Kabanata 38 : Broken

Bulwagan, Cheung Hotel

"Nawiwiwi ako." sabi ni Elle kay Wine habang kumakain na sila, matapos ang program.

"Ako na ang sasama sayo." sabi ni Winter sa bunsong kapatid.

"Huwag ka aalis diyan." sabi ni Elle kay Wine na ikinangisi ni Wine at ikinatawa ng mga kagrupo nitong lalaki.

"OO." nakangiting sabi ni Wine kay Elle bago ito umalis kasama si Winter.

"Nakakasakal ba?" tanong ni Aqua kay Wine.

"Hindi naman.... Masyado." nakangising sabi ni Wine.

"Loko, inuto mo kasi. Iyan tuloy." natawang sabi ni Heaven.

"Wala ka ng kawala... sa isang Cheung." nakangising sabi ni Bullet.

"Alam ko naman na ganoon magmahal ang mga Cheung kaya okay lang. I love it." natatawa pang sabi ni Wine.

"Wine, may sasayaw na naman at mga dalaga na, na may dibdib." sabi ni Shadow na halos lumuwa ang mga mata ng mga ito habang nakatingin sa mga babaeng naghahanda sa gilid ng stage.

"Mga babae sa Casa." nakangising sabi ni Blaze.

"Whoah! Ang lalaki." namimilog na mata na sabi ni Ion.

"Sa harap tayo uli." sabi ni Ciao at nagtakbuhan ang mga ito malapit sa stage

"Sumama ka na, habang wala si Elle." sabi ni Rhythm sabay hila nito at ni Dim kay Wine.

"Uyyyy, magwawala iyon." tangging sabi ni Wine.

"Magtago ka lang." sabi ni Shadow.

"Hahahaha, mga lokong ito" natawang sabi ni Heaven sa kalokohan ng mga batang kasama.

"Aiisssst, huwag niyo akong isusumbong." sabi ni Wine kala Heaven habang hila ito nila Rhythm.

.....................

Rest Room

"Ako na po Ate Winter." sabi ni Elle.

"Kaya mo?" tanong ni Winter. Nasa restroom sila kung saan madalas naman umihi si Elle sa solo cubicle na para sa mga may kapansanan at mga babies.

"Opo. Big girl na ako basta wait mo ako dito sa labas ng restroom at baka may mumung pumasok." sabi ni Elle na ikinangiti ni Winter.

"Oo naman dito lang si Ate." nakangiting sabi ni Winter kay Elle.

Napangiti si Elle bago ito pumasok sa loob ng restroom. Nang makapasok si Elle sa restroom, napabuntung hininga si Winter. Ilang buwan na lang at hindi na niya makakasama sa bahay si Elle, may lungkot siyang nadama lalo na at una siyang mapapawalay sa pamilya niya.

Nasa ganoon siyang pagmumuni-muni ng biglang dumaan palabas mula sa restroom ng lalaki si Atlas. Napatingin si Winter, ilang araw din niyang hindi nakita ang binata. Kahit sa mall hindi na niya ito nakikita kaya wala siyang alam kung ano nga ba ang nangyayari dito.

Pagkalabas ng restroom ng lalaki napansin ni Atlas si Winter mula sa gilid ng mga mata nito, pero nilagpasan lang nito ang dalaga, ng bigla itong magsalita kaya napatigil din siya sa paglalakad.

"Kung may plano kang masama huwag mo ng ituloy." sabi ni Winter kay Atlas ng daanan lamang siya nito.

"Wala akong plano." seryosong sabi ni Atlas.

"Alam kong masama ang loob mo. Sana huwag ka ng gumawa ng ikakasama mo." sabi ni Winter.

"Huh! Hindi ko naman hahayaan maging kriminal ako ng dahil lang sa hindi ako ang pinili mo." sabi ni Atlas sabay titig kay Winter.

"Hindi ako naniniwala hanggat hindi ko nakikitang may nobya ka." sabi ni Winter.

"Ganoon ba 'yon?" sarkastikong sabi ni Atlas.

