Chhaya habang halos isubo nito ang dibdib ng dalaga at pagsawaan iyon.

"Uuugghhh, Fuck Autumn." ungol na naliliyong sabi ni Chhaya na tila hayok na hayok si Autumn sa paghalik sa dibdib niya.

Isinandig ni Autumn si Chhaya sa pader at mabilis nitong binuksan ang pantalon.

"Autumn, wait." ungol ni Chhaya pero napasinghap ito ng kapain ni Autumn ang sentro niya at masahiin iyon.

"Basa ka na agad, my queen." sabi ni Autumn.

Inilihis lamang ni Autumn ang panloob ni Chhaya saka nito ipinasok ang pagkalalaki nito sa dalaga.

"Autumn." sigaw na sabi ni Chhaya at napayakap ito ng mahigpit kay Autumn.

"Ohhh." mahabang ungol ni Chhaya ng mabilis na maglabas masok si Autumn sa sentro niya na halos mapipi siya sa pader sa pagdiin nito sa kada pasok nito.

"Oh shit Autumn." sabi ni Chhaya ng magtaas pababa siya at tulungan si Autumn sa pag-ulos nito sa pagkababae niya.

"Oh God, I love you Chhaya." ungol ni Autumn ng sabay silang labasan ni Chhaya habang nakatayo silang nagtatalik.

Hinihingal si Chhaya habang nakatingin ito kay Autumn. Nasa mukha ng binata ang kasiyahan na lagi niyang nakikita kapag magkasama sila.

"I love you," sabi ni Autumn sa mga mata ni Chhaya.

"I love you too." hinihingal na sabi ni Chhaya ng biglang itong mapaungol ng muling gumalaw si Autumn.

Niyakap ng mahigpit ni Autumn si Chhaya saka ito inilapag sa kama. Pagkalapag sa kama pinagpatuloy ni Autumn ang paglabas masok sa sentro ng nobya.

Napaliyad si Chhaya ng idiin ni Autumn ang pagkalalaki nito sa loob niya at halos maramdaman ng dalaga ang kahabaan at kalakihan sumakop sa loob niya.

"Autumn!" sigaw ni Chhaya ng muling bumilis ang galaw ni Autumn.

Napatingin si Chhaya kay Autumn ng sabay ng maglabas masok ni Autumn sa kanya hinahalikan pa nito ang dibdib niya na lalong ikinaliyo ng dalaga.

"Akin ka lang." mahinang sabi ni Autumn ng maramdamang halos manginig si Chhaya sa ginagawa niya sa katawan nito at ikaliyad ng dalaga sa bawat pag ulos niya sa loob nito.

"Autumn!" malakas na ungol na sabi ni Chhaya ng marating muli nila ang sukdulan ni Autumn.

...................

Bulwagan

"Kakanta na kami. Halika na Ion!" sabi ni Rhythm ng tawagin ito sa stage.

"Adira picturan mo kami ni Harmony. Lalapit ako sa kanya." sabi ni Ion.

"Oo." sabi ni Adira

At nang umalis sila Ion at Rhythm nagulat si Adira ng hablutin ni Shadow ang cellphone ni Adira.

"Uy akin iyan." sabi ni Adira.

"Ako kukuha ng picture, para sure na maganda." sabi ni Shadow at tumakbo ito.

"Aiisssst, akin iyan." inis na sabi ni Adira at hinabol nito si Shadow.

"Si Rhythm lang ang kukuhanan mo." panunuksong sabi ni Shadow.

"Uyy hindi." sabi ni Adira sabay hablot sa polo ni Shadow. Kilala si Shadow na talagang mapang asar ito.

"Wheee, crush mo si Rhythm eh." sabi ni Shadow.

"Papa." umiyak na napikong sabi ni Adira at iniwan nito si Shadow.

"Hala, ang pikon naman nun." naiiling na sabi ni Shadow.

Napangisi si Shadow at kinalikot nito ang cellphone ni Adira kaso na pinlock iyon kaya napakamot ito sa ulo.

✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️

May 8, 2021 6.39pm
FifthStreet1883

Good night 😴😴😴

Try ko isa pa...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top