"Oo, makakampante lang ako kapag may nobya ka na rin." sabi ni Winter.

Napangisi si Atlas at lumapit ito kay Winter na ikinaatras ni Winter. Yumuko si Atlas at tinitigan si Winter saka ito nagsalita.

"Hindi ka naman ganoon kagandahan para hindi kita malimutan, at isa pa. Hindi naging tayo kaya walang koneksyon na mag-uugnay sa atin. Huwag kang mayabang na pakiramdam mo, patay na patay ako sayo." sabi ni Atlas na ikinapula ng mukha ni Winter. Napalunok si Winter bago ito nakahuma sa sasabihin.

"Okay. Invited ka sa kasal ko.. pinsan." namumula sa pagkapahiya na sabi ni Winter.

"Sure. Hayaan mo hindi ang uniporme ko ang susuutin ko." mapanuyang sabi ni Atlas.

"Salamat." sabi ni Winter habang nakatitig ito kay Atlas.

Napatitig si Atlas kay Winter at nakita niya ang kasiyahan sa mga mata nito kaya napailing na lamang siya.

"Sana maging masaya ka nga." sabi ni Atlas.

"Oo naman. Nahanap ko na siya." napangiting sabi ni Winter na ikinaiwas ng tingin ni Atlas.

Tumalikod si Atlas pero hinawakan ito sa braso ni Winter.

"Huwag kang gagawa na ikakasira at ikakagulo ng pamilya ko... natin. Puwede bang iyon ang iregalo mo sa akin ngayon graduation ko." sabi ni Winter kay Atlas.

"Mahal mo ang pamilya mo, halatang halata." sabi ni Atlas.

"Oo, kasama ka sa pamilya ko. Kaya please, huwag mo hayaan na magkagulo uli ang pamilya natin." sabi ni Winter.

"Oo." sabi ni Atlas.

Binitawan ni Winter ang braso ni Atlas pero nagulat ang binata ng yakapin siya ni Winter.

"Huling yakap ko sayo, dahil may yayakapin na ako." nakangiting sabi ni Winter.

"Bakit hindi na lang ako?" biglang sabi ni Atlas na ikinaluha nito.

Tiningnan ni Winter si Atlas na agad na pinunasan ang luha sa mga mata kaya hindi nakita ng dalaga.

"Pinsan kita, at kahit adopted ka lang pinsan pa rin ang tawag sa atin at hindi ako papatol sa kamag-anak ko." sabi ni Winter habang nakayakap ito kay Atlas.

"Winter."

Napalingon ang dalawa ng makita si Damian at seryosong nakatingin sa dalawa.

"Damian, si Atlas nakilala mo na siya sa cottage. Pinsan ko." nakangiting sabi ni Winter sabay bitaw sa pagkakayakap kay Atlas at nilapitaan ng dalaga ang nobyo.

"Oo. Pinsan mo rin siya." seryosong sabi ni Damian.

"Mauna na ako." sabi ni Atlas at nagmamadali itong umalis.

Napatingin si Damian kay Atlas ng umalis ito, saka ito tumingin kay Winter na nakangiti sa kanya.

"Nasa loob si Elle, kakatukin ko lang." sabi ni Winter.

"Okay." sabi ni Damian at sinamahan nito si Winter na sakto naman paglabas ni Elle ng restroom

"Tagal ko ba?" nakangiting tanong ni Elle.

"Oo." birong sabi ni Winter

"Hugas ako ng kamay, tatlong beses ako nag-sabon." sabi ni Elle sabay amoy ng kamay kay Winter.

"Ang bango nga." nakangiting sabi ni Winter.

"Marunong na ako mag-isa." sabi ni Elle.

"Baby ka pa rin." sabi ni Winter.

"Pag kinasal na kayo ni Kuya Damian, isa na lang ako na baby girl nila Papa at Mama." sabi ni Elle.

Tumingin ito kay Damian na nakatingin sa kanya. Napangiti si Damian at nginitian nito si Elle.

"Bibisitahin ka namin o bibisitahin mo kami." sabi ni Damian kay Elle.

"Sabi mo iyan ha." sabi ni Elle kay Damian.

"Oo naman." sabi ni Damian at nagulat ito ng yakapin siya ni Elle.

"Mahalin mo ang ate ko at alagaan. Huwag mo siyang saktan." malambing na sabi ni Elle.

"Oo." sabi ni Damian kay Elle.

...................

Bulwagan

"Whoah, nakita mo iyan. Makaalog talaga parang... ohhh ang sarap hawakan." pilyong sabi ni Wine sa mga kaibigan na kanina pa nagtutulakan sa unahan.

"O, di ba, mabuti sumama ka. Nakita mo ng malapitan." sabi ni Rhythm.

"Sandali bubukaka." sabi ni Wine na ikinatutok ng mga mata ng mga batang lalaki.

Nanonood ang mga ito ng dance number sa party sa grupo ng mga babae na galing sa El Casa. Nasa harap ng stage ang mga batang lalaki at kanina pa naghihiyawan na ikinaiiling lamang ng mga magulang at mga lolo ng mga ito.

"Whoaaaahhhh!" sigawan ng mga ito ng mag split pa ang mga babae sa harapan nila.

"Saan si Wine?" kunot noo na tanong ni Elle ng makarating ito sa mesa ng mga kagrupo.

Nagtinginan ang apat na lalaki at umiwas ng tingin si Autumn sa kapatid dahil alam niyang magwawala ito kapag makita nito ang kanina pang humihiyaw na si Wine kasama ang mga kaibigan nito sa harap ng stage.

"Binge kayo? Saan si Wine?" sigaw ni Elle na ikinatingin ng seryoso ni Autumn kay Elle.

"Kuya si Wine?" napahinang tanong ni Elle ng titigan siya ni Autumn sa pagsigaw niya.

"Umupo ka diyan dahil may kausap lang." sabi ni Autumn na ikinatawa ng apat na pinsan ng mga ito.

"Sino?" sabi ni Elle kay Autumn.

"Hindi ko kilala, baka teacher niya." seryosong sabi ni Autumn sabay siko ni Chhaya dito na ikinatawa ng apat na mga pinsan nito.

"Busy." sabi ni Heaven kay Elle.

"Busy?" nagtatakang sabi ni Elle.

"Upo ka lang diyan, darating din iyon." sabi ni Aqua kay Elle.

"Ako loko niyo?" sabi ni Elle na ikinatawa ng apat na pinsan nito.

"Hindi ka namin niloloko." sabi ni Blaze kay Elle.

"Bakit ka naman namin lolokohin?" sabi ni Bullet kay Elle.

"Wine!!!!" sigaw ni Elle na ikinatingin ng lahat dito.

"Aisssst, huwag kang sumigaw ng ganyan dito." sabi ni Autumn kay Elle.

"Tago niyo si Wine." sabi ni Elle at natawa ang mga ito ng tingnan ni Elle ang ilalim ng mesa.

...............

"Wine si Elle hinahanap ka." sabi ni Ion kay Win ng marinig ng mga ito ang sigaw ni Elle.

"Sa kabila ako dadaan." sabi ni Wine at nagmamadali itong umikot ng daan.

"Hahahaha, ang hirap naman ng kalagayan ni Wine." sabi ni Rhythm habang tinitingnan ng mga ito si Wine na umikot ng daan para hindi mahalata na sa stage ito galing.

"Bata pa lang siya dapat nagsasaya siya." naiiling na sabi ni Dim.

"Inuto niya kasi ang kapatid ko kaya mabuti lang iyan sa kanya." nakangising sabi ni Ash sa mga kasamang bata.

.....................

"Wine!!!!!" malakas na sigaw ni Elle na kahit tinitingnan na ito ng mga lolo at tatay nitong si Orion hindi ito tumitigil sa pagsigaw.

Pinagtatawanan na nga ito nila Malic sa kabilang mesa dahil namumula na sa inis si Elle.

"Pare iyong anak mo, hindi takot sayo?" natawang sabi ni Martein kay Orion habang nakatingin sila kay Elle na kanina pa sumisigaw sa pangalan ni Wine.

"Bata pa kasi, hinihintay ko lang matauhan." seryosong sabi ni Orion pero kanina pa niya gustong paluin sa puwet si Elle dahil lumalala ito habang tumatagal na kasama si Wine.

"Magwawala iyan kapag hindi pa dumating si Wine na.... Ayon! naghahanap ng daan kung paano lulusot," tumatawang sabi ni Malic sabay siko ni Venus dito na ikinatawa lalo ni Malic.

...................

"Wine!!!!" sigaw muli ni Elle.

"Nandito na ako, kumuha lang ako ng pagkain." nakangiting sabi ni Wine kay Elle na ikinatawa ng mga kagrupo.

Tiningnan ni Elle si Wine may dala nga itong pagkain kaya napaupo na siya.

"Mahirap?" tumatawang sabi ni Heaven kay Wine.

"Hindi naman." nakangising sabi ni Wine kay Heaven sabay tabi kay Elle.

"Utuin mo pa para mas mahirapan ka pa." tumatawang sabi ni Aqua.

"Uto mo ako?" biglang tanong ni Elle kay Wine na ikinatahimik ng grupo.

"Hindi ah." mabilis na sabi ni Wine.

"Uto-uto ako?" nanlalaking mata na sabi ni Elle.

"Hindi ah." mabilis na sagot uli ni Wine.

"Kiss." ngusong sabi ni Elle.

"Elle."

Napatingin ang lahat ng magsalita si Damian at seryoso itong nakatingin kay Elle na ikinatakot ng batang babae.

"Mag behave ka, lalaki iyan at babae ka. Hindi mo kailangan hanapin si Wine, kapag wala siya dahil kusa iyan pupunta sayo kung gusto ka niya. Nauunawaan mo?" seryosong sabi ni Damian ni Elle, na ikinatingin ng magkakapatid na Autumn, Winter at Run kay Damian.

"Opo." sabi ni Elle na halatang natakot ito kay Damian.

Napatingin ang grupo kay Damian na binalingan na si Winter at kinausap.

"Kain tayo." sabi ni Wine kay Elle pero hindi na ito umimik na tila naunawaan talaga ng batang babae ang sinabi ni Damian.

"Hindi na ako, aalis." sabi ni Wine kay Elle na hindi umiimik kaya kinabahan si Wine.

"Hala, natauhan na." mapang asar na sabi ni Bullet kay Wine na ikinatingin ni Wine dito.

"Babay na Wine." mapang asar na sabi ni Aqua ng makitang tahimik ang pinsan nilang si Elle na tila nag-iisip nga ito.

"Elle, bati na tayo." sabi ni Wine at binigay nito ang spaghetti na kinuha nito pero hindi umimik si Elle.

Napatingin si Wine kay Elle at napabuntung hininga ito ng makitang wala na sa mood ang batang babae para kausapin siya.

"Sandali lang ha." masuyong sabi ni Wine kay Elle at ng hindi pa rin nagsalita si Elle tumayo si Wine at umalis sa mesa ng grupo.

...............

"Okay ka lang?" sabi ni Autumn sabay hawak ng kamay ni Chhaya.

"Oo naman." sabi ni Chhaya kay Autumn.

"Sa Cave House tayo bukas." sabi ni Autumn

"May gagawin ako." sabi ni Chhaya.

"Ano? Sasamahan kita." sabi ni Autumn.

"PUpunta ako sa University." sabi ni Chhaya.

"Kaya nga sasamahan kita kahit saan." sabi ni Autumn.

"Marami akong gagawin bukas." sabi ni Chhaya.

"Mag celebrate tayo ng graduation natin, date." sabi ni Autumn.

"Okay pero saka na." sabi ni Chhaya. Napatingin lamang si Autumn kay Chhaya dahil kung dati lagi niyang kabuntot ito pero dumating na lang ang araw na nagsosolo na ito sa mga lakad.

✍️✍️✍️✍️✍️✍️

May 8, 2021 1.01pm
FifthStreet1883

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top